Share

Chapter 5

The first week of work was hectic and tiring. Sobrang daming paperworks unang araw ko pa lang. Iyon ang una kong inasikaso at sa ibang mga araw naman ay palipat-lipat ako ng lugar, checking all the transactions ng bawat hotel sa iba't ibang lugar. Kaya naman kahit weekend ay nagtratrabaho pa rin ako. Ngayon ko lang narealize talaga na lumalago na ang LHR. We're also starting to expand in Asia.

Umaga ng lunes nang ipatawag ko si Bella para sa aking schedule para sa araw na iyon. Kauupo ko lang mula sa paggtitimpla ng kape nang pumasok siya.

"What's my schedule for today?"

"You will attend a proposal presentation po ng Architectural firm ni Mr. Tan for the architectural design ng itatayong hotel sa Taguig along with the directors mamayang alas diyes. Next is lunch meeting with Mr. Balmaceda for the supplies po ng mga kakailanganing furnitures for-"

Nabilaukan ako sa kanyang sinabi! Agad kong naibaba ang aking kape at nagpunas ng bibig. Damn!

"W-What did you say? Sino'ng ka lunch meeting ko?"

"Si Mr. Balmaceda po."

"For what project?"

"For the renovation po ng resort sa Taguig."

Nasabi na nga ni Papa sa akin ang pagrerenovate ng resort sa Taguig. I wanted to visit the renovation site pero ang sabi niya'y ang mga engineers na raw ang bahala roon. I only need to focus on the approval of supplies and budget for the whole project.

Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata. Isipin ko pa lang na hindi lang sa presentation ko makikita si Rylle nafufrustrate na ako. Why does it have to be him? Damn it!

"Hindi ba siya magpapadala ng representative nalang para ipresent ang furnitures nila?"

"Ang sabi niya po gusto niyang siya ang pumunta."

Oh! Damn great! Pilit kong kinalma ang sarili. It's just work Eirene.

"Okay, Bella. Thank you."

Naikuyom ko ang aking palad nang makaalis na ang aking assistant. Ilang sandali pa bago ko tuluyang nakumbinsi ang sarili at tuluyang nakalma.

The whole presentation that morning went smoothly. Hindi ko nalang masyadong pinansin ang mga maririing titig ni Rylle sa akin. I liked the whole concept of the new hotel's design. Very modern pero hindi nawawala ang trademark which is its classical touch.

"What do you think about the design, Miss Lopez?" Pormal na sangguni ni Mr. Tan.

I smiled at the old man, hindi maitago ang pagkamangha sa iprenesentang disenyo.

"I like it, Mr. Tan. It's quite different with the other branches at masyadong mabusisi ang disenyo. Nevertheless it's impressive and classy."

Nagsitanguan ang iba pang directors na naroon, sumasang-ayon sa aking sinabi. Sinulyapan ko si Rylle at madilim ang kanyang titig sa akin. Problema nito?

"I knew you'd say that hija. Mabusisi talaga ang disenyo ng isang ito so it would fit with the taste of the present generation," si Mr. Tan na hindi mapagkakailang sobrang nasiyahan sa naging resulta ng presentation.

"I would like to commend your team po for the hard work. Alam kong hindi naging madali ang pagdidisenyo nito."

Ngumiti ako sa mga ng present sa harap. The three architects smiled curtly at me.

"Thank you, hija. As for the interior designs the presentation will be two weeks from now."

Nagpalakpakan ang lahat. Nakipagkamay ako kay Mr. Tan maging sa mga architect. May iilang members din ang bumati sa kanila at nakipag-usap sandali saka isa-isa nang nagsilabasan. I was busy arranging my things when someone stood beside me. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya.

"Where do you want to eat?"

Wala ng tao sa conference room at kaming dalawa nalang ang natitira. Now that the room's silent his low baritone voice is so clear. Hindi ko masyadong napansin iyon noong gabi ng party marahil sa ingay na rin ng music. The way he speak with his cold voice made me shiver. But there's no way in hell I would let him see how affected I am.

Pagod ko siyang tiningnan only to see his deep gaze. Pasimple akong nag-iwas ng tingin at tumikhim. I looked at my wrist watch and realize its quarter to twelve.

"Anywhere will do," malamig kong tugon.

Nauna akong lumabas habang nakabuntot naman siya. Buti nalang talaga at walang ibang offices dito sa floor na ito. I went inside my office habang nakasunod pa rin siya. He waited patiently on my couch habang nag-aayos ako.

The defeaning silence is making the whole atmosphere very awkward. Wala sa aming dalawa ang naglalakas-loob na basagin ang katahimikan. I don't want to start a conversation with him either unless it's for business and business only. Iyon na yata ang pinakamahabang dalawampung minuto ng buhay ko.

Pagkapark ng kanyang kotse ay agad akong lumabas. He insisted in bringing his car at kasama ako kaya kami magkasama.

Malalaking mga hakbang at naabutan niya agad ako sabay hawak sa aking beywang. Tinampal ko ang kanyang braso at mas binilisan ang paglalakad. He chuckled and retrieve his hold on me.

"What the hell are you doing?" Nanggagalaiti kong tanong habang pilit na binabaklas ang kamay niyang bakal ata sa sobrang tigas at hindi ko matanggal sa pagkakahawak sa akin.

"Holding you," mahinahon niyang bulong.

I turned to look at him and I almost choked at my own words when I saw how serious he is. Natigil ako sa paglalakad at ibinaling ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"You don't need to," malamig kong tugon.

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. Ramdam ko ang pagkabigo pero binalewala ko iyon. I continued walking sa pandalawahang mesa na pinareserve niya para sa meeting na iyon.

I ordered my food without looking at him habang siya naman nasa akin ang buong atensyon.

"Shall we start?" Tanong ko nang makaalis ang waiter matapos kunin ang order namin.

"We should eat first. I'm hungry," seryoso niyang tugon.

I won't deny it, medyo napahiya ako roon. Oo nga naman at lunchtime na. Hindi man ako nagugutom pero hindi ko naman naisip na nagugutom na pala siya. At para tabunan ang pagkapahiyang iyon ay kinalikot ko nalang ang aking cellphone. There were few messages from Denver, my parents, and Aurora. Inuna kong replyan si Denver na nangangamusta sa stay ko rito. Sunod naman ay aking parents. 

Aurora texted me saying she's home. Hindi ko naitago ang tuwa. Napatayo ako, totally forgetting that I am with Rylle at the very moment.

"What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong.

"I need to make a call. Restroom lang, excuse me."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagpunta sa restroom ng restaurant para doon tawagan si Aurora.

 "Santi's planning for a night out. Pa-welcome niya raw sa akin," tumatawang aniya.

"Saan daw ba?"

Nasabi na nga ni Santi na lalabas kami pagkauwi ni Aurora pero hindi niya sinabi na magba-bar! 

"Spring side daw, hindi ko alam kung saan iyon. Bagong bukas na bar tsaka kaibigan niya yata ang may-ari. Ano? Labas tayo mamaya, okay? Pahinga lang ako ng kaunti."

"Yeah, yeah sure!"

Hindi ko maiwasang ma-excite! Hindi ko pa nararanasang magbar dito. Sa States naman minsan lang din dahil sa trabaho. 

I went out of the restroom with a light feeling only to see Rylle outside, waiting.

"The food's ready. I was about to knock-"

"Sorry, natagalan ako."

He cleared his throat and nodded. Nauna akong maglakad habang nakasunod naman siya sa akin.

Ilang minutong katahimikan pa ang namayani sa pagitan naming dalawa habang kumakain. Why is this suddenly very awkward? I shifted uncomfortably when I felt his gaze.

"You have plans for tonight?"

Napatingin ako sa kanya sa tanong niyang iyon. Nananantiya ang kanyang tinig. Tumikhim ako at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Yeah," I said casually.

"Night out?" Taas-kilay niyang tanong, naroon ang pagdududa at pagtutol sa tinig.

"Uh-huh," napatango-tango ako, pilit na kinakastigo ang sarili kung bakit ko kailangang sagutin ang mga tanong niya when it's clearly should be none of his concern. I wanted to ask why pero magmumukha lang akong may inaasahang sagot mula sa kanya pag ginawa ko iyon. Ayokong malaman ang dahilan kung bakit niya pa kailangang gawin lahat ng ginagawa niya ngayon. Nag-iwas siya ng tingin at napatiim-bagang. Wait, did I do something to piss him?

Lihim akong nagpasalamat sa lahat ng santo na  matiwasay namang natapos ang meeting na iyon. Pabagsak akong naupo sa sofa nang makabalik sa office.

Ayaw ko mang aminin, masaya ako sa success na tinatamasa niya ngayon. He deserves it, sobrang gaganda ng kalidad ng mga furnitures niya at balita ko nag-eexport na rin sila sa iba't ibang bansa. I shook my head hoping to shake off all the thoughts I have for him. I started preparing to go home nang mag-vibrate ang aking cellphone.

'Are you going home now?' - Rylle

I rolled my eyes and ignored his message. Paano niya naman kaya nakuha ang number ko?

To be continued...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gilda Altea
pa up date po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status