Share

Chapter 1

Malalim ang aking buntong-hininga nang matuon ang pansin sa naka-empakeng gamit. So I think this is it huh? After 5 years of freedom and peace muli na naman akong babalik ng Baler. The place that holds a lot of good and bad memories for me.

"Ei..."

I looked at her. My very best friend na itinuring ko na ring isang kapatid. Her eyes are filled with worries. I smiled at her - an assuring one.

"It's gonna be fine, Au."

"It's just that you were fine handling LHR even from here. I don't think you need to stay there for good. You can just occasionally go there to handle things," worry is still evident in her voice. 

Oh my sweet, Aurora.

"Of course I have to, silly," I chuckled. "Don't worry about me. I can handle everything."

Tumango lang siya at malungkot na ngumiti. I know what she's afraid of and I can't blame her. But I won't make that mistake anymore, not ever. And I promised myself I won't let him affect me the way he want.

Mauuna akong umuwi ng Baler. Susunod naman din agad si Aurora next week para sa welcome party na inorganize ng mga magulang ko para sa akin. I know she still doesn't want to go home pero pinepressure na siya ng kanyang mga magulang leaving her no choice but to go home.

Hindi ko na pinag-abalahan pang pagmasdan ang kabuuan ng abalang paligid ng airport. I nonchalantly called our family driver at nagpahatid sa condo. I was halfway to sleeping nang nag vibrate ang cellphone. Mahina akong napamura dahil sa naistorbong tulog. I rolled my eyes and calmed myself before answering my mom's call.

"Ei, nakalabas ka na ng airport?" Tila nananantya ang kanyang tinig. I ignored the worry and hesitation therein.

"Hello to you too, mom." Note the sarcasm there darling.

"Ei, please. Can you not treat me this way? I'm still your mom. If it's about-"

I cut her off before she could say anything irrelevant.

"Sa condo po ako didiretso. If you don't have anything else to say, I'm hanging up. Inaantok po ako."

Matagal bago siya umimik na chineck ko pa ang aking phone kung nasa linya pa ba siya. Marahan siyang tumikhim bago nagsalita.

"O-okay. You rest then."

Iyon lang at pinatay ko na ang tawag at patapong ibinalik sa aking hanbag. I know it was so rude of me. You can even call me names at how I treat my own mother, the hell I care. This is what Eirene Lopez have become and they can never change me. Not anymore.

Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa malambot na kama ng aking condo. The silence suddenly crept in that it made me curl up my body and hug my knees. This doesn't feel home at all. I suddenly miss US. Pabalikwas akong bumangon at tinawagan si Aurora, para man lang maibsan ang nararamdamang homesickness.

It's very ironic that this place is suppose to be my home for me to feel homesick. But since I left this place, I do not consider this my home anymore. Nakipagkwentuhan lang ako sa kanya sandali at nagsimula ng mag-ayos ng gamit. Nang matapos naman ay nagtungo sa isang malapit na restaurant para kumain.

If there's one thing that I miss about Baler, iyon ay ang pagkain. I did not mind eating alone at nasanay na rin akong ganoon. Mula pagkabata mabibilang lang sa daliri kung ilang beses akong nakakain kasama sila mama. Mas madalas ko pa ngang makasalo ang parents ni Aurora kaysa sa kanila.

I feel sad for myself but I feel happy for Aurora for having parents like them. Ayokong maranasan niya ang naranasan at nararanasan ko hanggang ngayon. I enjoyed the food and went to my parents' house para kunin ang aking kotse. Higit sa anumang bagay, ito ang pinaka-kailangan ko. Bumibigat na ang traffic dito at hassle pag walang sasakyan. Though I can be late whenever I want but I don't want to give an impression sa lahat ng tao sa hotel.

Sinalubong ako ni nanay Soledad nang makarating sa mansiyon. Nakangiti ko siyang sinugod ng yakap at halik sa pisngi.

"Eirene Marial! Naku ikaw na bata ka ba't ngayon mo lang naisipiang umuwi?"

Napangiwi ako sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Mahigpit niya akong niyakap pabalik at hinalikan ang aking pisngi.

"Nay naman. Huwag mo na akong tawagin ng ganyan."

"Aba'y bakit hindi? Pangalan mo iyon."

Pinandilatan niya ako ng mga mata at natawa nalang. Alam na alam niya kasing ayaw kong binabanggit niya ang buo kong pangalan pero hindi ko rin siya mapigilan na tawagin akong ganoon. Sandali kong pinagmasdan ang kabuuan ni Nanay. May iilan nang puting buhok sa kanyang ulo at halata na rin ang kulubot sa kanyang noo. Ang maputi niyang balat ay lalong tumingkad sa suot niyang kulay lupang bestida. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi maipagkakaila ang kagandahan niya.

Ngumisi siya at ikinulong ang aking mukha sa dalawang palad.

"Nangayayat ka," naroon ang pag-aalala sa kanyang boses.

Pinilit kong ngumiti.

"Sexy ang tawag diyan, nay."

Tinampal niya ang aking braso at hinila ako papunta sa kusina. Oh great! Kakakain ko lang.

"Ganoon na rin iyon! Aba hindi ka dapat nagpapabaya sa pagkain lalo na't hindi madali ang trabaho mo!"

Humaba pa nang humaba ang sermon niya at nanahimik nalang ako. Wala na akong nagawa nang maghain siya ng kanin at adobong manok. Problemado ako habang nakatingin sa mga pagkain sa counter table. Dito rin ako kumakain noon pag wala sila mama. Ayaw ko sa dining table, ang haba-haba mag-isa lang naman akong kumakain.

Hindi ko mapagkakailang na-miss ko rin ang mga luto ni nanay. Pikit-mata akong kumain habang nakikipagkuwentuhan sa kanya. Napahaba ang kwentuhan namin at namalayan ko na lang na naubos ko na ang inihain niya.

"Hindi po ba uuwi sila mama ngayon, nay?" Umiinom na ako ng tsaa nang naisipang itanong iyon. Lumalalim na ang gabi at hindi pa sila dumarating.

"Hindi ba sinabi ng mommy mo sa iyo? Nasa Bulacan sila ngayon at may inaasikaso raw na project para sa resort."

I heard about that pero hindi ko alam na nagsisimula na sila sa project. I focused on the hotels na located sa cities habang sila naman ang nag-aasikaso sa mga beach resorts. Paminsan-minsan ay nabibisita ko ang ilan sa mga resorts pag mayroong business trips and meetings na doon isinasagawa. 

Mom and Dad wanted the resorts to have more exposure sa mga potential investors para malaman din nila ang kalidad ng services at ganda ng resorts namin. Para makaengganyo kumbaga ng mas marami pang investors. LHR is expanding, really. Nakakaproud na naging bahagi ako ng paglago nito. 

Two years ago nang makagraduate kami ni Aurora sa States itinuon ko agad ang buong atensyon ko sa Hotels pero ngayon ay mahihirapan na akong gawin iyon. May mga transactions sa main office na kailangan ang presensya ko. And viola! Here I am today.

"Hindi ko po naitanong, nay."

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status