Share

CHAPTER 3

RED'S POV

Tatlong araw pa lamang, mula ng dumating s'ya sa Pilipinas, ngunit trabaho agad ang sumalubong sa kanya. Nais nang mga magulang n'ya, na ipasa na ang lahat ng pamamahala sa kanya, tutal ay nasa tamang edad naman na raw s'ya. Sa edad n'yang beinte 'y otso, ay masasabi n'yang successful naman n'yang napamahalaan ang ibang negosyo nila sa states, habang naroon pa s'ya. Ilan sa mga iyon ay hotel and restaurant. Kasama na rin dito ang malaking companya ng car rental sa America, dahil iyon ang isa sa malakas na negosyo roon.

         Anang ama n'ya, dapat lang na magsimula na rin s'yang mag extend ng pamamahala, sa loob  ng sarili nitong bansa, dahil wala naman daw ibang magiging tagapag- mana maliban sa kanya. Nag i- isa lang s'yang anak, kaya halos lahat ay sa kanya na rin mapupunta. 

         Hindi s'ya 'yung tipo nang tao na mayabang, ngunit minsan rin ay may pag ka- suplado naman ang ugali n'ya, lalo na kung masyado na s'yang nakukulitan sa ibang mga taong lumalapit sa kanya, o wala lang talaga s'ya sa mood. 

        Sa edad rin n'yang ito, ay wala pa s'yang natipuhan, upang maging girlfriend n'ya. Hindi rin s'ya sigurado sa sarili, kung masasabi nga bang mapili lang s'ya talaga, o sadyang hindi pa rin n'ya nakikita ang babaeng mag papa- tibok ng kanyang puso.

       Si Cynthia naman ay anak ng kanilang ka- sosyo sa negosyo. Maganda ito at anak mayaman rin. Ngunit hanggang kaibigan lang ang turing n'ya rito. Kahit matagal n'ya itong naka sama sa states, ay hindi s'ya nagkaroon ng espesyal na pagtingin para rito.

       Gusto ng papa at mama n'ya, na dapat ay magkaroon na rin s'ya ng sariling pamilya, ngunit ano namang magagawa n'ya kung wala pa nga s'yang nakikita na para sa kanya?

        Napa- iling na lang s'ya, nang sabihin sa kanya nang kanyang ama na isa- sama s'ya nito sa isa sa kanila'ng pag a- aring unibersidad, upang ipakilala at pormal na ring ipasa sa kanya ang pamamahala, bilang bagong presidente nito.

         Simula ng itatag at pamahalaan ito ng kanyang pamilya, ni minsan ay hindi pa rito naka punta ang binata, o kahit maka bisita man lang, dahil sa lumaki s'ya sa America, at doon na rin nag- aral, hanggang sa maka pag tapos s'ya sa Harvard University.

        Dahil sa hiling ng kanyang mga magulang na bumalik ng Pilipinas, kaya nag pasya na rin s'yang pag bigyan na ang mga ito, at simulang pamahalaan na rin ang kanilang mga negosyo, kasama na ang pribadong unibersidad na ito.

         Papasok pa lang ang kotseng kanyang kinalululanan, kasama ang kanyang ama, ay umagaw na kaagad sa pansin n'ya ang babaeng papasok pa lang ng gate ng unibersidad. Naka- suot rin ito ng unipormeng gaya ng sa mga teacher nila, kaya mahihinuha n'yang doon rin ito nag tuturo.

         Hindi maiwasang saglit s'yang napa titig sa maliit na mukhang iyon, habang naka- ngiti ito, at kausap ang guard ng school. Saglit n'yang nabistahan ang maamong mukha nito, nang bumaling ito  ng tingin sa kotse, kung saan s'ya naka sakay. At dahil tinted naman ang salamin nito, kaya hindi basta- basta makikita, kung sino man ang sakay na nasa loob.

        "Narito na tayo." wika ng kanyang ama na nasa harapan katabi ng kanilang driver. "Pwede ka munang mag prepare ng sarili mo sa penthouse sa itaas, at ipapa- tawag na lang kita kung naka handa na ang lahat. Kailangan ko lang munang maka- usap ang dean, upang mai pa- alam ng maayos sa lahat ng mga staff at estudyante ng eskwelahan." saad ng ama n'ya na bahagya pang lumingon sa kanya.

         Walang anumang reaksyon na  nag mula sa kanya. Basta na lang n'yang hinablot ang coat na naka sampay sa headrest ng upuan n'ya at isinuot. May cap kasi ito, at iyon ang ginamit n'yang panakip sa kanyang mukha, at nag- suot rin ng itim na eyeglass.

        Simple lang naman kaya s'ya gumamit nito, dahil ayaw lang naman n'yang pag kumpulan s'ya ng mga tao sa unibersidad, lalo na ang mga estudyante. Mas gusto pa rin naman n'yang pribado ang mga bagay- bagay, pag dating sa personal na kanya. 

        "Please, tell to send all the files of the staff's here at my office." aniya sa ama, bago pa man s'ya tuluyang tumalikod rito.

         "Okay! Will send it to you. Just wait in a moment." sabi ng ama, at humarap sa dean na s'yang agad na sumalubong sa kanilang pagdating. "You've heard it, mr. Palumo, right?" tanong ng kanyang ama sa dean, na hindi pa naman masyadong ka- edaran.

        "Yes sir." sagot nito at agad na bumaling sa isa rin na medyo may edad ng babae. "Please, prepare what he need's, mrs. Santos, and send it to his private office." sabi nito na sinabayan pa ng bahagyang tango.

        Mabilis na tinungo naman ni Red ang elevator upang umakyat sa kanyang magiging bagong pribadong opisina.

       Pag ka- pasok pa lang n'ya, ay agad na s'yang humanga sa disenyo nito. Sadyang i- dinesign na rin ito bilang penthouse. Sa pag bungad ay masasabing opisina ang hitsura, na tila isang malaki pang library, dahil may mga ilang malalaking bookshelves at may mesa sa may bandang gilid. May isang mini sala rin, para sa ilang panauhin.  May maliit na counter sa may bandang kaliwa. At sa may gilid noon, ay isa pang pinto. Nang buksan n'ya iyon, ay para pala sa kusina nito, kung saan pwede kang mag prepare ng pagkain. May katamtamang laki ng refrigerator, at ng buksan n'ya ay may ilang piraso ng beer can's at ilang pang stock na pagkain gaya ng egg at cheeze's.

       Muli s'yang lumabas at pumasok naman sa isa pang pinto, sa gawing kanan ng kusina. Para naman ito sa cr.             At ang huling pintong pinasok n'ya, ay ang para pala sa pribadong silid, kung saan may malapad na kama na pwedeng pag pahingahan ano mang oras mo gustuhin. Mayroon rin isang mahabang sopa sa gilid nito, at may sarili rin itong banyo sa loob.

        Napa ngiti s'ya. At least kung kailangan n'yang mapag isa, ay tiyak naman na p'wedeng- p'wede rito, dahil tahimik.

         Naupo s'ya saglit sa swivel chair na nasa harapan ng kanyang working desk. Bahagya pa n'yang inikot ang name plate, na nasa kanyang harapan na yari sa kahoy, at may naka lagay at naka- ukit na President.

         Bahagya n'yang pinadaanan ng kanyang daliri, ang ibabaw noon at pinaka- titigang mabuti. 

        So, eto na talaga s'ya, at haharapin naman ang bagong mundo sa larangan ng negosyo, dito rin mismo sa sarili n'yang bansa. At mukhang kailangan na n'yang masanay, bilang s'ya na ang bagong Presidente, na mag papatakbo ng lahat ng meron ang pamilya nila.

        Sumandal s'ya at bahagyang pumikit, na naka tutok ang mukha sa kisame ng silid, habang mag ka- salikop ang dalawang palad sa ibaba ng kanyang batok. Hindi naman sina- sadyang biglang sumagi sa isip n'ya ang maamong mukha kanina ng babaeng nakita n'ya sa may gate.

        'Who was that woman?' hindi naiwasang nai- bulong n'ya sa kanyang sarili.

       Bahagyang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mga labi, habang muling pinag lalaro sa kanyang balintataw ang napaka- among hitsura ng maliit nito'ng mukha.

        'I want to know her.' muling dagdag na bulong ng isip n'ya. For the first time, ngayon lang s'ya nag ka- interes na umalam ng ibang bagay ukol sa babae.

        Tumayo s'ya at tinungo ang kanyang silid. Tinanggal n'ya ang kanyang coat, at nectie. Tanging ang polo shirt na lang ang suot n'ya. Anyway hindi naman s'ya lalabas. At paniguradong mamaya pa naman s'ya ipa pa- tawag ng kanyang ama sa baba. Natural na s'ya ang bagong presidente, kaya tiyak na pag ha- handaan pa muna ng mga iyon ang hall, at tiyak na mahaba- habang oras pa ang gugugulin ng mga iyon bago pa man matapos.

        Mag pa- pahinga na lang muna s'ya, dahil hindi pa rin s'ya nakaka bawi mula sa kanyang pagod sa byahe. Simula ng dumating s'ya, wala ng ginawa ang kanyang ama kundi ang pilit isama s'ya sa mga opisina nila, at hindi pa s'ya lubos na naka bawi ng kanyang sapat na pahinga.

          Sandali s'yang pumasok ng banyo upang mag hilamos. Ilang sandali lang at muli rin s'yang lumabas. Nanatili pa muna s'ya sa silid, ng tila may maramdaman s'yang ibang presensya sa kanyang opisina.

         Bahagya n'yang sinilip ang labas ng kanyang silid, at nakita ang bulto ng isang babaeng naka tayo sa harapan ng kanyang working table.

        Naka lugay lang ang mahaba, bagsak at itim na itim nitong buhok. Hindi rin katangkaran, at mukhang hanggang sa dibdib lang yata n'ya ang taas nito. May kaliitang beywang.

        Matagal muna n'ya itong pinag masdan sa kung anong gagawin nito. At nakita n'ya ang pag a- atubili nito, sa kung ano ang gagawin sa hawak- hawak nitong puting folder.

       "Who are you?" tanong n'ya mula sa likuran nito na kita n'yang labis nitong ikina- gulat. Dahan- dahan itong lumingon sa kanya. At nakita n'ya ang saglit na pag katulala nito sa kanyang harapan ng makita s'ya.

        Well, alam naman n'ya kung bakit. Sa hitsura ba naman n'yang halos mag kandarapa ang mga babae, maka lapit lang sa kanya, tiyak naman na mapa pa- nganga ang sino mang maka ka lapit at makaka- kita sa kanya. Hindi naman s'ya sa nag yayabang, pero iyon na s'ya, at wala naman s'yang magagawa. Para sa kanya, malaking biyaya iyon, na mag karoon ng maganda at gwapong hitsura.

         Marami ang nag sasabing maka laglag panty raw ang ka- gwapuhan n'yang taglay, pero kailan man ay hindi n'ya iyon ipinag yabang. Mas gu- gustuhin pa n'yang huwag ng humarap sa marami, dahil hindi s'ya sanay sa popularity, bukod pang hindi naman s'ya artista. Ngunit hindi pa rin n'ya maiwasan minsan, dahil sa kanilang negosyo, lalo na nga ngayon at s'ya na ang papalit na mamahala ng lahat nang meron sila.

         "Ha?"

          'Oh, she is.' hindi rin n'ya maiwasang nai bulong n'ya sa sarili. Siya man ay bahagya ring nagulat, ngunit hindi naman n'ya ipina halata sa kaharap. 

        Ang kaharap lang naman n'ya, ay ang babaeng kanina pa laman ng isip n'ya, mag mula ng masulyapan n'ya sa may harapang gate ng unibersidad.

       Ang simple, maamo at walang kahit anong kolorete sa mukha nito, kaya mababakas at makikita ang natural na ganda ng mukha nito. Morena ang balat nito, at hindi rin katangkaran. 

        Matangos ang ilong, at manipis ang mapupulang labi nito. Mahaba ang mga pilik, at hindi makapal na kilay. Bilugan ang maiitim nitong mga mata, na mas lalo pang na emphasize, dahil sa bahagyang panlalaki nito ng malingunan s'ya.

         Tumikhim s'ya upang kunin ang atens'yon nito na tila nahulog na sa kawalan. Bahagya pa s'yang napa ngiti ng tipid, sa nakitang reaks'yon nito. Kung hindi s'ya nag ka- kamali, ay bahagya iyong namutla, at matapos noon ay nangulay kamatis naman ang maganda nitong mukha.

        Hindi n'ya maiwasang ma amused sa nakikitang hitsura nito, at pag ka taranta, ngunit hindi n'ya ito ipinahalata sa kaharap. Tila ba ito gumawa ng kasalanan na nahuli sa akto.

         Dumiretso s'ya sa kanyang mesa.

          "Sino ang nagbigay ng permiso sa iyo na pumasok dito?" kaswal n'yang tanong, at mabilis naman ito'ng humingi ng paumanhin sa kanya, at mabilis ring inabot sa kanya ang puting folder na hawak nito kanina pa.

        "Ha? Ah, eh. Pasens'ya na 'ho. Kanina pa 'ho kasi ako kumakatok, pero walang nag bu- bukas kaya pumasok na lang ho ako, kasi hindi naman pala naka lock." paliwanag nito. "Ipina bi- bigay 'ho ni mrs. Santos."

        Mabilis n'yang kinuha iyon, at ng akmang lalabas na ito ay agad n'yang pinigilan. 

        At marahil ay nagulat rin ng maisipan n'yang tanungin kung estudyante ba ito.

       Ewan pero s'ya man, ay gustong matawa sa kanyang sariling tanong rito. Wala lang yata s'yang ibang masabi, para lang hindi muna ito lumabas ng silid na iyon.

        Hindi naman s'ya ignorante para hindi malamang guro ito roon, pero tinanong pa rin n'ya kung estudtante ba ito, na dahilan para ika- pula ng mukha nito. At ewan pero gustong- gusto n'yang tingnan ang hitsura nito, habang namumula ang mukha. Hindi naman s'ya bully, pero iba ang babaeng ito. Sa dami ng babaeng nakilala na n'ya sa alta sosyedad, magaganda at mayayaman pa, ay masasabi pa rin n'yang malaki ang pinag kaiba ng babaeng ito sa kanila. At dito s'ya tila nag karoon ng interes.

         Ilang sandali lang matapos itong mag salita, at muling mag paalam sa kanya, ay dali- dali na itong lumabas ng kanyang opisina, na hindi n'ya alam kung ina- ateke ba ito ng nerbiyos o ano. Pero sa malamang ay ganoon na nga, base sa hitsura nito.

        Pag ka labas nito ay mabilis na n'yang binuklat ang folder na hawak, at isang partikular na tao lang ang kanyang tiningnan.

         'Sheena Santillian, 22 year old, single.' naka hinga s'ya ng maluwag, matapos na makita ang pakay. 

        Tumayo s'ya at akmang lalabas na sana ng opisina ng mapansin ito sa hallway, na tila hindi mapakali sa pag ka- kayuko.

        Ilang sandali ito sa ganoong posisyon, at hindi rin s'ya lumikha ng anumang ingay para mapansin nito. Inari n'ya ang sandaling iyon, para mas mapag masdan pa ito ng husto. 

       At ng akmang papa- alis na ito, ay saka pa lang s'ya muling nag salita. At ginamit n'ya ang salitang ma'am rito. S'yempre ayaw rin naman n'yang isipin nito, na palibhasa ay s'ya ang boss, ay mataas na ang tingin n'ya sa kanyang sarili. Ewan pero pakiramdam nya, ay ayaw n'yang magkaroon ito ng bad impression sa kanya.

       Halata ang pag kataranta nito ng lumapit s'ya rito, at nang pormal n'yang ipa kilala ang kanyang sarili rito. Atubili pa ito kung tatanggapin ba ang kanyang naka lahad na kamay. Sa huli, ay tinanggap pa rin nito, at dama n'ya ang pamamawis at pan- lalamig noon. 

         Bahagya n'yang pinisil iyon,  upang ipa- alam rito na dapat ay maging palagay ito sa kanya. At muli n'yang nakita ang pamumula nito sa kanyang ginawa, at mabilis na muling nag paalam upang umalis.

       Napansin n'ya itong patungo sa hagdanan, kaya sinundan n'ya ang dalaga, at inalok na lamang na gumamit ng elevator. 

       Matapos nang ilang sandali na pilitan ay napapayag rin n'ya ito. Bagama't alam n'yang nahihiya pa rin ito sa kanya.

         

          

         

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda ng story na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status