Share

CHAPTER 8: From secretary, to katulong, to nurse... to instant lover?

MOLLY'S POV

Napatingin ako sa aking wristwatch at napansing 10 AM na pero wala pa rin ang magaling kong boss. Ni anino niya ay hindi ko pa nahahagilap, partida 9 AM pa ako pumasok dahil na-late ako ng gising. Hindi man lang ako ginising ni Alf pero sabi niya naman ay eksaktong 5 AM siya umalis dahil marami siyang aasikasuhin sa table niya't gaya ni Linus ay may mga deadline siya.

Matapos na magsumbatan kahapon si Linus at Alf ay napilitang umuwi mag-isa ang magaling kong boss, pero ang kapalit nu'n ay babalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Pumayag na lang ako para naman matigil na sila sa kakadakdak dahil sobrang sakit na nila sa tainga— kaya naman heto ako ngayon at nasa opisina, kinakamote na sa sobrang tagal kakahintay. Isang buong oras na pero wala pa siya.

May kumatok mula sa pinto kaya naman napatingin ako roon at nakita ang bwisit na babaeng si Hazel. Binati namin ang isa't isa sa pamamagitan ng pag-irap. Mabuti na lang at the feeling is mutual sa aming dalawa.

"S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status