Share

Chapter 4

Para akong nabingi sa aking narinig. No! This can't be serious! Okay, I know I'm overreacting but I don't give a damn! I don't want to see him all the more be a part of LHR!

"Kung ganoon bakit hindi ko siya nakita sa shareholders' meeting?"

I was trying really hard to suppress my anger and frustrations. I know I should be cool about this. Wala na sa akin lahat ng iyon at dapat hindi na ako apektado ngayon. I've changed at siguro naman ganoon din siya. Yeah, I'm cool with this. I should be. 

"He was in Singapore po with his team para sa isang conference doon. I don't know the details po of the conference at iyon lang naman po ang sabi ng kanyang assistant."

I inhaled deeply at pinutol na ang tawag. My lost poise is now back. Buti nalang walang ibang tao rito sa loob habang para na akong bulkan na sasabog. I put on my facade again ang went back to our table. Malayo pa lang ay ramdam ko na ang kanyang titig, pinapaso ako niyon. I didn't look at him and sat comfortably on my seat.

Ilang sandali pa ay pumuno sa buong hall ang malamyos na saliw ng musika. Nakakaengganyo ang melody ng kanta at nakakarelax sa tainga. Iilang pares na rin ang sumasayaw habang ang iba naman sa mg business associates ni Papa ay nakikipagkuwentuhan na sa isa't isa. Nanatili naman ako sa aking silya at may mga lumalapit naman para mangumusta.

"I'm glad you're finally back, hijah."

I smiled at tito Lucio. Stress at pagod ay halata sa kanyang mukha. 

"Thank you po, tito. Si tita po? Hindi nakasama sa inyo?"

Gumuhit ang kaunting ngiti sa kanyang labi. May problema siguro sa kanilang shipping?

"May inaasikaso lang sa Batangas. Susunod din naman ako sa kanya pagkatapos nito."

Tumango nalang ako at ngumiti. Nabaling na rin ang kanyang pansin nang may kumausap sa kanyang isang kliyente. I shifted my gaze on the person in front of me. May mga kumakausap din sa kanya and when he saw me looking at him agad kong ibinaling ang aking tingin kay Mama. They are all busy talking about business. Sumasali rin naman ako kapag ako ang tinatanong.

I gritted my teeth nang mapansin ang unti-unting paglapit ni Rylle sa upuan ko. What does he want now? 

I was right. His physique now is really intimidating and dangerous. Hindi ko siya tiningnan kahit pa noong naupo na siya sa tabi ko na wala na palang tao. Hindi pa nakuntento at inilapit pa nang husto ang kanyang upuan. I tried to butt in on my Mama's conversation with the other board members nang maagaw ni Rylle ang kanilang pansin.

"Rylle, hijo! I thought hindi ka na makakahabol dito. Your assistant said you were in a meeting with a client. Buti naman at nakaabot ka."

Itinutok ko ang aking paningin sa harap. Ignoring the two of them conversing with me in the middle. Rylle turned to face my mom and rested his arm on the back of my chair. Napalingon ako sa kanya sa pagkabigla. Our faces only an inch away from each other. Mapanuya niya akong tinitigan at sinagot si Mama habang nakatitig sa mga mata ko.

"O course, tita. I wouldn't miss this," he whispered his last sentence.

Akma na akong tatayo nang pigilan niya ang aking braso. With his strength agaran akong napabalik sa aking inuupuan. I glared at him. What the hell!

"I'll borrow Eirene for a moment, tita. We'll just dance." He turned to smile at my mom na agad namang iminuwestra ang pagpayag.

Pilit kong binabawi ang braso kong hawak niya but to no avail I couldn't. Kung nakamamatay lang ang tingin, nakalibing na siya sa kinauupuan niya ngayon mismo!

"Let's dance."

That wasn't even an invitation! The nerve off this man! Napasabay ako sa kanyang pagtayo at agad niyang inilagay ang kanyang kamay sa aking beywang na halos umabot na sa aking tiyan sa pagkapulupot. I flinched at his touch. With the black and gold silk long gown I'm wearing hindi nakatulong iyon upang ibsan ang epekto ng kanyang hawak sa akin.

"What the hell are you doing?" Mariin kong bulong.

Most people are staring at us, smiling and encouraging. Ayokong mag eskandalo hangga't maaari pero ang bruhong ito ay ayaw paawat! Ngumisi lamang siya, nanunuya. Kalaunan ay umigting ang kanyang panga at nag-iwas ng tingin.

He put my hands on his nape saka hinapit ang aking beywang palapit sa kanya. I suddenly couldn't look at him. Not when he's this close and my chest is throbbing so fast. Lalo niya pa akong inilapit sa kanyang katawan, hugging me. He's all serious now, with no hint of glee in his eyes.

"R-Rylle."

I bit my lip fo stuttering. Damn it Eirene! Huwag mong sabihing iyon lang bibigay ka na agad! Remember everything you've been through!

"Damn, I missed you so much," he whispered breathily in my ear.

His warm breath sent shivers to my skin. I felt a cold thing on my nape when his lips touched the sensitive part of it. Agad kong inilayo ang aking mukha sa kanya, araid of the fire he's starting to ignite between us. Mapupungay ang kanyang mga mata at paulit-ulit na umiigting ang kanyang panga. Ang malamig na liwanag na nagmumula sa chandelier ang lalong nagpatingkad sa kayumanggi niya na ngayong balat. His serious expression makes me want to just disappear this instant.

I cannot just believe he can still afffect me this way and I hate it. Hindi pa nakatulong na ngayon ko lang nalaman na isa siya sa mga major shareholder ng LHR. Mas nadiligan lang niyon ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. I shrugged the thought of him affecting me at pilit pinatatag ang disposisyon.

"Kailan ka pa naging investor ng LHR?"

I gritted my teeth as I whispered at him. He turned to me, amused at my pissed reaction. I glared at him more.

"Two years ago," he muttered.

Hindi nawawala ang bahagyang pagngiti na tila ba natutuwa siyang pagmasdan akong gulat sa nalaman. I wanted to ask for what reason but I don't want to seem dumb. Of course investing in the company is a great thing and a smart move para sa mga negosyanteng kagaya niya.

Two years. Ganoon na siya katagal na bahagi ng LHR pero ngayon ko lang nalaman? How could I be so stupid? I was so busy with focusing on my work na hindi ko na pinagkaabalahang alamin pa kung sino-sino ang miyembro ng board. I mentally slap my face.

"You got thinner," maya-maya'y malumanay niyang bulong habang hinahaplos ang aking beywang patungo sa likod. Napalayo ako nang bahagya dahil sa ginawa niya ngunit muli niya rin akong nahila.

"Stop doing that," nanggagalaiti ko ng bulong.

Humalakhak lamang siya sa aking tainga at nagpatuloy sa ginagawa. Damn this man!

The three minute dance seems so long. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang bumalik na kami sa lamesa. Hindi ko na siya pinansin matapos iyon pero ramdam kong nakatitig siya sa akin the whole time.

Lutang ang aking pakiramdam buong gabi kahit na ilang oras na matapos ang party. Now that I am alone in my room I cannot help but think about what happened. Hindi rin ako dinadalaw ng antok na talaga namang ikinainis ko. Get to your senses Eirene! Hindi na pwedeng mangyari ulit iyon. I cannot let myself be that close to him again. I f I want to contain my lost sanity, that is.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status