Share

CHAPTER 5

“Trisha, baby may problema ba?” Nagtataka ako sa tanong sakin ni papa. Nag aagahan kasi kami at biglang nagtanong ng ganun si papa. Wala naman kasi akong problema eh. ‘Yon ang pagkakaalam ko, kasi dapat hindi ko naman pinoproblema ang lalaki na ‘yon.

“Wala naman po papa. Bakit nyo naman po naitanong?” Bigla naman akong napalingon kay mama para kasing may alam sila. Ano ba ang nangyayari? Meron ba silang alam na hindi ko alam. Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

“Kamusta naman ang pag-aaral mo?” Si mama naman ang nagtanong sa akin. Naguguluhan na ako. Ayaw nalang kasi nilang sabihin ang daming paligoy ligoy. Ganito talaga ang mga magulang ko, hindi naman ako manghuhula para hulaan ang gusto nilang sabihin.

“Okay lang din naman po, medyo busy lang kasi nga po graduating na rin, marami kaming inaasikaso pero kayang kaya ko naman po.” Sagot ko sakanila kahit naman nahihirapan ako lahat naman ng grades ko ay pasado at kahit kalian ay hindi naman ako nagkaroon ng bagsak na grado sa mga subjects ko. Kaya walang naging problema ang mga magulang ko sakin. Sinisikap ko talagang mag aral ng mabuti because I want to make them proud lalo na ako lang naman ang anak nila. Ayokong maging sakit sa ulo nila.

“We received a notice from your university and” Naguguluhan ako at binitin pa ni papa ang sasabihin nya hindi tuloy ako makakain ng breakfast. They received a notice pero walang dumaan sa akin? Ano bang notice ‘yon?

“And what, papa?”  pagpapatuloy ko sa sinasabi ni papa. Kasi naman bakit may pabitin portion pa itong si papa. Lalo akong kinakabahan.

“And according to the notice you need a tutor.” WHAT? Tama ba ang narinig kong sabi ni papa. Ako? I don't need a tutor; I actually passed all my grade levels since I started schooling without a tutor at kung kelan graduating na ako ngayon ko pa ba kakailanganin non? No way!

“Seriously papa? Me? I don’t need a tutor. Alam kong average lang ako pero never ko kakailanganin ng tutor.” Pagdedepensa ko naman sakanila. Hindi ko talaga matanggap ‘yon. Bakit ako pa? At ngayon lang din ako nakatanggap ng ganitong notice sa buong buhay ko.

“Pero anak, ang University nyo na ang nagbigay ng notice, hindi naman natin pwedeng hindi ito sundin baka hindi ka pa makagraduate.” Sabi naman ni mama. But I don’t need a tutor. I can't accept it. Bakit hindi man lang nakarating sakin ang notice na ‘yon. Ni wala man lang professor na kumausap sakin.

“Papa, Mama, for almost six years kinaya ko naman di’ba? Aaminin ko minsan nahihirapan talaga ako pero mabilis ko namanng natututunan ang mga lessons namin, actually papa ako pa nga di’ba ang nagtuturo kay Sab.” Pero mukang hindi ko mako-convince ang mga magulang ko. They really want me to have a tutor. Kung titingnan talaga ang mga grades ko, okay naman lahat ‘yon. Mas kailangan pa nga yata ni Sab ng tutor kesa sakin eh.

“Fine. What should I do now?” pagsuko ko sa mga magulang ko, kasi hindi na sila kumibo. Nakakawalang gana tuloy kumain. Siguro dapat ko nalang sundin ang gusto ng University at ng mga magulang ko. Wala naman sigurong mawawala sakin kung magpa tutor na lang ako. Dapat mag give in na lang siguro ako.

Bumuntong hininga si papa bago sinabing “According to the notice Trisha, after your class you need to go in your school conference room at the library.” sabi ni papa, nangunot naman ang noo ko bigla. Bakit doon pa? Ano ba naman ‘tong pinasok kong kalokohan.

“Hindi ko talaga maintindihan ito. Maybe I need to talk first sa mga professors ko na nag advice na mag tutor ako. Hindi naman siguro ganun kababa ang mga grades ko para sa conference room pa ng library ang tutoring place namin.” Grabe naman, ang laki kaya ng place na ‘yon. Baka naman marami kaming kailangan na magtutor. Nakakahiya naman na makita ako ng ibang mga students na kasama sa tutoring. Kahit naman ganito ako, ayoko pa ring matapakan ang pride ko. Lalong lalo na kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ko naman talaga kailangan ng tutor.

“Okay Trisha. But if you really need a tutor, wag ka na sana mag matigas baby.” Malungkot na paalala ni mama. Napabuntong hininga na lang ako, wala naman akong magagawa. Unang una ayokong magkaroon ng failed subject. Pangalawa ayokong pasakitin ang ulo ng parents ko. At pangatlo ang University na mismo ang nag notify sa mga magulang ko. So, I don't really have a choice.

After 30mins nagpahatid na lang ako sa driver naming pero hindi talaga maalis sa isip ko kung bakit kailangan ko pang mag tutor kasi okay naman ako. Hindi naman ganun kahina ang ulo ko para mag tutor.

“SAB!!” nakita ko kasing papasok na rin sa main gate si Sab. Matanong na nga lang din sya kung nakareceived din ba ang parents nya ng notice.

“Hey there. Nakita ko kanina si Gab, hinahabol ko nga eh ang bilis namang nawala ng lalaking ‘yon.” Bago lumingon lingon para hanapin siguro si Gab. Parang wala naman kasing problema ‘tong si Sab kahit mag tutor pa sya kasi mas pabor ‘yon sakanya eh. Itong kaibigan kong ito maganda rin sya, ewan ko lang kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend.

“Sab, may nareceived bang notice ang parents mo?” Bigla syang napatingin sakin. Tiningnan nya ako na parang bang naguguluhan sya sa tanong ko sakanya. Naghuhumaba na ang leeg nya sa pag hahanap kay Gab. Bakit ba naman kasi ang aga-aga si Gab ang pinagkakaabalahan samantalang ako ‘tong kasama nya ngayon eh.

“Notice? Ang alam ko I passed naman. So wala pa namang nareceived na notice ang parents ko, thanks talaga Trish. Dahil sayo at sa pagtuturo mo sakin nakakaraos ako sa mga subjects natin.” masayang sagot nya samantalang ako hindi makapaniwala na nakareceived ng notice. And worst I need a tutor. Why me? Hindi naman sa masyado kong dina-down si Sab pero bakit sya walang nareceived.

“Sab, I have a problem.” Bakit naman napaka unfair sakin ng University na ‘to. Ngayon pa talaga kung kelan ako graduating.

“And?” Hinahanap pa rin nya kasi si Gab kaya ang babaeng ‘to ayaw ako seryosohin. Problemado na nga ako kung anu-ano pa ang inuuna eh. Kaibigan ko ba talaga ‘tong babeng ‘to. Mas inuuna pa si Gab, samantalang ako nga ‘yong tumulong sakanya.

“Sab, I’m serious kasi! Ah nakakainis na talaga. Bakit ako nakareceived ng notice from our university?” Naasar na tanong ko kay Sab. Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat mainis. I did my best. Tapos ‘yung nananahimik kong grades papakealaman nila.

“What? Si Zoey Trisha Ramos may notice na nareceived? You mean you need a tutor?” Tumango tango na lang ako, inaya naman ako maglakad ni Sab papunta sa building namin. Why me? Mukang mag hapon kong iisipin ito. I thought matatanggap ko ito kung kasama ko man lang si Sab sa tutoring pero hindi. mas lalong hindi yata kaya ng pride ko ‘to.

“May feeling ako dito Trish, hindi kaya si Edrick ang may pakana nito? Kasi ever since naman hindi ka nakatanggap ng notice di’ba? Tapos nung muling nagpakita sya at talagang sa school pa natin bigla na lang may notice ka? Malaman ko lang talaga na sya ang nagbigay ng notice baka mabugbog namin sya ni Gab.” sabi ni Sab at pinakita pa ang braso nya at pinatunog pa ang mga daliri nya sa kamay. Pero baka naman kasi nag kataon lang. Masyado ding judger tong si Sab eh. What if tama sya? Naguguluhan na ako at mukang sasakit ang ulo ko maghapon ah.

“At sino naman ang bubugbugin natin aber?” halos mapatalon kami ni Sab nang may nag salita sa may likuran namin. Si Gab kasi nakakagulat, bigla-bigla nalang magsasalita. Hinatak nya kami para maupo muna sa pinaka malapit na bench. Saan ba kasi nag susuot itong friendship naming ito. Bigla-bigla nalang susulpot.

“Remember si Sir Edrick?” sabi ni Sab. Hindi ko naman sila pinapakialaman kasi mas iniisip ko kung paano na ang tutoring ko. Si Sab kung anu-ano na ang sinabi kay Gab pero hinayaan ko nalang sila mag kwentuhan mas importante yung problema ko ngayon.

“WHAT THE. ABA’T ANG LOKO ANG LAKAS NG LOOB NA MAGPAKITA PA. NAKO SABRINA KAHIT NGAYON BUGBUGIN NA NATIN SYA.” Natakot naman ako kay Gab at bigla na lang sya sumisigaw nakakaagaw atensyon na kami eh. He’s gay, yes. Pero hindi naman ‘yung tipon na gay na obvious na obvious actually he looks so handsome kaya sa unang tingin hindi mo mapagkakamalang gay, it depends na lang pag nagsalita na sya tapos pag sobrang seryoso naman kala mo kung sinong lalaki.

“Pwede ba ang ingay nyo, nag iisip pa ako dito kung bakit ako may notice tapos may pasigaw sigaw ka pa dyan Gabriel.” Tiningnan ko sya ng masama. Akmang tatayo na sana ako ng bigla nya akong hilahin paupo ulit

“Nakakainis kang babae ka, hindi mo man lang binanggit sakin na yung loko-loko mong ex eh ‘yung prof pala natin. Eh di sana nasapak ko na sya sa class natin kahapon.” Inirapan ko na lang sya. Baka kung sinabi ko talaga sakanya baka siguro nagka suntukan na sila kahapon. Mahirap kung madamay si Gab baka ipatawag pa sya sa office. Ayokong madamay sila ni Sab sa problema namin dati nung lalaki ‘yun. Nakaraan na yon kaya dapat kalimutan na rin.

“As if naman magagawa mo? Eh di’ba nga kilig na kilig ka pa dun sa lalaking ‘yon.” Nanlaki naman ang mga mata nya at natatawa na lang si Sab sa reaksyon nya. Kahit naman kasi talagang gwapong lalaki itong si Gab ay pusong mamon pa din sya. Nasa 6 ft din naman ang taas nya hindi nag kakalayo ang kagwapuhan nya kay Kurt mas lamang ‘yung isa ng mga dalawang paligo lang.

“Fine, konti lang naman girl, ang gwapo kasi talaga! Mahirap talaga mag tiwala sa mga gwapo. Mabilis makuha ang mga gusto nila. Lalaruin ka, kunyari mahal ka tapos pag hulog na hulog ka na tsaka ka naman bibitawan. Buti na lang maganda ako.” Nabatukan sya ni Sab. Sa ayos nya kasi hindi talaga sya mapagkakamalang bading. He's handsome idagdag pa ang matipuno nyang katawan. Sinong mag aakalang pusong babae yan.

“Gaga! Gwapo ka din, malambot ka lang kasi. Gusto mo patigasin kita?” Wait. Parang double meaning. Sana lang talaga mapatigas pa nitong si Sab ang lalamya lamya naming kaibigan. Sayang talaga ang kagwapuhan kung gwapo rin naman ang hanap. Sa panahon ngayon ruler nalang ba ang straight?

“Shut up girl.” parang mga aso’t pusa na naman! Hindi bale baka may ma-develop na feelings sakanila. The more you hate, the more you love nga diba?

“Good morning!” agad naman kaming napalingon sa likuran namin, anong good sa morning, sinira na nga nya eh. Bad mood pa din ako dahil sa notice na nareceived ng parents ko kaya wala talagang good sa morning ko today. Hanggang kelan ba sya magiging sub prof namin? Ayoko na talaga syang makita. Pero deep inside sa pinakailalim ng puso ko yung apex of the heart nararamdaman nun ang pagka miss ko sakanya noong nakita ko sya. Ngunit mas namutawi ang galit ko kesa sa pagka miss sakanya.

“Good morning Sir.” bati nung dalawa pero ako tahimik lang at hindi ko sya nilingon. May narinig akong tumikhim sa bandang likuran ko. Anong akala nya babatiin ko sya? Ano sya sinuswerte? Sya na nga ang sumira ng umaga ko eh. Pero itong makulit at malanding parte ng isip ko, sinasabing lingunin ko na dahil gusto ko din naman syang makita.

“Sorry Sir, ganyan lang talaga ang girlfriend ko every morning. Masama ang gising. Oh, wait it’s your first day nga pala kaya naman pala mainit ang ulo mo.” Tapos bigla akong hinatak ni Gab patayo at pinulupot pa ang braso nya sa bewang ko, halos lumuwa na ang mga mata ko kakatingin sakanya hindi ko kasi alam kung ano ang gusto nyang mangyari. Sabi ng isip ko si Kurt ang gusto nyang landiin pero itong si Gab anong pakulo naman nya.

“It's okay” Matigas na sabi nung lalaki pero halata sa itsura nya ang galit. Who cares? But I care sabi na naman ng malanding parte ng isip ko. At umalis na din naman sya. Bakit ba sya affected. Naguguluhan na talaga ako sa feelings ko tapos parang bumuhos pabalik lahat ang nararamdaman ko at kailangan kong magpakatatag hindi ako dapat marupok.

“Hoy ikaw na bakla ka, ano ‘tong pinagsasabi mo?” singhal ko kay Gab kasi naman umasa talaga yung maliit na parte ng isip ko na landiin ko daw si Kurt.

“Girl, wag kang sumigaw pag may nakaalam na bakla ako ikaw ang una kong bubugbugin dyan, can’t you see? Can’t you feel? Girl mukang may balak na balikan ka ng ex mong loko-loko!” sabi nya na napahawak pa sa baba nya. WHAT? Ako babalikan? Lord. God. Ayoko na nga eh. Okay na yung pasulyap sulyap lang. May takot pa rin naman ako. Ginugulo nya na naman ang isip at puso ko.

“So anong gusto mo namang palabasin Gab?” Tanong ni Sab. Kahit ako hindi ko alam ang gusto nyang mangyari. Ayoko naman na mag mukang sobrang desperada.

“Ewan ko sainyong dalawa. Duh? Obviously papalabasin na lang natin na ako ang dakilang boyfriend ni Trish!” pagpapaliwanag nya. Medyo na gets ko na pero hindi naman balak nung lalaking yun na balikan ako.

“Okay na sana Gab, kaso may dakila ka pang nalalaman.” Sabi naman ni Sab. Kaya nga tama sya don pero kung makapag plano sila parang wala ako dito. Hindi pa naman ako pumapayag.

“Girl, ako na kaya ang pinaka dakila. Sa ugali ba naman nitong si Trish may mag titiyaga pa ba dyan? Ako na lang ang magiging boyfriend nya kahit nakakadiri.” Grabe naman. May mga nanliligaw sakin ayoko lang talaga sila maging boyfriend kasi hindi pa naman ako ready na pumasok ulit sa isang relasyon. Ayokong maging unfair sa magiging next boyfriend ko.

“Hindi ko kailangan ng boyfriend, kaya ko mag-isa. At sino namang maniniwala na boyfriend kita? Alam naman nilang lahat na kaibigan lang kita.” Tama naman kasi na wag nalang namin gawin yung planong ‘yon. Parang napaka desperate move naman or maybe deep inside I am still hoping na may chance pa kami ni Kurt. Pero there’s a part of me that wants to forget him na. Sobrang gulo ko talaga. Naiinis na ako sa sarili ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

“Oh talaga? Hindi mo ako kailangan ngayon? Tapos ano ngangalngal ka na naman pag niloko ka nyang ex mo? Atleast ako hindi kita ibbreak sa phone.” Pinaalala na naman. Hindi pa naman kasi talagang sure kung babalikan ako ng napaka gwapo at hot kong ex eh.

“Hindi nya na ako mapapaiyak kasi hindi na ako lalapit sa kanya at hinding hindi na ako mag papaloko sa kahit sinong lalaki. Kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko.”  Kailangan kong magpakatatag. Pilit kong winawaksi ang sinasabi ng isip ko. Hindi ako pwedeng bumigay ngayon. Tumingin ako sakanilang dalawa bago umalis para pumunta sa class room namin.

“There are always moments in our lives that we want to go in some other places where no one knows you and restart your life.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status