Share

CHAPTER 9

RED 

         Lahat ng tingin ay napokus sa lalaking naka tayo sa harapan ng lahat. Biglang nagkaroon ng tens'yon sa loob. Bahagyang tumukod ang dalawa niyang braso sa conference table, at matapang na sinalubong ang tingin ni mr. Mendez, habang naka ngisi ito.

       "Actually, I don't need to approach them. Para ano naman? Para makipag plastikan? Hindi ko ugali iyon, lalo na ang gumamit ng media to catch attention." pormal na sabi ni Red at muling tumayo ng tuwid saka inilagay ang palad sa bulsa ng suot na pants.

      "So, ano ang gusto mong palabasin? Sa pag ka- kaalam ko, wala naman siguro sa kahit na sino na narito, ang tumawag sa mga iyan para mag kumahog lumapit rito,  at maka kuha lang ng malaking scoop? Isa pa, related sa inyo ng anak ko ang usapan. Sa ngayon, wala pa akong nalalaman mula sa anak ko, o kahit sa iyo na rin. Pero siguro naman, masasabi mo kung bakit ano ang dahilan, para pag kaguluhan kayo ngayon ng media?" seryoso ito ngunit bakas sa kislap nang mata nito ang labis na saya. Siguro dahil sa nangyayari ngayon.

       Ngumisi s'ya at bahagyang umiling, "Bakit kaya hindi ang anak mo, ang tanungin mo ukol sa bagay na iyan? Siguro s'ya ang contact sa kanila, kaya biglang lumapit rito. But anyway, hindi iyan ang isyu ko ngayon rito, kaya ako nag patawag ng board meeting. May mas mahalaga pa akong agenda, kesa ang unahin ang pag ka premature na ugali ng anak mo. Isa pa, wala akong panahon para pag usapan sa opisina ko ang personal na isyu."

       Biglang nag lapat ang mga labi ni mr. Mendez na halatang galit ito. Bahagya ring naningkit ang mga mata nito. "Iniinsulto mo ba ang anak ko? Sa tagal ng pinag samahan ninyo, parang lumalabas pa, na ang anak ko ang dahilan ng gulong iyan sa labas?" bahagya nang tumaas ang boses nito. 

      Agad naman itong tinapik ng katabi rin nitong may katandaan na, at isa ring share holder nila, upang pakalmahin ito sa nag aalsa nitong galit.

       "I don't have time to discuss it, and I don't want any argument regarding that thing. Anyway, time is running out, we need to start this meeting." aniya na muling ipinokus ang sarili sa ginagawang interpretasyon. Nanahimik naman ang lahat, at walang kahit na sino pang nagtangka na maki pag argumento pa.

       Halos isang oras lang naman ang itinagal ng meeting, at tila pagod na pagod na napaupo sa kanyang swivel chair si Red, pag pasok na pag pasok pa lamang ng kanyang opisina.

      Marahas pa s'yang napa buga ng hangin, dala ng inis. Sumandal s'ya sa kanyang upuan, at ini- unan ang ulo sa sandalan, saka bahagyang pumikit. Ngunit sa pag pikit niya, ay ang maamong mukha pa rin ni Sheena ang biglag nag pa flash roon. Hindi tuloy niya maiwasan na maguluhan. Habang tumatagal ang oras, ay mas tila nananabik naman s'yang masilayan muli ito. 

      "Oh! What was really happened that night? Why after those thing happened, I couldn't remember it clearly." frustrated na tanong niya sa sarili. Kahit anong pilit niyang alalahanin ang mukha ng katabi, ay ang mukha pa rin ni Sheena ang sumasagi sa balintataw niya. Is it real, or hallucination?

      Marahas niyang nai- hilamos ang palad sa kanyang mukha. Sandali pa muna niyang ipinokus ang sarili sa trabaho, and trying not to overthink. 

      At habang naka pikit s'ya, ay may narinig s'yang tinig ng babae sa labas, at alam niya kung sino ang may ari ng tinig na iyon. Hindi tuloy niya maiwasan, na agad na bumangon ang inis sa kanyang dibdib.

        "Hello! Kusa na akong pumasok. Ang sabi ng assistant mo, hindi ka raw p'wedeng istorbohin. Pati ba naman ako, hindi rin p'wede?" taas ang kilay na tanong nito.

       "Then, why are you here?  Don't tell me that your father called you again to come?" may halong sarkasmo ang kanyang tinig rito. Then he smirk. Hindi na s'ya mag tataka kung ganoon nga ang nangyari.

       "'Di ano naman ngayon kung tumawag nga s'ya sa akin? She just informed me na nag kainitan na naman kayo? Ofcourse, I am his daughter, so, he didn't want any other to insult me just like what you did earlier." akusa nito agad na bungad. Nanatili itong naka tayo sa harapan ng kanyang desk, habang naka halukipkip ang mga braso sa harapan ng dibdib nito.

       "Hanggang dito ba naman, kailangan pa nating magtalo? Can't you see? I have a lot of work to do." ani Red na hindi naitago sa mukha ang pagka inis sa sitwasyon.

        "Huh! Ganyan mo na ako ngayon tratuhin? Sa pagkakaalam ko naman, wala akong nagawang mali sa iyo? Sobra-  sobra na nga ang ginawa 'ko, to please you, pero hanggang ngayon, dedma lang sa iyo lahat? I thought were friend's already?" mataray na saad nito.

      "Yah! Friend's! That's why, I couldn't imagine that you break that thing between us. And for all I know, even you would not admit it, It's clear that you drug me that night. And also those fucking reporter's outside, I know you send them here, am I right?" 

      Natahimik si Cynthia at saka napa lunok muna bago taas noo na muling nag salita.

       "You're accusing me, without showing any evidence. I told you before. One thing I want in my life, is to get what I want most. And I will do all posible thing's to do that. At ikaw na rin ang nag turo sa akin, na kung ano ang gusto ay walang dahilan para hindi iyon makuha. And that's what I am doing for now." aniya sa matapang na tinig, at saka walang sabi- sabing tumalikod at lumabas ng kanyang opisina.

      Napa iling ang naiwang lalaki at napa hilot sa sintido nito. Matapos na maka pag pahinga ng kaunti, ay muli niyang itinuloy ang trabaho.

SHEENA

       

         Masama ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon, mabuti na lamang at walang pasok ang unibersidad ngayon. Mas pinili niyang mag kulong na lamang sa kanyang silid.

        Hindi pa rin  maalis sa kanyang ala- ala ang nangyari. Hindi naman niya sukat akalain na magigising na lamang s'ya sa tabi ng isang lalaki. At sa dinami rami pa ng lalaki sa mundo ay si Red pa. 

       Alam niya na kahihiyan na ito, kaya ayaw muna niyang makita ang mukha nito. Ano na lamang ang iisipin nito? Na mababa s'yang uri ng babae, at sa sandaling nawala sa sarili ay bumigay na agad? 

       Gulo pa rin ang isip niya. Oo nga at alam niya na lasing s'ya, ngunit dapat pa rin na naging responsable s'ya sa sarili niya, para sana hindi umabot sa ganito.

       'Pero bakit nga ba naroon ako? Saka bakit naroon rin s'ya? Sinadya ba ito? Ang alam ko wala s'ya sa bansa, at paano naman na napunta ako sa kwartong iyon, na hindi ko kasama sina Kara? Tama! Sina Kara lang ang kasama ko ng gabing iyon, alangan naman na sinadya nila akong iwan roon, kahit alam nila na naroon si Red?' mga tanong na naipon sa kanyang isip. 

     Parang pakiramdam niya ay ang sakit sa ulong mag isip. Kahit na anong gawin niya ay hindi na mababago ang nangyari. Wala na s'yang mukhang mai- haharap sa eskwelahang pinag tuturuan niya.

       "Anak? Ang mabuti pa ay lumabas ka na muna riyan at kumain." Tawag nang kanyang ina, matapos ang ginawa nitong isang katok sa pinto ng silid niya.

       "Mamaya na, ma! Lalabas lang po ako." sagot niya. Pinilit niyang maging normal ang tinig, upang hindi mahalata ng ina, na may malaki s'yang problema. 

      "Hay, naku! Masama ang nalilipasan ng gutom. Lumabas ka na nga muna ng makakain ka."

        "Mamaya na po, ma. Hindi pa naman po ako gutom."

        "Buksan mo nga ang pinto, at mag usap muna tayo. May problema ka ba?" Nag aalalang tanong nito sa kanya. 

        "Wala 'ho, ma. Pagod lang po ako. Saka medyo masakit pa ang ulo ko, itutulog ko na lang po muna  ito." muling iwas niya sa ina. Ayaw niya na makita itong nag aalala.

         "O, sige, pero maya- maya kumain ka, kapag naka pag pahinga ka na, ha?" huling sinabi nito bago niya narinig ang mga yabag nito na lumayo sa pinto nang silid niya.

        Mariin s'yang napa pikit. Hindi naman niya gustong pag sinungalingan ang kanyang ina, kaya lang ayaw rin niya na mag alala ang mga ito. 

       Mabuti na nga lamang at nataon na wala ngayong pasok. Kaya kahit paano ay may alibi s'ya sa ina.

        Lumapit s'ya sa salamin at sinipat ang kanyang sarili. Medyo mugto na ang kanyang mga mata. At tiyak na hindi maiwasang mag usisa ng ina kapag nakita s'ya ng ganito.

       Inayos niya ang kanyang sarili. Pumasok s'ya sa loob ng banyo at nag hilamos s'ya ng mukha. Matapos maka pag- ayos, ay muli s'yang bumalik sa kama at nahiga. Dinampot n'ya ang kanyang cellphone ng marinig na may nag message sa kanya. 

        Tiningnan n'ya iyon at si Kara.

        ["Nasaan ka ngayon She? Kita tayo ngayon, pwede?"] mensahe nito sa kanya.

       Walang ganang itinabi na lamang niya ang phone. Wala s'yang maisip kung makikipag kita ba s'ya sa kaibigan niya o hindi.

        ["Reply ka naman kung nasaan ka, oh. Puntahan na lang kita d'yan sa bahay n'yo?"]

       Bigla s'yang napa reply rito. Baka mas mag alala pa ang kanyang ina kapag nag punta pa ito, baka mag usisa kay Kate at mabuking pa s'ya. Tiyak na baka ang tungkol kagabi ang nais nitong pag usapan.

        ["Kita na lang tayo sa may coffe shop sa dati nating tambayan sa may park."] Reply niya rito saka napa buntong hininga.

         ["Ok!"]

         Sandali muna s'yang nahiga upang kalmahin muna ang kanyang sarili. Matapos ay pumasok muli ng banyo at nag shower. Mabilis na nag bihis, at nag pahid ng manipis na make up. At upang hindi mahalata ang pamumugto ng kanyang mga mata, ay kinuha ang eyeglass na kulay brown. Malaking tulong na iyon upang maka iwas na mapansin ng ina ang pamumugto ng mata n'ya.

       Matapos maayos ang sarili ay nagulat pa ang kanyang ina, nang lumabas s'ya ng silid na  naka ayos.

          "May lakad ka?" takang tanong nito. "Akala ko ba wala kayong pasok ngayon at mag papahinga ka muna?" 

         "Nag aaya lang 'ho kasi si Kara, ma. Katetext lang kasi n'ya sa akin. Huwag po kayong mag alala, at babalik rin naman 'ho ako kaagad." at bahagya s'yang ngumiti sa ina.

Nakita niya ang bahagyang pag silip nito sa mga mata niya, na tila pilit na inaaninag iyon. Mabilis s'yang h*****k sa pisngi nito, at humakbang palabas, bago pa 'man s'ya nito mahalata.

        "Bye, ma!" 

        "Sige! Ingat ka!" 

        Naka hinga ng maluwag si Sheena nang tuluyang makalabas ng bahay. Pumara s'ya ng kanyang masasakyan, upang mag tungo sa usapan nilang lugar ni  Kara.

       Bahagya pa s'yang nagulat ng pag pasok niya sa cafe ay may nakita s'yang kumakaway sa kanya. Agad niyang nakilala si Kara. 

           'At ang bilis naman nito?' bulong niya sa sarili.

         Agad na nilapitan niya ang kanyang kaibigan. Kita sa mukha nito na balisa, at mukhang may gustong sabihin. 

        Oo nga naman, kailangan nitong mag paliwanag, kung paano s'yang napunta sa pribadong opisina ni Red, gayong sila ang mga kasama niya.

        "Ang bilis mo mana 'yata? Ang akala ko malayo layo pa sana ang iko- commute mo?" aniya ng hustong maka lapit s'ya rito. Agad s'yang humila ng upuan at naupo.

       "Ang totoo, nasa daan na ako kanina ng mag text ako sa iyo." sabi nito.

       Agad nitong ginagap ang kanyang palad ng maipatong niya iyon sa mesa. Agad natuon ang pansin niya roon.

         "Sorry, She, 'ha?"

         Taka s'yang napa tingin rito. "Para saan?" 

        Atubili pa ito bago nag salita. Ngunit bago pa man ito makapag simula ay  napansin niya itong napa lingon sa may gawi ng pintuan ng coffe shop.  Nasundan niya ang tinitingnan nito. At nakiya rin niya ang pag pasok ng isang lalaki sa shop. Naka suot ito ng red cap at black shades, kaya hindi niya makilala agad. Hanggang sa unti unti pa itong maka lapit sa gawi nila.

        

       

        

      

        

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko si red ang dumating
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status