Share

CHAPTER 3

Mabilis na lumipas ang apat na oras. Sa wakas ay tanghalian na. Makakahinga na rin ako nang maayos, ng sariwang hangin! Unt-unti na naubos ang mga tao sa classroom at nag uunahan na sa pag labas.

“Ms. Ramos, I want to talk to you privately.” Tawag pansin ni Sir! Syempre kailangan ko rin syang igalang bilang isa akong mabuting mag-aaral.

“About what Sir?” Apat na lang kami sa room na ‘to, si Sab and Gab at kami ni Sir. Wag syang loloko-loko gutom na ako baka sya ang kainin ko ng buhay.

“Follow me in the faculty office.” At bigla na lang syang lumabas ng room. Naiinis na talaga ako sa lalaking ‘to, after ko sya makausap mamaya isusumbong ko sya kay Dean na nakikipag flirt sya sa mga students. Tapos kung utus-utusan nya ako, akala mo talaga wala kaming pinagsamahan. OH GOD!! I should stop thinking about that.

“Go girl! Itayo mo ang bandera natin! Wag ka papaapekto sa pontio pilato na ‘yon. Tsaka wag kang aamin sa chismisan natin kanina.” Pag chi-cheer pa ni Gab. Baka nga pagalitan ako dahil nasita kami kanina. Pero dapat kasama din ‘yong dalawa sa papagalitan kasi kaming tatlo ‘yong nag iingay kanina eh.

Sumunod ako sa faculty room, halos wala na din ang ibang prof dahil lunch time na nga kasi. Hinanap ko naman ang table nong lalaking yun. Nadaanan ko pa ang isang prof at nag tanong kung saan ang table ng mga substitute prof at itinuro nya naman ako dun sa bandang dulo ng office. Wala naman sya dito eh, pinagloloko yata ako ng lalaking yun. The nerve of that guy!

“Hi baby! Did you miss me?” Halos mapatalon ako nang may narinig akong nagsalita. At napalingon ako sa likod ng maramdaman kong nandun pala sya. Kumunot ang noo ko, pag katapos ay parang pinagbuhol na ang mga kilay ko sa inis sa kanya. But I still miss his manly voice.

“What the hell? Can you please get to the point Sir. What do you want to talk about that you want it to be private pa?” Akala nya mag papaapekto pa ako sakanya, kahit na ang totoo naman ay may konti. Sige medyo meron pa talaga. Sino ba namang hindi makakapansin sakanya. Isa syang heartthrob noong college pa sya. Sa tangkad nyang ito siguro nasa 6 feet na sya. ‘Yong makinis nyang muka, mahihiya ang mga artista. Ang kulay brown na mga mata nyang halos tunawin ka sa tuwing tititigan ka nya. Ang katawan nyang lalo lumaki at nagmuka syang mas makisig pa. Mas nakadagdag sa kagwapuhan nya ang suot suot nyang eye glasses. Bakit ba puro magaganda ang nakikita ko sakanya ngayon. Galit nga pala ako sakanya. Trisha! Focus!

“Baby, I miss you. And I lo…” Hindi ko sya pinatapos magsalita. Nanginginig na ang kamay ko, gustong gusto ko syang sampalin pero hindi ko magawa kasi nanghihina rin ako. Gusto kong umiyak pero hindi dito hindi sa harap nya dahil pag ginawa ko ‘yon matutuwa ang kanyang ego. Anong akala nya sakin? Pagkain? Buffet? Unli na pwedeng balik-balikan pag gusto nya na ulit? Hindi ako papayag, sobrang tinapakan nya ang pride ko noon. Babalik sya na parang walang nangyari? Na parang kahapon lang ang lahat?

“Can you quit playing games with me? I’m not interested anyway.” Matigas na sabi ko. Hinding hindi na ako magpapaloko sa katulad nya, maaring tama sila masyado pa akong bata dati kaya hindi ko alam ang mga ginagawa kong desisyon pero salamat pa rin sa mga pagkakamali ko dati dahil ngayon malaki ang natutunan ko dun. Naging mas matalino ako sa mga desisyon ko, mas iniisip ko ang kahihinatnan bago ang pang sariling kagustuhan ko. Iniisip ko na din ang iisipin ng ibang tao.

“But you like it when I’m telling you how much I lo..” Hindi nya na naman naituloy dahil lumapit ako sakanya at tuluyan ko na syang nasampal sa muka. Ang kapal talaga ng muka ng lalaking ito. Paano nya nasasabi sakin yan. Pagkatapos nya akong saktan at paiyakin ng ilang taon ang lakas ng loob nyang sabihing mahal nya ako. Ayoko na. Tama na ang minsan. Kahit gaano pa sya kagwapo kailangan kong mag pigil. Hindi rin nakakatulong ang mga titig nya sakin.

“And that’s for hurting me. So, stop pretending that you loved me.” Kahit nasaktan ko sya akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko. Ngunit nasasaktan ako ngayon, mas nasasaktan akong makita ‘yong sakit na gumuhit sa mga mata nya. Biglang nag bago ang expresyon ng muka nya. Hindi ako dapat magpadala sakanya. Hindi ako dapat mag paapekto.

“We love each other. You loved me.” Determinado sya sa mga sinasabi nya. Mababakas sa muka nya ang hirap at sakit na nararamdaman nya. Pero diba dapat mas masaya sya dahil sya ang nang iwan at ako lang dapat ang nasasaktan ngayon.

“LOVE? Sorry Sir, but I don’t really know that.” Inirapan ko sya. Simula nang masaktan ako ay kinalimutan ko na rin ang pakikipagrelasyon. Natakot na akong subukan ito. Siguro na trauma rin ako. Kaya kung magmamahal man ako ay sisiguraduhin ko sa tamang tao na. Hindi na sa isang playboy.

“Not familiar with that four-letter word called L—O—V—E?” And after saying that he left me here. Is that what he wanted to talk about? Is he crazy? Why does he look so hurt where in fact I should be the to feel that emotion or maybe I already accepted the fact that we’re not meant to be.

“Girls are created weak, because boys are meant to protect them not to hurt them.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status