Share

CHAPTER 4

"Hello. Baby? Where are you? Bakit ang tagal mo naman! Malapit na mag start ang graduation ceremony nyo. Ang dami ng mga tao rito." Sunod-sunod na wika ko kay Kurt, ang tagal naman kasi nya eh.

"Zoey, umuwi ka na." Huh? Ang tagal tagal kong naghintay tapos papauwiin lang ako. Ano bang problema ng lalaki ‘to. Kung kelan graduation tsaka naman sya mawawala rito. Mas excited pa nga ako sa graduation nya eh. Tsaka ayokong umuwi no. Hihintayin ko nalang sya dito.

"Baby naman. Nasaan ka na ba kasi? Hindi ako aalis pag hindi mo ako sinundo rito." Pagpipilit ko pa rin sakanya. Baka kasi may surprise lang sya sakin kaya pinapaalis nya ako rito. May usapan na kaming hihintayin ko sya eh.

"Wag ka nang makulit Zoey, umuwi ka na. Hindi ako makakapunta sa graduation ceremony namin”. Ramdam ko ang lamig sa kanyang boses. Ano bang problema? Kinakabahan na ako sakanya. Parang may iba. Parang may mali. NO! May mali talaga kay Kurt. He promised that he will never hurt me. I need to know the truth. Hindi pwedeng ganito lang. And now I don't care about his graduation anymore. Something feels weird.

"Bakit naman? May problema ba? Pupuntahan kita." Kinakabahan na kasi talaga ako. Gusto ko syang makita. Gusto kong malaman na talagang okay lang sya. Mas lalo akong natatakot ngayon. Nangingilid na ang aking mga luha.

"Zoey, let's break up!" Iyon lang ang huling sinabi nya at pinatayan na nya ako ng tawag. Halos manigas ako sa kinatatatyuan ko. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang sinabi nyang let's break up. No! Not now. I feel something is wrong. Parang ibang Kurt ang kausap ko. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam kung sa galit o sa sakit na nararamdaman ko, pinilit kong iayos ang sarili ko.

Nakita ko ang isang lalaki na tumatakbo, late na siguro sya. Kilala ko sya kasamahan sya ni Kurt sa basketball kaya agad ko syang hinarang. Kailangan ay may gawin ako. Hindi ko basta-basta isusuko ang lalaking mahal ko. Marami akong mga plano para sa aming dalawa.

"Kuya, alam nyo po ba kung nasan si Kurt?" Kumunot ang noo nya. Nag tataka siguro sya kung bakit ang isang katulad ko ang naghahanap sa pinaka sikat na lalaki sa College namin. "I mean si Edrick po? Alam nyo po kung nasaan sya?” Hindi nga pala sila sanay na tawaging Kurt si Edrick. Dahil ako lang naman ang bukod tanging taong tumatawag nun sakanya. Ngunit halos mabuwal ako sa sagot nya sakin. Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanan ang tumayo sa harap nitong lalaki.

"Isa ka ba sa mga fangirls nya? Nako miss baka nasa airport na sya ngayon. Ngayong araw din kasi ang flight nya papuntang U.S. Sige miss alis na ako. Wag mo nang isipin ‘yang si Edrick baka mag pakasal na rin agad yun. Hahaha" Tapos umalis na sya sa harapan ko. Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako at mabilis na pumara ng taxi at nag pahatid sa airport. Hindi maari yon. Mahal na mahal nya ako para saktan. Kung aalis sya ay dapat sinabi nya sakin. Bakit ba ang sakit ng puso ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko dinudurog ito.

Paulit-ulit na nag pplay sa isip ko ang sinabi nong lalaki.

"Magpapakasal."

"Magpapakasal."

"Magpapakasal."

Hindi ‘yon pwede mangyari okay naman kami ah. Wala kaming naging problema tsaka sabi nya ipapakilala nya ako sa harap ng maraming tao. Sa mismong araw ng graduation nila kaya hindi sya pwedeng magpakasal. And he loves me. Ako lang ang babaeng mahal nya. Hindi ko alam kung sino ba ang kinukumbinse ko. Part of my mind ay na nagsasabing umibig ka sa isang playboy tapos aasa kang ikaw lang ang babae nya? Pero nag bago na sya simula nang maging kami. Nakita ko yun. At pina tunayan nya. But now? I need to find out.

Nang makarating ako sa airport agad akong bumaba at nagtatakbo na pero hindi pa ako nakakalayo nahagip na ng mga mata ko si Kurt na may kayakap na babae. Lalapitan ko na agad pero agad din akong napatigil.

“Are you sure Edrick? Pwede namang ipagpabukas na lang natin ang pag alis" Saad ng babaeng kaharap nya ngayon. Maganda iyong babae. Mas matangkad sakin pero pareho kaming maputi. Mas mahaba nga lang ang buhok nya kesa sakin. At higit sa lahat sya ang kasama ni Kurt sa mismong araw ng graduation nya. Nasa airport pa sila. Samantalang ako mag-isa na maraming katanungang naglalaro sa isipan ko. Para akong tanga na nakatingin sakanilang dalawa. Anong laban ko? Nakipaghiwalay ang boyfriend ko sakin para sa babaeng ito.

"No! Gusto ko nang umalis. Halika na baka malate pa tayo sa flight." Sabi ni Kurt na parang excited pa syang makaalis dito sa Pilipinas. Hindi na ba nya naisip kung ano ang mararamdaman ko? He promised me. Pero sya pa ang unang bumitaw samin. Tingin nya ba ay kulang pa ako? Madami akong tiniis para sakanya. Tapos iiwan nya lang ako.

“Nakakatawa ka talaga Edrick. Hindi ka talaga makapaghintay ah. Pero halatang kinakabahan ka. Don't worry ako ang bahala sayo pag dating natin ng U.S." Ngumiti ang babae sakanya at wala akong magawa kundi ang tingan nalang sila.

"Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala ka Jam." Kasunod nito ang mahigpit na pagyakap ni Kurt sa babae. Hindi ko na napigilan na hindi maiyak. Nakatingin na lang ako sa papalayong Kurt. Nakahawak pa sa braso nya ang babae. Ipinag palit nya ako. At isa lang ang nasisiguro ko na isa pa din syang playboy. At pina-ikot at pinag laruan nya ang damdamin ko. Isa lang din pala ako sa mga babaeng nilandi nya. Ito ang pinakamasakit ang makitang masaya na sya sa iba, ang makita ang papalayo nyang katawan, papalayo sa akin.

Akala ko ba nagbago ka? Akala ko ba na ako na lang ang mahal mo? Nangako ka sakin. Napangiti ako ng mapait ang tanga ko para maniwala sa isang playboy. Ang isang playboy ay mananatiling playboy. Hindi na magbabago ‘yon, ito na nga ba ‘yung araw na akala ko hindi mangyayari sakin. Ang sakit lang, itinago nya ang relasyon namin sa lahat ng tao. Di’ba dapat don palang magtaka na ako dahil kinakahiya nya ako. Dapat hindi ko na pinalalim ang nararamdaman ko para sakanya. Ngayon ako lang naman ang nasasaktan dahil minahal ko sya ng totoo. Nagpaka tanga ako sa isang playboy.

Hingal na hingal akong napabangon. Napatingin ako sa bed side table para makitang 2:30AM pa lamang. Mukang binabangungot na naman ako. Nakakainis kasi ang lalaking ‘yon. Wala pang 24 hours na nagkita kami at sumama pa sa panaginip ko. Ang lakas din ng loob at ang kapal pa ng muka nya. Wala syang kwentang tao. Hindi nya ako madadaan sa kagwapuhan nya, hindi na ngayon. Strong na yata ako. I am Zoey Trisha version 2.0 mas maganda at sexy na ako ngayon.

Napaisip ako bigla. Kinasal na kaya ang lalaking ‘yon? Pero sabi nya single sya. Pero sinabi nya ding my heart is taken. Napaka flirt talaga ng playboy na ‘yon. So ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang playboy. Kung bakit sakanya pa kasi unang tumibok ang puso ko, ang malas ko lang. I’m so young and naïve that time. Nag mahal lang naman ako. Hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman ko.

Kumuha na lang ako ng tubig at ininom iyon para maalis sya sa isip ko. Pero simula din nang iwan nya ako at makipaghiwalay parang kasabay na din ang paglimot ko sa salitang LOVE. Ni hindi na ulit ako nagmahal ng ibang lalaki kahit napakarami nilang sumusuyo sakin siguro natakot na ang puso ko. Ano ba ‘tong mga iniisip ko baka mamaya malate na naman ako eh. Makatulog na nga lang ulit.

"Don't believe everything you hear. There are three sides to a story yours, theirs, and the truth.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status