Share

CHAPTER 3: His Secretary

MOLLY'S POV

Pumasok ako sa pintuan at agad na natanaw ang lalaking nakaharap namin kanina sa elevator. Nakatingin ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip kaya naman pinutol ko iyon sa pamamagitan ng pagtikhim, nagtagumpay naman ako na kunin ang atensyon niya. Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kaming dalawa.

"Good morning, Sir. I'm Molly Cabrera," bati at pagpapakilala ko sabay nginitian siya pero nakatingin lang ito sa akin.

"Have a seat."

Naupo naman ako gaya ng sinabi nito. Nakatingin lang kami sa isa't isa at pinapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mukhang nagdadalawang isip pa siya.

"Emm...." panimula ito at tumikhim sabay huminga ng malalim. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na magsisimula na ang trabaho mo sa araw na'to. Bawat oras na tatawagin kita ay kailangang naroon ka agad, mapa-rito man sa gusaling ito, o sa labas, maging sa bahay at condo ko. Hawak ko ang buong oras mo."

Hindi ako umimik sa sinabi niya, dahilan para kumunot ang kaniyang noo.

"Are you listening?"

"Yes, I'm just not paying attention," diretsahan kong sagot na ikinasinghap niya.

Unang misyon ay painitin ang ulo ng boss ko para mapatalsik agad ako sa trabaho at mananatili na lang sa bahay para alagaan si Seaweed. Wala rin naman sigurong kaso iyon kay Alf dahil bago ako pumunta rito ay tinignan niya ako na parang gusto niyang may gawin akong masama para matanggal agad. Kaya naman ako nag-apply dito ay para maging secretary niya, hindi ang maging secretary ng kaniyang stepbrother. Hindi 'to kasama sa plano.

"Sandali nga, hindi mo ba ako naaalala?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng lalaki. "Nagkita na ba tayo noon? Isa ka ba sa mga mangungutang na naghahabol sa akin noon na hindi ko pinautangan at ngayo'y mayaman kana kaya maghihiganti ka?" saad ko na inilingan niya. Nagamit ko rin sa wakas ang linyahan sa teleserye na napanood ko. Muli naman akong pinagmasdan ng lalaki hanggang sa sumeryoso ang kaniyang mukha.

"You're not good at lying."

"Liars go to hell, ika nga," tugon ko naman sa kalmadong boses kaya naman tumaas ang gilid ng labi nito.

"Kung ganu'n ay naaalala mo ako?" ani pa nito.

"Of course, pero hindi ba't ikaw ang nagsabi na kalimutan ko na ang nangyari sa lugar na 'yon at mananatiling naroon ang mga ala-ala ko. Mukhang hindi mo pinangaralan ang sarili mo bago umalis sa kakahuyang iyon."

Natahimik kaming dalawa hanggang sa maputol iyon sa pagpasok ng isang babae. Medyo may katangkaran ito at sa paglalakad palang ay halatang maarte na. Mahaba ang itim nitong buhok, drawing lang ang mapagmataas niyang kilay, may mapulang labi na mukhang ipinahid lahat ng lipstick doon upang magkakulay, makinis ang makapal niyang pagmumukha, masarap basagin ang matangos nitong ilong, ang dibdib niyang umaalog-alog sa bawat paghakbang niya, maputing kutis, masyadong sexy ang suot niyang damit, at pabango niyang naaamoy sa bawat sulok ng kwarto na mas malala pa sa polusyon. Kung isa-summary ang lahat, mukha siyang isang malandi.

"Linus, oras na ng break time. Sabay na tayong kumain sa cafeteria, wala akong kasama," anito sa malanding boses.

Napalunok na lang ako sa pandidiri sa babaeng ito. Malayong-malayo ang hitsura ko sa kaniya at malayo pa ang lalakbayin niya para mahabol ako. Kahit na isalpak niya sa pagmumukha niya ang mga makeup at kung ano-ano pang pampaganda ay wala siyang binatbat sa akin, duh.

"Hazel, nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap ko sa secretary ko kaya pwede bang umalis ka na at kumain muna mag-isa? Or makisabay ka na lang sa ibang empleyado sa labas," sagot ng lalaki kaya naman napatingin sa akin ang babaeng puta. Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa sabay ngumiwi.

"You're such a freak," rinig kong bulalas nito sa mahinang boses at ibinalik ang tingin sa lalaki. "Hayaan mo na siya. Mas mabuting kumain ka muna para magkalaman ang tiyan mo," paanyaya nito at sapilitang hinila ang braso ng lalaki. Agaran naman akong tumayo at hinawakan ang kabilang kamay ng lalaki kaya nahinto ang dalawa at napatingin sa akin.

"Let him go," sambit ng babae. Hindi ako nagsalita at hindi rin binitawan ang kamay nito. "I said let him go!" iritable nitong sigaw sa akin kaya naman malakas kong hinila ang lalaki dahilan upang mapalapit silang dalawa sa akin. Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ng lalaki kaya naman bumagsak siya sa sahig.

"How dare you!"

"You talk so much shit. I don't know whether to offer you... a breath mint or a toilet paper?" pahayag ko dahilan para mapasinghap siya sa sobrang kahihiyan. Tumayo ito mula sa kaniyang pagkakabagsak sa sahig at inayos ang kaniyang sarili. Inirapan niya ako sabay naglakad palabas ng walang sinasabing salita. If she can make her look like a bitch, them I have the attitude of it.

Natahimik ang apat na sulok ng kwarto hanggang sa magvibrate ang phone ko kaya naman inilabas ko iyon at nakitang nagtext si Alf at pinapapunta ako sa opisina niya.

"Aalis muna ako," pamamaalam ko at binitawan na ang kamay ng lalaking hawak-hawak ko sabay naglakad na rin palabas ng kaniyang opisina. Tinungo ko ang opisina ni Alf at nadatnan itong naghahanda ng pagkain sa mesa kaya naman agaran akong naupo sa sofa.

"Ano, kumusta naman?" Inabutan niya ako ng burger na agaran kong tinanggap at kinagatan.

"Same answer." Inabot ko naman ang juice upang uminom doon, maging si Alf ay sinabayan na rin ako sa pagkain.

"Really? So bakit ganiyan ang hitsura mo? Molly, alam ko kung nagkaproblema ka lalo na kung napa-away ka. So tell me, sinapak mo ba siya?"

Umiling ako. "I just met a bitch in his office. 'Yun ang kamuntikan ko nang mapadugo ang mukha. Hindi ko masyadong nakausap ang boss mo dahil umepal siya. Tawagin ba naman akong freak, natumba tuloy siya sa sahig," pagkukwento ko at sinimulang sumubo ng rice.

"Hmm? You mean si Hazel?" Tumango ako dahil 'yun ang narinig kong pangalan kanina. "Ah. I guess umepal na naman siya para ayain si Linus para mag-lunch. Ugali niya na 'yun kahit nasa kalagitnaan ng meeting si Linus ay binubulabog siya ni Hazel."

"Sino ba 'yun?"

"Pinsan namin. Kung sineryoso niya lang ang pag-agaw sa amin ni Linus itong kumpanya, I guess 'yung tatay niya na sana ang Chairman. Pero inuto siya ng Mommy ni Linus, kaya wala siyang pakinabang sa tatay niya." Napatango na lang ako sa pagkukwento nito. "By the way, gusto kong mawala sa landas ko si Linus pero 'wag mo siyang papatayin," aniya habang puno ng pagkain ang kaniyang bibig.

"Bakit hindi?"

"Siya lang ang taong katapat ko. Kapag namatay siya ay hindi ko na alam kung saan hahanap ng taong makakapantay sa akin at hindi na ako mahihirapan sa buhay."

Tumango-tango na lang ako at hindi na nagsalita, hindi ko maintindihan ang rason niya pero hindi ko na kailangang intindihin pa iyon, hindi ko na problema 'yun. "Ah nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo na nagkita na kami ng stepbrother mo sa kakahuyan. Noong araw na nakita ko si Seaweed, noong pauwi na ako rito, pero hindi niya alam na may inuwi akong tigre," pagkukwento ko kay Alf.

Natigilan si Alf at mariing napalunok. "Kaya ba mukha siyang gulat na gulat kanina?" Nagkibit-balikat lang ako sa katanungan niya. "Ano pang nangyari?"

Bumagal ako sa pagnguya at uminom ng juice na dala niya upang walang naging sabagal sa pagsasalita ko. "May narinig kasi akong mga kaluskos kaya nilapitan ko at may malaki akong tigreng nakita, pagkatapos ay may bumaril doon. I think, 'yung mga tauhan din ni Mayor Ricky ang bumaril, para lang magalusan at makuha nila. Then nakita ko ang stepbrother mo, itinago niya ako habang may mga lalaki namang kumuha sa tigre para ibalik sa bahay ni Mayor, then nakita ko na si Seaweed."

"Pagkatapos?" sunod na tanong ni Alf na mukhang tutok na tutok sa kwento ko kahit na in the first place, ay hindi naman importante ang mga iyon.

"Tapos, hinalikan niya ako."

Nabilaukan ito sa sinabi ko kaya naman pinaghahampas ko ang kaniyang likuran at inabutan siya ng maiinom. "A-anong sabi mo? Hinalikan ka ng mokong na 'yun?"

"Yup. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil maganda ako? Mukhang napagkamalan niya akong diwata sa kagubatan."

Mas lalo itong naubo sa sinabi ko.

"Molly, tama ka na. Kung may nagsabi man sa'yo na mukha kang diwata, diwatang puta lang ang abot mo. Ang punto rito ay bakit bigla-bigla na lang siyang nanhahalik ng babaeng hindi niya pa kilala? May posibilidad na maging rapist din siya gaya ng Chairman. Kaya ikaw, mag-iingat ka at baka ikaw ang unang mabiktima," lintana nito at kinutusan pa ako kaya naman napangiwi na lamang ako.

"Mas mabuti naman 'yun kaysa gawin mong apartment ng anak mo ang matres ko," hayag ko na ikinatigil nito at kinunotan ako ng noo.

"Sinasabi mo ba na mas papatulan mo pa siya kaysa sa akin?" singhal ni Alf.

"Oo. At least hindi ako magmumukhang kabit kapag nasa tabi niya ako, hindi tulad sa'yo," sagot ko naman.

"Edi hihiwalayan ko si Alyse. Magfa-file ako ng divorce paper."

"Ayoko. 'Yung labi mo ay pinagsawaan niya na at wala akong alam kung virgin ka pa o hindi. Mamaya may HIV ka pa."

"H-hoy babae, grabe ka magsalita. Para mo namang sinabi na na-gang-rape ako ng mga babae."

"Ikaw naman ang nag-iisip niyan. At saka anong malay ko? Lalaki ka at rapist ang tatay mo."

"At talaga namang..." Huminto ito at halos mangiyak-ngiyak na sa mga sinabi ko sa kaniya kaya naman tumawa ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. He's really cute when he's being childish.

"Para ka namang bata, at hindi pa rin nawawala ang ugali mong pag-iyak kapag natatalo ka sa sumbatan," sambit ko na sininghutan nito. Now he's being dramatic.

"Hindi naman kasi ako katulad niya. Alam mo 'yun, diba?"

Tumango-tango ako at hinalikan ang kaniyang noo. I don't know, pero ito lang ang alam kong paraan para mapatahan ang damulag na gaya niya. "Hindi ka katulad niya, Alf. At ipinagmamalaki kita dahil hindi ka naging katulad niya. Kaya 'wag ka ng iiyak, okay? Nagmumukha kang mahina dahil isang cute na gaya ko ang nagpapaiyak sa'yo," lintana ko pa. Panay lang ang pagpapaawa effect ni Alf kaya naman mariin kong pinisil ang kaniyang pisngi na ikinahiyaw nito. E sa nanggigigil ako.

Nagpatuloy na kami sa pag-ubos ng pagkain hanggang sa magsimula na naman kaming mag-asaran— syempre natalo ulit siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status