Share

Chapter 2: My Next Life as an Alpha's Pet!

"I'm giving you a mission, one of them is to be the cat of an Alpha."

Bumuntong hininga ako sa narinig ko mula kay Bathala. Minsan hindi ko rin alam ang nasa utak ng mga Diyos na to eh. 

"Bakit pusa pa?" tanong ko. "Pwede namang tao na lang ako."

"Sabi ni Mayari, mas maganda raw na maging pusa ka, magiging undercover ka kumbaga," sabi ni Bathala. 

Kumunot ang noo ko sa kanya. "At sino naman po si Mayari?" tanong ko sa kanya.

"Si Mayari ang Moon Goddess ng Elementalla, isa siya sa mga anak ko," sabi ni Bathala na mas nagpakunot sa noo ko pero hindi na niya ako pinansin. "Moving on, I want you to save the Alpha from being assasinated, and catch the traitor in Fenris Kingdom. Kapag nagawa mo ang misyon na 'yon, mapag uusapan natin ang buhay mo."

"At paano kapag hindi ko nagawa 'yon?" tanong ko sa kanya. Siyempre, hindi ko naman masasabi na magagawa ko ang pinapagawa niya noh!

"Hindi ka naman pipiliin ng anak ko kung hindi ka karapat dapat, Phoebe," sabi ni Bathala. "Pero kung hindi mo magagawa ang misyon, mamamatay ka na nang tuluyan at hindi ka na pwedeng mabuhay pa ulit."

Natahimik ako sa narinig ko. Kinurot ko ang sarili ko para mag hope na sana nananaginip lang ako, pero nasaktan ako sa kurot ko.

"Pero h'wag kang mag alala, bibigyan naman kita ng blessings and other perks," sabi ulit ni Bathala. "Consider it as your advantage. And oh! Mayari also gave you her blessing, mukhang magiging okay ka naman sa mission mo."

"Pwede ko bang malaman 'yung mga blessings na tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya.

"Pwede mo akong tawagin sa kahit anong oras, that's a very rare type of ability in Elementalla by the way," sabi niya na may halong pagmamalaki sa kanyang boses. Hindi ko alam kung anong pwede kong maging dahilan para tawagin siya. "You also have healing powers that you may use for yourself or for the Alpha, bahala ka basta gamitin mo sa mabuti ang kapangyarihan mo. Pwede ka rin makapagpagaling ng kahit anong sakit o sumpa, but these powers can take a toll on you, so use it wisely. Lastly, Mayari gave you all the rights to use her blessing, meaning you can make any powerful magic spells associated with the moon. Just call for her blessing and guidance."

"That's quite advantageous," sabi ko. Kahit hindi ko alam ang sinasabi niya, pakiramdam ko nagchi-cheat ako. Ganito ba ang feeling ng mga main characters sa isekai anime?

He nodded proudly as if I am praising him for his greatness. "Of course, Phoebe, you should be thankful to us. By the way you only have three months to finish the mission, so manage your time wisely."

"Bakit three months lang?" tanong ko sa kanya. "Ang unfair naman no'n!"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Bathala. "May nangyayaring hindi maganda sa mundo ng Elementalla ngayon, Phoebe. You might as well be the key to end that chaos. Alagaan mo nang mabuti ang Alpha ng Fenris Kingdom, siya ang pambato ko sa laban na 'to eh."

Ano to, nagpupustahan lang ba sila sa mga nangyayari sa mundo nila?

"Kapag nagawa ko ba ang misyon na 'to magiging tao ba ako at magiging maganda na ba ang buhay ko?" tanong ko kay Bathala. He shrugged, but he gave me a meaningful smile, as if telling me to just work hard and I will be blessed.

"That can happen," sabi ni Bathala. "But there are still good things in store for you, basta mag iingat ka. Our meeting time is up, h'wag ka ng mag panic kapag binuhat ka ulit ni Kiel."

Iyon na ang huling sinabi ni Bathala bago dumilim ang paligid at parang nahulog ako sa kawalan. Nang pakiramdam ko ay bumagsak ako, agad akong bumangon and I suddenly stood on all fours. Nakita ko naman si crush nag aalalang nakatingin sa akin. Ito ba 'yung alpha ng Fenris Kingdom? Shocks! Kamukhang kamuha niya yung crush ko sa past life ko. Nasa parallel world kaya ako?

"Moon!" sabi ni crush sa akin, o mas kilala ko na siya ngayon bilang Kiel. Ang gwapo ng pangalan niya, kasing gwapo ng mukha niya. "Don't you ever make me worried like that again!"

Mabilis niya akong binuhat at niyakap niya ako nang mahigpit. I should be really thankful to Bathala kasi nagagawa sa akin to at wala akong reklamo.

"Meow!" Iyon lang ang nasasabi ko sa kanya.

"Troublesome little creature!"

Nagitla ako nang may marinig ako mula kay Kiel. It feels like it's from inside of him. Ito ba yung wolf niya? Nabasa ko kasi sa mga stories na may wolf ang mga werewolf at nakakausap nila ito. Pero mukhang napaliguan ng kasungitan ang wolf ni Kiel, malayong malayo sa human form niya na malambing.

"You made us all worried for playing dead! Once I am in my form I'm going to bite you!!"

Pakiramdam ko ay sinisita ako ng kung sinong matanda. Eh tutal pusa naman ako at mukhang wala naman akong magiging kasalanan, sinumbatan ko yung nilalang na naririnig ko mula kay Kiel.

"Ampangit mo!!" sabi ko sa isip ko. Pagkasabi ko no'n ay kumunot ang noo ng Alpha at napatingin siya sa akin. "Kung hate mo ako, hate din kitang panget ka. The feeling is mutual!"

"Moon called you ugly?" tanong ng Alpha sa kawalan. "You know cats don't talk, buddy."

"Bleh di ka niya naririnig, pangit!!"

I felt so proud to myself na may nabully ako. Ngayon lang ako nakapag bully, sa dati ko kasing buhay, ako ang laging binubully at ako ang laging inaapi.

Ibinaba ako ng Alpha sa sahig at ikiniskis ko naman ang ulo ko sa binti niya. Nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Oh Moon, I'm lucky to have you," sabi niya sa akin. "Do you want to eat?"

Tumango ako sa kanya at naglakad lakad ako sa buong kuwarto niya. Sinubukan kong tumalon sa mga gamit at hindi naman ako nabigo na gawin 'yon. Mukhang may advantage din ang pagiging pusa ko. 

Nalibot ang paningin ko sa buong kuwarto ni Kiel. Sa gitna ng kuwarto ay may isang king sized bed, at sa gilid ay puso drawers, book shelves, at mayro'n ding mga painting at picture frames na nakasabit sa pader. At sa kinatatayuan ko ay ang fireplace, nasa may edge na ako, pero okay lang kaysa masira ko ang mga figurines na katabi ko. The room is not minimalistic, but it's still a majestic looking room. Parang hari ang may ari ng kuwarto. Kulang na lang ay magkaroon ng reyna. Ako na lang sana, hihi.

May kumatok sa pinto, pagkatapos ay bumukas ito at pumasok sa kuwarto ang isa na namang guwapong lalaki. Although Kiel is taller, the new comer is also tall. He has this blonde hair, brown eyes, a fine nose, and a very mischeivous smirk. Parang may sasabihin siyang nakakaasar dahil sa pag ngiti niya kay Kiel.

"Alpha, my man, nawili ka na naman sa pusa mo," sabi ng lalaki. 

"Viktor, why are you here?" tanong ni Kiel sa kanya, pero hindi siya nito sinagot. Bagkus ay bumaling yung Viktor sa akin at lumapit siya sa may fireplace, kung saan naroroon ako. Tumitig siya sa mga mata ko habang malawak ang ngiti niya. Pero since di naman kami close ay pabalang kong iniwas ang tingin ko sa kanya as if I'm saying, "hmph!"

"Whoah!" gulat na sabi ni Viktor. "Alpha, did you see that? She just turned her head away, as if she's annoyed to see me!"

Humarap ako sa ibang direksyon at nilinisan ko ang kamay ko gamit ang dila ko. Hindi ako nadiri, ang nagpadiri sa akin ay yung feeling na parang sobrang dumi ng kamay ko.

"She doesn't like perverted people," sabi ni Kiel habang proud na nakangiti sa akin. Yieeehh! Kinikilig ako! Ene be! "I think my cat is intelligent."

Tumango ako. Oo matalino ako, may sarili akong pag iisip noh.

"Such a cute little creature," narinig kong sabi ng wolf ni Viktor.

Tumango ulit ako at nagsabi ako ng, "Thank you!"

"Oh no! You can hear me?!" tanong nung wolf form sa akin.

"Of course! Why not?" sabi ko naman. "By the way, ang sungit ng wolf form ni Kiel."

"Yeah, Ki is a very serious wolf, pero mabait naman siya eh," sabi nito sa akin.

"Ki?" sabi ko na natatawa. "Gano'n ba ang pag pangalan sa mga wolf form? Hulaan ko Vik ang pangalan mo ano?" 

"Yes! It's weird right?" sabi niya sa akin. "Nga pala it's nice to meet you, I hope you'll also like Viktor, hindi naman siya masama."

"Buddy who are you talking to?" narinig kong sabi ni Viktor sa kawalan. "What? Moon is talking to you? That's impossible!"

"Ki actually was also able to communicate with Moon," sabi naman ni Kiel.

"Really? Hindi naman nagsasalita ang mga pusa," sabi ni Viktor.

"Oh by the way I'm called Moon, my real name is a secret," sabi ko kay Vik.

"Kapag naging close friends na tayo sabihin mo sa akin ang totoong pangalan mo ha," sabi naman niya.

"Sige, pero h'wag muna ngayon," sabi ko naman.

"You still need to tell me why you're here, Viktor," sabi ni Kiel habang nakikipagdaldalan pa rin ako kay Vik.

"Oh, the council has arranged a date for you, Alpha."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status