Share

CHAPTER 11

"I miss your smile, your eyes., your lips., your hair, your voice, your laugh. Your hands. Your smirks. Your way of teasing me. Your humor. The way you make weird faces. The way you walk. The way you say my name. The way you look at me. The way you talk. Your singing voice. The way you love to dance. Your body. I miss everything about you, baby" This time hindi na iyak, kundi hagulgol na nga yata ‘to nahihirapan na rin ako sa pag iyak ko parang kakapusin na ako ng hininga sa mga pinagsasabi nya. I know, because I miss him too. Kung kanina ay sya lang ang nakayakap sakin ngayon ay kusang gumalaw ang dalawang braso ko at niyakap na rin sya. Ang mga luha ko ay tila nag uunahan sa paglabas sa mga mata ko, basang basa na ang suot nyang t-shirt dahil sa pag iyak ko sa dibdib nya.

“Hush! Stop it baby! Okay. I’m so sorry baby. Give me a chance, let me be the one again, baby." Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kami sa posisyon na ‘yun. Hindi nya rin naman kasi ako binibitawan hanggang hindi pa ako tumitigil sa pag iyak. Masyado yatang na overwhelm ang sarili ko. Parang noong isang araw lang na sinabing sya ang substitute prof namin tapos naka received pa ako ng notice tapos ngayon sya pa ang tutor ko at higit sa lahat after hearing those words from him.

Nasa ganung posisyon pa rin kami ng biglang may kumatok sa pintuan kaya naman ay agad kaming naghiwalay at napatingin sa direksyon na ‘yun.

“Hijo, nandito na ang merienda nyo." si Manang yata ang kumatok. Agad na tumingin sakin si Kurt at agad ding lumapit sa pintuan. Inayos ko naman ang sarili ko at pilit kong pinunasan ang mga luha sa aking muka. Narinig ko naman syang nagpasalamat at bumalik na rin sa aking tabi dala dala nya ang tray na puno ng pagkain. Agad-agad nya naman nyang binaba sa side table at kinuha ang isang basong tubig at binigay sakin para inumin.

"Here drink this first baka ma dehydrate ka na dyan sa kakaiyak mo sige ka." Nakuha nya pa talagang magbiro sa sitwasyon namin ngayon. Isa sa mg dahilan kung bakit ko sya nagustuhan ay ang napapangiti nya ako sa mga simpleng bagay lang, kahit yung mga seryosong bagay ay ginagawa nyang simple lang. Kinuha ko ang tubig at ininom, nakakapagod din kasi talagang umiyak.

Ewan ko sayo, nakuha mo pang magbiro." Hindi na ako mag iinarte pa katulad ng ibang babaeng nababasa ko sa mga libro bakit ko pa ba papatagalin ang lahat, hindi pa ba sapat ang ilang taong pangungulila ko. Kasi kahit ilang beses ko pang itanggi sa sarili ko o kahit sa mga kaibigan ko na hindi ko na gusto si Kurt alam na alam naman ng puso’t isipan ko ang sagot. Ang akala ko tama ang desisyon na kalimutan sya para lang maitama ang pagkakamali dati. Ngunit tama man or mali ang desisyon ko ngayon ayokong pigilan ang nararamdaman ko kasi kahit ano namang piliin ko masasaktan at masasaktan pa rin naman ako.

"I know baby. Do you know what type of boyfriend I am?" tanong nya at ngumisi pa sakin.

"Hmmm you're the kind of guy who'd laugh at me when I fall but help me up and whisper it's okay, I still love you." I know him better kahit ganyan sya he still cares for me. He loves me. Okay naman na sigurong masaktan ulit sa huli kasi naranasan mo naman ulit sumaya. Sabi nga nila, hindi ka totoong nagmahal kung hindi ka nasaktan. Ang tanong nga lang ay handa ka ba ulit masaktan?

"I’m so sorry baby for all the things that I have done. Will you give me another chance to prove myself again to you?" Ngayon alam ko sa sarili kong hindi pa ako totally nakaka move on talaga sakanya. Masama ba kung bibigyan ko pa sya ng pagkakataon pagkatapos nya akong saktan? Sa bawat chance na ibibigay natin sa mga taong nanakit satin ay binibigyan din natin sila ng karapatan na saktan nila tayo ulit o kaya naman ay binibigyan ulit natin sila ng pangalawang pagkakataon para patunayan ang sarili nila. Handa naman na ulit akong masaktan pero gusto ko rin munang maging masaya. Dahil alam ko sa sarili ko na sakanya pa rin ako sasaya. Isa lang ang mapapatunayan ko kung totoo ba ang kasabihang “Once a cheater, always a cheater” o baka naman hindi sa lahat ng mga tao ay naaangkop ang kasabihang ito.

"Do you have a girlfriend or a wife right now?" nangunot ang kanyang noo ngunit kahit naguguluhan sya sa tanong ko ay sinagot nya pa rin.

"Wala. Like what I’ve been telling to the class, I'm single but my heart belongs to someone else and that someone else is you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at sigurado ako na pulang pula ang muka ko ngayon. Ayan, dyan sya magaling sa pagpapa kilig. Mukang na perfect nya na yung field na yun. At kahit kailan yata ay hindi ako masasanay sa mga hirit at banat nya. Masyado ring mabubulaklak ang bibig nya.

"Idiot." Bulong ko ulit at muli na naman nyang narinig ‘yon.

"Baby. You really love calling me "idiot", why don't you say that you still want me and love me." idiot talaga ‘tong lalaking to. Nakakainis, kinikilig pa nga ako eh. Tapos may pa pout pout pa syang nalalaman nagiging mas cute tuloy sya.

"I'm in love with an idiot. But he’s my idiot." mas lalong lumawak ang mga ngiti nya ngayon. Hindi ko nga alam kung compliment o pang aasar ang sinabi ko pero muka naman syang masaya sa sinabi ko. Idiot nga talaga.

"Yes baby. I’m your idiot. And I love you more baby." Pag kasabi nya nun ay agad nya akong hinatak kaya sabay kaming napahiga sa kama nya. Niyakap nya ako nang sobrang higpit. I miss this. I don't want to ruin the moment kaya I will not ask muna kung ano ang mga reasons nya bakit nya ako iniwan at bakit may kasama syang babae. Sa ngayon kakalimutan ko muna ‘yon.

I still love him. Kaya kahit ano pa ang maging rason nya ay tatanggapin ko ‘yun, ganun naman pag nagmahal kahit mali sa mata ng iba magiging tama pa rin sa mga mata ng nagmamahalan. Hindi naman kasi nasusukat sa kung sino ang mas nasaktan at kung sino ang nanakit. Bakit ako tutulad sa ibang babae na hindi binigyan ng chance ang mga mahal nila, atleast ako kung masaktan man ulit wala na akong pag sisisihan dahil wala na ang mga “what ifs” what if mahal nya ako, what if kung binigyan ko ng second chance, what if hindi lang ako ang nasaktan, what if may maganda pala syang rason, what if..

Who knows itong second chance namin ito na pala ang happily ever after namin. Sigurado akong mas marami pa kaming haharapin na dalawa, ang mga kaibigan ko, ang mga magulang ko and of course the whole wide world, ikaw ba naman ang makipag relasyon sa isang professor pero ganun nga talaga. As long as na mag kasama kaming haharapin sila hindi na ako matatakot pa. Hindi kami perpekto, nagkakamali kami at sino ba naman ako para hindi mag patawad diba. I'm not perfect. Never have been. Never will be.

Sa iba madali ang sabihing wag mo patawarin dahil malaki ang naging kasalanan nya sa’yo at ilang beses kang umiyak ng dahil sakanya. Pero bakit ganito, parang ang dali lang naman sakin at kung iisipin ay sinubukan ko naman talagang labanan ang pagiging mahina ko sakanya. Sigurado akong magagalit ang mga kaibigan ko sa naging desisyon ko pero pwede rin namang suportahan nila ako, ang tanong nga lang kung kaya rin ba nilang ulit tanggapin si Kurt. Siguro kaya naman nila kung sasabihin kong gusto ko na ulit maging totoong masaya at maramdaman na punong puno ng pag-ibig ang mundo, wag na tayo maging bitter.

“If you have a chance to take the moment that you know will be memorable, grab it. Always think that the word NEXT TIME is always too far and maybe there’s no next time because sometimes few things in this world are ONCE IN A LIFETIME.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status