Share

CHAPTER 7

Nasa harapan na ako ng library namin. Sigurado na ba ako? Nasa 3rd floor pa naman ang conference room. Nag stairs na lang ako para makapag isip pa. Nakakainis kasi baka kung iba pa ang mag tu-tutor baka pumayag pa ako. Nasa harapan na ako ng Conference room. Wala nang atrasan ‘to. Pagbukas ko ng pintuan, napaka dilim naman ito ba yun baka naman nag kamali ako nang pinasukan at dun pala sa kabila yun. Isasara ko na sana ng biglang may humatak sakin papasok at isinara ang pintuan wala akong makita dahil wala na ang kaninang liwanag na nag mumula sa labas. I started to panic, ang pinaka ayaw ko sa lahat ang madilim. Sobrang takot talaga ako sa dilim dahil wala talaga akong makita o maaninag sa dilim.

"Hey! Hey! Hey!" kilala ko ang boses na ‘to. Unti unti kumakalma ang sistema ko pero naiinis ako dahil kahit ang sistema ko ay hindi pa rin sya nakakalimutan. Agad na napaatras ako pero kinakabahan ako. Nasaan na ba ang mga tao at bakit naka patay ang mga ilaw. Wala akong makita na kahit ano. Sobrang dilim dito sa loob. Gusto ko tuloy magsisi na bakit pa ako pumunta rito.

"Can you please turn on the lights." utos ko sakanya at pinipigilan ang pangangatog ng boses ko. Ayaw ko talaga sa dilim. Hindi ko alam pero mas natatakot ako ngayon. Bakit parang kaming dalawa lang ang tao rito sa loob ng conference room, nasaan na kaya ang ibang students na dapat kasama ko o baka naman sa ibang room talaga ang venue at hindi dito.

"Let's start. Pag uusapan na muna natin ang schedule ng tutoring session natin." napanganga ako sa narinig ko, alam kong malapit lang sya sakin dahil nararamdaman ko pa ang presensya nya sa gilid ko. Bakit mag sstart na? Hindi na ba namin hihintayin ang iba pang students na nakareceived ng mga noticed?

"Where are the others? Can you please turn on the lights first! And do you think na magkakaintindihan tayo kung madilim dito?" I am trying to calm down. Pero mahahalata pa rin sa boses ko ang pagpa panic. Alam naman nyang ayoko sa dilim at talaga parang nananadya pa talaga sya.

"Sinong iba pa ba ang hinahanap mo? At hindi ko bubuksan ang mga ilaw para ano? Para makatakas ka kaagad? No way!" Sagot nya sakin. Inalalayan nya akong makaupo malapit sa kinatatayuan namin, gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi nya kaya naman hindi agad ako nakapag react sa mga narinig ko. What does he mean? Na ako lang ang naka received ng notice? Parang napaka imposibleng ako lang mag isa, hindi naman sa sinasabi kong hindi magagaling ang mga classmates ko sa acads lalo na sa math pero kasi seryoso ba sya? Bakit ako lang mag isa.

"WHAT THE HELL! YOU STUPID IDIOT" sigaw ko sakanya ng makabawi ako sa pagka gulat. Niloloko nya ba ako. Bakit kaming dalawa lang ang tao dito. Tapos paano ko sya makikita kung napaka dilim dito sa loob ng conference room.

"Mukang pati ang tamang manners ay dapat ituro rin sayo, Zoey. Sige let's talk about the schedule first." Relax na relax lang sya parang hindi nya nararamdaman na naiinis ako. Nag open sya ng laptop. At ang tanging liwanag na nag mumula sa laptop nya ang nagbibigay liwanag sa buong conference room. Kitang kita ko ang napaka gwapo nyang muka. Magkaharap pala kami. Seryosong seryo ang muka nya, akala mo naman talaga hindi nagloloko.

"Ayoko. Hindi naman ako pumayag ah. At kung papayag man ako maghahanap ako ng ibang tutor ko." Parang batang nag ta-tanrums ako ngayon dito sa harapan nya. Kasi bakit kaming dalawa lang yung nandito. Mas lalo lang akong maaakit sakanya.

"Bakit ka pa pumunta dito kung hindi mo tinatanggap ang pag tutor ko sayo. Isa lang naman ang gagawin mo eh, ang makipag cooperate ka lang at magiging maayos na ang lahat. Ganon ba kahirap ‘yon Zoey? Kung makinig ka kaya muna kasi sakin bago ka magreklamo." Parang napaka simple lang ng lahat sakanya. Eh ‘di sya na ang naka move on agad agad. Pumunta lang naman ako para tingnan muna ang set up at ang akala ko marami kami dito. Tapos ako lang pala mag isa. Anong kalokohan ba ‘tong nangyayari.

"Ayoko. Aalis na ako! Hindi ko kailangan ng tutoring na ‘to." Parang wala syang narinig. Tuloy tuloy lang sya sa pag type sa laptop nya. Hindi ko naman kayang umalis agad agad kasi baka madapa lang ako. Madilim pa rin naman kasi ang paligid. Ang laki ng conference room. Tapos hindi ko alam kung saang side ba ang switch ng mga ilaw. Feeling ko planado talaga ang lahat para hindi agad ako makaalis, naisahan nya ako.

"Monday, Wednesday and Friday in my place. And Tuesday and Thursday in your place. Every after class in the afternoon ang tutoring. M-W-F isasabay na lang kita para mabilis na tayong makapag start. T-TH ako naman ang sasabay sayo papunta sa bahay nyo." I literally drop my jaw. I thought sa conference room lang ang tutoring sessions. Hindi pa naman talaga ako pumapayag at parang hindi nya naman ako binigyan ng mga choices.

"At sino namang may sabi na pumapayag ako? Bakit kailangan pang sa place nyo at sa amin? I thought the tutoring sessions will be held in this place. Alam ba ng Dean yung pinag gagawa mo?" Sa inis ko kung anu-ano na talaga ang nasasabi ko. Ayokong sumama sakanya tapos kaming dalawa lang at bakit pati sa bahay namin. Nagkakalokohan na yata.

"School hours lang naman ang library. Until 6pm. Baka nakakalimutan mong may class ka until 6pm so more or less close na rin ang library, after class mo." pag papaliwanag nya. Tama nga naman pero pumapayag na ba ako sa tutoring na ‘to?

"Bakit ako lang ba ang nabigyan ng notice? And why do we need to go to your place pa? Baka anong isipin ng mga students dito." I think we can still find some place to study pa. Kasi parang hindi appropriate na ang isang student ay pupunta sa house ng professor and vice versa. Pero hindi pa naman ako napayag diba.

"May nakikita ka pa bang iba? Wala naman diba? So, it only means na ikaw lang ang nabigyan. I can’t believe it Zoey and one more thing students nga ba ang mag iisip nun or ang boyfriend mo?" So, sa buong College namin ako lang ang nabigyan ng notice. Nakakahiya na talaga ang nangyayari sakin, wala na akong maihaharap na muka sakanila. At sinong boyfriend ba ang sinasabi nito.

"Let's go. Baka masarahan pa tayo dito. I want to remind you that we will start the tutoring session tomorrow and in my place. Don't forget to inform your boyfriend about your tutoring sessions with me." Bago pa ako makasagot bumukas na ang mga ilaw at medyo nasilaw pa ako. Gusto kong mapamura dahil malapit lang pala sakin ang switch. Binuksan na nya ang pinto at bago pa lumabas ng tuluyan ay nag salita pa ulit ito.

"Hihintayin kita bukas sa car park, after class mo. See you tomorrow Zoey." Tuluyan na syang umalis. Nagmamadali na rin akong lumabas kasi nakakatakot maiwan dito sa library no. Pero hindi ko maalis sa sistema ko ang ma-excite. WTH!!! For Pete’s sake!! That stupid idiot.

               

"I'm not perfect. I'm just a simple person with a simple life. So, if ever I do mistakes, read my first sentence.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status