Share

Chapter 5: A New Skill

"Ano pong ginagawa mo rito, Bathala?" tanong ko sa Diyos na lumulutang kasama ko. "At hindi ba tayo maririnig ng mga werewolves?"

"No, ang nakikita lang nila sa iyo ngayon ay nakatitig ka sa kawalan. I'm just here to remind you that the clock is ticking, Phoebe," sabi niya sa akin. "Kapag hindi mo natapos on time ang mission mo, mamamatay ka for real."

"Alam ko naman po 'yon, Bathala," sabi ko. "Ngayon lang ako nakalabas sa kuwarto ni Kiel."

"Nakita ko nga eh," sabi ni Bathala at ngumiti siya sa akin. Somehow ay hindi ko nagustuhan ang ngiti niyang 'yon, at hindi nga ako nagkamali sa pakiramdam ko. "Ang ganda ba ng view, Phoebe? Nakikita mo katawan ng amo mo."

"Hindi ko siya tinitignan!" sabi ko na nahihiya. Hindi ko alam kung namumula ako o ano. "Atsaka hindi ko naman kasalanan na gusto niyang sumabay ako na maligo kasama siya eh!"

"Gustong gusto mo naman," nang aasar na sabi niya sa akin. 

Sinamaan ko ng tingin si Bathala, pero nang asar pa rin siya kay sumuko na lang ako. I might as well just change the subject. "Mahihirapan akong libutin ang palasyo," sabi ko kay Bathala.

"Alam ko, kaya nandito ako kasi may nakalimutan akong sabihin sa iyo," sabi niya sa akin.

"Ano po 'yon?" tanong ko naman sa kanya.

"Pwede kang mag shapeshift from cat to a human form," sabi ni Bathala sa akin. "Hindi mo na kailangan ng spell para mag shapeshift, just picture yourself as a human."

"Sana sinabi mo na po 'yon nung una pa lang edi sana hindi na ako nahihirapan," sabi ko sa kanya. 

"Don't let anyone, not even the Alpha, to see your human form," sabi ni Bathala sa akin. "Mahihirapan kang tapusin 'yung misyon. As much as possible don't shapeshift too much."

"I understand," sabi ko naman. "So far wala pa akong nakikilalang mga werewolf na posibleng magtangka sa buhay ni Kiel. Atsaka bakit mo po pala pinapo-protektahan sa akin si Kiel? Malakas naman siya eh."

"That's too much question, Phoebe," sabi ni Bathala. "Bahala ka ng alamin ang sagot diyan, malalaman mo rin lang lahat pagdating ng panahon. Just protect the Alpha using your powers, you're the only one who can save him when the time comes."

"Okay, okay," sabi ko. "Nagtatanong lang naman ako eh. Hayaan mo, mag uumpisa akong mag libot mamayang gabi."

"Our time is up, aalis na ako," sabi ni Bathala. "H'wag mong kalimutan ang mga bilin ko, tawagan mo lang ako kapag kailangan na kailangan mo ako."

Agad nawala si Bathala na parang bula, at naibalik ako sa kasalukuyan. Nakasakay pa rin ako sa likod ni werewolf for ni Viktor na si Vik, at naglalakad ang iba pang mga werewolf, kasama si Kiel, Rico, at Nico papunta sa isang malaking gazebo na punong-puno ng mga masasarap na pagkain. May mga teenagers na nakatambay doon, at mayro'n ding mga bata na naglalaro at naghahabulan. Ito siguro yung mga Omega at mga Pups.

Sa isang werewolf clan kinikilala ang mga Omega bilang mga teenager officials na madalas nag aalaga sa mga batang werewolf. Mga puppy-sitter sila kumbaga. Ang cute pa ng mga bata, ang tataba ng mga pisngi nila.

Nang makita kami ng mga Omega at ng mga bata, mabilis silang tumakbo papunta sa grupo namin. Nung nakita naman ako ng mga bata agad nila akong kinuha at pinunta nila ako sa pinaglalaruan nila.

To the rescue naman si Kiel na agad akong kinuha mula sa mga bata. Nung kakain na ay dinala ako ni Kiel sa table. Naglagay ng cat food si Kiel sa isang bowl at binigay niya ito sa akin. Hindi ako mahilig sa cat food kaya yung drumstick na nakita mula sa isa sa mga plato ay kinagat ko at mabilis akong tumalon pababa ng table at tumakbo ako palayo. Tinawag naman ako ni Kiel at hinabol niya ako. Ang bilis nga niya akong dinampot eh. I didn't let go of the drumstick. At humuni ako para bantaan siya na h'wag alisin yung drumstick sa bibig ko.

"Moon, why are you like this?" tanong ni Kiel habang buhat buhat niya ako pabalik sa gazebo. Nang makabalik kami ay nagtatawanan yung mga werewolf na ngayon ay nasa anyong tao na. 

"Your highness, hayaan mo na lang siya na kainin yung karne," sabi ni Nico na tumatawa pa rin. "Mukhang ayaw niya yung cat food na binili mo eh."

"Geez, tapos isang sako pa 'yung binili kong cat food para sa kanya," sabi ni Kiel habang pinapanood ako kumain ng drumstick.

Pero nang marinig ko ang sinabi niya ay saglit ko siyang tinignan at inirapan ko siya. Seryoso ba siya sa sinabi niyang isang sako ng cat food?! Tingin ba niya sampung pusa ang mayro'n siya?

Nilantakan ko na lang 'yung drumstick ko at hindi ko na lang siya pinansin. Napansin ko si Ki ay hindi man lang nagsasalita. Nagalit kaya talaga siya sa akin?

***

"Dito ang Royal Library ng Fennris Kingdom, nandito lahat ng mga pinaka importanteng libro, ang Fenris Kingdom din ang may hawak sa mga Forbidden book of Spells, pati na rin ang mga ancient spellbooks."

Tumango ako sa mga sinasabi ni Vik sa akin habang pumapasok kami sa Royal Library. Hindi ko na mabilang kung ilang lugar sa palasyo ang pinuntahan namin ni Viktor at Vik.

Kanina andami naming napuntahan. Andami palang pwedeng gawin sa palasyo. May mga zipline, may mga gym, may malaki ring swimming pool. Hindi lang 'yon may mga activities din tulad ng camping, hiking, trekking at iba pang mga field trips. May academy rin para sa mga Pups kung saan tinuturo sa kanila ng mga Omega ang heirarchy ng kaharian. Maraming leisure activities sa palasyo, at kadalasan ding makikita ang ilan sa mga lobo na naglalaro ng kung anong sport. Nadaanan din namin kanina ang kitchen kung saan nakilala ko si mang Anton, and tagaluto sa palasyo. May mga kasama rin siyang mag taga luto pero si mang Anton ang leader. 

Tinignan ko ang kabuuan ng Royal Library, at nalula ako sa dami ng libro. Ano kayang klase ng mga libro ang nandito?

"Paano kung may kailangan na libro si Kiel?" tanong ko kay Vik. "Paano niya kukunin?"

"May mahika ang library na ito, pwede mong itawag sa kawalan ang librong kailangan mo, o kahit anong salita na may connection sa libro. Halimbawa gusto kong mag aral ng mga spell ang kailangan ko lang isigaw ay 'Spell Books' at magpapakita ito ng mga libro na pwede mong kailanganin," mahabang paliwanag ni Vik.

Ah so parang may search engine ang library na 'to. Ang galing naman, masubukan ko nga ito mamaya.

Lumabas na kami ni Vik sa library, gusto ko pa sanang mag libot doon pero sabi ni Vik di nagbabasa ng libro ang mga pusa. I might as well act the part, kasi hindi nga pala ako tao sa paningin nila.

Nagprisinta si Vik na bantayan ako, kahit tumambay na lang daw muna ako sa kuwarto ni Viktor. Pero sabi ko hihintayin ko na lang si Kiel sa kuwarto namin, kahit bukas pa o madaling araw ang uwi niya. Hinatid na lang niya ako, at binigyan niya ako ng fried chicken na makakain ko. Nang tuluyan ng umalis si Viktor, agad ko ng hinanda ang sarili ko.

Sabi ni Bathala hindi ko kailangan ng spell para mag anyong tao. Kailangan ko lang i-picture yung sarili ko na tao ako. Kaya agad akong nag imagine sa sarili ko. I imagined myself standing as a human, I imagined my past human face. And there I felt this energy coming out from my body, ilang saglit pa, pagmulat ko ay pakiramdam ko tumangkad ko. Tinignan ko ang sarili ko at laking tuwa o nang makita ko na may mga braso at binto ako, na nasa katawang tao ako. Pero agad din lang akong nagbawi ng saya nang mapagtanto kong wala pala akong kahit anong suot na damit. Yung damit ng pusa na pinasuot sa akin ni Kiel ay nasira na.

Agad akong nagtungo sa closet ni Kiel at nagtingin ako ng damit doon. Kumuha ako ng itim na t-shirt, itim na pants, at nanghiram na rin ako ng boxers niya. Wala man lang bra, nakakainis! Pero hindi mahalaga 'yon ngayon, kailangan kong maglibot kaagad. Nang masuot ko ang mga kailangan kong isuot ay humarap ako sa salamin para tignan kung maayos ba ang mukha ko, at laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

I want to ask Bathala, bakit ganito ang itsura ko?!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status