Share

Chapter 6: Caught Up in the Moment

NO! This is not real. Napahawak ako sa mukha ko, and to my horror, kung ano 'yung nakikita ko sa salamin ay iyon nga talaga ang mukha. Hindi ganito ang itsura ko nung past life ko.

In my past life, I have this jet black hair, black eyes, pale lips, and white skin but not that glowy. But now my hair color now is silver, my eyes are a grey as the moon, my lips are red, and my skin color is glowy and as white as snow. And my nose is not that straight or high up, it's actually medium high with a round tip. My round face shape, as well as my body stayed the same though, pero this is so schocking. Di ako sanay sa mukha ko, baka epekto kasi ito ng reincarnation ko, lalo na at yung kulay ng buhok ko ay kasing kulay ng balahibo ko kapag pusa ako.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko sa nangyayari sa akin. Can't my days be normal?

I sighed and looked away from the mirror. I then went to the door and opened it. Darkness and silence greeted me once again, but I didn't mind. I turned left at mabilis akong tumakbo kahit na wala man lang akong suot na sapatos. Minabuti kong iwasan ang mga katulong na naglalakad sa hallway kaya liko ako nang liko hanggang sa marating ko Royal Library. Akala ko mawawala ako, pero naalala ko lahat ng pasikot sikot na dinaanan namin kanina ni Viktor at Vik.

Sinara ko ang malalaking pinto ng Royal Library. Medyo madilim, pero unti unting lumiwanag, at hindi ko alam kung saan galing ang ilaw. 

I took a deep breath. "Okay, Phoebe, you can do this," bulong ko sa sarili ko. And then I called out loud to the books, I said, "I need spell books of the moon magic!"

There was a long defeaning silence, and then I heard a loud crash from behind the shelves. A few moments after that, three silver books floated their way to me. Malakas ang pagbagsak ng mga ito sa sahig dahilan para umalingawngaw sa buong Royal Library. Palubog na mga libro!

Mabilis kong kinuha mga libro na sobrang bigat pala. The three silver books are hard bound books that are thicker than an encylopedia. 

Sa ngayon ay kailangan ko munang tutunan ang mga spells na associated sa moon goddess. Binuklat ko ang unang libro na nakuha ko at nag umpisa na akong magbasa. Ilang sandali pa ay natapos ko nang basahin yung makapal na libro. 

Nagulat din ako kasi memorized ko na lahat ng spells sa librong 'yon. Kaya sinunod kong basahin 'yung pangalawa, at sumunod na 'yung pangatlo. At nang matapos akong magbasa feeling ko sobrang lakas ko na. The isekai feels!

Now this is interesting, alam ko magaling akong mag memorize, pero hindi ganito kagaling. Isa na naman siguro 'to sa mga perks na binigay ni Bathala. 

Gusto ko pang magbasa sana at tatawag sana ulit ako ng panibagong libro, pero narinig kong bumukas ang pinto ng Royal Library. May narinig akong mga yabag na pumasok, kasabay ng muling pagsara ng pinto.

"Why are you doing this to me?!" inis na sabi ng babae na napagtanto kong si Behati dahil sa boses nito.

"You know I love you right? Why are you always making me jealous?!" inis naman na sabi nung lalaki. Agad ko naman ding napagtanto na si Viktor yung lalaking nagsasalita.

OMG! Mag jowa na kaya sila? Jusko mukhang matatagalan pa sila na mag away dito ah. Paano kaya ako makakaalis dito nang di nila napapansin?

"Ang OA mo naman, Viktor! Kinausap lang ako ni Hunter Troy tungkol sa pusa ni Alpha, bakit ba napaka possesive mo ha?!" inis na sabi ng babae kay Viktor.

"Because you're mine, Behati! I won't let any man talk to you so casually," sabi ni Viktor.

Tinakpan ko ang bibig ko para di ako kiligin sa kanilang dalawa, jusko! Mala GoodNovel ang love story nila, the possesive werewolf and the maid.

"You're being unreasonable, Beta," naiiyak na sabi ni Behati kay Viktor.

"I'm going to mark you," sabi ni Viktor na nagpasinghap kay Behati.

I then heard kissing sounds, nainggit tuloy ako sa kanilang dalawa. Sana all!

Saglit silang natigil. "Please, Viktor, I don't think now is the right time," sabi ni Behati. This is getting interesting. Pano ba minamarkahan ng isang werewolf ang mate niya?

"Why? You're my mate, we are destined by the Moon Goddess to be together. Bakit kailangan i-delay ko ang pag marka ko sa'yo Behati?" Naiinis na naman ang boses ni Viktor. Jusko naman Viktor, initindihin mo rin si Behati pag may time ka, hindi naman pwedeng ikaw lang nasusunod noh!

"You're the Beta of this Kingdom, I'm just a lowly maid!" umiiyak na sabi ni Behati. Naku Behati nagaala damsel in distress ka ah.

I heard Viktor sigh. "So what? The Moon Goddess gave you to me, and I'm in love with you," sabi ni Viktor. "It is my right to mark my mate. Kung kailangan na magpakasal tayo ngayon din gagawin ko."

Kanina pa ako kinikilig sa dalawang 'to. Pano ba kapag na-ship sila? BeVIk? HatiTor? Bektor? VikHati?

I heard kissing sounds from them again, tapos nadagdagan pa ng mahihinang ungol. Lume-level up na masyado yug intimacy nila, nahihiya na akong makinig.

"Viktor! Please  don't mark me yet," sabi ni Behati kay Viktor na mukhang nagmamakaawa na siya nang sobra.

"Me me stop, Behati," sabi naman ni Viktor.

Rawwr! Naks naman ng mga linyahan ni Viktor! GoodNovel na GoodNovel ang datingan. Kainggit tuloy, sana all may jowa, sana all mahal!

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bigla kong narinig si Behati na sumigaw nang malakas. Bigla akong kinabahan kaya agad kong pinuntahan ang kinaroroonan nila Viktor at Behati. Nang makita sila ay naka sideview sila mula sa akin. Nakaupo sa isang table si Behati, nakayakap ang mga binti niya sa bewang ni Viktor, at kitang kita ko ang pagkagat ni Viktor sa balikat ni Behati.

Napasinghap ako sa nangyayari pero kalmado lang si Viktor, si Behati naman ay mariing nakapikit dahil sa sakit, paminsan minsan ay napapasigaw siya nang malakas. Nang umalis sa pagkakakagat si Viktor ay agad na nahimatay si Behati.

Binuhat siya ni Viktor in a bridal style, at bago naglakad si Viktor ay nagsabi muna siya ng, "I already marked you, and I'll make sure that every man in this Kingdom and also the whole continent know that your mine, only mine, Behati." 

Nang masiguro kong wala na sila Behati at Viktor, mabilis akong lumabas ng Royal Library at tumakbo ako palayo. Natigil lang ako sa pagtakbo nang marating ko ang kuwarto namin ni Kiel.

Kailangan ko muna magpahinga ngayon dahil napagod ako kakatakbo sa buong palasyo. At hindi pa rin ako maka move on kina Viktor at Behati. Sinong mag aakala na mag jowa pala sila? Secret kaya yung relationship nila? Naku mukhang ako lang may alam sa sikreto nila ah.

Agad kong binuksan ang pinto ng kuwarto namin ni Kiel, pero napaatras ako bigla nang makita ko si Kiel na nakatayo sa gitna ng kuwarto. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status