Share

CHAPTER 12

Wala kaming nagawa sa first day ng tutoring session namin, paano nakahiga lang kami at nakayakap lang sya. Nag kwentuhan kami about sa past namin pero yung mga happy moments lang namin. Masayang masaya naming binalikan ang mga panahon na madalas kami magkasama at ang mga takas na dates namin. Siguro after an hour tinawag naman kami ni Manang dahil ready na daw ang dinner namin. Agad na rin kaming sumunod kay manang sa hapagkainan, nandoon na rin pala ang mga magulang ni Kurt.

“Hija, kamusta naman ang pagututuro nitong si Edrick? Sabi nya kasi tuturuan ka nga raw nya?” tanong sakin ng mama nya habang nakangiti sya sa akin at hindi nya rin maalis ang tingin nya sa aming dalawa ni Kurt. Alam kaya ng mga magulang nya na may relasyon kami ng anak nya?

“Ah, kasi po Tita.” Tumingin muna ako kay Kurt kasi hindi ko alam ang sasabihin ko at ang loko ay ngumiti lang sakin. “Baka po kasi bukas na lang kami mag start ni Kurt.” halos lumubog na ako sa inuupuan ko, kung pwede lang talaga. Baka kung ano ang isipin nila kasi dun pa kami sa kwarto ni Kurt nag stay pero mabait ang mga magulang nya, feeling ko nga matagal na nila akong kilala kasi kung kausapin nila ako parang kompartable na sila sakin kahit na medyo naiilang pa rin ako sakanila. First time ko silang ma meet ngayon tapos as a student pa ni Kurt. Ano nalang kaya ang sasabihin nila pag nalaman nila ang totoong relasyon namin.

“Mom, Dad. Nag usap lang kami kanina ni Zoey kaya bukas siguro kami mag start at napag usapan namin na Monday, Wednesday and Friday, we will stay here and every Tuesday and Thursday sa bahay naman po nila kami mag stay.” Paliwanag nya. Muka namang masaya ang mga magulang nya at hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam ko kasi nakangiti sila sa amin habang tumatango tango pa. Yung pakiramdam na marami silang alam at mukang ako lang ang walang ka ide- idea sa mga nangyayari o baka naman masyado lang akong nag iisip ng kung anu-ano.

“I am so happy for you, son. Finally, pinakilala mo na rin samin ang bukam-bibig mo na si Zoey. At mukang okay na naman pala kayo.” tapos tumingin sa akin ang Dad nya kaya naman ngumiti na lang ako. Ang ibig bang sabihin ay na ikkwento nya na rin pala ako sa mga magulang nya dati?

Pagkatapos naman ng hapunan ay hinatid lang ako ni Kurt sa bahay namin. Kung dati ay patago pa kaming nagkikita noong pareho pa kaming nag-aaral sa university, paano na lang kaya ngayon na mas lalong palihim kami kasi isa na syang professor samantalang ako ay isang estudyante pa rin. Kinuha nya na rin ang contact number ko para mag katext na raw ulit kami. Natatawa nga ako kasi parang bumalik lang kami sa dati. Napakarupok naman pero sa totoo lang kinikilig ako kasi medyo matagal na rin ang huling beses na may nagpakilig sa akin.

Napag usapan din namin kanina na wag na muna ipaalam kahit kanino ang tungkol sa amin kahit sa mga kaibigan ko pa dahil ang balak nya ay kuhanin muna ang loob nang dalawa pero hindi ko pa rin sinabi sakanya ang tungkol naman sa amin ni Gab.

“Wag na muna natin ipaalam sa iba ang relasyon natin.” Bulong ko sakanya. Napakunot naman ang noo nya kasi paano na ‘yun baka pag initan kami ng mga ibang estudyante lalo na ang mga head ng University namin. Kung dati ay gusto ko syang matanggal sa pagiging Prof, ngayon naman parang gusto ko sya laging kasama. Nababaliw na naman yata ako.

“Baby, I can resign if you want, kasi kung magiging problem natin ang trabaho ko.” Napatigil sya bigla sa sasabihin nya sana. “Ohh oo nga pala you have a boyfriend.” Malungkot na sabi nya at napaisip nga rin ako sa sinabi nya, may boyfriend ba talaga ako? OMG si Gab! Pero hindi ko naman kasi talaga sya boyfriend. He’s gay and he’s like a brother to me.

“No Kurt, you don’t need to resign. Ayaw mo ba noon, lagi na rin kita makikita at ikaw pa ang tutor ko. Yung tungkol naman kay Gab ako na ang bahala sakanya pero sa ngayon wag muna natin ipaalam kahit kanino.” Hinawakan nya ang dalawang kamay ko bago sabay na hinalikan ito. Para namang nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa nya.

“Okay lang baby, kukuhanin ko muna ang loob ng mga kaibigan mo. Okay lang din kung makikihati ako ng oras mo kay Mr. Torres pero hindi ibig sabihin nun na habang buhay nalang akong makikihati sakanya dahil babawiin na ulit kita sakanya. Pangako yan, baby.” Napangiti ako dahil ang buong akala nya ay boyfriend ko si Gab, hindi nya alam simula nang iwan nya ako ay nakalimutan ko na ang salitang LOVE at ni minsan hindi ako nakipag lapit sa ibang lalaki dahil simula ng umalis sya ay isinama nya ang puso ko. May favoritism itong puso ko at mukang sya lang ang gusto nito.

“I know! Hindi madali itong pinasok natin Kurt, maraming magagalit at maiinis satin. Kung ‘yung relasyon natin dati ay okay pa kahit na playboy ka pa noong mga panahon na ‘yon pero ngayon sa palagay ko itong meron tayo ay isang forbidden relationship kasi alam mo namang bawal ‘tong student- prof relationship kaya please let’s keep this a secret muna at sa tamang panahon masasabi na rin natin ito sakanila.” Nakakaunawang tumango naman sya sakin. Kung para talaga sa amin ‘to hindi masasayang ang binigay kong second chance sakanya. Kung kami talaga ang para sa isa’t-sa ang destiny na mismo ang gagawa ng mga paraan at rason para hindi kami mapag hiwalay ng kahit sino man.

“I understand baby, pero hindi ibig sabihin nito na lagi na lang tayo mag titiis ng ganito. I’m so sorry again baby kung ganito na naman ang sitwasyon natin na kailangan kitang itago pero kung ako lang ang masusunod gustong gusto ko na ipagsigawan sa lahat na you’re mine. Oh, paano baby kahit ayaw pa kitang pakawalan ngayon pero kailangan mo na rin magpahinga. See you tomorrow?” Bago nag taas baba pa ang kilay nya kaya natawa na lang ako, akala ko ako lang ang excited na pumasok bukas pero sya rin naman pala.  Tumango na lang ako at nag paalam na sakanya, akala ko nga wala ng kiss eh buti na lang meron sa pisngi. Oo nga pala lagi lang sa pisngi nya ako hinahalikan. Wala pa nga akong first kiss sa lips except sa mga magulang ko siguro dati.

Nakahiga na ako sa kama ko nang biglang naisip ko na naman sya. Oo alam ko na ‘to, sign na naman ito na inlove ako, ganitong ganito ako dati sakanya. He never kissed me sa lips kasi sabi nya hindi raw ako katulad ng mga naging babae nya dati kaya dapat sa pisngi lang daw muna. Akala ko nga dati hindi nya ako love kasi di’ba if you love that person mag ki-kiss kayo sa lips ganun kasi ang paniniwala ko pero sabi nya if you really love and respect the girl hindi kailangan ng mga ganun kaya puro sa pisngi at noo lang ang kiss na ginagawa nya. And I really appreciate him especially na ganoon pala ang iniisip nya sa akin. Ngayon sobrang iniingatan ko ang first kiss ko, syempre alam ko na ang importansya non. Nakaramdam ako bigla ng antok pero this time may mga ngiti na sa labi ko bago ako tuluyang nakatulog.

MY IDIOT: Good morning baby. I miss you. See you later and I love you so much :*

Napangiti ako sa unang mensahe na nabasa ko. Talaga nga namang good na ang morning ko ngayon palang kasi naman diba? Okay hindi na ako teenager para kiligin ng ganito pero parang noong first time ko lang. Sobra naman kasing magpakilig ‘tong si Kurt eh. Nag reply din agad ako sakanya.

ZOEY: Good morning too idiot. Yeah, see you later.

Wala pa ngang ilang segundo ay naka reply na agad sya sakin. Excited lang pero mas excited ako sa reply nya!

MY IDIOT: Baby naman, I’m trying to be the sweetest boyfriend here but all I can have in return is you calling me idiot. How about text me how much you love me and how much you missed me. :(

Seriously? Ang isang playboy nag text ng ganito sa akin. Mas lalo tuloy akong kinikilig kasi naman eh kagabi lang kami magkasama tapos kung makaarte naman kala mo hindi kami nag kita. Bakit nga kaya ganon ang mga taong in love, parang gusto mo sila laging makasama, makita at kausap kahit na minsan wala namang sense ang mga bagay na pinag uusapan nyo. Hindi ko alam kung lahat ba ng mga taong in love ay ganito rin ang nararamdaman katulad ng sa akin.

ZOEY: You don’t need to be the sweetest boyfriend, you idiot! Okay, stop na baka mamaya pag sagutin mo na naman ako sa unahan at mapahiya ito na po, I love you and I miss you my dear idiot.

PS: Don't be offended if I call you idiot, hahaha sometimes kasi para ka talagang idiot but of course you’re my only idiot and the best idiot. Love you. :*

Baka lalo akong pag initan nito sa mga sinabi ko. Lagot sya sakin mamaya pag ginawa nya ‘yun at oo nga pala andyan naman si Gab to save me again sa kahihiyan na ginawa ko. Sana naman good mood ang isang ‘yun.

MY IDIOT: Okay. Just make sure that I’m your only idiot, baby. Because for me, since day one up to now you are my only baby ;) See yah later baby.

Okay Zoey. Relax. Inhale! Exhale! Sobra na talaga, ito yung parang may mga nakatira sa tyan ko at para silang mga nagkakagulo. Kinikilig na naman ako at ang sarap ng ganitong pakiramdam, na miss ko ‘to eh. Hindi na ako nakapag reply kasi nag mamadali akong pumasok sa CR para maligo na at maghanda para maaga akong makarating sa university. Hindi naman halatang excited pumasok. Pagkakain nga namin kanina ng agahan ay nagtataka ang Mama’t Papa ko at bakit daw sobrang saya ko. Kinamusta lang nila yung tutor ko raw. Sabi ko nga sakanila na every Tuesday at Thursday ay dito kami sa bahay wala naman daw problema dun.

iloveyou5013

Hello. Sorry medyo matagal ang update na busy lang po sa work.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status