Share

Chapter IV

“Marasigan!”, mula sa pagkakatayo sa likod ay tinawag ng team leader ang kanyang pangalan.

“Sir, present!”, tugon naman ng Danielle dahil sa pakiwari niya nagchechecked ng attendance ito.

“Oo, palagi kang present ngunit hindi ka pumupunta sa iyong assignment!”, tila galit na pahayag ng kanilang team leader.

“Sir, nagpalit po kami ng post ni Marasigan!”, agad naming pagtatama ni Marion at napatingin siya dito.

“Sinong may sabing nagpalit? Walang palit palit hanggat hindi ko sinasabi”, maktol ng kanilang team leader kung kayat parehong napakagat labi ang dalawa.

Maya maya ay lumapit ang tam leader sa kanya.

“At dahil matigas ang ulo mo, iaasign kita sa 25th floor. Doon ka sa office ng CEO”, mahina ngunit madiing pahayag nito sa kanya. Bigla naman siyang natakot, bakit naman sa CEO agad eh halos isang lingo palang siyang trainee?

“Sigurado po kayo sir, doon ako maasign?”, pag ulit pa niya at minulagatan siya nito.

“Bingi ka Marasigan? O nagbibingihan lang?”, turan ng team leader nila kung kayat napagat na lamang siya sa kanyag labi.

“Loud and clear sir, sa CEO office po ako maglilinis”, pahayag niya at tumawa iyon.

“Good! At sisimulan mo na mamaya, huwag kang papalpak doon dahil hindi lang ikaw ang malalagot kung nagkataon. Pati ako, naiintindihan mo, Marasigan?”, turan ng team leader at umango siya dito.

“Sir, yes sir!”, sagot niya bago siya nito tinantanan.

“Pre, anong gagawin ko sa taas? Magmomop din ako?”, halos ninenerbiyos niyang pahayag kay Marion.

“Oo, pre. Parang yung ginagawa mo din dito sa baba, tsaka punas punas sa salamin, mga upuan at mesa”, saad naman ni Marion.

“Yung pagpunas sa mesa o sa salamin ba may stroke?”, turan pa rin niya dito.

“Oo, parang wash in, wash out lang siya pero spray ka muna ng tubig o dika ay yung furniture cleaner”, saad naman ni Marion kung kayat tumango tango siya.

“Kaya mo yan!”, tinapik pa siya sa balikat ni Marion at “napasana nga” na lamang siya.

Pagdating niya sat as ay agad sa CR ng CEO ang una niyang nilinis, hindi naman sya masyadong nagtagal doon sapagkat napakalinis nito at sobrang ganda. Dinaig pa ang bathroom sa isang five-star hotel. Pagkatapos niya sa CR ay nagpunas siya sa mesa at mga upuan, maging sa pinakatable ng CEO. Napaisip pa siya ng mabasa ang nakaukit na pangalan ng CEO, Wolverine De Villa. Kaya pala Wolverine ang pangalan ng tower na ito, dahil siguro ipinangalan sa CEO. Wolverine, parang napaka unique naming pangalan, parang ex-men lang. Matapang din kaya ito? Lumalabas din kaya ang pangil nito kung nagagalit? Ilang taon naman na kaya ang wolverine na ito? Baka matanda na dahil matnada na rin ang mga gumanap ng x-men the movie.  Pagkatapos pagtripan ang pangalan ng CEO ay nagwalis siya at pagkatapos ay nag mop. Palabas na siya upang, magpunas sa tinted na salaming dingding ng office ng bumukas ang upisina ng CEO. Bigla siyang napangiti ng mapagsino ang pumasok, walang iba kundi ang cute at supladong lalaki na inaabagan niya palagi para pagbuksan ng elevator.

“Sir, good morning!”, nakangiting pahayag niya habang nakahawak ng timba at mop. Nagulat naman iyon ng makita siya sa loob.

“What are you doing here?”, saad nitong habang hindi mapakali ang mga mata.

“Dito po ako nakaasign, kayo sir anong ginagawa niyo dito?”, pahayag ni Danielle ngunit halos mabitiwan ang hawak na timba ng marealized na ito ang nagmamay-ari ng upisina.

“Sorry sir, sorry!” hindi magkandaugagang sorry ang binitiwan niya. Sobrang dami ata ng ikakaguilty niya, una napapagtripan niya ito tuwing umaga. Pangalawa, hindi niya nakilalang ito pala ang CEO ng tower at pangatlo, parang naging sarkastiko siya dito noong hindi gumana ang generator. Gusto niya tuloy lumubog sa kinatatayuan o di kaya ay magdisappear ora mismo sa harap nito.

Hindi makapaniwala si Wolverine sa biglaang pagtake back ng babae ng malamang siya ang CEO ng tower. Tila biglang bumahag ang buntot nito mula sa pagngitingiti  sa kanya sa tuwing nakikita siya sa baba tuwing umaga. Tila pa nga nawalan ng kulay ang mukha ng marealized na sya ang may ari ng upisina. Kaya pala wala ito sa baba kaninang umakyat siya, medyo hinanap din niya ito kanina sapagkat nasanay na rin siyang palaging nakabati sa kanya habang iniinis siya nito mula sa pagngiti sa kanya.

“And where do you think your going?”, pahayag niya dito habang nakahalukipkip at ibinalandra ang sarili sa daraanan nito.

“Ah…sa labas lang po sir, magpupunas po ako ng salamin”, halos hindi marinig ang boses nito at tila naman natuwa siya. Ang proud nitong ngumiti ngiti at kumaway kaway sa kanya habang palulan siya sa elevator, pero ngayon halos hindi na niya marinig ang boses nito.

“Hindi pa tapos dito sa loob, bakit sa labas na agad?”, kunwa ay sita niya dito.

“Natapos ko na po kanina sir”, saad nito kung kayat ipinunas niya ang daliri sa wooden table.

“Hindi nalinis ng mabuti, ulitin mo!”, turan niya at muntik siyang matawa sapagkat agad itong tumalima, ibinaba ang hawak na timba at mop at inilabas ang pamunas nito sa mesa.

Habang nagpupunas ay lihim niya itog inobserbahan, still wearing a loose t-shirt and pants plus rubber shoes. Sa suot nito ay nagmukha itong mas bata sa kanyang age. Nasa 5’4 ang height, may kahabaan ang buhok na nakabraid, at ang kinis ng mukha. Misteyroso ang hubog ng katawan sapagkat nababalot ito ng loose clothes, magkaganun man hindi naman iyon nakabawas sa taglay nitong kagandahan. Parang hindi naman ito janitor, parang high school student na nagcommunity service lang dahil may nagawang kasalanan. He is wondering kung bakit alam nitong mangalikot ng makina, parang gamay na gamay nito ang paggawa sapagkat humiga pa ito sa ilalim ng makina. Hindi kaya dahil tomboy siya?

“Good morning, sir!”, maya maya ay sumilip ang kanyang secretary sa may pinto upang sabihing naroon na siya kung kayat natigil ang pag iinspection niya sa babaeng naglilinis sa mga furnitures na nasa loob ng kanyang upisina.

“Good morning, please prepare my task today”, turan niya sa kanyang secretry at sumaludo iyon sa kanian.

“Roger that, boss!”, saad nito bago isinara ulit ang nakaawang na pinto kanina.

“Danielle, right?”, turan niya sa nagpupunas ng upuan. Agad namang umayos iyon at tumango.

“Yes, sir! Sagot nito na tumingin sa kanya. Tinignan niya ito ngunit pinasadahan niya ang kabuuan ng kanyang mukha. Confirmed! Maganda nga, kahit walang kolorete ang mukha.

“Kapag tapos mo na diyan, you can go outside and clean the glass wall”, instruct niya dto. Magsisimula na siya sa kanyang gawain at tila hindi siy comportable sa presensiya nito.

“Okey sir, thank you po!”, pahayag ni Danielle na tinignan niya sa mukha ngunit napapikit siya dahil tila naistranded ng kaunti ang kanyang mata sa maganda nitong mukha.

Pagkatapos ni Danielle sa pagppunas ng mga furniture ay pasimple siyang lumabas at dumaan sa harap nito patungo sa pinto.

“Thank you nga pala sa pagkumpuni mo sa generator noong isang araw”, hindi akalain ni Danielle na magsasalita iyon kung kayat natigil siya mismo sa harapan nito.

“A, eh…no problem, sir!  anyway hindi ko naman talaga alam gwin yun, tsumamba lang”, nakangiting pahayag niya. Lumabas na nama ang kanyang pagkapilyo at nakalimutan na naman kung sino ang kaharap. Natigilan si Wolverine sa kanyang sinabi ngunit napahalukipkip iyon saka tumango tango pagkatapos ay sumenyas itong pwede na siayng lumabas kung kayat nagbow na lamang si Danielle dito bago tinungo ang pinto. Nagulat pa ang secretary ng CEO ng lumabas siya sa upisina ng boss nito.

“Sino ka?”, sita ng secretary sa dalagang nakabitbit ng mop at timba na kahit loose na shirt at jeans lang ang suot ay hindi maipagkakailang napakaganda.

“Janitor po ako ma’am, naglinis po ako sa loob ng upisina ni sir”, turan ni Danielle sa secretary habang nasa mukha nito ang pagdududa.

“Kung janitor ka dito, bakit hindi ka nakauniporme?”, sita pa rin nito habang sinusuyod siya malalaking mata nito ng mula ulo hanggang paa.

“Trainee palang po ako ma’am”, nakangiti niyang pahayag lalo at tumayo iyon mula sa upuan at lumapit sa kanya habang nakatitig sa mga suot niya.

“Kung trainee ka, bakit dito ka nakaasign?”, paninigurado ng babae at nagkibit siya ng balikat. Malay ba niya? Inutusan lang siyang maglinis, tapos!

“Hindi lang kung sino sino ang nakakapasok sa office ng CEO, que janitor o hindi”, mataray na pahayag ng secretary at napatawa siya.

“Bakit ma’am? May nakatago pong kayamanan sa office nang CEO?”, di niya naiwasang pahayag at sumingkit ang malalaking mga mata nito.

“Pilosopo? Ang ibig kong sabihin, kung may balak kang landiin ang boss ko mag-isip ka ng isan-libong beses”, tila may pagbabantang pahayag ng secretary at di niya napigilang magpalatak ng tawa.

“At anong nakakatawa?”, ang kaharap na mas lalong tumigas ang mukha.

“Wala ma’am, natutuwa lamang po ako sainyong sinabi. Sa hitsura kong ito marunong ba akong lumandi?”, pahayag niyang natatawa. Ayun na siguro ang pinaka last niyang gawin sa kanyang buhay habang siya ay may hininga.

“Malay ko kung nagpapanggap ka lang, sa kagustuhang makalapit sa boss ko andami daming ginagawa ng mga babaeng pakulo”, pagsisiwalat ng secretary at napailing si Danielle dito, kaya naman pala. May phobia si madam.

“Relax ma’am, I’m not one of them!  Maglilinis lamang po ang pakay ko dito”, saad niya at atubili pang tumango tango iyon bago bumalik sa kanyang cubicle. Pinaupo muna niya ito bago hinagilap ang mga tools niya at saka sumenyas sa secretary bago sinimulan ang up down, up down na pagpunas sa glass wall.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
unti unti ng nahuhulog ang loob ni wolverine sayo. danielle
goodnovel comment avatar
Rolando Romen
exciting na....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status