Share

Chapter 2

GABRIEL

Napapikit ako sa pait ng iniinom kong 30 YO Johnnie Walker Scotch Whisky, isa sa pinakamahal na alak sa mundo, habang prenteng nakaupo sa swivel chair at tinatanaw ang abalang ciudad. Kitang-kita ito mula sa bintana ng opisina ko na nasa ika 48th floor ng building.

My parents are rich. They own a multi-billion company. Everybody's dream was to be in my position. They didn't know that I had a difficult situation because of my mom.

Mahirap maging anak ni mommy. Being her son is like a curse. I always have to listen to her. I have no choice, because what she wants, she gets.

Naaawa nga ako kay daddy dahil sunod-sunuran siya kay mommy. Kaya sabi ko sa sarili ko hindi ako magmamahal, tatanda akong binata. Takot akong matulad sa akin ang magiging anak ko.

My dad told me that my mom was the sweetest girl he ever met, but after they got married, she changed a lot. She became bossy, nagging too much and aggressive. The most painful part for him is that she stopped caring.

Sa bahay daig ko pa ang nasa military, everything is monitored by mom, every decision that has been made needs to be with mom's consent. Daig pa ni mommy ang heneral.

Kaya nang makaalis ako sa mansion para akong ibon na nakalaya sa hawla.

Ito ang hiniling ko sa kanyang kapalit ng pagiging CEO ko sa kumpanya.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko at bahagyang napaangat ang p**t, nagulat ako dahil sa malakas na pagbagsak ng pinto.

“You are drinking? Early in the morning, Gabriel!” Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa opisina ko. Inikot ko ang swivel chair para humarap sa kanya.

“Mom, please, I'm twenty seven years old. Please stop dictating my life!” reklamo ko sa kanya. She hates it when I talk back to her, kaya naman agad nagsalubong ang kanyang mga kilay.

“You can't talk to me like that! Simula ng umalis ka sa mansion nag-iba kana. It's because of your friends! You are always out late at night partying and drinking!” exaggerated as usual.

“Mom, why are you here?” Tanong ko para umalis na siya agad dahil nagsisimula na naman ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

“Later, may pupuntahan tayo, you will marry my friend's daughter, whether you like it or not! papakasalan mo ang babaeng napili ko para sayo!” saka ito biglang pumuhit patalikod at mabilis na lumakad papunta sa opisina ni daddy na halos katabi lang ng opisina ko.

“W-What mom? Wait a minute mom! Talk to me! Mom!” tawag ko sa kanya habang mabilis ko siyang hinahabol. Lahat ng mga tao sa cubicle ay umangat ang ulo at nakatingin sa aming dalawa ni mommy, habang naghahabulan kami sa hallway.

“What the f**k! don't do this mom please!” halos sumisigaw na ako para lang pakinggan niya ako.

But knowing my mom? No one can stop her, pero sinubukan ko pa rin na habulin siya hanggang sa makarating kami sa loob ng opisina ni daddy.

“Why not? Huh! Sisirain mo ang buhay mo? You are always drinking! I know what is best for you because I am your mother!" malakas niyang pagkakasabi.

Nasa harap kami ni Daddy, pero nakatitig lang ito sa amin. Katulad ng dati wala siyang sasabihin ng kahit ano para lang ipagtanggol ako, actually wala siyang kinakampihan sa aming dalawa ni mum.

Bumaling ako ng tingin kay Daddy, tingin na nakikiusap na “please help me, please tell mom not to do this to me.” Pero wala katulad ng dati, tumayo ito at lumabas ng kanyang opisina at iniwan ako habang pinagtatanggol ko ang sarili ko kay mom.

Para akong isang hangin na hindi man lang nakita ni daddy. Kahit noong bata pa ako, daddy never takes my side.

Tumalikod na lamang ako at iniwan si mommy na hindi pa rin matigil sa pagsasalita. Para akong bingi na lumabas, ayaw ko syang pakinggan dahil alam ko naman na lahat ng sasabihin niya ay labag sa kalooban ko.

Dumiretso ako sa loob ng sasakyan ko na ngayon ay naka-park sa basement. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing mapapagod ako sa pag-intindi sa mga magulang ko, ang galing noh? kumpleto sila, isang sobrang makialam at isang walang pakialam.

Ang sakit lang na nag-iisa akong anak, but I feel like I am unimportant to my parents. My feelings do not matter to them. I have no voice to say what I want, and I have no freedom to choose what I like.

Tumulo ang luha ko, kahit lalaki ako mas madalas pa yata akong lumuha kaysa sa mga babae.

Akala siguro ng iba maganda ang buhay ko dahil mayaman kami. hindi lang nila alam ang mga pinagdadaanan ko. Sa office, palagi akong nakasigaw sa mga empleyado ko, masungit ako sa mga tao sa paligid ko lalo na sa mga babae. Ito ang paraan ko para itago ang mabigat na katotohanan na isa akong duwag at walang magawa kundi ang maging sunod-sunuran kay mommy.

Maaga akong umuwi sa condo ko, halos ilang oras na akong nakahiga at nakatitig sa kawalan, parang gusto kong umalis at magpakalayo-layo para lang matakasan si mom, pero saan naman ako pupunta? My mom has a lot of connections. I know my mom so much, alam kong ilalagay niya sa media ang mukha ko at mapapahiya lang ako sa mga taong nakakakilala sa akin.

I have never attended any party sa bahay even before. Kaya hindi ko kilala ang mga kaibigan nila. Who is this mysterious girl? Gusto rin kaya niya ang ikasal sa akin o labag din ito sa loob nya katulad ko? There are so many questions in my mind right now.

Tatlong beses na sunod-sunod na katok ang pumutol sa iniisip ko.

Tumayo ako at sinilip sa peep hole kung sino ang nasa labas.

“Of Course si Mang Elly,”nasambit ko, napailing nalang ako. Talagang naninigurado si mom na pupunta ako dahil pinasundo pa niya ako sa driver nya.

“Sir susunduin ko raw po ka…” pinutol ko ang sasabihin pa sana ni Mang Elly.

“I know what you are going to say, Mang Elly, pinapasundo nya ako at binilin pa sayo ni Mommy kung ano ang dapat kung isuot pati na rin ang kulay ng sapatos, hindi ba?” Tumango si Mang Elly na medyo natatawa pa dahil sa sinabi ko.

“I told you, I know mom very well. Bumaba na kayo Mang Elly at hintayin mo nalang ako sa sasakyan,” utos ko at agad naman itong sumunod sa sinabi ko.

“S-Sir, b-bakit po ganyan ang suot mo?”

“SShhhh… Mang Elly relax, akong bahala kay mom,” sabi ko sa kanya.

Sa harap ng exclusive restaurant pumarada si Mang Elly, before I got out of the car, I saw mom and dad inside talking to a couple who were about their age with a young girl, she seemed quiet at mukhang biyernes santo ang mukha.

I don't want to be a bad guy, but I felt relieved when I saw her sad because that means this marriage is also against her will.

Agad nagsalubong ang mga kilay ni Mom ng makita ang suot ko. Sinalubong niya ako sa may entrance door ng restaurant.

“Why are you wearing ripped jeans? For heaven’s sake, Gabriel, talagang hihiyain mo ako!” bulong niya na may pag-gigil habang mahigpit na hawak ang braso ko.

"Siguro, after this meeting, mag-iinom kana naman!” she whispered angrily.

“Mom, please let's go and finish this nonsense dinner meeting!” saka ko iniwan si mom at naglakad palapit sa lamesang kinaroroonan ng lahat.

Natapos rin ang pag-uusap, napagkasunduan ng mga parents namin na bigyan muna ng kaunting panahon, and after one year, whether we like it or not, the wedding continues.

Pabor iyon sa akin dahil marami pang mangyayari sa loob ng isang taon, ibig sabihin may pagkakataon pa akong gawin ang gusto ko.

Pagkatapos ay nagpaalam na ang pamilya Hidalgo habang kami ay naiwan sa harap ng restaurant.

“Mang Elly, ingat kayo sa byahe, dad aalis na po ako,” humalik ako sa pisngi ni dad upang magpaalam.

“Where do you think you’re going? Ihahatid ka namin sa condo mo at mag-uusap pa tayo!” sabi ni mom, as usual, galit na naman sa akin.

“Mom, please, I am a grown up,” pagmamatigas ko. Nakita kong hinawakan ni dad ang isang kamay ni mommy at pinisil ito, kaya hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na akong umalis.

Nakaramdam ako ng kunting kurot sa dibdib ko ng makita ang ginawa ni dad. He is taking my side for the first time. Pakiramdam ko ipinagtanggol niya ako kay mommy.

“One cold martini please,” sabi ko bago ako naupo sa bar counter at habang hinihintay ang bartender ay lumingon ako sa likod ko at pinapanood ang mga kabataan na nasa dance floor na sumasabay sa malakas na tugtog ng upbeat music.

“Sir, here's Martini.”

“Ooh thanks finally,” ngumiti ako sa bartender.

Akma akong iinum ng mapansin ko ang isang babae na nakatitig sa akin. Mag-isa rin siya habang nakaupo sa bar counter.

“Miss, why are you staring at me?” kunot noo kong tanong sa kanya. ayaw na ayaw ko pa naman sa isang babae ang tinititigan ako at mukha pa itong napatigalgal ng makita ako.

"Hey! I said, Why are you staring at me?" ulit kong tanong sa kanya at inisa-isa kong sabihin bawat salita na parang tinuturuan ang isang batang magsalita, para lang maintindihan niya.

Hindi pa rin ito sumagot sa tanong ko bagkus inilihis lang nito ang tingin sa bartender at saka umorder ng kanyang iinumin.

Aaminin ko, this girl is kinda hot. Her face looks so cute, and this is the first time that some girl didn't feel excited when she saw me.

Pero muling napakunot ang noo ko dahil sa pinakita niyang rudeness sa akin, mantakin mong hindi man lang ako sinagot sa mga tanong ko, nagmukha tuloy akong ta*** sa harap niya.

Who is this girl? her eyes are beautiful even without emotion," bulong ng isip ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status