SHEENA
Maaga pa lamang ay sobrang abala na sa kanyang bagong trabaho ang dalaga. At dahil pagiging clerk sa eskwelahan ang kanyang bagong assignment, ay halos mapuno nang kaabalahan ang kanyang oras. Sumabay pa sa final exam ng mga estudyante, kaya marami tuloy siyang hinaharap na trabaho ngayon.
Mula ng pumasok siya sa eskwelahan, ay mas pinili niyang maging busy upang hindi gaanong ma- okupa ang kanyang isip ng kanyang iniiwasang nakaraan. Halos mag- iisang buwan na rin buhat ng lumipat siya rito, at makipagsapalaran muli para sa kanyang sarili.
Kanina alam niya na may message siya, ngunit hinayaan na muna niya iyon. Mamaya na lamang niya iyon titingnan.
"Hindi ka ba lalabas muna diyan?" tanong ng isang guro sa kanya na naroon, at nakahanda na ito para lumabas, siguro para mag canteen.
SHEENA Habang kausap niya ang kanyang kaibigan na si Kara sa linya, ay hindi sinasadya na narinig niya ng isang tinig ng babae na nagtanong rito. "Who are you talking with?" tinig iyon ng babae. "Ah, ang kaibigan ko po, ma'am." magalang na sagot ni Kara rito. At dahil hindi nito tinakpan ang mouthpiece ng phone nito, ay malaya niyang naririnig ang pag-u- usap ng mga iato. "What is your friend's name?" tanong muli nito. Hindi maiwasan na bahagyang mapataas ang kilay ng nakikinig sa linya na si Sheena. At ano naman ang paki-alam nito, kung sino man ang kaibigan na kausap ni Kara? Bakit kailangan pa nito na magtanong ng kung sino man ang kausap? "Ah, Sheena, ma'am." "Okay!" Iyon lang at narinig na niyang nagpaalam ito kay Kara.&
SHEENA'S POV Tulala habang magkaharap sina Sheena at ang kanyang mga kaibigan na sina Kara at Andro sa isang resturant. Pare- pareho silang hindi makapaniwala na nagbunga ang nangyari kina Sheena at sa amo nilang si Red. Kahit anong pakalma sa kanya ni Kara ay hindi pa rin matapos- tapos ang kanyang impit na pagluha. May ilan pang kustomer ng kainan na napalingon sa gawi nila na tila mga nagtataka. Panay ang hagod ng kanyang kaibigang si Kara sa likod niya habang si Andro naman ay nanatiling walang imik at balisa. Makahulugang nagkatinginan naman sina Kara at Andro, na parehong nakakaramdam ng pagka-guilty sa sinapit ng dalaga. Kalalabas lang nila ng doctor's clinic at kinumpirma nga ng OB na nagdadalang tao nga ang dalaga ng may siyam na linggo na. Hindi sila makapaniwala na sa ganoon kabilis ng pangyayari ay nagbunga ang lahat. Bakas ang labis na lungkot at sakit sa mukha ng dalaga. "Bess, I'm sorry, hindi namin ito inasahan na mangyayari. Hinangad lang namin
RED Abala para sa kanya ang araw na iyon. Nakatambak ang mga paper works na kailangan niyang tapusin, dahil na rin sa hindi siya masyadong makapag concentrate dahil sa ilang araw ng may gumugulo sa kanyang isipan. Halos mahigit ng dalawang buwan mula ng bigla na lamang mawala, at hindi makita ang taong pinananabikan niyang makita, si Sheena. Magmula ng umalis ito ay nawalan na siya ng anumang balita rito. Sinubukan niyang pasundan ang kaibigan nito na si Kara at Andro, subalit wala siyang nakuha na magandang resulta. Sinubukan na rin niyang tingnan ang lugar kung saan naka- address noon ang dalaga, subalit wala ng tao roon, at walang nakakaalam sa mga taga roon kung saan lumipat ang pamilya, ang tanging nasabi na lamang ay biglaan ang pag alis ng mga ito na hindi alam ang dahilan. Wala rin makapagturo kung saan ito lumipat. Habang abala ang sarili, ng biglang tumunog ang intercom at tinig ng kanyang assistant na si Vida. "Sir, ms. Mendez was here, s
SHEENA POV Sumapit ang kabuwanan niya at pansamantala muna siyang naka- maternity leave ng tatlong buwan. Hindi na rin siya iniiwan ng kanyang ina na palaging naka alalay sa kanya, upang madali siyang makatawag ng tulong incase na kailanganin niya. Hindi naman kalayuan ang pinakamalapit na hospital kaya hindi sila gaanong mahihirapan. Madalas rin na dumadalaw sa kanya ang kanyang mga kaibigan na sina Kara at Andro. "Mabuti naman at walang ibang nakakapansin o sumusunod sa inyo tuwing madadalaw kayo rito." minsan ay nai- tanong niya noon sa dalawa. Napansin niya na nagkatinginan ang mga ito bago napakibit balikat. "Ang totoo, hindi lang minsan kami may napansin na nakabuntot sa amin, at dahil nga nag iingat kami ng husto sa tuwing pupunta rito, ayun, kahit pa- paano ay nagagawan naman ng paraan para matakasan." Kivit balikat na tugon ni Kara. "Salamat na lang at magaling mag-isip ang driver bodyguard ko." dagdag pa nito sabay hagikhik at ikinuwento kung ano
RED Habang abala siya sa kanyang ginagawang pagtipa sa harapan ng kanyang personal computer, ng biglang nag ring ang kanyang phone. Napansin niya na unregistered number lang ito at hindi pamilyar sa kanya. Wala sana siyang balak na sagutin ngunit baka masyadong importante. "Hello?" sagot niya. "Hello, sir? Kayo po ba si mr. Red Monteverde?" tanong ng tinig babae sa kabilang linya. "Yes, speaking! Who's this?" pormal na tanong niya sa nasa kabilang linya. "Ah, hello sir, magandang araw po. Gusto lang po namin sana kayong i- inform about po sa panganganak ni ms. Mendez, narito po siya ngayon sa hospital at kakapanganak lang niya." anang babae. "Bakit ngayon n'yo lang itinawag?" kunot noong tanong niya rito. "Pasensya na po sir, nahuli na po na nai- paalam sa inyo sa kagustuhan na rin po ni ms. Mendez na hindi na kayo maabala sa trabaho." anito. "Saang hospital iyan?" tanong muli niya. Agad naman na sinagot ng babae kung sa
CYNTHIA Lihim siyang napangiti habang nag di- dial sa kanyang phone. "Hello?" tinig mula sa kabilang linya. "O, ano? Nagawa mo na ba ang iniuutos ko sa iyo? Maayos mo bang nai-dispatsa?" tanong niya na may kahinaan ang tinig upang walang makarinig sa kanyang sino man. "Yes, ma'am. Okay na po at maayos na ang lahat." "Siguraduhin mo lang na walang magiging aberya iyan, ha? Dahil kung hindi malilintikan ka sa akin! Alam mo naman kung ano ang kaya kong gawin!" banta niya rito. "Opo naman, ma'am. Maayos at malinis ang lahat, at sigurado ako na walang magiging aberya, ma'am." "Okay, I already transfered the money on your account. You may just check it for yourself," sabi niya sa kausap. "Okay, ma'am." anito na halatang masaya ang tinig. "Okay!" aniya at aktong ibaba na ang kanyang phone, ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at bumungad ang magulang ni Red. Pilit siyang ngumiti sa mga ito na umaktong tila hirap
RED Habang hindi mapakali ang binata na nagparoo't parito sa paglalakad sa kabuuan ng kanyang sala, ay patuloy rin na sumasalit sa kanyang ala ala ang maamong mukha ni Sheena. Kahit na ilang buwan na ang nakararaan mula ng mawalan siya ng balita rito, ay hindi rin nawala ang dalagang guro sa kanya, kahit pa sa maikling sandali na nakilala niya ito. Alam niya na maaring may puwang na sa puso niya ang babae sa loob lamang ng ilang sandaling pagkaka-kilala niya rito. Hindi niya tuloy alam kung ito na nga ba ang sinasabi nilang love at first sight, ngunit magkaganun pa man, gulo pa rin ang isip niya dahil hindi na niya ito makita pa. Isa pa, ang tungkol kay Cynthia na alam niyang isa na ring balakid sa mga plano niya. Kahapon ng sabihin nila na nasa hospital ito at nanganak, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya ito nadadalaw. Hindi pa rin niya nakikita ang hitsura ng naging anak nito at kung ano ang kasarian. Wala rin kasi siya sa atensyon kapag nagsasab
REDTulala at hindi pa rin siya makapaniwala habang nakatitig sa bangkay ng mga nasa harapan niya. Sino ba ang mag a- akala na sa bawat oras na laman ito ng isip niya, ay narito naman ito at piniling lumayo sa kanya? Sobrang nasorpresa siya ng sabihin ng mga kaibigan nito na si Sheena nga ang babaeng nakasiping niya ng gabing iyon, ngunit palaisipan pa sa kanya kung bakit si Cynthia ang nagisnan niya na nasa tabi niya. Matagal niyang tinitigan ang labi nito, ganoon din ang labi ng tatlong maliliit na anghel, bagaman at sarado iyon at hindi na rin ipinakita pa ang anino ng tao sa loob dahil sa maselang kondisyon na hindi makilala ang mga sunog na katawan Kulang na lang ay pakiramdam niya gusto niyang manakit ng mga oras na iyon. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit at sama ng loob na nasa puso niya. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Sheena na masamahan siya sa mga panahong kailangan nito ng katulong at kaagapay. Kaya pala ganoon na lamang ang paninindigan