Share

CHAPTER 8

RED

        Gamit ang elevator sa basement parking nang Monteverde building, maayos at tahimik na naka pasok nang kanyang opisina si Red, na walang nakakapansin na kahit sinong press at media. Habang sa harapan naman ay nag kumpulan ang mga nag hi- hintay na reporter's sa kanyang pagdating. Walang kamalay malay ang mga ito na naka pasok na s'ya ng building.

       "Good morning, sir. Ang akala ko na baka hindi na kayo maka attend sa board meeting ninyo, dahil sa mga press na iyan. Masyado kasi silang mainit na makita at maka usap kayo" ani Vida na assistant niya.

        "Hayaan n'yo na sila. Sigurado naman na aalis rin ang mga iyan, kapag wala silang nakita na anino ko riyan. Anyway, sinubukan na ba ninyong sabibin na hindi ako makaka pasok, today?" aniya habang naka tanaw sa salamin ng opisina, at naka tingin sa mga taong nasa harapan ng gusali at nag kakagulo sa pag hihintay.

      Marami- rami rin sila, at kalkula niya ay nasa trenta katao ang mga ito.

       "Sinubukan na 'ho namin silang iligaw sa pag sasabi ng ganyan, pero talagang hihintayin ka raw nila, eh. Hindi rin naman raw pwede na wala ka sa board meeting ninyo ngayon, gayung ikaw na ang bagong CEO ng kumpanya. Kaya buo ang pag asa nila na makakarating kayo ngayong araw.

       Parang pagod na pagod na naupo sa kanyang swivel chair si Red. Maya maya lang, ay agad na huma- hangos na pumasok ang isang babae na empleyado rin sa kumpanya.

        "E- excuse me, s- sir." bungad agad nito ng mabuksan ang pinto ng pribadong opisina ni Red.

      Natuon ang pansin nila nang kanyang assistant sa bagong pasok na babae. Sa hitsura nito ay bakas ang pag aalala sa mukha nito, na hindi naman nila masabi kung bakit.

       "Is there any problem?" seryoso na tanong ng binata sa babae, habang naka kunot noo pa. 

        "S- sir, pa open na lamang po nang screen." hingal na sabi nito habang naka turo ang daliri sa malaking screen ng tv roon.

      Mabilis na inabot agad ni Vida ang remote niyon at in switch on ang tv. 

      Bumungad agad sa news ang mukha ni mr. Mendez. Isa sa kanilang mga share holder's, at ama mismo ni Cynthia. Nagkaroon ng malakas at hindi magandang kutob sa nangyayari si Red. 

      Habang alalang alala rin ang mukha ng dalawa pa niyang kasama sa loob ng kanyang opisina.

       Lahat sila ay napa tutok ang tingin sa screen ng tv. Ganoon rin ang nangyayari sa labas ng kanyang opisina, sa iba't ibang department.

       ["Kayo 'ho ang ama ni ms. Cynthia Mendez, kung hindi kami nag kakamali, tama po ba, sir?"] Tanong ng isang reporter na lalaki sa kadarating na si mr Mendez.

       Halatang nagulat rin ito sa mga nagtatanong na press sa harapan ng building. Agad s'yang nilapitan ng mga ito, pagkababa pa lamang niya ng sasakyan niya.

       ["Ako nga!"] tugon naman ni mr. Mendez.

      ["Kung ganoon 'ho, may alam 'ho kayo sa kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon, sa pagitan nina ms. Mendez at ni mr. Red Monteverde?"] Matapang na tanong ng isang babaeng reporter.

       Nagkatinginan ang mga nasa loob ng opisina ni Red. Ang kanyang assistant at ang babaeng empleyado rin at kapapasok lang. Napa tuwid naman nang kanyang upo si Ted sa kanyang swivel chair, nang marinig ang naging tanong ng babae sa ama ni Cynthia.

       ["Oh! About that thing, actually, I didn't hear anything, yet, from them, about their relationship. But I'm glad if that was true, anyway. Ever since, alam  naman na natin na close naman sila kahit noon pa. Kaya siguro hindi na naka pag tataka iyon." ] ani mr. Mendez na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan nito. Habang ang nanonood na si Red naman, ay nanatiling pormal at bahagya pang nangunot ang noo. 

      ["Papasok po ba si mr. Monteverde ngayong araw? At gusto na rin po namin itanong ang ilang personal pang bagay sa kanya, upang bigyang linaw ang kumakalat na isyu ngayon sa kanila ni ms. Cynthia. Kasi naispatan po sila kagabi nang isang kasamahan namin sa media, na tila magkasama buong gabi. Gusto po kasi namin na hiningin ang opinyon niya tungkol sa bagay na ito, sir?"] muling tanong ng babae. ["Kanina pa namin s'ya ina- abangan, pero wala pa rin kaming makita na pumasok na s'ya."]

        ["Ah, baka ma le- late lang s'ya nang kaunti. Ang totoo, ay wala rin naman akong alam sa mga bagay na iyan. Pero kung may katotohanan man, sino ba naman ako para hadlangan sila, 'di ba? Kung iyon ang kagustuhan nila pareho, so be it, since, nasa tamang stage naman na sila. Anyway, I have to go. May meeting pa kasi na nag hihintay sa akin eh."] Paalam ni mr. Mendez, at bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan.

        ["Salamat po, sir, sa inyo pong pag tugon sa amin."] anang reporter.

       Tumango na lamang, at bahagyang kumaway si mr. Mendez sa mga ito, at nag patuloy na sa pag pasok sa building.

      Agad na pinatay ng assistant ni Red ang tv. 

       "A- ahh, lalabas na 'ho muna ako." maagap naman na paalam ng isa pang babae.

      "So, mukhang may ideya ka na, sir, kung bakit ka ina- abangan nang mga reporter na iyan? Ay! mukha yatang hindi ka talaga nila titigilan, hanggang hindi ikaw mismo ang kanilang nakaka usap." ani Vida.

       Muling napa sandal sa kanyang swivel chair si Red at napa hawak sa sintido nito.

       "Can you please, make me a black coffee? no sugar." Utos niya rito.

       "Right away, sir!" At mabilis pa sa alas kwatro nang tumalikod ang kanyang assistant, upang mag timpla ng kanyang kape.

       Naiwan na nag iisip si Red. Hindi niya sukat akalain na may malalaman ang media, tungkol sa kanilang pag kikita ni Cynthia. Hindi kaya talagang iyon ang pakay nito? Nangako  ito na walang ibang makaka- alam, maliban sa kanilang dalawa. Paano na naka labas sa media na mag kasama sila kagabi?

        At, mukhang kailangan na nga yata talaga niyang mag ingat sa mga binabalak ng babaeng iyon. Oo nga at nakasama niya ito ng matagal, ngunit wala siyang alam sa takbo ng isip at plano nito ngayon.

      Hindi lingid sa kaalaman niya, na minsan nang nag nais ang ama nito na maging CEO ng kumpanya, nang hindi pa ipinapasa sa kanya ng ama ang tungkilin. Kat'wiran nito ay masyado nang matanda ang kanyang ama para sa posisyon, kaya marapat na isalin na rin ito sa iba, at isa nga ito sa nag nanais na makuha ang posisyon. Ngunit nanindigan ang kanyang ama na hintayin na lamang hanggang sa maging handa ang kanyang nag iisang anak na si Red. Since, sila naman talaga ang bumuo nito at may pinaka malaking share na halos kalahati.

     At sa kaunting panahon na iyon, ay wala na siyang narinig pa muli rito. Hindi rin naka apekto iyon sa pagitan ng samahan nila ni Cynthia, dahil kahit parang kapatid lang ang turing niya rito, at iginalang niya ang babae, kahit pa nga tila hayagan nitong sinasabi sa kanya na s'ya o ang katulad niya, ang nais nitong maging kasama sa buhay, kung sakali man na makapag asawa ito. 

     Wala s'yang ibang maisip kundi ipakita ang suporta sa babae, at minsan ay s'ya na rin ang tuma- tayong kuya nito, tuwing humihingi ito ng payo sa kung ano anong bagay.

     Wala s'yang napansin na may ibang binabalak ito sa likuran niya. Hanggang sa nangyari ang insidente ng gabing iyon, na maging sa kanya ay hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang totoo. Ngunit sigurado s'ya na hindi na maibabalik ang tiwalang ibinigay niya rito noon.

      Sa kanyang balintataw, ay ang maamong mukha ni Sheena ang palaging bumabalik, at alam niya na may babae s'yang kasiping ng gabing iyon, ngunit hindi niya inasahan na si Cynthia ang magigisnan niyang katabi. 

        "Here is your black coffe, sir." pukaw ni Vida sa kanyang boss at marahang inilapag ang cup sa gilid ng table nito.

       "Thank's!" aniya at saka dahan dahan nitong hinigop iyon.

      Ilang sandali pa nang muling lumapit ang kanyang assistant, upang ipa alala ang kanyang meeting with the board.

       "Sir, all of them was already there. At ikaw na lamang po ang kanilang hinihintay para maka pag simula." anito na bahagya pang yumuko.

       "Okay! Thank you!" aniya at agad na tumayo.

      Pag labas pa lamang ng kanyang opisina, ay halos sa kanya na naka tuon ang lahat nang mga mata. Hindi matukoy kung ano ang laman ng mga isipan. Ang ilan pa ay nag bulungan.

        "Sayang! Kung totoo nga na may relasyon na sila ni ms. Mendez, ibig sabihin wala ka nang pag asa kay sir." bulong na sabi ng isang babae sa kausap nito, na bahagya pang naka simangot.

      "Hmp! Hindi ko talaga alam kung bakit si ms. Mendez pa. Ang totoo niyan, plastik lang naman maki tungo iyon, eh! Kapag kaharap si sir Red, parang maamong tupa at santa, pero kapag hindi naman s'ya nakikita, at nakaka sama ni Sir, sobrang sama nang pag uugali n'un. Kaya good luck na lang talaga, kung totoo man na sila na nga! Hanggang hindi ko naririnig ang side ni sir, hindi ako maniniwala ng basta basta lang. Dahil baka hundred percent pa niyan, eh, puro kasinungalinan lang." Inis na sabi nang babae, habang tila nag pa- pantasyang naka sunod pa rin nang tjngin, sa kanilang pa- palayong boss. "Hayyy! Bakit ba kasi ang g'wapo g'wapo mo, sir?" sabi pa nito na na bahagyang nag pangalumbaba sa harapan sa working table nito, at nakasunod ng tanaw sa boss. 

       Bahagyang ikinaway nang isang babae ang palad nito sa harapan ng mukha ng kausap, ngunit ni hindi man lang ito kumurap, habang naka tutok ang tingin sa among papalayo.

        "Hoy! Gaga! Kaya nga itigil mo na ang pantasya mong iyan, kapag totoong sila na nga ni ms. Cynthia. Dahil kapag nag kataon. Tiyak na baka mai- lampaso pa n'un ang mukha mo sa sahig, kapag nalaman na pinag pa- pantasyahan mo si sir." sagot muli ng katabi at kausap nito.

        "Ah, basta! Hihintayin ko pa ang confirmation na manggagaling mula kay sir. Hanggang wala akong naririnig, I would not stop dreaming of him." anito muli, na gumuhit pa ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

       "Hmp! Bahala ka na nga d'yan. Basta pina- alalahanan na kita. Kaya huwag kang pa emote- emote d'yan, kapag real na talaga ang relationship nila. Kaya payo ko lang, ha! Huwag masyado umasa, para hindi ka masyadong masaktan, kapag mismong sa bibig na ni sir nag mula ang sagot." Pairap na sabi pa nito sa babaeng hindi yata nag sasawang pag pantasyahan ang boss n'ya.

       "I don't care, kahit ano pang sabihin n'ya."

       "Hay! Ewan ko ba sayo! D'yan ka na nga! May trabaho pa akong kailangan na tapusin." At umalis na ang babae sa harapan nito.

      Habang kay Red, natuon  na agad ang pansin ng lahat sa kanya, pag pasok pa lamang niya ng conference hall. Lahat ay puro nag tatakang tingin ang mababakas sa hitsura. Alam naman na niya kung bakit. Lalo na nang matuon ang tingin niya, sa naka ngising ama ni Cynthia.

      Binale wala lamang niya ito, at nag patuloy sa kanyang agenda para sa araw na iyon.

       Ngunit sadya pa ring hindi sya makalusot sa ama ni Cynthia, nang mag simula itong mag usisa sa kanya.

        "There would have a lot of reporter's and media outside the building. Have you address them? Actually, I am curious, about what they want to know on you with my daughter's." anito na sandaling ikina tigil muna ng binata sa gagawin sanang pag sisimula. 

        Habang tila naman nag hihintay ang lahat sa magiging tugon ni Red.

         

       

       

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku dupalpalin mo yan red
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status