Share

CHAPTER 4

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan, nina Sheena at nang kanilang bagong boss na si Red. Wala ni isa man sa kanila ang nag tangkang mag labas nang salita. Tutok ang tingin ni Sheena sa sahig ng elevator, habang naka yuko ang ulo. Pinilit n'yang huwag lumingon sa kanyang katabi, kahit pa nga gustong- gusto n'yang mabistahan pa ang hitsura nito, kaya lang nahihiya naman s'ya na baka iba ang isipin nito sa kanya.

        Habang si Red naman, ay nakatitig sa kanya na tila ba amused na amused sa ikinikilos ng dalaga. Mag ka- salikop ang kanyang mga braso sa harapan ng kanyang dibdib, habang naka sandal naman sa dingding ng elevator.

         Ramdam ni Sheena ang ginagawang pag titig sa kanya ng kanyang katabi, kaya pinilit n'yang iwasan na mapa lingon sa gawi nito. Hindi maiwasan nang guro na kabahan ng sobra, dahil sa presens'ya nito sa tabi n'ya. Pinag salikop rin n'ya ang kanyang mga palad sa kanyang likuran, at dama n'ya ang panlalamig at pamamawis noon. Ewan ba, pero ninenerbiyos yata s'ya sa harapan ng kanyang boss.

        Langhap na langhap rin n'ya ang napaka swabeng amoy ng gamit nito'ng pabango.  Parang ang sarap- sarap amoy- amuyin, at hindi masakit sa ilong.

       Walang anumang naging salita sa pagitan nila, hanggang sa lumapat sa ground floor ang elevator at bumukas iyon.

       Tama naman, na nasa bungad noon ang kanilang dean, at ang dati nilang boss na ama rin ni Red, at naka tayo na mukhang hinihintay rin ang pag bukas ng elevator. 

       Nakita n'yang ngumiti sa kanya ang dalawa, matapos ay tumingin kay Red ang daddy nito.

        "Thank you, sir!" anas n'ya na humarap kay Red at bahagya pang tumango rito. Lumabas s'ya nang elevator at muli na narinig naman ang tinig ng kanilang dean.

        "You're also here, ms. Santillian. Siguro naman ay nakilala mo na ang bago nating magiging presidente rito?" nakangiting sabi nito na ang tinutukoy ay si Red.

        "Ah, y- yes, sir." sabi n'ya na tipid rin na ngumiti sa mga ito.

        "By the way, ito nga pala si mr. Monteverde ang dati nating presidente." pakilala nito sa dati nilang boss at humarap muli sa kasama. "And she's one in our very outstanding teacher here, sir. Ma'am Sheena Santillian." naka ngiti na pag papakilala nito sa kanila.

        "It's nice to meet you, miss Santillian." sabi nito na inilahad pa ang palad sa kanya.

        Nahihiya man ngunit wala s'yang choice kundi tanggapin iyon.

        "My pleasure to meet you too, sir." sagot n'ya at bahagya pang yumukod rito.

       Matapos maki pag- kamay sa dati nilang boss, ay mabilis na rin s'yang um- exit.

       "Mauna na ho muna ako sa inyo." magalang n'yang paalam sa mga ito.

       "Sure!" mabilis naman na tugon ng dalawa, habang si Red ay tahimik lang na nakamasid sa kanilang tatlo.

       Mabilis s'yang tumalilis sa mga ito at tinungo na ang teacher's room.

RED'S POV

"Shall we up to my office?" tanong naman ni Red sa kanyang ama, at sa kanilang dean na nasa harapan ng elevator.

        "Ofcourse, my son." mabilis naman na sagot ng kanyang ama. Pumasok ito ng elevator, at sumunod naman ang kanilang dean.

        Pag ka- pasok pa lang sa kanyang pribadong opisina, ay ang tungkol agad sa eskwelahan ang kanilang naging topic.

        "Welcome to you, sir" bati ng dean kay Red, at inabot ang kamay nito sa binata.

        "Thank you too. And please have a seat." at lahat sila ay naupo. "So, may mga bago ba tayong kailangang i- achieve this year?" panimulang tanong ni Red sa kanilang dean.

       "Mag sa- sagawa po ng instram's ang school ngayong susunod na linggo. At sa tingin naman po namin ay naka pag handa na ang mga estudyante at staff natin ukol rito. Since, simula pa man ay ginagawa na natin ito." paliwanag ng dean sa kanila.

         "But I am not here, next week. I have a bussiness matter outside the country to attend too." mabilis na sabi ni Red na bahagya pang nangunot ang noo.

         "It's okay, sir. Kaya naman pong i managed ng lahat ang para doon. At saka, ilang taon na rin naman natin na ginagawa ito rito, kaya familiar na sila." naka- ngiting paliwanag ng dean sa kanya.

        "Yes, son. At nakita ko nga sa ilang taon, na isa ito sa napaka siglang aktibidad ng mga estudyante rito. Witch is, nadi- discover natin ang mga ilang skill's na hinahanap natin, para maging qualified na taga represent ng school saan mang aspeto." naka ngiti ring ayon ng kanyang ama.

       "Hindi na ba natin pwedeng i- postponed muna ito?" seryosong tanong ni Red. Gusto rin kasi niyang personal na makita ang mga aktibidad na ginagawa nila, kaugnay nito kaso ay may naka schedule naman syang dapat puntahan ng mga panahon na iyon.

        "I'm sorry, sir, pero hindi na po kasi pwede, kailangan na natin itong ganapin, and it would be held not longer for five  day's." sabi muli ng dean.

        "Five day's!" he murmured. At nag isip pa s'ya sandali. Okay, kung five day's ang ita- tagal nito, siguro naman ay may ilang araw s'yang ma a- abutan pa, habang ginaganap ito, sakali mang wala s'ya sa bansa.

        Tiningnan n'ya ang mga hawak na paper's. Approval na lang kasi ang kailangan niyon para sa gagawin nilang intrams. All set naman na ang lahat, at ang final na desicion na lang n'ya ang hinihintay.

         "Okay!" sagot n'ya at mabilis na pinirmahan ang dokumento.

         "Thank you, sir." at saka ito naki pag kamay sa dalawa. Tumayo ito at nag handa na upang lumabas. "Ipa- pasabi ko na lang po sa inyo mamaya, kung handa na ang lahat sa hall, para sa pormal na pag pa- pakilala sa inyo, sir." sabi nito na bumaling nang tingin kay Red at bahagya pang tumango.

        "Yes, please?" sabi naman na sagot nang kanyang ama.

         "Sige po. Mauna na 'ho muna ako sa inyo sa baba." paalam nito.

         Tumango na lamang ang dalawa at iniwan na sila nito.

        "So, what can you say to your new office?" naka ngiting sabi ng kanyang ama, habang naka- upo at umiikot ang tingin sa paligid nito.

       "Well, I like this style. Kung masyadong naka ka- pagod, I had a space na pwede kong pag pahingahan, kahit ano mang oras ko gustuhin." sabi rin n'ya na bahagyang ngumiti.

         "Curious lang ako sa babaeng kasama mo kanina sa elevator, si ms. Santillian, where did you meet her?" kita n'ya ang isang ngiti sa sulok ng mga labi nang ama. Mukhang alam na n'ya ang ibig nitong tukuyin.

         "Uhmn, nag hatid s'ya ng files na hiningi ko kanina, remember? Bakit n'yo nga pala naitanong?" pormal n'yang sabi na hindi man lang ngumiti.

          "Hmn, I like her. She's simple, at base sa pag pa- pakilala kanina ng dean, mukha ngang maganda ang performance n'ya rito." puri nito sa guro.

        Nag kibit lang s'ya ng balikat. "Well, base sa mga file's na nakuha ko kanina. S'ya ang nangunguna sa may pinaka outstanding performance sa lahat ng mga guro rito. At her very young age, mukhang marami na rin s'yang achivement's na natanggap." diretso n'yang tugon.

        "At hindi ka man lamang ba na amaze?" biro ng ama n'ya.

        "Dad, wala pa sa bokubolaryo ko iyan." aniya sa ama.

        "Bakit? May iba pa ba akong sinabi?" natatawa namang tugon nito.

       Napa- iling na lang s'ya at nag labas ng juice mula sa ref.

        "Mukhang sa tingin ko, eh, mas madadalas ang pag i- stay mo rito, kesa sa bahay, ah." sabi ng ama na sinabayan pa ng pag kibit- balikat.

        "Dad, may iba pa rin tayong bussiness, right? Hindi lang ito, so, hindi ko pa rin magagawang mag stay sa isang lugar lang. We have some bussinesse's abroad na kailangan ko ring i- monitor." sabi n'ya, sabay lapag ng kinuhang juice sa mesa, sa kanila'ng harapan kasama ang sandwich.

        "Yes, I know that, son. And I'm proud to have you."

        "Thank's, dad!" sabi n'yang tugon.

SHEENA'S POV

Malayo pa lamang si Sheena, ay kita na sa mukha ng kanyang kaibigan na si Kara ang excitement. Mabilis s'ya nitong sinalubong mula sa pag a- ayos nito sa hall. At parang kiti- kiti na kinulit s'ya.

         "So, ano na? Nakita mo na ba ang bago nating boss? Balita ko ay g'wapo raw. At ikaw pa lang ang nakakita sa kanya, so, ano na? Sabihin mo naman sa akin ang hitsura n'ya, ano, gwapo ba?" gigil na tanong nitong kulit sa kanya.

          "Ano ba? Wala namang espesyal doon sa tao. At kung sa gwapo naman, oo, gwapo nga s'ya." kaswal n'yang sabi rito. Hindi n'ya ipina- halata rito, na kahit s'ya man, ay pa- simple ring kinikilig.

         "Oh, my, so ibig bang sabihin n'yan, ay kinilig ka rin ng makita s'ya?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya.

         "Ofcourse not! Bakit naman ako kikiligin doon sa tao? Ano ba'ng malay ko doon sa tao, kung may asawa na, o kaya ay may fiancee na, 'di ba?" iwas n'ya sa sinabi ng kaibigan.

         "Oh my, gaga ka talaga! Hindi mo ba alam na single pa iyon? Wala nga lang nakaka kita pa sa mukha n'ya, kasi mailap nga s'ya sa madla. Pero ngayong s'ya na ang magiging bago nating presidente, tiyak na mababalatan na s'ya ng lahat. Ano na nga kasi ang hitsura n'ya? Sabihin mo na kasi. Matangos ba ang ilong? Mapula ba ang labi? Maputi ba? Or what?" kulit pa rin nito na hindi maiwasang ika- tawa n'ya.

        "Ikaw talaga, para kang sira d'yan. Hintayin mo na lang kasi na ipakilala s'ya mamaya. Makikita mo rin naman s'ya mamaya, eh! tiyak naman iyon, noh!" sabi n'ya sabay irap sa kaibigan. "Masyado ka kasing atat, eh." dagdag pang biro n'ya na natatawa.

         "Hmn, kainis ka talaga! Ang kj mo naman, eh, para tinatanong lang, eh." at nag tatampo itong umirap sa kanya.

        "Eh ano naman kasi ang gusto mo pang malaman about sa kanya? Eh, lahat naman na ng sinabi mo ay tama. Gwapo, maputi, matangos ang ilong, red lips, matangkad, ah basta marami pa. Makikita mo rin naman mamaya." ingos n'ya sa kaibigan.

       Nakita n'ya ang panlalaki ng mga nito. 

        "Kung ganoon kinilig ka nga siguro ano, ng makita mo s'ya kanina?"  may kasama pang gigil ang pag ka- kasabi nito.

       "Ofcourse not!" mabilis n'yang tanggi. "At saka sino ba s'ya para kiligin naman ako? Marami rin naman akong nakikitang gwapo kahit saan, ah. At isa pa, hindi na po tayo teenager, ano?"

         "Hus! Kunwari ka pa. Para sabihin ko sayo, kahit matanda na at bungal na, tiyak na kikiligin lalo na kung gwapo. Kaloka ka, friend!" bulalas nito na tila hindi maka paniwala sa sinabi n'ya,sabay irap na sabi nito sa kanya. "Kawalang gana ka namang kausap, eh! Diyan ka na nga! " dabog pa nito sa harap n'ya. Sabay na nag walk- out palabas.

       Natawa na lang s'ya sa inasta nito, at napa- iling na dumiretso sa kanyang mesa. Wala rin ang kanyang mga kapwa guro, dahil abala ang mga ito sa pag aayos ng hall.

       Matapos n'yang mailigpit ang ilang mga personal n'yang mga gamit, ay sumunod rin s'ya sa pag aayos ng hall. Lahat ay abala, kahit na ang mga estudyante. At lahat iisa rin ang topic. Ang nai- intrigang makita ang kanilang bagong presidente, na ang alam ng ilan ay single pa, kaya marami ang mga kadalagahang estudyante, ang kinikilig ng husto na makita rin ito. 

       Kanya- kanya rin silang siguro sa mga sarili nila na naka- ayos, mapag handaan lang ang makita, at mapansin nang bagong mamamahala ng kanilang eskwelahan.

        Halos dalawang oras rin ang ginugol nila, bago sila natapos sa pag a- ayos ng hall. Matapos ay kanya- kanya'ng ayos na ang lahat, at pumwesto sa harapan, upang hintayin na lang ang gagawing pormal na announcement, para sa bago nilang magiging presidente.

        Naka- upo ang lahat sa gitna ng hall. Mapa- estudyante man o guro, maging ang ilan pang staff ng eskwelahan. Hindi nag tagal, at nag simula na ang mahalagang anuns'yo.

        Tahimik ang lahat sa una, habang nag sasalita ang kanilang dean, at ang dating presidente na si mr. Monteverde, ngunit nag simula ang ingay at tilian, ng ang bagong presidente na ang ipina- kilala. 

         "Sa atin pong lahat na naririto ngayon, malugod ko po'ng ipina ki- kilala sa inyo ang ating bagong pamunuan, at bagong presidente ng ating unibersidad, si mr. Red Monteverde. Welcome, sir!" pag papa- kilala ng dean sa bago nilang boss, at saka ito naki pag kamay rito bago inabot ang mikropono.

          "Thank you, mr. Palumo." anas ni Red na kahit hindi naka tutok ang mike, ay naabot pa rin sa pandinig ng lahat ng naroon ang kanyang sinabi.

         Ang mga estudyante, maging nang mga ilang guro, ay nag simula na ring kiligin, lalo na nang mag simulang mag salita ang bagong presidente nang unibersidad, na si Red Monteverde.

         "Ang gwapo n'ya, my gosh!" bulalas ng isa sa mga estudyante na nasa kanyang likuran.

         "Balita ko, wala pa s'yang girlfriend, at single pa si sir." sagot naman ng isa pa.

        Ewan, pero naka ramdam ng relief si Sheena sa kanyang narinig na single pa ang bago nilang boss.

        "Sana mapansin rin n'ya ang beauty ko." wika pa ng isa. Maganda ito at mukhang mestisahin, bukod pa sa matangkad na height nito.

       Bahagya na lang napa- iling ang gurong si Sheena sa mga narinig n'ya.

        Nag simulang umere ang tinig ng kanilang bagong presidente na si Red.

          "Sa inyo pong lahat na patuloy na tuma- tangkilik sa paaralang ito, lubos po kaming nag pa- pasalamat, kasama ng aming buong pamilya. Umaasa po ako sa walang sawa n'yong pag suporta sa ating mga alituntunin, at patuloy na pagtitiwala sa eskwelahang ito. Ipina pangako po namin sa inyo, na atin pa pong pag sisikapan na mas mapa- unlad pa, at mas mapa lawak pa ang bawat serbisyo, at kalidad ng edukasyon na para sa atin'g mga mahal na anak at kapamilya. At bilang inyong bagong taga pamahala, at presidente sa unibersidad na ito, ay pag sisikapan po namin, na mas pag ibayuhin pa, ang kalidad ng ating edukasyon. Hiling ko po, na sana ay patuloy n'yo po kaming samahan at suportahan, para sa ating mga mahal na anak, na nais maka pag tapos sa mga nais nilang kurso. Nais ko rin pong ipa- alam sa inyo, na ang paaralang ito, ay mas palalawakin pa ang saklaw, para sa mga estudyante'ng may malawak na kaalaman, upang tulungan sila na makamtan, ang kanilang pangarap sa hinaharap. Mas palalawakin pa po natin, ang pag bibigay ng mas marami pa, para sa ating scholarship program. Dahil alam ko po, na hindi lahat sa paaralang ito ay may kaya, upang suportahan ang mga kailangan nila. Kaya isa po sila, sa mga nais po nating matulungan upang malaya nilang mapag tagumpayan ang kanilang mga pangarap. At sana suportahan po natin ang isa't isa. Umaasa po ako na kasama ko kayo, upang mas lalo pang tumibay ang pundasyon natin. Iyon lamang po at muli, maraming salamat sa inyong lahat!" mahabang litanya ni Red sa harapan ng lahat ng naroon. Estudyante, mga guro at iba pang staff. Walang hindi tumutok ang paningin at pandinig, nang s'ya na ang nag salita sa harapan.

        Ngunit habang nag sasalita ito, ay sa iisang tao lang naka tutok ang tingin. 

        "Oh my gosh! Sa akin yata s'ya naka tingin!" gigil at kilig na bulalas ng dalagang nasa likuran ni Sheena. Estudyante rin ito at nasa senior section na rin. Maganda rin at maputi ito, bukod pa sa sosyalista ang dating.

       Hindi maiwasan ni Sheena na matutok ang tingin sa lalaking nag sasalita sa kanilang harapan. Nasorpresa pa s'ya ng mapansin, na sa kanya ito naka titig. At ewan ba n'ya ngunit may kakaiba s'yang naramdaman ng mag tama ang tingin nilang dalawa. 

         Sobrang kinabog ng husto ang kanyang dibdib. Pakiramdam n'ya ay tagos hanggang sa kaluluwa n'ya ang mga titig nito sa kanya.

         Hindi maiwasan na muli s'yang pamulahan ng kanyang mukha habang naka tuon ang tingin rito, kaya mabilis rin n'yang iniiwas ang mga mata at itinuon na lang sa ibang direks'yon.

        Nag simula na ring umingay ang bulungan sa paligid n'ya.

         "Naku ang g'wapo- g'wapo talaga ni papa Red, tiyak kung naging pulitiko iyan, tiyak panalo na ang boto n'ya sa madla." bulalas ng isang bakla.

        "Bakla ka, huwag mong sabihing pinag pa- pantasyahan mo rin si papa Red?" malandi ring sabi ng isa.

        "Bakit, may masama ba? Single naman s'ya at walang magagalit." hirit muli ng isa.

          "Naku, naku, in your dream's,  bakla!"  sabi muling sagot ng isa, sabay irap.

        "Hoy! pwede ba manahimik nga kayo d'yan! Mahiya naman kayo. Hinding- hindi ang mga klase n'yo, ang magugustuhan n'ya." sabi ng isang maganda at maputing babae na nasa likuran n'ya kanina lang, sa dalawang nag- uusap na bakla. "Hindi n'yo ba nakikita ang beauty na ito? Sa g'wapo n'yang iyan, ay tiyak ang hanap n'yan, ay yung gaya ng beauty ko, na kayang iharap sa lahat" sabay turo sa sarili nitong mukha. "Tiyak naman na sa inyong lahat, ako ang unang- una n'yang mapapansin, at ako ang magwawagi!" bulalas nito.

       Umingos ang isang bakla rito.

         "In your dream's!" sabay na bulalas ng mga ito sa babaeng mataray. Sabay walk- out sa babaeng nanlalaki ang mata sa inis sa dalawa.

        Nag hagikhikan naman ang iba nito'ng mga alalay. At mabilis na pinandilatan ito ng mata ng babaeng suplada.

         Mabilis naman na dumikit, mula sa kinauupuan ni Sheena, ang kaibigan nya'ng si Kara, at bahagya s'yang kinurot sa tagiliran n'ya ng may panggigil.

         "Ikaw, ha! may hindi ka sinasabi sa akin." gigil na bulong nito sa kanya.

       Nilingon n'ya ang kaibigan at nangunot ang noo.

         "Ano na naman iyon? Wala naman ako'ng itinatago sa iyo, ah!" ganting sagot n'ya rito.

           "Loka! Lokohin mong lelang mo. Eh, bakit ganyan kung maka titig sa iyo, ang bagong boss natin? May nangyari na hindi ko alam, ano?" kulit pa rin nito.

        "Ano ka ba? Baka naman nag ka- kamali ka lang. Wala namang ibang nangyari, ah! At saka, sa dami ba naman nang tao rito, paano mo naman nasabi na sa akin nga s'ya naka tingin?" hindi maiwasang mag rigodon ang puso n'ya sa sinabi ni Kara. Bigla tuloy s'yang naduwag na lingunin muli ito, dahil baka muling mahuli nga n'ya, ang mga tingin nito.

         "Hindi pa ba obvious? Eh, mukha naman na kanina pa kaya s'ya naka tingin sa iyo? Haba ng hair mo, girl" ingos sa kanya ng kaibigan, sabay tapik sa braso n'ya.      

         "Oy! 'Yang bunganga mo, ah, baka may makarinig sa iyo d'yan, baka kung ano pa ang isipin." gigil ring saway n'ya rito. Syempre ayaw n'yang maintriga ang tahimik n'yang buhay ano?

        "Hus! Pasalamat ka at kaibigan kita!" sabay irap na sabi nito. "Marami kang iku- k'wento sa akin mamaya, pag labas." muli pang dagdag nito.

         Napa- iling na lamang s'ya. Mukha ngang hindi s'ya talaga titigilan ni Kara.

        "Ah... excuse me!"

        Pareho na lamang silang nagulat, ng marinig nila ang may- ari ng tinig, na nasa kanilang harapan.

        "Can I talk to you, miss Santillian?" tinig ni Red na naka tayo ngayon sa kanilang harapan ni Kara.

        Nanlaki ang mga mata ni Kara ng mapa tingin sa kanya. Napansin rin niya ang bahagyang pag kagat nito sa ibabang labi nito, na halatang nag pipigil ng kung ano. Nakita rin n'ya ang pag kislap ng mga mata nito, na para saan nga ba? sa saya? Ah, ewan, hindi n'ya masabi.

          "A- ah, ako sir, gusto n'yo kausapin? Available po ang time ko ngayon." lapit na bungad, ng magandang babae kaninang nakiki pag talo sa dalawang bakla sa likuran.

        "Ah, I'm sorry, miss! But si miss Santillian ang nais ko sanang maka- usap." baling nitong sagot sa babaeng agad na tumabi sa gilid ng bagong boss nila. "Is it okay with you, ms. Santillian?" muling bumaling ang tingin nito sa kanya na seryoso na muli.

        Napansin nila ang pag- irap sa kanya, ng magandang babaeng estudyante.

         Naramdaman naman n'ya ng bigla s'yang kurutin ng palihim, nang kanyang kaibigan na si Kara sa kanyang tagiliran. Kaya hindi maiwasang napa ngiwi s'ya ng bahagya, na ikina kunot ng noo ng kanilang bagong boss.

        Palihim tuloy na pinanlakihan n'ya ng mata si Kara, ngunit ginaya rin nito ang kanyang ginawa. Hindi tuloy n'ya maiwasan na mainis sa ginawa nito. At tiyak na s'ya, na mas lalo pa s'yang hindi tatantanan ng kanyang kaibigan matapos nito.

       Napa buntong- hininga pa muna s'ya bago nagawang harapin muli ang kanilang bagong boss.

       

      

         

      

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eden CardaƱo
agree ma'am joy
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay kilig yarn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status