Dahil sa pagod sa unang araw ni Danielle sa kanyang trabaho ay hindiniya namalayan ang kanyang alarm clock kung kayat late siyag nagising. Pumasok agad siya sa banyo at kumaripas ng takbo papunta sa Wolverine Tower. Hindi na siya kumain ng agahan, basta na lamang niya binitbit ang inihanda ni yaya na baon niya at daig pa niya ang nakipagkarera sa daan. Pagdating niya sa tower ay halos patakbo niyang pinuntahan ang mga kasama na nooy nakapila na para sa morning exercise bago magsimula sa trabaho.
“Marasigan! Pangalawang araw mo palang dito, late kana agad!”, pansin ng kanilang team leader ng mapansin ang pasimple niyang pagpila sa likod. Marasigan pala ang nilagay niyang surname, baka magtaka ang mga ito kung totoong apilyido niya ang ipakilala sa mga ito, sikat pa naman ang apilyidong Sandoval.
‘Sorry, chief! Hindi na po mauulit”, nahihiyang turan niya habang nakayuko. Pinagtinginan din kasi sya ng kanyang mga kasamahan.
“Talagang hindi na mauulit, last warning mo na ito!”, saad ng team leader at napatango na lamang siya dito. Grave last warning agad?
“Okey po chief, maraming salamat po.” Kahit paano ay nagpasalamat pa rin siya sa kanyang leader.
Maya maya lamang ay tumunog ang speaker at umire ang Taichi kung kayat kanya kanyang stretch na ang mga utility workers ng Wolverines. Pagkatapos mag exercise ay kanya kanya nang kuha ng gamit panglinis ang mga ito at pumunta na sa kani kanilang area of assignment. Katulad kahapon ay ganon na naman ang ginawa ni Danielle, napasipol pa siya dahil sobrang kintab ng ground floor. Bigla ay naapriciate niya ang kanyang ginawa, kahit paano ay kaya din pala niyang gawin ang ginagawa ng iba. Natigil si Danielle sa pagkakangiti sa sobrang kislap na floor ng mamataan kung sino ang papasok sa entrance ng building. Agad siyang umayos mula sa pagkakatayo at inihada ang labi sa pagngiti. Again, Mr. Cutie is in the house at mas lalong gumandang lalaki sa suot nitong black suit at shades.
“Good morning, sir!”, nakangiting bati niya dito kahit sobrang seryoso ang lalaki. Tinignan lang siya saglit nito at pagkatapos ay itinuon din sa harap ang atensiyon na hindi man lang sumagot sa kanyang pagbati. Sa ginawang iyon ng lalaki ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Danielle, ewan ba niya dahil nacucute tan siya dito kahit napakasuplado.
“Welcome po ulit sa napakaganda at safe na elevator, sir”, mabilis ulit na binuksan ni Danielle ang elevator para sa lalaki ngunit kagaya kahapon ay tinignan lang siya nito kasabay ng pagsara sa elevator. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Danielle sa ginwa nito, ngunit biglang namilog ang kanyang mata ng biglang bumukas iyon at naroon pa rin ang napakaseryosong lalaki.
“You are?”, pormal nitong tanong sa kanya kung kayat mas lalong nguniti si Danielle.
“Danielle Marasigan San… Danielle Marasigan sir, at your service!”, nakangiting turan niya dito habang pakenkoy na sumaludo.
“You work as?”,
“Janitor sir!”, sagot niya dito. Halatang nagulat iyon ngunit agad ding nagseryoso.
“Why are you not in uniform?”, bagkus ay sita niya kay Danielle.
“Intern sir… I mean trainee sir!”, pahayag niya, tila naman ngumiti iyon ngunit bigla ring nagseryoso ng tumingin sa kanya.
“Okey, go back to work! Don’t greet every people here like that baka pagkamalan ka nilang timang!”, turan ng lalaki at nakangiti siyang tumango tango dito, ngunit ng marealized ang huling sinabi nito ay naisara na ng lalaki ang elevator kung kayat napatawa na lamang siya sa sarili sa pagtawag sa kanya ng timang. Napapailing na lamang siyang pumunta sa pangalawa niyag assignment bago pumunta sa kanyang sasakyan at nagpalit ng damit.
Naglalakad siyang pabalik sa loob ng building ng biglang nagbrown out, ipinagpatuloy niya ang pagpasok sapagkat any moment naman ay magkakailaw dahil aandar ang generator ng building. Ngunit limang minute na ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik ang ilaw. Aligaga din ang mga guard at ibang emplayado dahil may naistranded daw sa loob ng elevator. With her curiosity ay pumunta siya sa likod kung saan naroon ang naglalakihang generator.
“Sir, ano pong nangyari?”, tanong niya sa mga tao nanaroon na tila problemado.
“Hindi mapaandar ang generator, parang may sira. Wala pa naman yung electrician ngayon”, sagot ng isa at tumango tango siya.
“Tignan ko sir”, saad niya at napako ang lahat ng mata sa kanya.
‘Alam mo ba?”, alanganing turan ng isa ngunit agad ding tumabi para makalapit siya sa generator.
Sinilip silip niya ang ilang parte ng makina, may nagloose na parte nito at kailangan pa siyang pumunta sa ilalim para ilock iyon ng mabuti. Pagkaraan ng ilang segundo ay biglang nag-on ang makina kasabay ng pag-ilaw sa main building.
“What happen? Bakit ang tagal bago umandar ang makina, anong ginagawa niyo?”, dumadagundong ang boses ng isang lalaking bagong dating at dinig na dinig ni Danielle mula sa ilalim ng makina ang pag-aalburuto nito.
“Sorry, sir! Nagkaproblema kasi ang generator”, isa isang paliwanang ng mga naroon ngunit mas lalong nagalit ang lalaki.
“I don’t care kung nagkaproblema o hindi, it is your responsibility to fix that and provide immediate electricity in the whole building”, galit nitong pahayag at napapakunot ang noo ni Danielle sa naririnig. Sa isip niya, gawa naman na ang generator, meron ng kuryente. Ano pang inaalburuto nito?
“Sorry, sir!”, isa isang paghingi ng tawad ng mga naroon.
“It’s done!”, maya maya ay lumabas mula sa ilalim ng makina si Danielle habang nakahiga sa degulong na upuan.
Pagkarinig sa boses ng babae ay agad napatingin si Wolverine sa pinangalingan nito. Mas lalaong kumuot ang kanyang noo ng makita ang janitor trainee habang nakahiga sa upuang de gulong na lumabas mula sa ilalim ng makina. Tumayo iyon at pinagpag ang damit na parang walang nangyari.
“Okey na sir, nag loose lang po ang mga ibang parts niya pero well grip na lahat.”, pagbibigay alam niya sa mga naroon at alanganing nagsipagtanguan ang mga ito. Kumuha ito ng pamunas at pinunasan ang itim na kamay dahil sa grasa at oil, ngunit ng mapadako ang tingin sa kanya ay bigla iyong huminto at maya maya lamang ay nagpakawala ng isang malawak na ngiti.
‘Uy, sir! Nandito din pala kayo?”, saad nito sa kanya at hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa paraan ng pagkakangiti nito sa kanya.
Sa matinding inis dahil sa pagkastranded sa elevator habang pababa, agad siyang tumalikod at pinagsabihan ang mga tao na responsible sa pagpapandar ng generator.
“Check this out, ayaw kong mangyari na naman ito sa susunod!”, bagkus ay sermon niya sa lahat bago nagmartsang tumalikod.
“OMG! Ang sungit naman”, narinig niyang pahayag ng janitor at hindi niya napigilang nagpanting ang tainga. Humarap siya dito at nakakunot ang noong pinamaywangan niya ito.
“What did you say?”, saad niya dito ngunit tila hindi siya kilala ng babae at may gana pa itong ngumiti sa kanya kung kayat mas lalo siyang nairita.
“Ang sabi ko po, maraming salamat po at umandar ang generator!”, hindi niya alam kung ininis siya ng babaing ito. Nagagalit na siya at lahat, ay nakangiti pa rin sa kanya.
“Next time, mind your own business! Isa pa hindi ako believed sa ginawa mo, baka mamaya sira na pala ang mga makina dito dahil pumalpak ang ginawa mo!”, mulagat niya dito. Sa sinabi niya ay biglang nawala ang pagkakangiti sa mukha nito. Kumislap ang mata at may pakiawari siyang nasapol niya ito. Ngunit agad ding nakabawi iyon kung kayat sumilay ang isang sarkastikong ngiti sa mga labi.
‘You’re welcome, sir!”, turan nito kasabay ng pagbalik sa pamunas na hawak at walang lingong likod na umalis sa kinaroroonan nila. Lahat ay nagaulat sa ginawa ng babae, pati siya ay napatingin na lamang din dito habang papalayo.
Paglabas ni Danielle sa building ay naupo siya sa may bench sa ilalim ng puno, parang umaalingawngaw sa kanyang utak ang katagang hindi believed at palpak na kung saan ito ang palaging binibitiwan ng kanyang ama. Napahawak siya sa sentido, hindi niya akalain na ang inaadmire niyang lalaki ay katulad din ng kanyang ama kung magsalita. Nakakasakit ng damdamin at nakakadegrade ng pagkatao kahit ginawa na niya kung ano ang nararapat at tama. Kung makina ang pag-uusapan hindi pa naman siya pumalpak, kahit nakapikit siya kaya niyang ituro ang sakit ng makina at gawin ito ng walang kaeffort effort.
“Ne, kumain kana?”, maya maya ay lumapit sa kanya si Manong Jun. Agad siyang nagbago ng mood at nginitian ito.
“Hindi pa, manong. Kayo ho?”, turan niya dito.
“Halika na, kain na tayo”, saad ng matanda at tumango siya dito. Nasa sasakyan niya ang kanyang baon at kukunin niya muna ito.
Pababa si Danielle sa kanyang sasakyan ng malingunan ang isang kasama habang hirap sa pagpapandar ng motor nito. Inobserbahan niya ito ng ilang minute ngunit tila ayaw umadar ang motor kung kayat lumapit siya dito.
‘Bakit pre?”, turan niya dito. Tinignan siya ng kasama at pagkatapos ay binabaan ang motor mula sa pagtadyak dito.
“Hindi ko nga alam pre, basta ayaw ng umandar”, saad nito na halos frustrated ang mukha.
Habang pasilip silip iyon ay nakikisilip din siya hanggang sa mapagtanto niya ang sira nito.
“Pre tignan mo yung belt baka pudpud na”, suwestiyon niya dtio. Medyo nag alinlangan pa iyon dahil wala ding gamit para buksan ang motor. Bumalik si Danielle sa kanyang sasakyan at nang lumapit ulit sa kasama ay may hawak ng tools.
“Hindi ko nga alam buksan pre.”, kakamot kamot sa ulong pahayag ng kasama at napangiti siya.
“Kung gusto mo pre, tignan ko”, pahayag niya dito.
“Marunong ka ba pre?”, medyo alanlangang pahayag ng kaharap.
“Try ko pre”, turan niya. Medyo nagsecond thought ang kasama ngunit di naglaon ay nag give way din ito sa kanya. Wala pang isang minute ay nabuksan nacni Danielle ang motor at hawak na niya pudpud nang belt ng motor. Napahanga ang kasama sa skills ni Danielle ngunit tila may lungkot na rumehistro sa kanyang mukha.
“Diyahe pre, wala pa akong pambili ng bagong belt”, problemado ang mukhang pahayag nito. Naintindihan naman ni Danielle ang sitwasyon nito kung kayat tumayo siya at dumukot sa bulsa ng two thousand at ibinigay dito.
“Luch break naman pre, bili ka nalang muna”, pahayag niya dito.
“Naku! Baka wala kanang pera niyan pre”, atubili pang pahayag nito.
“Meron pa naman pre, sige na para magawa natin ito agad”, turan ni Danielle sa kasama kung kayat sobrang natuwa ang kasama na kinuha ang iniabot niyang pera at dalidaling lumabas sa premises ng tower para bumili ng belt ng motor.
“Maraming salamat, pare ha? Kung hindi dahil saiyo baka hindi ako makakapasok ng ilang araw kung hindi pa gawa ang motor ko”, pahayag ng kanyang kasama pagkatapos magawa ang motor nito.
“Don’t mention it, pre! My pleasure to help”, turan nya ito at tuwang tuwa ang kasama.
‘Marion nga pala, pre!”, pagpapakilala nito sa sarili.
“Danielle, pre!”, saad naman niya at pinagbunggo ag kanilang kamao.
“Kung gusto mo pre, ako nalang muna ang gagawa sa assignment mo para makabawi naman ako saiyo”, pahayag ni Marion at natawa siya.
‘Okey lang pre, pareho naman tayong may assignment baka pagalitan tayo ni chief”, saad niya dito.
“Hindi pre, okey lang. Tapos ko naman na yung assignment ko”, pahayag ni Marion kung kayat pumayag na din siya. Sa CR kasi ang sunod niyang assignment at medyo hindi siya nakakain ng mabuti noong huli siyang naglinis dito.
“Salamat pre, kung ganon”, turan niya kay Marion at tinapik lang naman syia nito sa balikat.
“Marasigan!”, mula sa pagkakatayo sa likod ay tinawag ng team leader ang kanyang pangalan.“Sir, present!”, tugon naman ng Danielle dahil sa pakiwari niya nagchechecked ng attendance ito.“Oo, palagi kang present ngunit hindi ka pumupunta sa iyong assignment!”, tila galit na pahayag ng kanilang team leader.“Sir, nagpalit po kami ng post ni Marasigan!”, agad naming pagtatama ni Marion at napatingin siya dito.“Sinong may sabing nagpalit? Walang palit palit hanggat hindi ko sinasabi”, maktol ng kanilang team leader kung kayat parehong napakagat labi ang dalawa.Maya maya ay lumapit ang tam leader sa kanya.“At dahil matigas ang ulo mo, iaasign kita sa 25th floor. Doon ka sa office ng CEO”, mahina ngunit madiing pahayag nito sa kanya. Bigla naman siyang natakot, bakit naman sa CEO agad eh halos isang lingo palang siyang trainee?“Sigurado po kayo sir, doon ako maasign?”, pag ulit pa niya at minulagatan siya nito.“Bingi ka Marasigan? O nagbibingihan lang?”, turan ng team leader nila kun
Almost one-month na si Danielle mula ng lumipat siya sa tinutuluyang apartment atbmaging janitor sa Wolverine. Natuto na rin siya sa tamang technique ng paglilinis at nagiging normal na sa kanya ang ganoong gawain. Halos kaibigan na rin niya ang lahat ng mga kasama maging ang mga guard sa tower. Napagkakamalan siyang tibo kung kayat pare, pre, bro at boss ang tawag naman ng mga ito sa kanya na hinayaan na lang din niya upang hindi na magkaroon pa kalituhan sa iba. Hidi lang naman kasi ang kanyang pananamit ang parang lalaki, pati galaw ay kuhang kuha din niya.Pasakay na siya sa kanyang sasakyan ng tumunog ang gamit na cellphone. Iniiwan lang niya ito sa kanyang sasakyan dahil ang kanyang mommy lang naman ang tumatawag dito.“Mom!”, bati niya sa ina ng pindutin ang received button.“Are you not coming home? Baka makalimutan mo, it’s my birthday today!”, turan ng ina at napangiti siya.“Of course, I remember mom! makakalimutan ko ba yun? Paalis na nga ako dito sa trabaho”, pahayag niy
Pagkatapos maglinis ni Danielle sa 25th floor ay bumaba siya upang magmiryenda. Hindi siya nakakain ng agahan kanina sapagkat gaya ng dati ay late na naman siyang nagising kung kayat nagmamadali siyang umalis para mahabol ang maaga nilang formation. Halos kalalabas niya lang sa elevator ng salubungin siya ng kanilang chief. “Marasigan! Balik ka sa taas, pinapatawag ka ng CEO”, saad nito habang di maipinta ang mukha. Sa tabas ng mukha nito ay parang may nagawa siyang hindi maganda. “Ha? Bakit daw chief?”, nagaalalang tanong niya dito. “Anong malay ko? Baka may palpak kang ginawa sa taas!”, turan ng kanilang chief at napaisip siya upang alalahanin kung may nagawa siya mali. “Wala naman akong ginawang mali chief”, saad niya dito. “Que meron o wala, bumalik ka sa taas para malaman mo kung anong atraso mo”, turan nito kung kayat tumango na lamang siya dito. “Sige chief, kain lang ako saglit! baka himatayin ako kapag pinagalitan ako ng CEO”, turan niya at pasupladong tumango iyon.
“Give me your cellphone number”, turan ni Wolverine kay Danielle pagkatapos niang kumain sa rooftop. Balik na sila sa office nito at naibigay na rin sa kanya ang mga instructions nito.Bigla niyang kinapa ang bulsa, ngunit wala doon ang de keypad niyang cellphone.“Diyahe sir, hindi ko nadala yung aking cellphone. Hindi ko kabisado yung number”, pakamot sa ulo niyang pahayag kay Wolverine.“It’s okey, here’s my calling card. Nandiyan na rin yung address kung saan ako nakatira. Kunin mo na yung mga gamit mo then pumunta ka sa address na nandiyan after. Tawagan mo nalang ako kapag nandoon ka na.”, saad nito kasabay ng pag abot ng card na dinukot mula sa wallet nito.Inabot naman iyon ng dalaga at tumango tango habang binabasa ang laman ng calling card. Hindi na siya nagtaka kung sa isang mamahaling village ito nakatira.“Okey sir, see you!”, turan ni Danielle at sumaludo dito bago tinungo ang pinto. Pangiti ngiti pa siya habang maingat na isinasara ang upisina ng CEO, ngunit halos mapa
“Oops! Saan ka pupunta at pinaglalagay mo sa maleta ang mga gamit mo?”, si Yaya Ninay ng mapasukan siya sa kanyang kuwarto habang nag-iimpake ng gamit. Tinignan lang niya ito kung kayat pinamaywangan siya ng kanyang yaya.“Daniella, hindi ka pwedeng maglakwatsa mas lalong magagalit ang daddy mo. Ibalik mo ang mga iyan!”, patuloy nito.“Ya, napromote na po ako”, saad niya pagkatapos maisira ang kanyang maleta.“Napromote? Talaga ba? Naku, mabuti naman kung ganon anak. Masayang masaya ako para saiyo.”, biglang naging excited si Yaya Ninay dahil sa kanyang sinabi. Niyakap pa siya nito at nakangiting tinapik tapik niya ang balikat ng matanda.‘Thank you, Ya!’, turan niya dito.“Manager kana ba ngayon anak? Naku, tiyak matutuwa ang daddy mo saiyo ngayon”, tuwang tuwa ang kanyang yaya at nahang sa ere ang kanyang pagkakangiti.“Hehehe, hindi po Ya. Pero sa CEO na po ako magtatrabaho ngayon”, saad niya. Unti unting nawala ang excitement sa mukha ni Yaya Ninay ngunit agad ding ngumiti ng mare
Kahit napuyat si Danielle dahil hindi nakatulog kagabi ay nagising pa rin siya ng tumunog ang kanyang alarm clock. Hindi siya sanay na natutulog sa ibang bahay kung kayat mag uumaga na ng dalawin siya ng antok. Nag inat inat siya ng ilang minuto bago kinuha ang towel at pumasok sa banyo. Mga ilang minuteo rin ang ginugol niya sa banyo pagkatapos ay naglagay ng moisturizer sa kanyang katawan. Pinasadahan din niya ng kaunting blower ang buhok upang mas madaling matuyo, naiirita kasi siya kapag nababasa ng buhok ang suot na damit. Isinuot naman niya ang puting shirt na sakto lng ang hapit sa katawan na tinuck-in sa kanyang jeans at ipinaris ang biniling leather boots. Pagtingin niya sa salamin ay nag iba ang kanyang aura, nagmukha siyang Lara Croft ng Tomb Raider movie. Napathumbs up siya sa salamin, pang driver talaga ang kanyang get-up.Sakto alasais ay lumabas na siya sa kanyang kuwarto, papainitin pa niya ng kaunti ang gagamitin nilang sasakyan kaya tamang tama kapag bumaba na ang ka
Pagkatapos nilang kumain ay pinababalot ni Danielle ang mga hindi nagalaw na pagkain, napakarami kasi ang nakahain kahit dadalawa lang naman sila ng kanyang among kumain. Tila natigil lang sa gianagawa ng mapansing nakatingin sa kanya si Wolvrine.“Sayang naman sir, wala namang nang kakain. Dalhin ko na lang sa mga kasamahan ko sa baba”, tila nahuli naman sa aktong saad niya habang idinaan sa labas ngipin na pagkakangiti.“Sure! Dalhin mo ng lahat yan”, turan naman ni Wolverin habang namamangha dito.“Yay! Thank you, sir! siguradong magugustuhan nila ito”, masayang pahayag ni Danielle at excited na pinagbabalot ang lahat ng pagkain. Nang matapos ay nakangiting hinarap ang binata na tila nagulat sa kanyang biglaang paglingon.“Tapos na sir, pwede na ba akong bumaba?”, saad niya dito.“Of course! Pupunta na rin ako sa office ko. Hintayin mo na lang ako sa baba, may pipirmahan lang akong documents then may pupuntahan tayong meeting”, pahayag ni Wolverine at tumango tango ag dalaga.“Sig
“Danielle!”, habang hinihintay ng dalaga ang kanyang boss ay pumunta siya sa hotel lobby upang doon umupo at maghintay. Parang palmilyar ang boses na tumawag sa kanyang pangalan, paglingon niya sa kaliwang side ay may babaeng halos patakbong palapit sa kanya at nang makalapit ay bigla na lamang siya nitong niyakap.“Kiana!?”, ang dalagang gumanti ng yakap ng makilala ang kaibigan. Paano niya makikilala, ang sosyal niyang kaibigan ay nakasuot ng katulad ng mga housekeeper sa hotel.“What happened?”, hindi niya naiwasang bulalas dito. Hindi siya sanay na hindi nakapustura ang kaibigan, pati ang magaganda at colorfull nitong mga kuko ay tila nawala.“Huhuhu! Nagalit si daddy saakin kaya eto, I’m working as hotel housekeeper”, malungkot na saad ng Kiana ngunit sa halip na aluin iyon ay tumawa si Danielle. Hindi lang pala siya ang naparusahan ng mga magulang, pati pala itong princess sarah niyang kaibigan.“Oh, don’t laugh like at me. My situation is so damn hard, lahat ng cards ko nakafr