Share

CHAPTER 5

Isang linggo pa ang lumipas at ginanap na ang intrams, sa eskwelahang pinag- tuturuan ni Sheena. Lahat ay abala at may kanya- kanyang gawain na naka toka.

        Tumagal ito ng limang araw, at ngayon ang huling araw ng kanilang pag pa- palaro.

        Sa loob ng limang araw na iyon, ay hindi pa muling nakita ni Sheena ang kanilang boss na si Red. Ang sabi ng ilang ka- guro n'ya, ay nasa ibang bansa ito, para asikasuhin ang iba pa nilang negosyo roon, at wala pang kasiguruhan, kung kailan ang balik nito ng bansa. Wala rin ang presensya nito, sa ga- ganaping induction ball bukas ng gabi.

       Hindi maintindihan ni Sheena ang kanyang sarili, na makaramdam s'ya ng matinding lungkot, sa isiping hindi niya makikita ang kanyang boss.

       Naiinis tuloy s'ya sa kanyang sarili, at sa kanyang nararamdaman. Hindi naman s'ya dapat nakakaramdam ng ganoon, dahil wala namang espesyal na namamagitan sa kanila ng kanyang boss. Pero hindi n'ya maiwasan ang sarili na isipin ito.

        "Namimiss mo s'ya, ano?" minsan ay tudyo sa kanya ng kanyang kaibigan na si Kara, ng lapitan s'ya nito. Kasalukuyan s'yang nasa school canteen noon, para sa kanilang break, nang biglang dumating ang kaibigan. Ang alam n'ya ay busy ito sa pag pa- palaro ng table tennis.

          "Ha? Sino na naman?" kunot ang noong tanong n'ya rito. Kahit pa nga alam na n'ya kung sino na naman ang tinutukoy nito. 

        "Uy! Deny pa more!" sabi nito, sabay irap sa kanya. Kumuha muna ito ng order bago muling bumalik sa pwesto n'ya. "Halata ka naman kaya. Miss mo na si sir." at naupo ito sa tapat n'yang silya.

        "Uy, hindi, ah. Baka mamaya n'yan may maka rinig sa iyo, at makarating pa kay sir. Nakaka hiya kaya kapag nagkataon." saway n'ya rito.

         "So, totoo nga na nami miss mo s'ya?" kulit pa rin nito.

         "Hindi nga sabi eh! Tumahimik ka na nga lang d'yan." at pinandilatan n'ya ito ng mga mata. Napa- tawa naman ito at napa- iling. 

          "Best of friend's tayo, noh, kaya wala kang maitatago sa akin." 

          "Bakit may itinatago ba ako? Wala naman kasi talaga, praning ka lang talaga mag isip." todo deny n'ya rito, at umiwas ng tingin kay Kara.

          "Humarap ka nga sa akin, at tumingin ng diretso, saka sabihin mo nang diretso sa akin, baka sakali na mapaniwala mo pa ako." hamon nito.

          "Ikaw ha! Kung maka ganyan ka sa akin, parang hindi mo ako kaibigan, ah." kunway tampo n'ya na sabi rito.

         "Kaya nga, kaibigan mo ako, kaya nga ina- alam ko 'yung totoo, eh. Malay mo naman may maitulong ako sa'yo, 'di ba?" 

         Napangiti s'ya rito at ganoon rin ito sa kanya, hanggang sa nauwi sa kanilang tawanan, para na tuloy silang mga sira, na ikina- lingon pa ng ibang naroon na kumakain.

         "S'ya nga pala, bukas na ang induction ball natin. Oh, ano? Prepared ka na ba?" nakangiting tanong nito sa kanya.

          "Hmn, hindi pa nga. Hindi pa rin ako nakabili ng ga- gamitin ko para bukas." sabi n'ya na halatang medyo nadismaya.

           "Naku, ikaw talaga. Ang hilig mo sa last minute talaga. Mamaya maaga tayong lalabas, at mamimili tayo ng damit na su- suotin mo. Kailangan maganda ka tommorow night. S'yempre, panigurado naman na hakot award ka na naman roon, kaya kailangan magandang- maganda ka. Kahit wala si boss rito, dapat maganda ka pa rin, para sa mga shot's, hindi ka pahuhuli, 'di ba?" sabi nito sabay pa kindat pa sa kanya na tila nanunudyo.

          "Hindi naman kailangan na sobrang biste, eh, okay na 'yung maayos ang suot mo, at malinis kang tingnan, 'yung presentable ba."

          "Ah, basta! Akong pipili ng isusuot mo, baka mamaya n'yan parang manang ka na naman d'yan sa look mo. Mag try ka rin naman ng ibang new look mo." paingos na sabi ni Kara.

       Napa iling na lang s'ya sa kaibigan.

       "Sayang ano? Wala si sir dito, sana naroon rin s'ya sa event bukas, kaso mukhang malabo." sabi ni Kara.

          "Sinong sir?" tanong n'ya, kunwari ay hindi n'ya alam kung sino ang tinutukoy nito, bagama't kilala n'ya kung sinong sir ang sinasabi nito.

        "E, sino pa ba? Kundi si sir Red. As if hindi mo naman namimiss, noh!"

          "Ai, naku Kara! Ewan ko na sa'yo, ang kulit mo kaya, sinabi na ngang walang espesyal sa amin, eh!" at mabilis s'yang umiwas ng tingin rito.

          "At sino'ng niloloko mo? Kilala kaya kita, noh, alam ko na crush na crush mo si sir d'yan,"

         Napa- iling na lang s'ya, at hindi na umimik pa, tiyak naman na mangungulit, at mangungulit pa rin ito sa kanya, at mas lalo lang silang mag pa- pang haba kung walang patatalo na isa sa kanila.

        "Oh, 'di ba hindi ka naka- imik, kasi nga tama naman ako?" sabay sundot nito sa beywang n'ya.

        "Hay naku! ewan ko sayo, Kara, bahala ka kung anong nasa isip mo, basta ako walang alam d'yan sa kung anong ideya mo." paiwas n'yang sagot habang umiiling.

Kinabukasan, handa na ang lahat para sa party, puno ng pagkain at mga inumin para sa lahat. Para ito sa lahat ng mga estudyante, guro at mga staff, at kasama na ang awarding sa seremonya.

       Plain cut na kulay black, ang tube gown na suot ni Sheena. Puno ito ng white bead's na s'yang nag bibigay ng ganda at kinang rito, sa tuwing mag re- reflect sa liwanag na dala ng mga ilaw, sa  buong paligid ng hall.

        Abot hanggang sa may bukong- bukong ang haba nito, at may mahabang slit sa kabilang side, kung saan lumalabas ang kabilang binti at hita n'ya, sa tuwing humahakbang s'ya. 

       Na emphasize rin nito ang maganda, at perpektong hugis ng kanyang katawan. Nakadagdag rin sa kanyang taas, ang may dalawang pulgadang taas nang sandal's na kulay brown.

        Naka pusod ang kanyang mahabang buhok, sa may bandang gitna, at may ilang hibla na naiwan sa magkabilang side, na bahagyang in- curl pa ni Kara.

        Manipis at natural na make- up lang ang in- apply n'ya sa kanyang mukha. At jewelry set na naka pag dagdag sa kanya ng magandang awra.

        Wala s'yang ibang dala, maliban sa maliit na purse, na nag lalaman ng kanyang wallet at cellphone.

        "Wow! Bigla ka naman yatang nag transform ngayon, ms. Santillian?" gulat na sabi sa kanya ni mrs. Santos ng bumungad sila.

        Tipid lang s'yang napa- ngiti rito.

        "S'yempre, mrs. Santos, sa ganda ba namang ito ng kaibigan ko, sayang lang kung hindi naman n'ya ilalabas at buburuhin lang, 'di ba? Paminsan- minsan lang naman ito mangyari, kaya dapat sulitin naman na n'ya, para ilabas 'yung mga itinatago n'ya."

        "Oo nga naman, Sheena, ngayon lang tuloy namin napansin, na kaya mo palang pumantay sa mga beauty queen, kapag naka- ayos ka nang ganyan." hindi maka paniwalang sabi ni mrs. Santos. "Sana naman ay palagi ka'ng ganyan." pahabol sabi pa nito.

       "Don't worry, mrs. Santos, mula ngayon, makikita mo nang ganyan lagi si Sheena, este ma'am Sheena pala." sabi ni Karen sabay kindat sa kanya. "Di ba, friend?" sabay harap sa kanya.

        Napa iling na lang s'ya na wala ng masabi pa.

Nasa kalagitnaan na ang kanilang pag sasaya, natapos na ang awarding, at kanya- kanya na ang mga grupo, habang abala sa pag- sasayaw, pagkain at pag- iinuman.

        Naipon naman sa isang mesa ang grupo nina Sheena, kasama ang kanyang kaibigang sina Kara at Andro, at iba pa. 

         "Shot mo, Sheena, oh." sabi ni Kara sabay abot sa kanya ng isang kopita na may laman na red wine.

           "Kara, alam mo naman na hindi ako umiinom n'yan, 'di ba? Kayo na lang." tanggi n'ya sa basong ibinibigay nito.

           "Ano ba naman, Sheena, dapat simulan  mo na kahit pa- paano paminsan- minsan. Hindi mo naman bi- biglain, eh, hinay- hinay lang. I'm sure, sa katagalan ay masasanay ka rin. Come on, try this one." pilit ni Kara sa kanya.

          "Hindi na nga eh, Ayaw ko talaga." sabi n'ya. "Baka tamaan ako n'yan, hindi na ako maka- uwi sa amin." dagdag na sabi pa n'ya.

         "Kami ang bahala sa iyo. Hindi ka naman namin dito iiwan, eh. Sige na, just try this one, then saka mo sabihin na ayaw mo nga. Mild lang naman pati ito." 

        "Come on, you can do it!" engganyo rin ni Andro sa kanya. Kaibigan rin n'ya ito at isa sa mga security personel ng school.

        Walang nagawa si Sheeena kundi ang pagbigyan ito.

        Diretso n'yang ininom ang lamang alak, ng basong ini- abot sa kanya. Ramdam n'ya ang pait at init na gumuhit sa kanyang lalamunan. So far, okay naman sa kanya, at mukhang tama nga ang kaibigan n'ya. Hindi naman matapang at mukhang kaya naman n'ya ang lasa.

        "See?" tila nasisiyahang sabi pa ni Kara. At muli nitong sinalinan si Sheena. Kahit tumanggi man ay wala rin s'yang nagawa, hanggang sa s'ya na rin ang nag kusang kumuha ng para sa sarili n'ya.

        Nalibang sila at hindi namalayan ang oras. Mag a- ala- una na ng makaramdam ng matinding hilo si Sheena dala ng kalasingan n'ya.

       "I- I think, h- hindi ko na yata kaya, K- Kara. I n- need a rest. I-I feel sleepy." halos kanda utal na n'yang saad. Sobrang hilo na s'ya, at bahagya pa s'yang bumuway ng tangkain n'yang tumayo sa kanyang ina- uupuan. Mabuti na lang at maagap na nasalo naman s'ya ni Andro, kaya hindi s'ya bumagsak sa lupa.

        "M- mukhang napa- rami y- yata ang inom ko. H- hindi ko na kaya. S- sorry." hinging paumanhin n'ya.

        "Ang mabuti pa ay mag pahimasmas ka na muna." at nilapitan s'ya nito upang alalayan. "Sa tingin mo, saan muna s'ya p'wede? Maya- maya na lang s'ya umuwi, kapag medyo nahimasmasan na s'ya." baling na tanong ni Kara kay Andro.

        Sandali itong nag- isip. Maya- maya ay may naalala.

        "Alam ko na. Tutal wala naman si boss, siguro mas magiging komportable s'ya kung doon na muna s'ya sa penthouse." suhestiyon nito.

         "Ha? E, 'di ba, private office iyon ni boss? Mahirap pumasok roon kung wala kang access. Saka baka mapagalitan tayo roon." nag- aalalang sabi ni Kara. "Baka may iba pang pu- p'wede. Mag- isip ka pa"

         "Doon lang talaga s'ya alam kong safe. Babalikan na lang natin s'ya, kapag medyo nahimasmasan na s'ya. Saka may access naman ako roon, remember? sa security ako. Saka, wala pa rin naman si boss, dahil nasa labas pa ng bansa. So walang magagalit, at lalong walang magiging istorbo sa kanya roon para maka pahinga s'ya." mahabang litanya ni Andro.

         "S'ya, sige na nga, kawawa naman si Sheena, nalasing tuloy, sana hindi na lang  natin s'ya pina- inom, eh." si Kara muli na nilingon ang kaibigan, na halatang kaunti na lang at bibigay na.

         "Ayos lang iyan, hindi naman natin s'ya pababayaan, eh." sabi ni Andro at lumapit sa tabi ni Sheena. "Ang mabuti pa tulungan mo na lang akong alalayan s'ya, para mai- akyat natin s'ya sa taas." sabi nito kay Kara. 

         At nag simula na silang ilayo si Sheena sa kasiyahan. Dumiretso sila sa elevator, at umakyat patungo sa pribadong opisina ng kanilang boss.

         "Wow, ang ganda pala rito?" hindi napigilang bulalas ni Kara, ng mabistahan ang paligid. Hindi pa rin naman s'ya masyadong lasing, dahil sanay na sanay na rin naman s'ya sa pag inom, na hindi tulad ni Sheena na first time pa lang. "Ito ang office ni boss rito? Ang gara naman! At ang bango- bango pa"

         Mas lalo pa itong namangha, ng buksan ni Andro ang isa pang pinto, at bumungad sa kanila ang malaking k'warto.

         "Oh, at may sarili pa palang kwarto? Ang galing naman. Eh, kahit pala dito na tumira si boss, eh, okay lang." sabi ulit ni Kara na sinabayan pa ng hagikhik.

        "Kaya nga sabi ko na naman sa iyo, eh, safe si Sheena rito, kahit abutin pa s'ya ng bukas rito." si Andro muli.

       Inayos nila sa pag ka- kahiga sa kama si Sheena. Hinubad rin ni Kara ang suot nito'ng sandal's, at nang may makita s'yang kumot sa isang kabinet roon ng buksan n'ya, ay kinuha na muna  at ipinatong n'ya sa katawan ng kaibigan. 

        "Pasensya na sir, pero pahiram muna ng kwarto at kumot mo, para sa kaibigan ko, kay Sheena." tila pamamaalam pa n'ya kahit wala naman s'yang pinag sasabihan roon. Natawa naman si Andro sa ginawa nito. 

         "May nakakatawa na ba sa sinabi ko?" angal ni Kara sa lalaki.

        "Wala naman, kaso wala namang ibang tao rito, kundi tayo lang tatlo, kanino ka ba nag pa- paalam?"

         "Ano bang malay ko, kung may camera pala rito. Atleast makikita pa rin ni sir, na nanghiram tayo ng silid at gamit, para kay Sheena." palusot nito na muling ikina halakhak ni Andro.

        "Oh, ayan, mag relax ka muna d'yan, friend. At babalikan ka na lang namin mamaya, kapag nahimasmasan ka na. Mag e- enjoy muna kami sa labas. At enjoy mo rin ang beauty rest mo rito." sabi ni Kara at muling inaya palabas ng silid si Andro.

       At naiwan na mag- isa si Sheena, sa pribadong opisina ni Red na kanilang bagong boss. Habang nag papatuloy pa rin ang kasiyahan sa ibaba ng campus.

         

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status