Share

Chapter 3: Fenris Kingdom

Isang linggo na yata akong nakatambay sa kuwarto ng amo kong si Kiel. Gusto ko sanang lumabas at libutin ang lugar, pero hindi ako makalabas kasi natatakot ako. Kapag kasi nagigising ako wala na si Kiel sa kuwarto. Ayaw ko naman din umalis na lang bigla, baka mawala ako.

Pero kahit di ako nakakalabas, may napagkakaabalahan pa rin ako. There are countless of History books in Kiel's shelf, at kadalasan ay gabi na bumabalik si Kiel kaya malaya akong nakakapagbasa ng libro. Madali sa akin na ihulog ang mga libro mula sa shelf at buklatin ito para basahin. Pero hindi ko ito mabalik sa shelf kasi pusa lang ako. Ito ang downside ng pagiging pusa eh.

At least ay may natutunan naman ako sa lugar na kinaroroonan ko. Bale ang mundo ng Elementalla ay may limang kontinente:

Crystalla: Ang kontinente ng mga tao. Ang mga taong nakatira rito ay magic casters at may iba't ibang trabaho, may mga warlock, may mga mages, may mga witch, mayro'n din mga adventurers and so on. May mga iba't ibang nilalalang din na nakatira dito, ngunit bibihira kung makita.

Daijumb: Ang kontinente ng mga magical creatures tulad ng mga dwarves, elves, fairies, mermaids and other mythological creatures.

Antaros: Ang kontinente ng mga Demons. This continent is divided into two territories, Waiss and Shwaarz. Waiss is the teritorry of the good demons, and shwaarz is the teritorry of the evil demons. These two teritorries are always at war with each other that no continent wants to get involved with them.

Black Oath: Ang kontinente ng mga vampires. They are not exactly bad, compared sa stories na alam ko nung nasa dating mundo ko ako, pero nakakatakot pa rin sila. Maganda mag tour sa Black Oath, maraming mapapasyalan doon ayon sa mga brochures na nakita ko sa book shelf. Siguro kapag naging tao ako pwede akong magpunta doon. Apparently ang mga vampires sa mundong ito ay hindi mahilig sa dugo ng tao, they prefer animal blood. May batas sa continent na 'yon na bawal uminom ng dugo ng tao o kahit anong nilalang, mapapatawan ang sinomang gagawa nito ng kamatayan.

Silver Moon: Ito ang kontinente ng mga werewolves. Just like other continents, there are numerous Kingdom. There are 12 kingdoms, representing 12 clans of werewolves who fought during the great war of the world. Nasa Silver Moon Continent ako, specifically sa Fenris Kingdom na pinamumunuan na ngayon ni Kiel Erste Fenris Morrighan. Bale immortal ang mga werewolves, at 'yung mga previous Alpha ng Fenris Kingdom ay kadalasang nagiging travelers, parang may retirement sila kumbaga. Usually ang isang Alpha ay nagre-reign hanggang sa maabot niya ang ika isang libong taon ng pamumuno, minsan depende pa kapag nahanap na ng Alpha ang kanyang Luna at kapag nasa tamang edad na ang unang lalaking anak ng Alpha. 

Napansin ko na wala pang mate si Kiel kaya baka kakakuha niya pa lang sa trono niya. Nabasa ko rin sa ibang mga libro na nasa 199 years na ang pamumuno niya, at yung edad niya nakakaloka! He is already 499 years old! Jusko sumasakit ulo ko sa nalalaman ko kay Kiel, mas matanda pala siya sa akin ng ilang daang taon.

***

Hindi ko napansin na hapon na nung nagbabasa ako sa mga libro. Nag enjoy akong mag basa lalo na at madaling basahin ang mga libro ni Kiel sa kuwarto niya, yung mga letra kasi ay katulad din lang ng mga letra sa past life ko. May nakita akong mga book of spells pero di ko na nabuklat pa kasi dumating na 'yung mga katulong na maglilinis sa kuwarto ni Kiel. Mabilis na lang akong umalis at tumambay ako sa taas ng fireplace para panoorin ang mga katulong. 

Yung dalawang katulong ay namukhaan ko, silang dalawa yung mga bully ko sa past life dati, sina Catherine at Monica. Pero sa mundong ito ay mababait sila at iba ang mga pangalan nila. Sa mundong ito, si Catherine ay Behati ang pangalan, at si Monica naman Frances ang pangalan. Mukhang nagkakatotoo ang kutob ko na nasa parallel world ako, iba lang yung buhay ng mga nilalang dito.

"Naku nagkalat na naman si Moon," magiliw na sabi ni Behati at hinaplos niya ang ulo ko nang makalapit siya sa akin.

Nag, "Meow," na lang ako sa kanya at pinanood ko na lang sila sa paglilinis nila sa kuwarto.

"Napansin ko na naiiwan mag isa si Moon dito at hindi man lang siya nakakalabas," sabi ni Frances.

Nag, "Meow," ulit ako bilang pag sang-ayon sa kanya. Gusto ko na ngang lumabas eh, kung hindi ba naman kasi KJ si Kiel, edi sana nakakapag libot ako ngayon. Edi sana mababantayan ko siya o kaya malalaman ko kung sino ang mga pwedeng magtangka na pumatay sa kanya.

Nang matapos ang mga katulong na maglinis ay agad na rin silang lumabas. Ilang oras pa ang hinintay ko bago nakarating si Kiel sa kuwarto at mukhang pagod na pagod. Pinanood ko siyang magtanggal ng damit, pero nung inumpisahan niyang tanggalin ang underwear niya ay umiwas ako kaagad ng tingin.

Naku Bathala, nagmumukha akong mamboboso dito eh!

Pero gusto ko naman, hahaha.

Sinubukan kong tignan si Kiel pero sayang kasi nakatapis siya ng tuwalya at papunta na siya sa banyo niya para maligo. Pero hindi siya tuluyang pumasok kasi lumingon siya sa akin at pinuntahan niya ako.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ang kulit niya talaga!

Mabilis akong tumalon mula sa fireplace at nagtago ako sa ilalim ng kama niya. I heard him sigh before crouching down and trying to reach me. 

"Moon, you're running away again," sabi ni Kiel sa akin habang humihuni ako sa ilalim ng kama.

I hissed at him and I scratched his hand when I saw his hand near me. Hindi siya umaray pero sa pagkakarinig ko ay naiinis na siya sa akin. Yung wolf form niya na si Ki ay pinagtatawanan naman ako.

"What a coward little creature!" sabi nito at muli akong tinawanan.

"Heh! Sabihan mo 'yang amo mo na ayaw kong maligo!" sabi ko. "Kaya kong linisin ang sarili ko kaya tsupe!! Lumayo kayong dalawa sa akin!!"

"You know you can't escape from him right?" sabi ni Ki.

As if on cue ay naramdaman ko ang kamay ni Kiel na humila sa akin. Minabuti niyang hawakan ang batok ko at binuhat niya ako. Hindi ako makagalaw!!

Mabilis na naglakad si Kiel papunta sa banyo habang hawak ako at hindi ako makagalaw. Ki on the other hand is mocking me for being afraid of the water. 

"I pity you for being a coward," sabi ni Ki habang nakalusong ako sa bathtub kasama si Kiel. Nakaupo sa bathtub si Kiel at nakaupo naman ako sa bandang dibdib niya at iniiwasan kong makatingin sa private part niya. Puno ng tubig ang tub at umabot ito sa leeg ko. Nanginginig pa ako sa lamig kasi wala man lang heater dito, tapos nakababad pa kami!

"I also pity you for being ugly," pabalang na sagot ko kay Ki. 

Nag hysterical si Ki sa sinabi ko at kung anu anong mura ang narinig ko mula sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo ni Kiel, dumilat siya at tumitig siya sa akin. "Buddy you're talking to yourself again," sabi niya. "Stop cursing, Moon and I can't relax here if you're like that." Ngumiti naman si Kiel sa akin at pinalapit niya ako sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit. "I love you, Moon."

I gasped at what he said. Naku kung ganito ka ba naman ka sweet palagi sa akin edi lagi na akong papayag na maligo kasama ka.

"Meow!"

Hay Phoebe, ang rupok mo! 

But I suddenly got excited when he said something that I've been waiting to hear from him.

"Bukas ipapasyal kita sa buong palasyo, Moon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status