Share

SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND
SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND
Author: Arnoldd

Chapter 1

CANDICE

“Nakabusangot kana naman, naiisip mo na naman ang future husband mo noh?” saad ni Elora, naglalakad siyang papalapit sa akin.

“Hay naku bes, isinusumpa kong hindi ako mag-aasawa ng isang hambog! Sinira niya ang bakasyon namin, ganyan ba ang mayaman bes? akala niya lahat nabibili ng pera!” galit na saad ko.

Talagang kumukulo ang dugo ko sa tuwing maaalala ko ang lalaking iyon, sayang ang magandang itsura nya, kabaligtaran iyon ng kanyang pag-uugali.

“Sshitt!!!” galit na sambit ng lalaking nabangga ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nawasak sa kanyang damit ang hawak kong Footlong Sandwich, puting -puti pa naman ang suot nitong beach shirt.

Napatingin ito bigla sa akin na punong-puno ng galit ang mga mata.

“Sorry? Sorry? That's all you can say? Sorry! Do you have any idea how much it is?” singhal nito sa akin. Napaurong ako sa pagkakatayo dahil sa inasal nya. Nahihiya akong lumingon at tumingin sa paligid ko. Lahat ng tao na naroon sa beach ay natigilan at nakatitig sa amin, dahil sa malakas na boses ng lalaking kaharap ko. Muli kong pinihit ang aking ulo upang harapin ang lalaki. Ngunit bago ko pa mabuksan ang bibig ko ay muli na naman siyang nagsalita ng pasigaw.

“ That kind of ketchup you used for your hotdog is so cheap! Don't you know that it will leave a stain on my shirt? Alam kong sinadya mo akong banggain dahil gusto mong mapansin kita! Sorry miss, a girl like you is not my type!” nag-aalimpuyo nitong sabi.

“Aba sumuso…” ngunit bago ko pa man masambit ang mga sasabihin ko ay tumalikod na ito at iniwan ako. Pailing-iling pa ito habang naglalakad papalayo sa akin.

Nakatayo lang ako habang pinagtitinginan ng mga tao. Nanginginig ang mga tuhod ko sa galit, alam kong kahit hindi ako manalamin, namumutla ako dahil sa sobrang kahihiyan na sinapit ko.

“Candice, what happened?” humahangos na tanong ni Xander, isa sa mga kaibigan na kasama ko.

“We were talking when we suddenly heard a man screaming. What happened?” sunod pa nitong tanong. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na mapapahiya ako ng ganoon sa harap ng maraming tao.

Tiningnan ko ang mga palad ko na namumula dahil sa ketchup, kumuha ako ng tissue sa isang bakanting table na nasa harap namin at pinunasan iyon, saka ko niyuko ang aking ulo at bahagyang hinawi ang buhok ko upang matakpan ang gilid ng mukha ko, habang naglalakad kami pabalik sa aming cottage.

“AAAAAAhhhhh!!!!!” sigaw ko ng makarating kami sa loob ng cottage.

“Napakayabang! Akala mo kung sinong makasigaw saakin, bakit pinalamon nya ba ako?” nag-aalimpuyo kong sabi.

“Don't you know that guy? His name is Gabriel, anak ng milyonaryo,” saad ng isa ko pang kaibigan.

“Ah! Wala akong pakialam kung sino pa sya! Isinusumpa ko ang araw na ito! Na sa susunod naming pagkikita, sisiguraduhin kong gaganti ako sa kanya!” punong galit kong pagkakasabi.

“Naku Candice, huwag ka ngang papaapekto masyado sa lalaking iyon, mag-enjoy nalang tayo. Total nandito naman tayo para mag celebrate dahil sa wakas naka-graduate na rin tayo sa college,” saad ni Xander.

“Alam mo naman na ayukong pinapahiya ako, isa pa hindi makatarungan ang ginawa niyang pamamahiya sa akin, alam nya namang hindi ko iyon sinadya! ang isa pang kinakagalit ko, sinabihan nya ako na nagpapansin sa kanya! Ni hindi ko nga siya napansin kaya nabangga ko!” giit ko.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng bigla akong hampasin ni Elora sa braso.

“Araaay!! Sobra ka talaga, mapanakit ka!” angal ko sa kanya.

“Kasi ikaw iniisip mo na naman ang nangyari, pwede ba bes, kalimutan mo na ‘yon ha! Wag mong sisirain ang mood mo araw-araw dahil dun! Divert your mind! Hindi ka masasaktan kung hindi mo iisipin," sabi nya.

She has a point sa sinabi nya. Masyado lang talaga akong naapektuhan, dahil ito ang unang beses na may nagpahiya sa akin at sinigaw-sigawan ako sa harap ng maraming tao.

“Bes, samahan mo ako sa office ni Mom, she needs to talk to me,” saad ni Elora.

Nasa loob lang naman ng mansion ang opisina, kaya sabay na kaming naglakad papunta roon.

“Bes, wait for me here,” aniya saka nito sinara ang pinto.

Ilang minuto pa ang lumipas at muli itong bumukas.

Bumungad sa akin ang mukha ni Elora, namumula ang kanyang mga mata.

She was crying and looked terrible. Ano kayang masamang balita ang sinabi ni Tita Bea sa kanya?

“Bes, why are you crying?” tanong ko sa kanya habang himas-himas ko ang kanyang likod. Kinagulat ko ng bigla siyang sumalagmak sa upuan at umiiyak.

"Bes, what happened?” Umagapay na rin ako at tumabi sa kanya.

“Bes, please help me. Mom told me na nagkaroon pala sila ng malaking utang noon sa mayamang mag-asawa na kaibigan nila. They wanted to pay already, but they refused to accept the money,” bumuhos ang mga luha na animoy gripo sa kanyang mga mata, habang sinasabi iyon.

This is the first time I saw Elora in this situation. Sa tagal naming magkasama hindi pa siya umiyak ng ganito sa harap ko.

“Ayaw tanggapin? Eh di mas maganda diba?” tumawa pa ako ng parang nakakaloko.

“D-Dahil gusto nila na ako ang kabayaran sa isang bilyong utang ng mga magulang ko," aniya.

“Aba! Salanggapang pala yang pamilya na yan bes! Bakit ikaw ang kabayaran? Mahirap na palang humiram ng pera sa ngayon dahil pwedeng ikaw na ang kapalit! My God, what is happening to this world?” eksaherada kong sabi.

“Gusto nila akong ipakasal sa nag-iisa nilang anak na lalaki na kasalukuyang CEO sa kanilang kumpanya," napanganga ako sa sinabing iyon ni Elora.

Naawa ako sa kanya, ramdam ko ang pagkaipit ni Elora sa sitwasyon. Aniya pa gusto raw kasi ng mga magulang na tumino ang anak nilang CEO kaya gusto nila itong ipakasal kay Elora. Mantakin mo ‘yon? Bakit sigurado ba silang magbabago ang lalaking 'yon kapag kinasal ito kay Elora? Bulong ko sa sarili.

Biglang tumingin sa akin si Elora, bigla akong kinabahan sa mga titig niyang ‘yon.

“Oh bakit bes, bakit ganyan kang makatingin sa akin?” tanong ko.

“Candice,” hinawakan niya ang mga kamay ko sabay tumingin ng diretso sa mga mata ko.

“Elora Hidalgo? Why are you looking at me like that?” muli kong tanong.

“May naisip na kasi akong paraan bes, actually nasabi ko na ito kay mum, pero kailangan ko pa kasi ang pahintulot mo,” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

“C-Candice, can you s-seduce him for me?” pikit mata nitong pakiusap sa akin.

W-what? SEDUCE? teka tama ba ang narinig ko? aakitin ko ang lalaking iyon? anong alam ko sa pag s-seduce ng isang lalaki? v****n pa ako, Bulong ng isip ko.

“Hindi mo kailangang sagutin agad ngayon Candice,” pagkuwa’y sabi niya.

“Nagbibiro ka ba Elora? Bawiin mo yan bago pa ako himatayin dito,” seryosong sabi ko.

Ngunit tila mas mukhang seryoso ang mukha nito kaysa sa akin, ni hindi kumukurap ang kanyang mga mata, kinabahan na ako.

“Hindi mo naman siya kailangang pakasalan, you just need to seduce him, make him fall in love with you and once you got his attention and if he's already in love with you all you need to do is to convince him to accept the 1 billion pesos na bayad sa utang namin. And after that tapos na ang pagpapanggap mo,” sabad ni Tita Bea, kanina pa pala ito sa likod ko.

“W-Wala po akong alam kung paano mag seduce ng isang lalaki tita,” nauutal kong sabi.

“Don't worry Candice, I can help you with that. Madali na lang yan sa panahon ngayon, lahat makikita mo na sa internet, just please help me," paliwanag naman ni Elora habang hawak ang dalawa kong kamay at nakalapit sa dib-dib nya.

Para sa akin isang mabigat na responsibilidad ang ibinibigay nila sa akin, labas ako sa usapang pamilya nila but sieng Elora's eyes, para siyang nagkaroon ng pag-asa and I don't think I have a heart to say no to her.

Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

It was two weeks ago, simula ng pumayag ako sa pakiusap ni Elora. malaki ang utang na loob ko sa kanilang pamilya at sa ganitong paraan lang ako makakabawi, kaya ako pumayag.

And today I will meet the man that I need to seduce for Elora.

habang papalapit ang oras mas lalo namang tumitindi ang kaba na nararamdaman ko.

“Nay, kayo na po ang bahala sa akin,” mahinang bulong ko habang hawak ang maliit na larawan ni nanay sa wallet ko. Tumulo ang luha ko, I feel emotional today, siguro na mi-miss ko lang si Inay.

“Candice, ooh? Why are you crying?” tanong ni Elora. Then she sat on the edge of my bed. Bukas ang pinto ng kwarto kaya dumiretso lang siyang pumasok.

“Wala bes, I just missed nanay,” sagot ko.

“Follow me sa baba if you are ready, okay?” tumango lang ako bilang pagtugon.

Pupunta kasi kami ng parlor ngayon for my overall makeover.

****

Hapon na ng matapos ang makeover. Ilang oras na lang ang nalalabi at makikilala ko na rin ang CEO.

"Wow, Candice, is that you?” gulat na sabi ni Tita Bea. She was staring at me in disbelief.

“Oh my God Candice, look at you. This is the first time we saw your hair so straight. Ang ganda mo!” namula ang pisngi ko dahil sa papuri ni Elora. Natutulala pa ito nang makita ako.

Hindi sila makapaniwala sa itsura ko. Ang hindi nila alam ang sakit ng buo kong katawan, kung ano-ano pinaggagawa sa akin ng mga parlorista.

Kahit hindi sabihin ni Elora sa akin, alam kong kinakabahan rin siya na baka hindi ko magawa ang pinapagawa nila sa akin, hindi nila ako kilala.

I am determined because I owe them my education.

Handa na ako sa gagawin ko, matagal kong inaral ang bawat galaw at mga sasabihin ko sa oras na masolo ko na ang lalaking iyon, ngunit sa kung ano ang magiging resulta ng gagawin ko? iyon ang hindi ako pinaghandaan.

“Bahala na, nakipagkasundo na ako kay Elora. I have no choice but to stand for it.”

Pumasok na ako sa kwarto bitbit ang mga damit na pinamili nila sa akin habang nasa parlor ako kanina.

Hindi sanay ang katawan ko sa ganitong kasuotan pero sabi nila dapat ganito raw ang gamitin ko. Maong na pantalon, maluwag na t-shirt at rubber shoes o tsinelas lang ang laging suot ko. Madalas nga akong mapagkamalang tibo sa school namin. Natawa ako ng tahimik dahil sa naalala ko.

Pangarap ko ang ligawan at suyuin ako ng lalaking magkakagusto sa akin.

Ngunit bakit kabaligtaran ang mangyayari? Aakitin at paiibigin ko ang lalaking kahit kailan hindi ko pa nakikita.

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status