Share

CHAPTER 1

SHEENA

Maaga pa lamang, ay nakahanda na si Sheena sa kanyang mga dadalahin papasok ng eskwelahan. Kumpleto na ang kagabi pa niya ini- handang mga lesson plan, at maging ang kanyang baong pagkain para sa kanyang pananghalian.

        Naka- ugalian na niyang mag handa na lang ng baon, upang mas maka tipid siya sa gastos, kaysa bibili pa siya sa canteen ng eskwelahan, sapagkat may kamahalan doon ang mga pagkain, palibhasa ay isang pribadong school iyon.

        May kalayuan rin ang kaniyang pinag tu- turuang eskwelahan sa kanilang tahanan, kaya kailangan pa rin niya na sumakay ng tricycle.

           "Alis na 'ho ako, inay!" paalam niya sa kanyang ina. Bata pa rin naman ang kanyang ina, palibhasa ay maaga itong nag- asawa. Hindi rin sila mayaman, ngunit may pinag kukunan namang maliit na kabuhayan, may grocery store ang ina niya. Construction worker naman ang kaniyang ama, at nag i- isa lamang siyang anak ng mga ito, kaya kahit pa- paano ay nai- taguyod nila ang kanyang pag- aaral. 

         Likas siyang matalino sa kanilang klase, madalas siyang humakot ng award sa kanyang klase noon, valedictorian siya mula elementary hanggang sa nakatapos ng highschool. At nagtapos naman siya bilang magna cumlaude sa college, sa kursong bachelor in secondary education, major in mathemathics and english, hanggang sa sinuwerte siyang makapasa sa kanyang board exam bilang lisensyado at bagong guro.

         Sa edad niya na beinte uno ay masasabi naman niyang masaya siya, kahit pa nga zero ang love life niya. Kuntento na rin siya sa kung ano ang meron sa kanya ngayon. Mahal niya ang kanyang trabaho bilang isang guro.

        Nang mag apply siya noon, ay natanggap naman siya agad sa isang pribadong eskwelahan, na malapit lang rin sa kanilang lugar, na ngayon ay kasalukuyan niyang pinag tuturuan. Pag- aari ito ng mayamang pamilya ng mga Monteverde.

       May tatlong taon na rin mula ng matanggap siya rito, at naka pag simulang nagturo. At kama- kailan lamang, ay nagkaroon ng mga bulong- bulungan, na magbabago na ang kanilang eskwelahan ng bagong boss, na sabi rin ng iba, ay anak mismo ng may- ari. 

       Wala pa namang nakaka- kilala sa sinasabing anak ng kanilang presidente, dahil nag- aral at lumaki ito sa states, kaya kahit anino nito ay wala pang naka kilala.

        "Sige, anak at mag- iingat ka palagi." muling paalala ng kanyang ina, na palagi na n'yang naririnig rito.

        Napa ngiti naman siya at bahagyang tumango rito, bago nagsimula ng lumabas ng bahay. Sa tapat na lang ng bahay nila s'ya nag- abang ng masasakyang tricycle.

         "Ihatid na kita, baka naman ma late ka pa." sabi ni Lito, na kapit bahay lamang nila at may sarili namang pamasadang tricycle. Obvious naman na gustong pumorma sa kanya ng lalaki, ngunit palaging nako- kontra ng kanyang ama, kaya hindi na yata itinuloy ang balak na panliligaw. Idina- daan na lang s'ya, sa palaging palipad hangin na ikina- tatawa na lamang niya. 

        Mabait rin naman ito at palabiro. At kagaya rin ng kanyang ama, ay contruction worker rin. May hitsura ito kahit sunog sa araw ang balat. Masipag rin at masasabi niyang responsable dahil wala naman itong bisyo, at hindi pa rin yata nag kakaroon ng kasintahan.

        Kaya lang, maski yata sabihin pang ito ang pinaka- gwapo niyang nakilala, ay wala pa rin itong epekto sa kanya. Talagang kaibigan nga lamang marahil ang kaya niyang ituring rito, at tila ito isa ng kuya sa kanya dahil sa pagiging protective nito, na madalas ay idina- daan na lang sa biro, na madalas rin naman niyang tina- tawanan na lang.

         "Naku, salamat!"  Nakangiti niyang sabi, at agad na pumasok sa tricycle nito. At binaybay ang daan patungo ng eskwelahan.

          "Ako na lang ang susundo sa iyo mamayang hapon. Tiyak naman na maaga kaming makaka- uwi mamaya." masayang sabi nito sa kanya, pagka- baba niya sa harapan ng gate ng eskwelahan.

          Dumukot siya ng pera sa bulsa ng suot n'yang uniform, at ini- abot sa binata ang bayad niya para sa kanyang pamasahe, ngunit tinanggihan nito.

          "Sige na, huwag na, itabi mo na lang para may pang meryenda ka pa mamaya. Libre ko na lang ito sa iyo." sabi nito na sinabayan pa ng kindat.

          "Baka masanay naman ako niyan, at baka kahit pang gasolina mo ay mawala pa." Natatawa naman niyang ganting sagot.

        "Ayos lang, basta ikaw, ba! Malakas ka rito eh!" sabi nito sabay turo sa dibdib nito, at sinabayan pa ng kindat sa kanya.

        "Naku! naku! ikaw talaga! O s'ya, salamat na lang sa paghatid, ha? Ingat ka rin sa daan." sabi niya na muling ibinalik ang pera sa kanyang bulsa. Alam naman niya na wala ring mangyayari, kahit pa ipilit niya itong ibigay sa lalaki, dahil hindi rin naman nito tatanggapin.

         Bago pa siya tumalikod upang pumasok sa gate, ay napansin niya ang pag pasok ng isang magara at kulay itim na sasakyan sa loob ng compound ng eskwelahan. Nasundan na lamang niya ito ng tingin, hanggang sa huminto ito sa garahe.

         "Mukhang may bisita pa yata ang school ngayon?" wala sa loob na nasabi niya ng may kalakasan, dahilan para marinig naman ng manong guard, at nagawa nitong sagutin ang sinabi niya.

          "Ay, opo, ma'am! Mukhang ngayon na po yata makikilala ang bagong papalit na presidente nitong school. At baka siya na nga po iyan." Nakangiti at magalang naman na sagot ni manong guard sa kanya.

        "Ay, ganoon ba? Wala pa kasing nag inform sa akin." Naka ngiti rin niyang tugon, at dumiretso ng pumasok sa campus.

        Diretso siya sa kwarto na laan para sa mga school staff, at hindi na inabala pa ang sariling lingunin ang mga bagong dating.

       Walang kahit na sinong tao o staff sa silid ng pumasok siya.

        Pag ka- pasok pa lamang niya, ay agad nang sumalubong sa kanya ang kanyang kaibigan, at co- teacher rin na si Kara, na hindi niya alam kung saan galing, at bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Bakas sa mukha nito ang saya, at may naka pintang ngiti sa mga labi.

          "Good morning! Ginulat mo naman ako. Saan ka ba galing, at mukhang masaya yata ang araw mo ngayon?" Bati niya sa kanyang kaibigan.

         "Yes!" agad- agad na sagot nito. "Obvious ba?" Nakangiti pang dagdag nito. "Talagang kahit naman siguro sino ay gaganda ang araw, kapag nalaman kung sino ang napaka halaga, at napaka importanteng bisita natin ngayon, ano?" Halos tumirik pa ang mga mata nito sa pagiging eksaherada.

         "Bakit? Ano naman ba ang nakaka ganda roon? At sino ba ang bago nating bisita? May nakita kasi akong pumasok na sasakyan rito, baka iyon naman ang sinasabi mo?" sagot niya na bahagya lang itong nilingon at ipinag patuloy ang pag- aayos sa kanyang table.

         "Wow! Ibig mo bang sabihin, ay nakita mo na rin ang bago nating boss?" tila hindi maka paniwalang tanong nito sa kanya.

        Bahagya siyang nawirduhan sa kaibigan, matapos na makita ang naging reaksyon nito sa sinabi niya.

        'May nakaka- gulat at nakaka- taka ba sa sinabi ko?' piping tanong niya sa kanyang sarili at bahagyang napa- iling. Sandaling nang haba at kumibot ang labi ng kanyang kaharap.

        "Hindi naman, nakita ko lang ang kotse ng pumasok, pero hindi ko nakita ang kung sino ang laman niyon. Alangan naman na usyosohin ko pa." sabi niya. Nakita niyang nanlaylay ang mga balikat nito.

       Ilang sandali lang, at nag si- pasukan na ang iba pa nilang kapwa teacher na kasama. Halatang taranta ang mga ito at kanya- kanya nang balik sa mga table nito.

       Napa- iling at napa- kunot na lamang ang kanyang noo sa kanyang nakita sa mga ito. 

       Narinig niya ng hindi nagtagal ay  tawagin naman siya ni mrs. Santos.

         "Ms. Santillian!" at nakita niya itong naka lingon pa sa kanya, at bahagyang ikinaway ang kamay para palapitin siya.

          Agad naman siyang lumapit sa kanilang head teacher. At nakita niya ito na may hawak na puting folder.

          "May kailangan 'ho ba kayo, mrs. Santos?" marahan niyang tanong rito. Medyo may edad na rin ito, pero masasabi niya na mabait at hindi masyadong istrikto, kaya siguro nag tatagal sa serbisyo nito bilang isang head teacher sa paaralang iyon.

         Maayos kasi itong nag papasunod sa mga miyembro ng eskwelahan, maging guro man o estudyante. At marahil may tiwala rin siguro ang may- ari ng eskwelahang ito sa mabait na ginang.

        "Kailangan kasi na ma- ipasa itong mga form na ito sa opisina sa itaas. Hinahanap kasi ni boss, at alam mo naman na, na madali akong mapagod mag lakad, kaya kung pwede lang sana ay makikisuyo na lang ako sa iyo. Buti ka pa at mabilis- bilis kumilos. Eh, sa itaas pa naman iyon, baka hingalin ako." Nakangiti na sabi ng ginang.

        "Sige po, wala pong problema. At saka may elevator naman po, 'di ba, para sa VIP?" alanganing sabi niya. Alangan naman na hindi ito gumagamit ng elevator kung pumupunta roon? Hello! Eh nasa 5th floor pa kaya ang opisina ng boss.

          "Hay naku alam mo na naman ng pang VIP lang iyon. At hindi iyon ginagamit ng ibang mga staff natin rito." saad naman nito. Napatango na lamang siya. Ang alam niya, hindi naman mahigpit ang boss na sinasabi nito, so, bakit naman ibabawal na gamitin ang elevator, kung baga naman.

          'Well, siguro 'yung bagong magiging boss, baka mahigpit.' bulong niya sa sarili. Since wala pa namang kahit na sinong nakaka kilala at nakaka- kita rito.

         "Oh, s'ya, ihatid mo na muna iyan, at kami na muna ang bahalang mag- ayos ng ilang mga dapat ayusin sa hall. Parang ngayon kasi yata natin makikilala ang bago nating boss. Kaya dapat kayong lahat naka handa, ha? Hindi pa rin natin kilala kung mabait o istrikto ba siya. Kaya dapat na mag- ingat tayo sa mga kilos natin at pananalita"  paalala pa nito, na naririnig pa ng lahat ng kasama niyang guro. 

          Nag simula na rin siyang tumalikod sa mga ito, ngunit narinig pa niya ang huling tanong ng isang co- teacher n'ya.

          "Hindi po ba kayo ang head, ma'am? Hindi n'yo pa rin 'ho ba na me- meet ang bago nating boss?" tanong ng isang co teacher niya.

        "Naku hindi pa talaga! Mamaya pa lang pag nagkaroon ng forum." mabilis na sagot nito at sinenyasan ang bawat isa na mag intindi na.

Hindi maiwasan ni Sheena ang mapa- iling habang naglalakad patungo sa building, kung saan niya iha- hatid ang nasabing folder. Super pa misteryoso pa talaga ang kanilang bagong boss, para kahit na sino rito sa paaralan, maging sa mga staff ay hindi pa talaga siya kilala.

         Kung sa bagay, ganoon naman talaga ang mayayaman. Hindi basta basta lumalantad sa kahit na sino, na akala mo naman ay palaging may hindi magandang gagawin sa kanila.

        "Saan ang punta mo?" tanong sa kanya ng kanyang kaibigan na si Andro. Isa ito sa mga member ng security pannel ng building o eskwelahan. 

         "I- pinaki- suyo kasi ni mrs Santos ang mga form na ito na ihatid sa opisina ni boss sa itaas. Mapa- pagod raw kasi siya." sabi niya na bahagya pang itinaas ang kanyang dalang white folder. Akmang paakyat na rin siya ng hagdan. 

.         "Ganoon ba? Sige, gumamit ka na lamang ng elevator, para hindi ka naman mapagod ng husto. Baka mamaya n'yan, humarap ka pa na tagaktak na ang pawis, kay boss." Naka ngiting sabi nito na iminostra ang elevator. Isa rin ito sa allowed na gumagamit noon, at nakaka labas pasok sa opisina sa itaas.

        "Ay, naku hindi na. Baka bawal yata." tanggi niya. 

        "Ha? Hindi naman. Saka sino may sabi n'un? Halika na, para mas mabilis ka. Ikaw rin baka kung mainitin ang ulo ng bago nating boss, maka galitan ka pa, kapag natagalan 'yang hinihingi nila." dagdag nito.

         Napatingin siya sa hawak niya na folder. Oo nga naman, saka bakit pa nga ba siya mag pa- pagod, kung pwede rin lang naman pala gumamit ng elevator?

         Tinungo niya ang elevator at saka pumasok.

         "Salamat!" Naka ngiti na sabi niya sa kaibigan niyang si Andro.

         "Basta't ikaw, ma'am" Naka ngiti rin na sagot nito na bahagya pang tumango.

        Habang nasa loob ng elevator, hindi niya naiwasan na kabahan, at isipin kung masungit ba o hindi ang bago nilang boss na kanyang pupuntahan.

        Bahagya pa niyang nasalat ang kanyang noo, dahil baka naman may namumuong pawis roon.  Naku, kahit nga pala pulbos wala man lang naka- apply sa mukha niya, o kahit na manipis na lipstick. 

       'Anu na kayang hitsura ko nito? Presentable pa kaya ako nito?' hindi niya ma- iwasang mai- bulong sa kanyang sarili, habang naka ramdam ng hindi mapigil na kaba. 'Sana naman ayos lang ang hitsura ko.' bulong niya, sabay na sinalat ang kanyang mata, dahil baka may muta pa siya. Naka hinga siya ng maluwag ng mapansing wala naman, at bahagya pa niyang pinagpag ang suot niyang uniform, upang siguruhing wala iyong kahit na kaunting dumi man lang, bago humugot ng isang malalim na buntong hininga.

        Tumunog ang elevator, hudyat na naroon na siya. Hindi niya mapigil ang kabahan, dahil ito ang first time na haharap siya sa kanilang boss, at sa bagong boss pa nila mismo, at hindi rin niya alam ang hitsura at ugali. 

        Pag labas niya ng elevator ay may isang mahabang pasilyo, at sa may bandang dulo noon, ay may malaking karatula na naka sulat sa labas ng pinto.

         "PRIVATE OFFICE"

         Muli siyang huminga ng malalim, bago nagawang humakbang palapit sa pintong iyon.

        Kinakabahang kinatok muna niya ang pinto. Ngunit wala siyang anumang narinig na sagot, mula sa loob. 

       Napa kunot ang kanyang noo at muling inulit ang pag katok, ngunit nanatili lang na tahimik sa loob. 

       Umikot siya upang bumalik na lang sana, kaso baka naman kailangang- kailangan ang file na hawak niya? At sa taas ng building na ito, wala siyang balak na bumalik ulit kung sakaling hanapin ito sa kanila. Tiyak na hingal- kabayo ang aabutin niya kapag nagkataon.

        Muli siyang humarap sa pintuan ng opisina at humugot muna ng malim na hininga, bago niya pinihit ang seradura. 

        'Bukas naman pala!' bulong niya sa kanyang sarili, ngunit wala siyang nakitang anino ng tao na naroon, ng tuluyan na niyang mabuksan ang pinto nito, at inilibot ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid.

        May malaking lamesa na may salamin sa may bandang gitna. At mukhang ito rin ang table ng kanilang boss, dahil may naka lagay at naka patong sa harapan nito na pangalan. At may malaki at malapad ring tv sa may bandang gilid. May ilang bookshelve's na naka hilera rin, na may mga lamang mga libro.

         'Daig pa rin naman nito ang library, ah.' bulong niya sa sarili. May napansin siyang tatlong pinto, na hindi naman niya alam kung saan patungo. 

        May malaking sopa sa gitna at may carpet rin ang buong opisina, fully airconditioned ang kwarto at may air freshener pa, na ang sarap- sarap singhutin at amoy- amuyin, o baka nga pabango pa ng boss nila?

         'Ano kayang hitsura ng bagong boss namin?' muli niyang bulong sa sarili. Ang sabi naman nila ay bata pa at anak rin ng dating boss nila. Sa bagay, kahit naman ang dating boss nila, ay hindi pa rin naman niya nakita ang hitsura.

        Umikot pa ang kanyang tingin sa paligid upang tingnan kung may ibang tao sa silid, ngunit wala talaga. Kaya bahagya na lang siyang lumapit sa mesa, upang ilapag ang folder na hawak- hawak niya. 

        Naka harap na siya sa mesa at akmang ibaba na sana ang folder, nang bigla niyang marinig ang isang tinig na mula sa kanyang likuran. 

         "Who are you?"

       Parang napaka lamig ng boses na iyon, bigla tuloy siyang naka ramdam muli ng kaba. Baka mapagalitan siya nito. Hindi siya kaagad naka- imik at dahan- dahan lumingon sa kanyang likuran, para lamang muling magulat.

        Nang mag sabog yata ng magagandang katangian sa lupa ang diyos, ay nasalo na yatang lahat ng lalaking ito, na nasa kanyang harapan. Para itong tunay na prinsipe sa kanyang paningin. Awang ang bibig at walang kurap na napa titig siya rito.

        

     

         

        

        

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Zehcnas A Junior
kabado ka Sheena,,hahaha
goodnovel comment avatar
Dimple
Sheena are you ready......
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
umpisa ng kiligin si sheena
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status