Share

Chapter II

“O ano, alam mo na ang gagagwin? Basta dito ka lang sa lobby sa baba, bilis bilisan ang kilos. Kailangan bago mag alas ocho ay malinis ang lobby sa baba, naiintindihan?”, pag iinstruct ng team leader ng mga utility sa Wolverine’s.

Panay naman ang tango ni Danielle sapagkat para sa kanya ay madali lang ang kanyang gagawin. Mop mop lang at walis walis, although hindi niya iyon ginagawa sa kanilang mansiyon ay sigurado naman siyang hindi iyon mahirap gawin.

“Kung ganon, kumuha ka na ng timba sa loob, ganun din ang mop at walis. Pati detergent diyan sa cabinet, alagaan mo ang mga iyan dahil matatagalan ka pa ulit bigyan ng bagong gamit”, turan ng team leader at tumango na naman siya ulit bago sumunod sa instruction nito.

Kumuha nga siya ng timba at nilagyan ng tubig, binuhusan din ng detergent at binitbit iyon patungo sa lobby. Maraming palapag ang wolverine tower ngunit sa baba siya nakaasign. Ibinuro niya ang mop sa timbang may sabon at pagkatapos ay nagsimula na siyang mag mop. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay parang hindi niya masundan kung paano ang paggamit ng mop. Hindi niya makuha ang tamang stroke nito kung kayat ang ginawa niya ay tulak tulak ang mop habang pabalik balik na palakad lakad sa lobby. Dun niya napagtanto na hindi pala ganon kasimple ang trabahong iyon na kung siya ang tumitingin ay para naming ang dali dali.

“I just enter in the building; I’ll send feedback as long as I see it. Yes, that’s why I came to office early. Alright, I’ll hang on!”, maagang pumasok si Wolverine sa kanyang office sapagkat napakarami ng nakabinbing trabaho sa kanyang table. He was out of the country for five days kung kayat napakarami ang tumatawag sa kanya upang magfollow up. Hindi naman niya basta iignore ang mga iyon sapagkat mga cliente nila ang mga ito. He is the current CEO of the Wolverines Corporation, ang nag iisang distributor ng mga mamahaling sasakyan sa buong Pilipinas. Originally it was his father’s position ngunit naglilow ang ama at nagfocus sa iba nilang negosyo. Tinungo niya agad ang elevator, nasa top floor ang kanyang upisana at ilang minuto rin ang kanyang lalakbayin dahil nasa 25 ang palapag ng kanilang tower. The tower was named after him, mga ilang taon pa lang daw kasi ang binata noong maitayo ang Wolverines Tower. Ang pangalan naman niya ay hango sa X-men kung saan favorite ng kanyang ama ang x-men na si Wolverine. Medyo hinintay niya ang pababang elevator, mas may maaga pa pala sa kanyang pumasok at pumunta sa taas. Habang naghihintay ay pakumpas kumpas ang kanyang kamay ng biglang may bumangga sa kanyang paa. Pagtingin niya dito ay isang basang mop ang nakapatong sa kanyang makintab na sapatos. Napakunot noo siya, lalo at tumutulo ang mop at ramdam niyang pumasok ang tubig sa loob ng kanyang sapatos. Tinignan niya ang may sala, nakangiti pa iyon na parang enjoy na enjoy sa ginagawa ngunit natigil lang ng bumangga ang gamit nitong mop sa kanyang sapatos. Hindi niya kilala ang may hawak ng mop, ngayon lang niya nakita ito at hindi rin ito nakauniform. Nakasuot ito ng maluwang na t-shirt na kulay itim at maluwang na jeans at mamahaling rubber shoes. Hindi niya makita ang mukha nito sapagkat nakasuot din ito ng branded na cap. Hindi niya alam kung janitor ito o pumasok lang sa kanilang building upang maglaro.

“Aww! Sorry po!”, saad nito ng makita ang ginawa. Tiniklop pa nito ang dalawang kamay at nagbow sa kanya.

“Are you blind? Look what you’ve done!”, iritadong pahayag niya dito. Mukhang bagong salta nga ito sa tower at mukhang hindi siya kilala.

“Pasensiya na sir, hindi ko po kayo napansin. Sorry talaga.”, paghingi ni Danielle ng paumanhin sa lalaki kasabay ng pag-angat niya ng mukha. Nakakunot ang noo ng kaharap ngunit ang nakaagaw ng kanyang atensiyon ay ang labis na kagwapuhan nito. Mukhang arabian ang feature nito dahil sa makapal na kilay at tila balbas sa mukha na well shaved kung kayat mukhang presko at mabango. Hindi niya napigilang napangiti, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natuwa sa lalaki.

“What are you smiling for?”,iritadong pahayag ni Wolverine sa babaeng kaharap. Bigla itong natigilan habang nakatingin sa kanya at pagkatapos ay biglang napangiti na parang wala sa sarili.

“Ah…wala po sir. Ano pong size ng shoes niyo, papalitan ko na lamang po”, pahayag nito habang hindi maalis sa labi ang pagkakangiti.

“Seriously?”, hindi makapaniwalang turan niya dito. Alam ba ng babaing ito kung magkano ang suot niyang sapatos?

“Yes sir, ano pong size niyo para maipadeliver ko na?”, tila hibang na saad ni Danielle habang nakangiti. Kahit kasi halatang naiinis ang lalaki ay cute na cute pa rin sa kanyang mata.

Hindi naman makapaniwala si Wolverine sa kaharap kung kayat napailing na lamang siyang tumalikod at hinarap ang elevator. Ngunit mabilis na gumalaw ang babae upang buksan ang elevator para sa kanya.

“Sa taas po kayo sir? Maligayang paglulan sa elevator sir.” Nakangiting pahayag nito habang iginaya ang mga kamay sa loob ng elevator. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay sarkastikong ngumiti habang inihakbang ang paa papasok sa elevator. Agad nitong isinara ngunit bago pa man magclose iyon ay sumaludo pa ito sa kanya.

“What the hell!”, hindi mapigilang saad ni Wolverine sa sarili. Aminado naman siyang maraming humahanga sa kanya ngunit kakaiba ang nakita niya sa  babae, mukhang lokaret na hindi niya maintindihan. Shes cute, pero boyish ang aura nito kung kayat nagulat din siya sa sarili na nagpakita ito ng paghanga sa kanya.

“Hoy, ne! anong nginingiti ngiti mo diyan?”, isang kasamahan ni Danielle ang hindi niya namalayang lumapit sa kinatatayuan niya. Sobrang natutuwa siya sa lalaking pumasok sa elevator at nakikinita pa niya ang hitsura nitong halos allergy ang kanyang pagkakangiti dito.

“Wala po, manong! Natuwa lang po ako sa taong pumasok sa elevator.’, nakangiti niyang baling sa medyo may katandaang kasamahan niya.

“Aba’y marami ka talagang makikitang magaganda dito ne, crush mo yun noh?”, biglang biro ng matanda sa kanya at napaubo siya sa sinabi nito. Maganda? OMG hindi pa nga siya nagkakacrush tapos sa babae pa? Napagkamalan siyang tibo ng matanda.

“Ae, hehehe. Hindi naman manong, natuwa lang po ako sa kasungitan niya”, saad niya kung kayat mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng matanda. Tinapik pa siya nito sa balikat at pagkatapos ay inaya siyang ipagpatuloy ang kanilang paglilinis.

“O siya, sige ne. Tapusin na natin ito at pagkatapos ay maglilinis tayo ng mga CR.”, saad nito at biglang lumaki ag kanyang mga mata.

“CR? As in comfort room?”, di niya napigilang iispell out sa matanda.

‘Oo, CR! Comfort room, palahiian ganon”, saad ng matanda.

‘Seryoso?”, wala sa sariling pahayag niya at napahinto ang matanda saka humarap sa kanya.

“Aba’y saan ka ba nanggaling at tila gulat na gulat kang maglinis ng kubeta?”, turan nito at nakagat niya ang kanyang labi.

“Ah…oo nga pala. Sige manong, maglilinis po tayo ng kubeta”, pasimpleng natampal niya ang kanyang noo pagkatapos ay inilagay ginaya niya ang matandang inilagay sa balikat ang hawakan ng mop.

Pagkatapos nilang imop ang lobby ay iginaya siya ni Manong sa mga CR ng ground floor. Naglagay ng panyo ang matanda sa mukha kung kayat pati siya ay nakigaya. Malinis naman ang mga CR’s ng Wolverine Tower kung kayat hndi siya masyadong nandiri, pero siyempre papikit pikit pa siya noong una dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya naglilinis ng CR kahit ang sarili niyang banyo sa bahay. Nakahinga siya ng maluwang ng matapos nilang malinis ang hindi baba sa sampung CR sa ground floor. Tagatak din ang kanyang pawis at tuwang tuwa siya dahil ngayon lang ulit sya pinagpawisan ng sobra.

“Linis ka muna ng mga kamay ne, bago tayo magmiryenda”, saad ng kasama at nakangiti siyang tumango dito.

“Palit lang ako ng damit manong, sunod po ako sa canteen”, pahayag niya at tumango iyon.

Tinungo niya ang parking lot kung saan nakapark ang old model niyang sasakyan. Actually, marami siyang mas bagong sasakyan, iba ibang mamahaling brand ngunit itong old model ang binigay ng kanyang ama na kanyang gagamitin. Pati cellphone, atm at credit card niya ay confiscated rin kung kayat hindi siya nakakabalita sa kanyang mga kaibigan. Buti na lamang at palihim na binigyan siya ng isang bundle na pera ng kanyang ina, kug hindi talagang sa kalsada siya pupulutin. May balak ata ang kanyang ama na gawin siyang taong grasa o di naman kaya ay pulubi na palakad lakad sa kalsada.

Pumasok siya sa kanyang sasakyan, kahit old model iyon ay wala pa ring binatbat ang mga bagong labas dahil bukod sa napakaganda pa ang andar ay personalized din ito kagaya ng iba. Kumuha siya ng pampalit na tshrt sa animoy cabinet sa back seat at doon na rin siya nagpalit. Siyempre tinted yun kung kayat kahit magtanggal sya ng damit ay hindi siya nakikita sa labas. Paglabas niya ay halos preskong preko na naman ulit ang kanyang pakiramdam, itinali ang may kahabaang buhok at pinalitan ang nooy pawisang cap, nagwisik ng konting pabango at tuluyang bumaba. Sa bango at linis niyang tignan, sinong mag aakalang isa siyang janitor?

“Manong, tara na po sa canteen”, turan niya sa matandang kasama ng makita niya itong nakaupo sa may bench sa ilalam ng puno.

“Uy, ikaw pala yan ne! Naku hindi kita nakilala at ang bango bango mo pa?”, saad ng matanda at napatawa siya.

“Tara na po sa canteen, nagpalit lang ako ng damit dahil basang basa ako sa pawis”, turan niya dito.

“Ah, ganon ba? Kala ko kung magquiquit kana, sa tindig mong yan bakit kasi janitor pa ang naisipan mong pasukan?”, pahayag nito at tinawanan na lang niya ulit ito.

“Naku hindi po, itatakwil ako ng daddy kung magququit ako”, turan niya ngunit naitakip niya ang kanyang kamay sa labi ng marealized ang sinabi.

“Ang ibig kong sabihin ay… mahirap pong pumasok sa trabaho , manong”, pasimpleng kabig niya at tumango ang matanda kahit hindi aminado ang mukha sa tinuran niya.

“Sige ne, magmiryenda kana doon habang may oras pa”, saad ng matanda na inginuso ang kinaroroonan ng canteen.

“Kayo ho?”, turan niya dito.

“Hindi na, uminom na ako ng tubig.”, saad ng matanda sabay pakita sa hawak nitong plastic bottle.

“Ay bakit po, nagdidiet po ba kayo?”, biro niya dito at natawa iyon sa kanyang sinabi.

“Hindi ne, tipid tipid muna ngayon malayo pa ang sahuran”, pahayag ng matanda. Lihim naman siyang napalunok, tila napahiya siya sa pambibiro niya dito tungkol sa diet.

“Ganito na lamang po, samahan niyo na lamang po ako doon at ako na po ang bahala sa miryenda natin.”, maya maya ay nakangiting pahayag niya.

“Huwag na ne, magtipid ka isipin mo kung may gagastahin ka pa bukas o makalawa”, saad nito at lalo siyang tinubuan ng pagkakonsensiya, tuloy parang ayaw na niyang pumunta sa canteen at magmiryenda.

“Sige po, dito na lamang muna ako, mamaya na lamang po tayong kakain”, saad niya pagkatapos ay naupo sa nailing na matanda.

Pagsapit ng hapon ay ramdam niya ang kakaibang pagod ng kanyag katawan lalo na ng ipinahinga niya ang kaunti ang katawan sa loob ng kanyang sasakyan bago umalis sa Wolverine Tower at umuwi sa inupahang apartment na hindi masyadong kalayuan sa pinapasukan. Isinusuksuk pa lamang niya ang sus isa kanyang 1 bedroom apartment ay bumukas na iyon at tumambad sa kanyang harapan si Yaya Ninay.

‘Yaya!”, nagulat man ngunit napayakap siya sa matanda sa sobrang saya pagkakita dito. Ito na kasi ang nag-alaga sa kanya mula sa kanyang pagkabata.

“Bakit po kayo nandito?”, excited niyang tanong sa matanda. Ngunit hindi pa iyon nakakasagot ng lumitaw ang ina sa may likuran ng kanyang yaya.

“Mom! Nandito ka rin?”, hindi makapaniwalang saad niya sa ina, kumalas siya sa kanyang yaya at niyakap ang ina kasabay ng pagbigay ng halik sa pisngi nito.

“Gusto kong malaman kung kumsta ang first day mo sa trabaho anak, hindi ka ba nahirapan?”, saad nito na tila inispect ang buo niyang katawan kung kayat natawa siya dito.

“So easy mom, kayang kaya”, saad niya sa ina ngunit tinignan lang siya nito na tila ba nanantiya.

“Kumain ka ba kaninang tanghali?”, tanong nito at tumango siya habang inalala ang inulam niyang adobong baboy at gulay. First time niyang kumain sa mga pipitiyuging canteen ngunit nasarapan din naman siya sa kanyang kinain.

“Anong kinain mo?”, tanong ulit ng ina.

“Ah, budget meal something like adobong baboy and gulay”, saad niya sa ina.

“Nagmiryenda ka?”, pag iibestiga ng ina at tumawa si Danielle dito.

“Oo naman, dalawang order ng pancit at coke”, saad niyang natatawa sapagkat ngayon lang din siya nakakain ng pansit na napakaraming gulay.

Napabuntunghininga ang ina. Marami pang mga katanungan nito ngunit naitakip ang kamay sa bibig ng banggitin niyang naglinis siya ng CR.

“Serously? Pinalinis ka ng comfort room? My God! Hindi ko kaya ang pinapagawa saiyo anak, umuwi ka na. Kakausapin ko ang daddy mo”, turan ng kanyang ina habang sapo ang ulo.

“I’m okey mom, saka first day pa lang naman. Masasanay din po ako.”, pag aalo niya sa ina at umiling iling iyon.

“Hindi ko maimagine na ginagawa mo yan anak”, halos maluha luhang pahayag ng ginang ngunit hinawakan ni Danielle ang kamay ng ina at ngumiti dito.

“You’ll soon be proud of me mom. Tsaka ayaw kong madisaappoint ulit saakin si daddy, I can do it!”, turan niya sa ina at tinapik tapik ng ina ang kanyang kamay na nakahawak dito.

“Sige, pero kung mahirapan ka huwag kang mag atubiling umuwi”, saad ng ina at nakangiting tumago siya dito.

“Maiiwan si yaya dito para may mag asikaso saiyo, baka mapabayaan mo ang sarili mo!”, pahayag ng ina pagkatapos. Magpoprotesta sana siya ngunit alam niyang ipipilit ng ina ang gusto kung kayat pumayag na siyang maiwan si yaya kasama niya.

‘Thank you, mommy. I love you!”, saad niya sa ina ng magpasiyang umuwi na sa kanilang mansion ang ina.

“Take care of yourself, okey? Before I forget, get this phone para makumusta kita kahit anong oras”, turan ng ina sabay abot sa kanya ng cellphone. Natawa si Danielle ng makita ang de keypad na cp.

“Mom, anong gagawin ko dito? Kahit magnanakaw ayaw nilang kunin to”, saad ng ina at napasimangot iyon.

“By now, strict ang dad mo na no cellphone saiyo kaya pagtiyagaan mo na yan. Anyway, ang gusto ko lang naman ay makausap ka kahit anong oras”, saad ng ina at tumango na lamang siya dito.

“Yaya, ikaw na ang bahala sa alaga mo ha? Lutuan mo siya ng baon niyang pagkain at hindi kung ano ano ang kanyang kinakain baka magkasakit”, baling ng kanyang ina kay Yaya Ninay.

“Opo ma’am, ako na po ang bahala kay Daniela”, masiglang sagot naman ng kanyang yaya habang pasimpleng kumindat sa kanya.

“Bueno, ako’y aalis na baka nasa bahay na si Eduardo.”, turan ng kanyang ina sabay bitbit ng kanyang mamahaling bag. Binigyan siya ng halik sa pisngi at pagkatapos ay lumabas na sa pintuan ng apartment. Si Yaya Ninay na ang naghatid dito sapagkat baka maiyak ang ina kapag makikita siyang maiiwan. Tinanaw na lamang niya ito mula sa may bintana at napabuntung hininga na lamang siya ng makaalis ang sasakyan nito. Nang hindi na makita sang ssakyan ng ina sa kawalan ay pumasok siya sa kanyag kuwarto upang maligo, pawisan siya ng maghapon at kung ano anong dumi ang kanilang naeencounter kung kayat kailangan niya ng bonggang ligo.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda ng kwento kaabang abang
goodnovel comment avatar
Tria 0911
Thank you po Author. Nice story
goodnovel comment avatar
Rolando Romen
nice story din ito madam idol...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status