Share

Chapter 3

CANDICE

I was shocked when I saw the man who humiliated me in Boracay weeks ago, sitting beside me on a bar counter at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang suot niyang ripped jeans at brown jacket, match iyon sa sinasabi ni Elora na suot ng CEO.

Hindi ko siya pinansin kahit makailang beses pa siyang nagtanong kung bakit ko raw siya tinititigan.

Kung suplado sya mas suplada ako at hindi ako basta-basta magpapatinag sa kanya, hindi ko hahawakan ang kopita dahil mahahalata niyang nanginginig ang mga kamay ko.

Kanina pa ito nakatitig sa akin habang umiinom ng alak. nakakatunaw ang kanyang mga tingin, ngunit nagkukunwari akong hindi siya nahahalatang nakatitig sa akin.

Para tuloy akong naiilang, pakiramdam ko ay nasa hot seat ako.

Pinakita kong hindi ako katulad ng ibang babae na nagkakandarapa na makausap at mapansin nya, katulad sa paratang niya sa akin ng ipahiya niya ako.

This is my plan. Instead of me seducing him, I will just make a move for him to notice me, so that he will be the one who comes after me and not me chasing him. Aba! nakakabawas point iyon sa beauty ko! kaya dapat kong galingan para siya ang magkandarapa na gumawa ng paraan para mapalapit sa akin.

Maganda ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, sh*t ang gwapo pala niya, sabi ng isip ko.

Hoy Candice tumigil ka! baka nakakalimutan mo ang misyon mo! Saway ko sa malikot kong imahinasyon.

Ilang minuto lang at lalabas na rin naman ako dito, ito kasi ang plano ko, magpapapansin ako sa kanya at kapag nakuha ko na ang atensyon nya, saka ako lalabas.

*****

“Candice? What happened? Bakit tulala ka? Hoy!” malakas na tawag ni Elora sabay tinapik ako sa balikat, kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh bakit ka namumula at humahangos pa?" hinawakan ko ang dibdib ko habang dahan-dahan kong kinakalma ang sarili ko. tawagin na niya akong OA pero talagang nabigla ako ng husto sa nakita ko.

"Elora, ano nga uli suot ng CEO?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing masiguro na tama ako.

"Ano ba yan, hindi mo ba siya nakita? He is wearing ripped jeans, a white shirt on top, and a leather jacket with gray rubber shoes. Medyo may balbas, gwapo at matangkad, headturner sya dahil sa lakas ng appeal."

"Naku Elora, kinakarma ba ako? masama ba akong tao?" nagmistulang akong bata na nagkunwaring umiiyak at mahinang sinu-suntok-suntok ang binti ko.

"Bakit? anong koneksyon sa ipinunta natin dito?"

"Alam mo ba iyong lalaking kinaiinisan ko at ang CEO ay iisa!" Biglang napatingin si Elora sa passenger side kung saan ako nakaupo.

"Huh! totoo ba?" gulat niyang tanong.

"Oo bes, naku mukha yata'ng mahihirapan ako sa misyon ko. parang gusto ko ng umayaw bes!"

"Bes, please, you can do it! ayaw mo nyan? Makakaganti kana sa kanya," saad niya.

"Joke lang!" at saka ako tumawa ng parang nakakaloko.

"Ikaw talaga tinakot mo ako! alam mo naman na ayoko pang mag-asawa bes, at hindi katulad niya ang tipo ko kahit ubod pa siya ng gwapo," seryosong sabi ni Elora.

"Alam mo, he is so intimidating, suplado. Nagalit pa nga sya sa akin nang makitang nakatitig ako sa kanya. para kasing umurong dila ko sa pagkabigla, hindi ko naman akalain na siya pala si Gabriel. Ano ba naman itong nangyayari bes?" sabi ko. Pero effective ang ginawa ko, dahil sigurado akong iisipin niya ako mamayang gabi paguwi niya, panigurado iyon.

Dumiretso kami sa apartment na nirentahan nila para sa akin, hindi kasi ako pwede sa mansion dahil baka malaman ni Gabriel na magkakilala kami ni Elora, dahil siguradong masisira ang mga plano namin.

Malaki ang apartment at malapit lang ito sa pinaka ciudad kung saan maraming bar sa paligid. Ayon kasi sa source namin, palagi raw itong laman ng bar sa gabi at naisip kong mas madali akong mag-papansin sa kanya kung parati niya akong makikita.

"Candice, paano maiwan muna kita rito ha. Puno naman ng laman ang fridge at kung may kailangan ka tumawag ka lang sakin, okay? para mahatiran ka rito ni manang." yumakap sa akin ng mahigpit si Elora.

"Candice, ngayon palang sobra-sobra na akong nagpapasalamat dahil sa pagpayag mo na gawin ito para sa akin."

"Naku magkakaiyakan pa tayo niyan, sige na bes, kaya ko na rito."

hindi sa pinagtatabuyan ko siya kaya lang nalulungkot rin kasi ako at ayukong maiyak. Ngayon lang ako nahiwalay sa kanila para ko na rin kasi silang pamilya.

pagkahatid ko sa labas kay Elora ay bumalik ako sa loob upang magligpit ng mga gamit ko.

Iniisip ko pa rin si Gabriel. Sana hindi maapektuhan ang misyon ko dahil sa galit ko sa kanya. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko ang pamamahiyang ginawa niya sa akin.

GABRIEL

Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko ang misteryosong babae kanina sa bar.

Paghinto ng elevator ay lumabas na ako at nakapamulsang naglakad papunta sa unit ko.

"D-Dad?" nabigla ako ng makita kong nasa labas ng condo unit ko si dad while patiently waiting habang nakasandal sa tabi ng pintuan. Lumingon ito ng marinig ang boses ko, ngumiti siya ng makaharap na saakin.

Bakit kaya nandito si dad? sabi ng isip ko, nagmamadali akong lumapit sa kanya.

"Dad, kanina ka pa rito?" tanong ko.

"No, hindi naman, kararating ko lang. hinintay talaga kita."

"Pasok kayo dad," anyaya ko sa kanya. at saka sabay kaming na upo sa living room.

"I'm sorry dad, medyo makalat," sabi ko.

"Don't worry, son, I am here to talk to you."

"What about dad?" kinabahan ako sa sinabi ni dad, but may kaunting excitement akong nararamdaman dahil ito ang unang pagkakataon na mag-uusap kami ni dad. Medyo nahihiya pa ako dahil hindi ako sanay na ganito kami.

"Do you have beer? Why don't you get one for us?" Mabilis akong tumayo ng marinig ko ang sinabi dad.

"You know, maybe you are thinking that I don't love you. Because I never defended you to your mom, but the truth is I love you both so much. Maybe you noticed that everytime you and her fought in front of me I always chose to leave, because it's so painful in my part to see the two of you are always fighting. what you don't know is I always talk to your mom after that." nakita kong tumulo ang luha ni dad kaya hindi ko maiwasang maiyak na rin, masakit palang makita na umiyak si dad sa harap ko, mahabang panahon kong inakala na walang pakialam sa akin si dad ngunit mali pala ako.

"I'm sorry dad, if I have this much anger in my heart. I always feel alone and I never feel that mom loves me. She is always choking me, always forcing me to do things that are against my will. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, pakiramdam ko ang sarap ilabas lahat ng mga saloobin ko ngayon, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ang masabi ko lahat ng nilalaman ng loob ko.

"Mahal na mahal ka ng mommy mo, it's just she expresses her love in different ways, she's always over-protective." paliwanag ni dad.

"I love her because she's my mom, but dad, it's not right that she's the one who will find a girl for me. I think that's too much,” huminga ng malalim si dad. Hindi sinagot ang sinabi ko, naisip ko na baka it's too much on his side if I take everything out on him right now. Alam kong may sakit si dad and hindi siya pwedeng ma stress.

"Elora was also a victim just like you. Her family owes 1 billion pesos to our company. And your mom wants their daughter to marry you. Bilang kabayaran sa malaking pagkakautang nila, gusto kasi ng mom mo na maging maayos ang buhay mo. Kaya siya naghanap ng maayos na babae para sayo," nagulat ako sa sinabing iyon ni dad. hindi ko akalain na kayang gawin iyon ni mom, pati pala ibang tao gusto niyang kontrolin, pinigilan ko nalang na magsalita pa ng masama kay mom dahil ayokong ma stress si dad, kaya iniba ko nalang ang usapan.

"Dad, I saw a girl tonight and I never feel this way before, I don't know why I can't stop thinking of her," ngumiti ako habang naaalala ko ang magandang itsura ng babae kanina sa bar.

"I can see those sparkling eyes of yours," nakangiting wika ni dad.

"How about Elora? You don't feel anything for her?" aniya pa.

“I told you before that I don't like girls. But the girl in the bar I saw tonight, she changed my mind about girls. She's not like other girls who make a move to talk to me. Kakaiba sya dad, dahil ng makita niya ako hindi niya ako pinansin. That makes me more interested in her," kwento ko. ewan ko ba pero pakiramdam ko gusto ko sya laging pag-usapan and I can't wait for tomorrow, sana makita ko sya ulit.

"Don't worry, I will try to talk to your mom about Elora."

"Thank you dad, all these years I thought that you never care about me," Niyakap ko ng mahigpit si dad, dalawang beses niya akong tinapik ng malakas sa balikat.

"I'm so happy that we got to see and talk, son. I want you to know that I'm your father and if something hurts you that means it's more painful to me," tumayo si dad at nagpaalam na sa akin.

"It was nice talking with you dad, see you at the office," ngumiti ako at nagpaalam kay dad.

Pagkatapos ko siyang ihatid sa baba, bumalik na ako rito sa unit ko, niligpit ko ang kalat saka ako naligo at nahiga sa kama, it's almost 12 am na pala.

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. It's 4 o'clock in the morning.

"Y-Yes mom? Why are you calling this early?" tanong ko. Hindi siya nagsasalita at puro paghikbi lang ang naririnig ko.

"Mom? mom? if you are going to act this way, I will cut the call. I am going back to sleep, bye mo…" naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si mom.

"Y-You're dad had a heart attack," huling dinig ko na sinabi ni mom sa kabilang linya, bago tuluyang bumagsak sa sahig ang hawak kong cellphone.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status