Share

CHAPTER 5: Mad

MOLLY'S POV

Lumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi.

"Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya.

Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalaunan.

"Matigas daw ulo mo, siguro hindi ka na mahal nu'n," hayag ko at naupo na sa isang silya. Ang daming pagkain ah, mukhang mabubusog ako nito. Akmang kukuha na ako ng pagkain pero mahinang pinagkakalmot ni Seaweed ang paa ko kaya naman binigyan ko muna siya ng pagkain at pagkatapos ay naglagay na rin ako ng pagkain sa plato ko.

"Hoy, 'yang bwisit mong pusa ay tinaehan at inihian 'yung sapatos ko!" reklamo ni Alf.

Ibinaba ko ang kutsara na hawak ko na mayroong laman na pagkain na dapat ay isusubo ko na pero umepal pa si Alf. Kung kailan kakain 'yung tao ay doon niya pa isasaktong pag-uusapan ang tungkol sa tae at ihi.

"Sinong bwisit, ha?" singhal ko at sinipa ang kaniyang paa sa ilalim ng mesa. Napangiwi lang siya at inirapan lang ako, sabay tumalikod para kumuha ng tubig. Mukhang masama agad ang araw niya at maging ako ay dinadamay niya. Pagkasubo ko palang ay nag-ring naman ang cellphone ko kaya naman inilabas ko iyon at tinignan. Unknown number? Kunot-noo ko itong sinagot at itinapat sa aking tainga.

"Hello? Little twat speaking. Who's this?" bungad ko at muling sumubo.

"Molly, I need you in my office at exactly 6:30 am," saad ng malalim na boses sa kabilang linya at doon ko napagtantong si Linus ito. Napatingin naman ako sa aking wristwatch at napangiwi nang makitang 6:25 am na.

"Sir, hindi ko kayang bumiyahe ng 5 minutes papunta sa opisina mo. Hindi ako isang deputang alien para magteleport at makaabot sa oras. Isa pa, kumakain pa ako," panunumbat ko at muling sumubo. Isa pang naninira ng araw 'to.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yong kapag pinatawag kita ay kailangan mong dumating agad? Magsimula ka nang umalis at bilisan mo."

Sasagot pa sana ako pero pinatayan niya na ako ng tawag. Wala na akong nagawa kaya naman inis ko na lang na inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

"Anong sabi ng mokong na Linus na 'yun?" untag ni Alf at inabutan ako ng tubig na agaran kong ininom. Nilagok ko ang lahat ng iyon, nagbabakasakaling kumalma ang pakiramdam ko para hindi mapatay ang taong iyon. Talagang inuubos niya ang pasensya ko.

"Ang sabi niya ay kailangang nasa opisina niya na ako sa eksaktong 6:30 am. Manigas siya." Imbes na bilisan at habulin ang oras ay binagalan ko pa ang pagkain ko.

Naupo naman si Alf sa katabi kong silya at sinaluhan na ako sa pagkain. Kumain kami na para bang normal lang ang lahat. Nagkwentuhan, nagkulitan, at nag-asaran ng hindi hinahabol ang oras. Vice president ng kumpanya itong kasama ko kaya bakit naman ako magmamadali? Bakit ako kakabahan? Isa pa, hindi ko naman talaga kailangan ang trabahong ito kaya wala akong pakialam kung tatanggalin niya 'ko sa trabaho, mas matutuwa pa ako dahil mas maaalagaan ko ng maayos si Seaweed.

Maging sa paglabas ng bahay ay nagsusumbatan kami ni Alf hanggang sa makasakay sa kotse niya. Minaneho niya na ito pero kapwa kami natigilan nang matanaw ang kotse ni Linus na nasa tapat ng isang bahay at mukhang nag-e-eskandalo siya roon.

"Eskandaloso rin pala ang mga Hudson, may pinagmanahan," anas ko na ikinangiwi ni Alf at pinaandar lang kotse niya palapit sa kotse ni Linus at tinanggal nito ang kaniyang seatbelt.

"Dito ka lang," bilin niya na tinanguan ko at pinanood siyang lumabas ng kotse.

Pumito-pito na lang ako habang naghihintay. Hindi pa lang nagtatagal ay biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko, nang mapatingin ako roon ay nakita ko si Linus. Tinanggal nito ang pagkakaseatbelt ko at marahas na hinila ang braso ko palabas ng kotse kaya naman muntikan na akong nasubsob sa kalsada.

"What the hell is your problem, you little twat?" asik ko rito pero kinaladkad niya pa rin ako hanggang sa maipasok ako sa loob ng kaniyang kotse. "Let me go!"

"Sa Hudson Apparel," bilin nito sa driver na agad naman nitong pinaandar ang kotse.

Binawi ko ang hawak niyang braso ko at dumistansya sa kaniya. Siniguro kong nasa pinakadulo ako ng upuan. Bwisit siya. Isang lintik na lalaking walang ibang ginawa kundi pakuluin ang dugo ko.

Tahimik lang kaming tatlo sa loob pero ramdam ko ang mataas na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong problema niya at hindi ko na problema kung ano man iyon. Kailangan kong magpigil para hindi ko siya masakal at mapatay dito sa loob. Pagkarating sa gusali nito ay akmang hahawakan niya na ako pero mabilis akong lumabas mag-isa. Naglakad ako patungo sa opisina nito ng hindi siya hinihintay o kasabay siyang maglakad. Pagkarating doon ay naupo ako sa isang sofa, ilang saglit lang ay nakarating na rin si Linus, at agad siyang napatingin sa aking direksyon. Naupo ito sa katapat kong sopa at pinagmasdan ako ng maigi.

"Bakit kailangan mong kasama ang lalaking iyon sa bawat oras? Inakala ko rin na bahay mo 'yung lugar kung saan mo pinahinto ang kotse kagabi. Bakit kailangan ka niyang pasanin? Bakit kailangang magkasama kayong pumasok? Gaano ba kalalim ang relasyon ninyong dalawa?" sunod-sunod nitong dakdak sa akin pero hindi ako umimik.

"Hey! Are you even listening?"

"Yes! It just takes me a while to process so much stupid all at once," inis kong sagot at inirapan siya. Hindi ko na alam kung saan pa ako kumukuha ng pagtitimpi para hindi siya masaktan, nangangati na ang mga kamay kong sakalin siya o 'di kaya'y damhin ang mainit at mapula niyang dugo sa aking kamay, habang pinapanood siyang malagutan ng hininga.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong 6:30 ay dapat nandito ka na?" sermon pa ni Linus kaya naman pinanlisikan siya ng mata.

"Who do you think you are? Wala ni isa ang nag-uutos sa akin na madaliin ko ang trabaho ko at gumawa ng lintik na himala!" bulyaw ko naman rito na ikinanlaki ng kaniyang mata. Napatayo pa ito mula sa kaniyang kinauupuan.

"You...."

"Kung tatanggalin mo'ko sa trabaho ay gawin mo na. Wala akong pakialam sa trabahong 'to lalo na sa pera mo," agaran kong sambit na ikinatigil niya.

Natahimik na siya at kalauna'y bumalik sa kaniyang kinauupuan. Hinilot niya ang kaniyang sentido at malalim na napabuntong-hininga. "I won't do that," sagot niya sa kalmadong boses at huminga ng malalim sabay iniabot sa akin ang isang tablet. "Nariyan ang schedule ko."

Tinanggap ko na lang iyon at binuksan. Binasa ko ang mga ito at suminghap.

"You have a meeting with the stockholders at 7:20 am, SIR," hayag ko, pinapanatili ang tamang tono at lakas ng boses ko kahit na nag-iinit pa rin ang ulo dahil sa naging sagutan namin. Inosenteng tumingin sa kaniyang wristwatch si Linus at tumayo na. Naglakad ito na para bang walang nangyari kaya naman agaran ko siyang sinundan sa paglalakad habang hawak-hawak ang tablet.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad pero kapwa kami napahinto nang lumabas mula sa isang pinto sa isang tabi ang dalawang lalaki at nagrarambulan. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Linus sa baywang ko at hinila ako nito paatras upang hindi kami madamay sa gulo. Napatingin ako sa kamay niya na nasa tagiliran ko at ramdam ko sa aking likuran ang mahaba nitong braso.

"Nandiyan si Mr President!"

Agad na nagsibalikan sa trabaho ang lahat habang natigil naman ang dalawa sa pagrarambulan. Dali-dali silang umayos ng pagkakatayo at yumuko.

"Bumalik na kayo sa trabaho," kalmadong utos ni Linus at humigpit ang pagkakahawak niya sa aking baywang sabay inalalayan ako sa pagpapatuloy sa paglalakad.

Ganu'n na lang iyon? Hindi niya pagsasabihan o pagagalitan? Hah! Kung ganu'n ay ako lang ang empleyadong sinisigawan niya? This is so unfair!

"Bitawan mo na ako," malamig kong sambit pero hindi niya ibinaba ang kaniyang kamay. "Sir."

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking baywang hanggang sa binitawan niya na iyon. Bumaba na ang kamay nito kaya naman nakahinga na ako ng maluwag pero sunod niyang hinawakan ang aking kanang kamay. Hindi pa siya nakuntento at pinagsiklop ang daliri namin. Tinignan ko siya at pinaningkitan ng mata pero seryoso lang itong nakatingin sa harapan. Wala lang sa kaniya ang mata ng mga empleyadong nakakasalubong namin. Ang iba ay pinagbubulungan kami at paniguradong nagsisigawaan na ng sari-sarili nilang bersyon sa kwento kung bakit kami magkahawak ng kamay.

Oh hell!

Is there a nice way to tell this little twat that I want to smack him over the head with a chair?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mila Herana
very nice.n love it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status