Share

CHAPTER 2

SHEENA

Nagulat ng husto si Sheena at natilihan, matapos makita ang napaka gwapong nilalang, na nakita niya sa balat ng lupa.

         Hindi niya agad nakuhang sumagot sa labis na pagka bigla. Wala pang nakaka kita sa kanilang bagong boss, at panigurado na siya na pag ka- kaguluhan ito, kung ito man siya, matapos na makita ang napa ka- gwapo nitong hitsura. Malinis at itim na itim ang maikli at bagsak nitong buhok. Medyo may kasing kitang mga mata na matiim kung maka titig, na akala mo ay hina- halukay ang sa nasa kaibuturan mo. Matangos na ilong at hindi kakapalan ang mamula- mula nitong mga labi. Malinis din ang mukha nito, at walang maba bakas na kahit ano mang balbas o bigote.

         Lihim siyang muling napalunok sa sarili. Parang pakiramdam niya ay nauhaw yata siya bigla at nanuyo ang lalamunan, habang walang anumang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig.

         'Baka alaga sa shave!' bulong niya dahil sa malinis nitong mukha, may kaputian rin ito, at katawan na tiyak siyang alagang- alaga sa gym. 

        Hindi ito naka suot ng anumang bussiness suit, kundi isang white shirt na may kasikipan rito, kaya halos bumakat rin ang ilang layer nitong pandesal, este abs pala. Kulang na lang rin ay pumutok ang manggas ng suot nitong damit, sa laki ng masel nito na sikip na sikip.

          "Ahmn!" muling tikhim ng hindi kilalang lalaki.

          Para siyang muling natauhan mula sa malalim na pag mamasid rito, at nabalik sa kasalukuyan.

         Natuon muli ang kanyang mga mata sa mukha nito, at nakita niya ang bahagyang pag kunot ng noo nito, habang nakatitig pa rin ng diretso sa kanyang mukha.

         "Tinatanong kita, miss? At hindi ko ugaling ulitin ang kung anong nasabi ko na." pormal na sabi nito na walang kangiti- ngiti at diretsong naka titig lang sa kanyang mga mata.

         Oh my gosh! Gusto yatang panginigan siya ng kanyang mga tuhod. Mukhang suplado pa yata ang isang ito. Ang lakas ng impak sa kanya ng mga titig nito. Hindi pa rin niya magawang sumagot at tila nalulon na yata lahat ng gusto niyang sabihin. Sobrang naka ka- intimidate naman ito.

          "Ah, eh... kasi-" hindi mag kanda- tuto niyang sagot rito.

           "Sino ang nag bigay sayo ng permiso, na pumasok sa opisina ko?" seryoso pa rin ito at nag lakad palapit sa harap ng mesa, kung saan niya sana balak ilapag ang folder kanina.

         Napalunok siya habang napasunod ng tingin rito, hanggang sa maupo ito sa harapan ng mesang iyon.

         Hinamig niya ang kanyang sarili, at muling lumunok upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. Saka tipid na ngumiti rito kahit pa nga ang lakas ng kaba nang kanyang dibdib.

         "I- i'm sorry, sir. Kanina pa 'ho kasi ako kuma- katok sa labas, at wala naman sumasagot. So...," muling siyang lumunok bago muling nag salita. "Pumasok na lamang po ako ng kusa, kasi bukas naman po pala." naka hinga pa siya ng maluwag ng matapos ang kanyang sinabi.

          Ewan ba, parang gusto niyang mautal sa pag sasalita, habang walang puknat pa rin itong nakatitig sa mukha niya. 

        'May dumi ba ako sa mukha?' gusto sana niyang itanong rito ngunit naka ka- hiya naman rito. Hindi ba pwedeng, kaya ito titig na titig sa kanya ay sinusubukan lamang siya? Malay mo naman, ganito ang paraan niya para panginigan ka sa takot. Pa misteryoso nga, 'di ba? Anyway, heto nga, at tila gusto na niyang matunaw sa mga titig nito. Naka ka- panlambot sa pakiramdam.

          Bago pa man siya mawala sa kanyang sariling huwisyo, ay marahan na niyang inabot ang puting folder na hawak rito.

         "Napag- utusan lang naman 'ho ako ni mrs Santos, para ibigay ito sa inyo." bahagya pa siyang naging proud sa sarili, na hindi na siya muling pumiyok sa pag sasalita.  Parang gusto tuloy niyang palakpakan ang kanyang sarili. Ganoon na ba talaga kahirap mag salita sa harapan nito?

        Agad naman nitong tinanggap ang kanyang ini- a- abot na walang anumang salita. Habang hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa kanya.

          "Salamat 'ho, sir. Lalabas na 'ho ako." paalam niya, at nag simula ng tumalikod rito at humakbang palabas ng opisina nito.

            "Sinabi ko na bang lumabas ka?" muli ay narinig niyang sabi nito. Buong- buo ang boses nito na hindi naman gaanong kalakasan. Sapat rin ang tinig nito para marinig niya, bago pa man siya tuluyang makalapit ng pinto.

         "Ha?" sandali siyang napako sa kanyang kinatatayuan.

           "Estudyante ka ba rito?" muli ay tanong nito. Agad siyang napalingon sa kanyang boss upang harapin muli ito. Bahagya pang naka kunot ang noo nito.

        Sa dinami rami ba naman nang pwede nitong i- akala sa kanya, ay ang pagiging estudyante pa talaga?

          'Ano ba ako? Mukhang bata lang?' piping bulong niya sa sarili, at tila gusto niyang mag protesta sa sinabi nito.

         Tumikhim muna sya bago muling sumagot.

          "Ah, hindi 'ho, sir, isa po ako sa mga staff rito. Teacher 'ho, sir." bahagya pa siyang ngumiti, kahit pakiramdam niya sa sarili ay lulubog na sa kahihiyan. Natural nga naman na pagkamalan siya nitong estudyante dahil sa ayos niya. Hindi nga naman siya katulad ng iba niyang mga ka- guro na puro kolorete ang mukha. Ni pulbos nga wala siya at kung tu- tuusin, talo pa siya ng mga estudyante nila.

        Nakita niya itong bahagyang tumango.

        "Pwede na 'ho ba akong lumabas, sir?" muli ay hingi niya ng permiso rito.

       Sandali muna itong hindi umimik bago muling tumango. Kaya tila may pakpak ang kanyang mga paa na mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ng opisina nito.

          Kulang na lang halos, ay madapa siya sa pag a- apura. Ilang beses pa siyang napa hugot ng malalim na hininga, matapos na maka labas ng silid na iyon. Tila pinangapusan yata siya ng hininga sa malagkit nitong mga titig.

      'Grabeh ka, boss!' hiyaw ng isip niya.

       Napa hawak pa siya sa kanyang dibdib at sandaling huminto sa may pasilyo.

        Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroon, habang kinakalma muna ang kanyang sarili. Para lang muling magulat nang muli itong mag salita.

        "Narito ka pa pala." tinig mula sa kanyang likuran. 

        Kamuntik pa siyang mapatalon sa kanyang gulat. Ano bang klaseng tao ito, at may ugali pa yata na pasulpot sulpot na lang basta?

         Bahagya siyang lumingon, at nakita itong naka sandal sa hamba ng pintuan ng opisina nito. At naka suot na rin ito ng damit na pormal. Hay! 'Kay g'wapo talaga niyang tingnan sa business suit na suot. Maka laglag panga, at panty 'ika nga nang iba.

         "Ha? Ah, eh. Paalis na 'ho. Medyo naantala lang." At gumuhit ang isang pilit na ngiti sa mga labi niya. At bahagya pa siyang tumango rito.

         "May I know your name, ma'am?" seryosong tanong nito na walang kangiti ngiti.

          Bigla ay parang pinag pawisan ang pakiramdam niya sa sarili sa naging tanong nito. Ano at bigla naman itong naging interesado sa pangalan niya? 

        'Hindi ka ba nag i- isip?  Nag ta- trabaho ka sa kanya, at siya ang boss n'yo, natural lang na mag tanong siya ng pangalan mo.' tila pangaral pa ng sariling isip.

          Humarap siya rito at pa- simpleng ipinahid sa kanyang likuran ang namamawis at nanlalamig niyang mga palad.

          Parang gusto na naman niyang manlambot sa klase ng mga titig nito, lalo na ng humakbang ito palapit sa kanya. Napa hawak pa siya ng lihim sa garter ng suot n'yang panty, dahil pakiramdam niya, ay nalalag na yata ito. Daig pa niya ang teenager lang sa kanyang asta na kinikilig habang nilalapitan ng kanyang crush. Parang gusto niyang magwala sa saya. Iyong simpleng pagtawag lamang nito sa kanyang pangalan, tila langit na ang saya niya.

      Pero s'yempre, hindi naman siya p'wedeng mag pahalata rito. Kaya kaswal pa rin siyang humarap sa kanyang boss.

        "Red Monteverde" pormal na pakilala nito sa sarili, habang inilahad ang maputi nitong palad sa kanyang harapan. Bigla, para siyang nakaramdam ng hiya na maki pag- kamay rito. Sa tingin pa lang kasi n'ya ay mukhang malambot na ang palad nito, at mukhang hindi yata marunong humawak ng kaldero, samantalang ang sa kanya ay baka puro kalyo pa at matigas.

           Napalunok pa muna siya bago nagawang i- abot ang palad rito.

           "Sheena! Sheena Santillian." pakilala niya sa sarili at nag daop ang kanilang mga palad. 

         Ramdam n'ya ang bahagyang pag pisil nito sa palad niya, kaya hindi maiwasang mamula ang kanyang mukha sa ginawa nito. Dito pa lang rin niya nakita ang unang pag ngiti nito. Na ikina labas ng pantay- pantay at mapuputi nitong mga ngipin.

          'Oh my, totoo ba ito? Ang gwapo talaga n'ya? Ngiti pa lang parang gusto ko ng matunaw.' piping bulong niya sa sarili. 

          "It's my pleasure to meet you, Sheena!" saad nito, at muli, parang gusto ng mag wala ng kanyang puso sa sinabi nito. Bakit ba parang ang sarap pakinggan ng pag kakasabi nito sa kanyang pangalan? Para iyong sirang plaka na paulit- ulit niyang naririnig sa kanyang isip.

          Tila naman amused na amused itong naka titig sa kanyang mukha, na hindi niya alam kung kulay kamatis ba o kulay suka na.

          Bigla niyang nahila ang kanyang palad na hawak pa rin pala nito, at biglang nahiya na ta- talikod na sana rito.

          "Ah, kailangan ko na 'hong umalis, sir? Nice to meet you too, sir" paalam niya rito at mabilis ng tumalikod, hindi na muli pang nilingon ang boss niyang tila ramdam pa niya na nakasunod ang tingin sa kanya.

         Dire- diretso siya sa paglalakad at dadaan na lang sa may hagdanan. At ng akmang ha- hakbang na sana siya pababa ng hagdan ng muli na naman niyang narinig ang tinig nito. 

         Mariin siyang napa- pikit at napa kagat sa ibabang labi niya. Kung bakit ba naman ugali yata nitong pasulpot- sulpot. Tuloy hindi niya maiwasan ang sarili na pantasyahin ito.

          "Mata- tagalan ka kung ga- gamit ka ng hagdan. Bakit hindi ka na lang gumamit ng elevator?" saad nito na nasa may dulong bahagi ng pasilyo na malapit sa elevator.

        Patay malisya siyang nilingon ito.

        "O- okay na 'ho ako dito, sir? Exercise rin naman po ito." sagot niya rito.

         "Tanghali na para sa exercise na iyan. Pu- punta ako sa baba kaya sumabay ka na. At tiyak akong masakit na rin ang mga paa mo pag dating mo sa baba kung diyan ka dadaan." sabi nito na bahagya pang sumulyap sa mga paa niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya. Naka suot rin naman s'ya ng kulay black sandal na hindi naman kataasan, at bukod pa roon ay malapad naman ang hill's ng suot niya dahil hindi naman niya ugaling mag suot ng makitid at masyadong mataas ang hill's, dahil baka matapilok lang siya at mapilayan pa.

         "Come on, sabay na tayo." utos nito, at tila wala itong balak na umalis sa kinatatayuan, hangga't hindi siya sumusunod rito.

         Napa buntong hininga na lamang s'ya. Bakit ba ang hirap hirap nitong kumbinsihin.

         'Kalma lang self.' bulong niya sa kanyang sarili at nag simula ng humakbang muli palapit sa elevator.

        

         

         

       

         

         

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dimple
sissy galing talaga every chapter ikaw nakikita 2lang tayo dito.........
goodnovel comment avatar
Dimple
attracted agad sheena.........
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay kilig yan para kang teenager sheena ah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status