Share

Molly the Sociopath
Molly the Sociopath
Author: AkoSiIttal

START

MOLLY'S POV

Pinagmasdan ko ang paligid at lumanghap ng sariwang hangin, wala namang bago, amoy hangin pa rin. Wala masyadong sasakyan ang dumaraan sa kalsada, pinapaalala lang nito sa akin na nasa probinsya ako at hindi pa nakakabalik sa siyudad.

"Ano ng plano mo? Saan ka na patutungo?" Rinig ko ang katagang iyan na nagmula sa boses ni Nurse Scarlet na siyang nag-alaga sa akin ng maraming taon. Masasabi kong maraming taon dahil pabalik-balik ako sa lugar na ito. Hindi ako bumabalik dahil gusto ko, bumabalik ako dahil hinihila nila ako pabalik dito. Sabihin na nating, pasaway ako na laging pinapauwi ng magulang.

"Hell, most likely," malamig kong sagot at ngumisi. "Kidding. I'll go back to Alf to let him take care of me," hayag ko. Naramdaman ko naman ang kamay ng nurse sa braso ko kaya naman nilingon ko siya at nakitang umiiling ito.

"Ito na ang huling beses na pupunta ka sa lugar na'to, kapag gumawa ka pa ulit ng kalokohan ay sa kulungan na ang bagsak mo kaya naman magbago ka na, ha Molly?" lintana niya at hinaplos ang aking buhok na para bang isa lang akong munting bata mula sa kaniyang mga mata.

"Okay."

We both know I was lying.

"You'll never see me here again," hayag pa ni Nurse Scarlet kaya naman binigyan ko siya ng pagkunot ng noo. "Tumatanda na ako so kailangan ko ng kumilos para sa mga bagay na gusto kong mangyari. Isa pa, I'm sure hindi ka na makakabalik dito kaya kampante na ako." Binigyan pa ako ng matamis na ngiti ng nurse. I don't understand what she's talking about but I'm not interested either.

Lumayo na ako sa kaniya at kinuha ang mga gamit ko. Tipid lamang akong nagpaalam dito matapos ay nagsimula na akong naglakad sa gilid ng kalsada, palayo sa lugar na matatawag kong tahanan, ang tahanan ng mga baliw. Isang maliit na mental facility para sa mga taong nasiraan ng bait— na para sa akin ay isang munting palasyo. Lumaki ako sa lugar na iyan kahit na hindi sira ang pag-iisip ko. Baliw ang nanay ko dahil imbes na sa orphanage niya ako dalhin ay dinala niya ako sa isang mental facility, that annoying twat.

Dahil nga lumaki ako sa lugar na iyon ay sinasabi ng mga tao sa labas na nahawa ako sa kabaliwan ng mga taong nakapaligid sa akin. Nakaranas ako ng pambubully at maraming uri ng pananakit, hanggang sa isang araw ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na duguan at may nag-aagaw-buhay na sa harapan ko, katawan ng taong kinaiinisan ko. Simula nu'n ay sinunod ko na lang ang mga sinasabi nila, na baliw na rin ako, ang kaso ay mukhang sumobra 'yung sa akin.

I'm not a psychopath. I'm a sociopath.

It was much lighter than being psychopath. Being a sociopath, I know that I'm struggling to maintain a job so as for now or should I say up until now, I'm still jobless. Though I do have bachelor's degree but I'm not interested to use it. I hate holidays. Having fun ignoring social norms and laws, or breaking rules, overstepping social boundaries. I even destroy someone's property. That's why pabalik-balik ako sa mental facility na ito.

Habang abala sa paglalakad ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa tabi kung saan nakatirik ang naglalakihang mga puno. Walang kabahay-bahay sa paligid at tanging mga halaman lang ang narito. Dahil curious ako sa nangyayari ay naglakad ako patungo roon imbes na ipagpatuloy ang paglalakad sa gilid ng kalsada. Habang papalapit ng papalapit ay palakas ng palakas ang tunog na naririnig ko. Mga nababaling sanga ng puno, natatapakang mga tuyong dahon sa lupa, at mahihinang halinghing na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa mabangis na hayop. Huminto ako sa paglalakad at nagsimulang umatras. Hindi na dapat ako nagtungo rito. Humanap lang ako ng ikapapahamak ko.

Nagpatuloy ako sa pag-atras pero huli na ang lahat. Lumitaw ang isang malaking tigre sa harapan ko, napatingin ito sa akin at mukhang sa akin napunta ang kaniyang atensyon.

Lintik!

Mahigpit kong hinawakan ang bag na dala ko at huminga ng malalim.

"Calm down, cutie cat. I'm just a stranger who passes by. Spare my life, okay?" pagkakausap ko rito pero humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko. Pambihirang pusa 'to, bakit ba napakahirap niyang umintindi?

Lumabas ang dila nito at ipinakita sa akin ang nagtutulisang maputi niyang ngipin na parang sinasabing handa niya na akong lamunin ng buo.

"Huwag mo nga akong titigan. Umiwas ka naman ng tingin kahit minsan, o kumurap man lang. Masyado akong kinilig sa takot sa ginagawa mo," usal ko habang patuloy sa pag-atras.

Huminto ito sa paglalakad kaya naman maging ako ay napahinto rin. I don't know what the hell I should do! Naalarma ako nang humiyaw ito at sinugod ako. Tumalon ito sa ere ng sobrang taas at sa tansya ko ay paglapag ng katawan nito... ay sa akin na ang agad ang bagsak niya, dahilan para malamon niya ako ng buo.

Napapikit na lang ako pero nakarinig ako ng malakas na putok ng isang baril. Iminulat ko ang aking mata at nakitang nakahiga na sa lupa ang tigre kung saan may umaagos na pulang dugo sa tiyan nito. Umayos naman ako sa aking pagkakatayo at pinagmasdan ng maigi ang tigre. Agaran akong nakaramdam ng awa para rito. They might be saying that I lack of empathy pero hindi ako nananakiy ng hayop, uh depende pa rin sa pagkakaluto. May mga nasaktan na akong mas masahol pa ang ugali sa hayop at mukhang hayop ang pagmumukha, pero ang tawag sa kanila ay 'demonyo'. At isa pa sa ikinababahala ko, ay ang tigreng ito ay paniguradong alaga ng Mayor sa lugar na'to. Bumibili siya ng mga mababangis na hayop sa ibang bansa at inuuwi rito para alagaan, 'yun ang alam ko.

Lalapitan ko na sana ang tigre upang tignan kung kaya niya pang mabuhay pero bigla na lang may humila sa akin kasama ng mga gamit ko. Isinandal ako nito sa isang puno, tinakpan ang bibig at tumayo sa harapan ko.

"Mukhang patay na." Rinig ko ang boses ng isang lalaki na nagmula sa kinatatayuan ko kanina.

"Lintik! Malalagot tayo kay Mayor nito! Oh siya, kunin niyo na 'yan at iuwi. Pambihira naman oh!"

"Pero may nakita akong babae kanina rito na nakatayo, tapos sa 'di kalayuan ay may lalaki pa. Sigurado akong nakita 'to ng babae."

"Ano? Tatanga-tanga ka talaga. Hinayaan mo na lang sana siyang lamunin ni Maya! Kapag 'yun nagsumbong ikaw ang ipapakain ni Mayor sa alaga niya."

"Ang ingay niyo, hanapin niyo na lang ang anak ni Maya."

So alaga nga ni Mayor ang tigreng iyon? Sinasabi ko na nga ba. So tama ang mga kwento sa akin ni Nurse Scarlet. Palibhasa pinapatawag siya ni Mayor Ricky sa bahay nila.

Nag-angat ako ng mukha upang tingnan kung sino ang taong kaharap ko pero hindi ko siya kilala. Isa itong lalaki na medyo malaki ang katawan at matangkad. Maputi ang balat— o sadyang maputla lang siya? Mukhang napansin nitong nakatingin ako sa kaniya kaya naman napatingin din ito sa akin. Nagkatinginan lang kaming dalawa hanggang sa lumayo siya sa akin at ipinunas ang palad niyang ipinangtakip sa aking bibig sa suot niyang damit.

"Kalimutan mo na lang ang nangyari," anito mula sa malalim na boses at iniabot sa akin ang mga gamit ko.

"At bakit ko naman gagawin 'yun? Isa pa, sa tingin mo ba ay madaling makalimutan ang pangyayaring iyon?" inosente kong sambit na sininghapan niya at inilabas ang wallet niya. Inabutan ako nito ng pera. "Binabayaran mo ba ako para tanggalin sa memorya ko ang nangyari?"

"Parang ganu'n na nga," sagot nito at inilagay sa palad ko ang pera. "Lahat ng nangyari rito ay maiiwan dito mismo. Walang makakalabas na sumbong o kahit na ano pa, maliwanag ba?"

"Paano kung ayoko? Ayokong tanggapin ang pera mo at ayokong manahimik. Ano nang gagawin mo?"

"Just shut your mouth," bakas ang pagkairita sa kaniyang boses at napasinghap.

Pinagmasdan ko naman siya. "I guess kilala mo si Mayor Ricky, or close kayo? Ayaw mo siyang makulong kaya mo'ko pinapatahimik?" Tinignan ako ng lalaki. Actually wala naman akong balak na magsumbong, kahit papa'no ay medyo close rin naman kami ni Mayor.

"Parang ganu'n na nga. Basta manahimik ka na lang."

"Ayoko."

Natahimik ang buong paligid at kapwa lang kami nakatingin sa mata ng isa't isa. Basang-basa ko sa mukha niya ang matinding pagkainis kaya naman binigyan ko siya ng nakalolokong ngisi. Ilang saglit lang at humakbang ito palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay hanggang sa bigla nalang siyang lumapit sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang paghalik sa aking labi. Nakadilat ang mga mata nito na nakatingin sa akin habang magkadikit ang aming labi. Hanggang sa matauhan ako at itinulak siya palayo. Dali-dali kong pinunasan ang labi ko at pinaningkitan siya ng mata dahil sa ginawa niya. Ito naman ay hindi na nag-iwan ng salita at naglakad na paalis. Pinabayaan ko na lang siya tutal wala rin naman akong masasabi sa katulad niya.

"Little twat," bulalas ko na lang at suminghap. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nakarinig na ako ng isang iyak ng munting pusa.

Hinanap ko talaga kung saan iyon nanggagaling hanggang sa makakita ako ng maliit na tigre na nakahiga sa lupa habang may dugo ito sa kaniyang noo, tanda na nauntog ang ulo nito sa isang matigas na bagay na sa hula ko ay sa bato. Patuloy ito sa pag-iingay kaya naman pinulot ko ito at binuhat. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa malaking tigre at doon naisaayos ang lahat ng pangyayari. Ganu'n na lang kasama ang tingin sa akin ng tigre kanina dahil akala niya siguro ay kukunin ko ang anak niya, hindi naman ako ganoong klase ng tao.

"Dito ko narinig iyon!"

Muli kong narinig ang boses ng mga kalalakihan kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at tumakbo paalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat ang kaawa-awang munting tigre. Ilang minuto lang ay nakabalik na ako sa gilid ng kalsada at hinabol ang aking paghinga. Muli kong pinagmasdan ang tigre at naawa sa kalagayan nito kaya naman sinimulan kong nilinisan ang sugat nito gamit ang dala kong ilang first aid kit na laging pinapabaon sa akin ni Nurse Scarlet bago umalis sa mental facility.

Pinatulog ko na rin ang munting tigre at nang makatulog na siya ay ipinasok ko ito sa loob ng bag ko upang itago, at upang mapadali ang paglalakad ko. Ngayon ay babalik na ako sa siyudad kasama ang kaawa-awang tigreng ito. Aalagaan ko siya at papalakihin ng maayos, para 'pag dating ng araw ay hindi ko na kakailanganin ng gamit para manakit ng iba, siya na ang lalamon sa taong ayaw ko ng mabuhay pa. Siya ang magiging napakagandang sandata na wala ninoman ang makatatalo.

|•••|

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status