Share

Chapter 4: Outside

The glare in my eyes is soooo obvious!

"Why do I feel like you're glaring at me, Moon?" sabi ni Kiel sa akin habang inaayos niya ang damit ko. 

Oo damit ko! It was a fashionable pink two piece of a shirt and a mini skirt. As if naman matatago nito ang kaluluwa ko!

Kanina sinubukan kong tumakas sa kanya nang ipakita niya sa akin 'yung damit na ipapasuot niya sa akin. At hindi lang 'yon ang damit na binili niya, marami pa siyang binili na damit ng mga pusa na galing pa raw sa Crystalla.

"You look ugly in that outfit," komento ni Ki, pero di ko na lang siya pinansin.

Di na lang din ako nagrereklamo kasi lalabas naman kami ngayon. Ayaw kong ma-badtrip dahil lang sa isang damit. Ewan ko rin ba kay Kiel kung saan niya nakuha yung ganitong klase ng damit para sa mga pusa. Mukha akong tanga.

Binuhat ako ni Kiel at naglakad na siya palabas ng kuwarto niya. Saglit ko pang nahigit ang hininga ko nang makatapak na si Kiel sa labas ng kuwarto.

I was greeted by a defeaning silence. Napalinga linga ako sa paligid at medyo nalula ako sa nakikita ko. The hallway leads to nowhere, and it feels like the hallway is infinite kasi di ko man lang makita yung dulo. Pakiramdam ko tuloy ay naglalakad kami sa kawalan. Kailangan ko ng blueprint ng lugar na ito. Hindi ko na rin maalala kung saan kami nanggaling kasi buhat ako ni Kiel.

"Do you like the outside more, Moon?" tanong ni Kiel sa akin.

Narating ni Kiel ang dulo ng hallway na 'yon at bumaba siya sa hagdan. Hindi ko alam kung gaano kataas ang palasyo na 'to, pero ang haba ng hagdanan na dinaanan namin, umabot kami ng ilang minuto bago kami tuluyang makababa.

Matagal pang naglakad si Kiel, hanggang sa makapunta siya sa isang malawak na ground na damuhan, at maraming mga malalaking aso na tumatakbo at parang naglalaro.

"Good morning, Alpha!!"

Nagulat ako nang may dalawang magkamukhang lalaki na biglang lumitaw sa harapan namin ni Kiel. Sa sobrang gulat ko ay napatalon ako at umalis mula sa pagkakahawak ni Kiel. As usual I landed on all fours, pero kailangan kong tumingala sa dalawang lalaki.

Magkambal ang dalawang lalaki sa harapan namin, they both have brown hair, purple eyes, a straight nose, and mischievous grins, as if planning some silly joke on us. Sa sobrang magkamukha nila, I don't know who's who. Ang pinagkaiba lang nila siguro ay ang suot nilang damit, yung isa nakasuot ng itim na t-shirt at black pants, yung isa naman nakasuot ng red na sando at black na 3/4 shorts.

"Rico! Nico! You startled my Moon!" inis na sabi ni Kiel sa dalawa. At kahit sinabi ni Kiel ang pangalan nila, di ko pa rin mahinuha kung sino si Rico or kung sino si Nico.

Lumuhod ang dalawang magkambal sa akin at nakangiti nila akong binati. "Hello Moon! Ako si Nico," sabi nung lalaking naka itim na shirt.

"Hi Moon! Ako naman si Rico," sabi naman nung lalaking naka suot ng red na sando.

"By the way you look like a ballerina, saan ang sayaw?" sabay nilang tanong sa akin. 

Nang makilala ko silang dalawa ay pabalang kong iniwas ang tingin ko sa kanila. And yes I just did the "Hmph!" on the two of them. Ginulat nila ako kanina eh.

The twins gasped as I walk my way behind Kiel. Ikiniskis ko ang ulo ko sa binti ni Kiel, pagkatapos ay inirapan ko ulit ang mag kambal na mukhang natameme sa ginawa ko.

"Ano ba yan!" sabi ni Rico habang tumatawa.

"Akala ko naman mabait si Moon," sabi naman ni Nico na tumatawa na rin.

Pagkatapos ay sabay silang nagsabi ng, "Pero kasing ugali niya pala ang amo niya na masungit din!"

"Shut up, both of you," inis na  sabi ni Kiel sa kanila. "Are the other hunters ready?"

"Yes, Alpha," sabay na sabi ng magkambal. 

Habang nag-uusap sila ay napalinga linga ako sa paligid. Di ko maiwasang makihabol sa ibang mga aso, na up close ay mga werewolf pala. Nang makita ako ng mga ibang werewolf na nakikihabol ay binati nila ako.

"Andito pala si Moon," sabi nung isang wolf na may babaeng boses. She has green eyes, and a very luxurious brown and black fur.

"Oy bantayan n'yo siya at baka mawala, mamaya magalit sa atin si Alpha," sabi naman nung isang werewolf na lalaki ang boses. Ito naman may yellowish na mga mata at pure brown ang kulay ng balahibo niya.

May lumapit naman na werewolf na may blond na fur, and brown eyes. "Moon, anong ginagawa mo rito? Baka mag panic si Alpha kapag nakita ka niya na wala sa tabi niya," sabi nito. I immediately recognized Vik from the voice.

Hindi ako nagsalita sa kanya, lumapit na lang ako at ikiniskis ko ang ulo ko sa isa sa mga binti niya. Pero hindi natapos 'yon kasi may dumampot sa akin, si Nico.

"Kami na ni Rico ang bahala kay Moon, Viktor," sabi ni Nico.

"Yes," sabi naman ni Rico na malawak na nakangiti. "We'll take good care of Moon. She will have fun times with us."

Wala akong tiwala sa dalawang lalaking 'to, kaya kinalmot ko ang braso ni Nico dahilan para mabitawan niya ako. When I landed to the ground inarapan ko silang dalawa at pabalang kong iniwas ang tingin ko sa kanila.

Muli akong lumapit kay Vik at ikiniskis ko ang ulo ko sa binti niya. 

Sorry kayo, mas mabait si Vik sa akin kaysa sa inyo.

"She doesn't trust the two of you," sabi ni Vik.

"Seriously, that cat is feisty," sabi ni Nico na tinitignan ang parte ng braso niya na kinalmot ko, nawala ang sugat na parang bula. 

Sinubukan naman akong abutin ni Rico, but I hissed at him.

"Whoah!" gulat na sabi ni Rico. "Calm down, Moon, wala naman kaming gagawing masama sa'yo eh."

"Very good, Moon," sabi naman ni Kiel nang makalapit siya sa amin. "Hiss at those with ill intent."

Tinalon ko si Kiel, at nang masalo niya ako ay umakyat ako sa balikat niya at doon ako tumambay. "Meow," sabi ko na lang at di ko na sila pinansin.

Nag-uusap lang silang lahat tungkol sa pangangaso na gagawin nila mamayang gabi. Meaning hindi ko makakasama si Kiel mamayang gabi, pwede kong libutin ang buong palasyo. 

So far, wala pa namang nangyayaring masama kay Kiel, at ang alam ko naman ay malakas siya, in fact siya ang pinakamalakas na Alpha sa Silver Moon Continent, imposible naman na may makapanakit sa kanya.

"Since I cant bring, Moon to the hunting ground," sabi ni Kiel kaya napunta ang atensyon ko sa kanila. "Viktor will be in charge of her."

"As you wish, Alpha," sabi naman ni Viktor. "Vik wants to stay in werewolf form to accompany her."

"That's okay," sabi naman ni Kiel at kinuha niya ako para yakapin. "Be a good girl, okay?"

"Meow!" sabi ko na lang kasi I'm a good girl!

"Tsk! Good girl my ass, she's just gonna make a mess here," narinig kong sabi ni Ki.

"Baka ikaw!" inis kong sabi ko sa kanya. "Galingan n'yo mamaya, baka ikaw lang ang mag held back sa mga kasama mo!" 

All of the werewolves gasped. I was too late to realize na naririnig pala nila ako. "Did Moon just talked back to the Alpha's werewolf form?"

"That's new."

"Moon, wag kang masiyadong manumbat," sabi naman ni Vik sa akin kaya nag sorry ako kay Ki.

Hindi ako pinansin ni Ki, nasaktan siguro. Siya naman kasi nauna eh, tapos siya pa ang may ganang di mamansin.

Si Kiel ay kumunot lang ang noo sa nangyayari. "How come you can all tal to Moon and I can't?" inis na tanong ni Kiel.

"You should be in your werewolf form, Alpha, so you can communicate with her," sabi naman ni Vik.

"I'll try it later," sabi naman ni Kiel at ibinaba na niya ako. Pumunta ako sa tabi ni Vik habang nagsasabi na ng last instructions si Kiel sa mga werewolves.

When the meeting is adjorned, pinasakay ako ni Vik sa balikat niya. I enjoyed the view, nakita ko ang kabuuan ng palasyo. It was big, and full of golden decorations. There is also a courtyard at sa gitna no'n ay may malaking statue ng isang babae na may hawak na malaking sphere.

"Sino 'yung rebulto?" tanong ko kay Vik pero di siya nakasagot.

Iba ang sumagot sa tanong ko and it was something that quite shocked me.

"She's the moon goddess, Mayari, my youngest daughter," sabi ng kaharap kong lalaki.

It was Bathala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status