Share

CHAPTER 7: Junk Shop

MOLLY'S POV

Sumilip ako sa loob ng junkshop upang tignan kung naroon ang matandang lalaki, pero mukha namang walang tao sa loob. Hindi ako nakuntento at naglakad papasok doon.

"Nasaan na ba ang basurerong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang inilibot ang aking paningin sa paligid pero natigilan ako nang may makasalubong akong isang babaeng mukhang nasa singkwenta na ang edad pero malinis at galante ang kaniyang pangangatawan. Pang-mayaman lahat ng nasa katawan nito kaya naman agad akong nagtaka.

Dinaanan niya lang ako at umalis na sa lugar na iyon.

"Hija."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita na basurero kaya naman naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan at iniabot ang isang bag na puno ng pagkain.

"Nagluto ng marami si Alf pero hindi ulit kumain si Alyse kaya naman sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo," hayag ko at natigilan nang bigla na lang tumalon palabas sa bag ko si Seaweed at nagtatatakbo ito sa paligid.

"Sandali, tigre ba 'yun?" gulat na tanong ng matanda na tinangua
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status