Share

Chapter 4

GABRIEL

Dalawang araw na ang nakakaraan simula ng lumipad papunta sa States si mum kasama si dad. Doon kasi magpapa-opera si dad dahil nandoon si Tito Manny, ang kapatid niyang dr. 

Naiwan ako rito sapagkat walang mag-aasikaso sa kumpanya kung pati ako sasama.

Pagkababa ko ng sasakyan ay dumiretso na ako sa loob ng bar. 

Masyadong nakaka-stress ang mga nangyari nitong dalawang araw kaya kailangan ko munang mag relax. 

Habang naka-upo ako sa bar counter at umiinom ng favorite mix-drink ko ay napansin ko ang isang kulay pula na mahabang wallet sa lost and found box na nasa harap ko. 

I remember the mysterious pretty girl beside me the other night, she was holding a red purse just like this one. I am so positive that this is hers. 

But I needed to make sure so I asked Jun, the bartender.

“Excuse me, is there anyone who comes to claim this purse?” tanong ko.

“No one sir Gab, pero tumawag na po siya at iniwan ang address niya. 

Malapit lang po dito ang tirahan niya kaya bukas po pag out ay dadalhin ko nalang po sa kanya.” 

Nagkaroon ako ng ideya na mag volunter para ako nalang ang maghatid sa magandang babae sa naiwan niyang gamit. This might be the chance to know her. 

“Can I get her address? Ako nalang ang magdadala sa kanya,” pumayag naman ito kaagad dahil kilala naman nila ako. 

Hindi ko na inubos ang iniinum ko at dali-dali na akong lumabas para puntahan siya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Excited ako at parang gusto ko ng liparin ang daan papunta sa kanya dahil sa pagmamadali na makita sya. 

Ang sabi ng bartender ay Candice raw ang pangalan niya, what a beautiful name. Bulong ko habang mabilis akong nagmamaneho. Bigla kong naalala na bumili ng something for her, binagalan ko ang takbo ng sasakyan habang naghahanap ng convenient store sa daan.

Kabang-kaba ako habang nakatayo sa harap ng pintuan ng apartment. Inayos ko muna ang damit at buhok bago ko pinindot ng tatlong beses ang doorbell. 

“Y-yes?” bungad niya saakin. Mukhang naistorbo ko yata ang pagtulog niya dahil nakapantulog na siya ng damit.

“Candice? Sorry to come this late, I bring you the purse you left in the bar,” mahinang sabi ko. 

“B-bakit ikaw ang naghatid?” nauutal na tanong niya sa akin. 

“Sorry, It's on my way home kaya naisip ko na idaan na rito. Can I come in?” kinapalan ko na ang mukha ko dahil mukhang wala siyang balak na papasukin ako sa loob.

“S-sure sige pasok ka,” saka siya umurong para bigyan ako ng daan papasok sa loob.

Pina-upo niya ako sa sala.

“Wait for me here okay? Magpapalit lang ako ng damit,” saka siya nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto. 

Hindi ko maiwasan na hindi ma-pasulyap sa magandang hubog ng kanyang katawan. 

Napaka-sexy nya. Ang tambok ng pwet at malulusog ang kanyang dib-dib.

Maliit lang ang kanyang apartment at mukhang bagong lipat siya dahil amoy bago pati na ang sofa. Ilang sandali lang at lumabas na rin siya sa kwarto. 

Nagulat ako sa suot niya pero hindi ako nag pahalata. Ang buong akala ko ay maluwang na damit ang isusuot niya, pero kabaligtaran iyon dahil ng lumabas siya ay napakaikling shorts at maluwag na tshirt ang kanyang suot.

Iniiwasan kong tumingin sa kanyang legs habang nag-uusap kami. Hindi ko maintindihan pero parang gumigising ang pagkalalaki ko, pero hindi ko dapat gawin sa kanya ang ginagawa ko sa ibang babae na nakilala ko sa bar dahil alam kong iba siya, special ang pagkatao ni Candice.

“What do you want to drink?” tanong niya sa malamig na boses. 

Inabot ko sa kanya ang dala kong beer at lechon baka na binili ko sa daan. 

“Mukhang hindi ka ready sa pagpunta mo noh?” may pagka suplada ang dating niya, pero okay lang dahil mas gusto ko ‘yon kaysa sa mga babaeng easy to get.

“I'm sorry if I come here this late, ang totoo pumunta ako sa bar para mag relax. Stress kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil inatake sa puso ang daddy ko at kakalipad lang nila ng mum ko kanina papuntang US.” kwento ko sa kanya, even though she doesn't seems interested to what I said.

“Mahirap kapag nagkasakit ang magulang, dahil kahit madalas natin silang hindi maintindihan ay apektado pa rin tayo kung ano man ang mangyari sa kanila.”

“How about you? Where are your parents?”

“Ulila na ako. Matagal na silang wala pareho,” sagot niya.

Saka ko nahalatang biglang naging malungkot ang kanyang mga mata. Napansin ko rin ang sunod-sunod na pag tungga niya sa bote ng beer.

“Im sorry, wala kana palang mga magulang. I'm so proud of you, dahil kaya mo kahit mag-isa ka.”

“Wala naman kasi akong choice diba?” sagot niya sa akin. 

Masyado siyang masekreto dahil hindi siya nag kukwento ng mga personal na bagay tungkol sa kanya or maybe because for her I am a stranger.

Madaling araw na pala at lasing na si Candice, kailangan ko na rin umuwi sa condo dahil may meeting pa ako bukas with our new client. 

“Candice, I'm gonna go home, thank you for your time,” paalam ko. Pero hindi siya sumagot at singkit ang mga matang nakatitig saakin, hanggang sa bigla nalang itong sumandal sa sofa habang hawak ang kanyang ulo.

“Umiikot ang paningin ko, feeling ko masusuka ako,” narinig kong sabi niya. Hindi ko siya pwedeng iwanan sa ganitong sitwasyon.

Hinawakan ko ang kanyang mga braso at dahan-dahan ko siyang tinayo sa sofa upang dalhin sa kanyang kwarto. I will make sure that she's okay before I leave. 

Nang makapasok kami sa kwarto ay marahan ko siyang hiniga sa kanyang kama. Hindi ko mapigilan na mabuhay ang aking pagkalalaki ng hawakan ko ang kanyang legs upang ayusin ang kanyang pagkakahiga. 

Tinitigan ko ang kanyang maamo at napaka gandang mukha na kahit magulo ang kanyang mga buhok ay maganda pa rin siyang tingnan. Bigla kong ipinikit ang aking mga mata saka ako lumabas sa kanyang kwarto, baka kasi hindi ko mapigil ang aking sarili. 

CANDICE

Napakasakit ng ulo ko, para itong mabibiak sa sobrang sakit. 

Bigla kong naalala si Gabriel, galing siya rito kagabi at uminom kami. Ngunit hindi ko maalala kong paano ako nakapasok dito sa kwarto ko. 

Kumpleto naman ang kasuotan ko at mukha namang hindi niya ako pinagsamantalahan at isa pa wala naman akong kakaibang nararamdaman maliban sa sakit ng ulo.

Naglakad ako papunta sa labas ng kwarto. Nakita kong malinis na ang buong sala at wala kahit isang hugasan sa countertop. 

Nakita ko ang maliit na papel na nakadikit sa fridge at may naka sulat na…

I already cleaned up so you don't need to worry about it when you wake up, that is my way of saying THANK YOU. 

May maliit na smiley sa dulo at heart emoji kasunod ang kanyang numero sa ibaba ng papel at may nakalagay na  please send me a text when you wake up, so I know that you are okay. 

Ayuko nga mag text sa kanya Baka sabihin niya close na kami. Nilukot ko ang papel saka ko tinapon sa basurahan.

 

“Kaunting pakipot pa Candice, Para sa magandang resulta ng misyon ko,” bulong ko sa sarili habang nagtitimpla ako ng kape.  

Naisip ko ang mga sinabi niya kagabi bago pa ako tuluyang natalo ng alak na iniinum ko. May pusong mamon din pala ang mukong na iyon. Natatamaan rin pala siya ng problema at mukhang may alam sa gawaing bahay kahit mayaman at solong anak, sinuyod ko ang buong paligid ng mga mata ko, malinis at maayos ang lahat. 

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang pamamahiya niya sa akin sa beach. Paano kong ganito lang talaga ang mga galawan niya para makuha niya ang isang babae. Aba! hindi ako papagamit sa kanya! sabi ng isip ko. 

*****

Ilang araw na rin akong hindi pumunpunta sa bar. Bakit pa, diko na kailangang magpapansin pa kay Gabriel dahil alam kong siya mismo ang lalapit saakin. 

Wala yatang hindi mabibihag sa alindog ko, bulong ko. 

Muntik pa akong mapalundag sa gulat ng biglang tumunog ang doorbell. Naka yapak akong nagtungo sa pinto at binuksan iyon. 

"Bakit ho?" tanong ko sa isang lalake na mukhang delivery boy, pawisan siya at may malaking box na dala.

"Dito ba ang unit ni Miss Candice Mendez?" humihingal na tanong niya. 

"Yes, dito nga po, bakit ho ba?" nagtatakang tanong ko. Alam ko naman na hindi iyon galing kay Elora dahil ang driver sana nila ang maghahatid niyon. 

"May package po para sainyo, papipirmahan ko nalang ito para po ipakita sa office na natanggap nyo na ho," saka niya inabot saakin ang isang papel na may kunting basa pa ng pawisan niyang mga kamay. 

"Kanino ho ba ito galing? at ano ho ba ang laman nito?" magkakasunod na tanong ko.

"Hindi ko ho alam maam. Buksan niyo nalang po mamaya," sabi niya. 

Pagkaalis ng delivery boy ay agad kong binuksan ang malaking box at laking gulat ko ng makita ko kung ano ang laman nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status