Share

Chapter VI

Pagkatapos maglinis ni Danielle sa 25th floor ay bumaba siya upang magmiryenda. Hindi siya nakakain ng agahan kanina sapagkat gaya ng dati ay late na naman siyang nagising kung kayat nagmamadali siyang umalis para mahabol ang maaga nilang formation. Halos kalalabas niya lang sa elevator ng salubungin siya ng kanilang chief.

“Marasigan! Balik ka sa taas, pinapatawag ka ng CEO”, saad nito habang di maipinta ang mukha. Sa tabas ng mukha nito ay parang may nagawa siyang hindi maganda.

“Ha? Bakit daw chief?”, nagaalalang tanong niya dito.

“Anong malay ko? Baka may palpak kang ginawa sa taas!”, turan ng kanilang chief at napaisip siya upang alalahanin kung may nagawa siya mali.

“Wala naman akong ginawang mali chief”, saad niya dito.

“Que meron o wala, bumalik ka sa taas para malaman mo kung anong atraso mo”, turan nito kung kayat tumango na lamang  siya dito.

“Sige chief, kain lang ako saglit!  baka himatayin ako kapag pinagalitan ako ng CEO”,  turan niya at pasupladong tumango iyon.

“Sige, pero bilisan mo. Hindi mo dapat pinaghihintay ang CEO baka hindi matuwa saiyo at tanggalin ka sa trabaho”, saad nito at nagbow siya dito.

Dahil nag-aalala siya sa sasabihin ng CEO ay kumuha sya ng pamalit na damit sa kanyang sasakyan pagkatapos ay dali daling nagshower sa baracks ng mga utility. Nakantiyawan pa siya ng mga kasamang naroon dahil napakabango niya at preskong presko.

“Uy, amoy mayaman!”, pahayag ng mga ito at tumawa siya ng malakas.

“Haharap kasi ako sa CEO, nakakahiya naman.”, turan niya habang nakipag appear sa isa nilang kasama.

“Ay dapat lang naman, malay mo mainlove si CEO saiyo.”, saad ng isa nilang kasama at muntik niya itong batukan. Sa kabila ng ipinapakita niyang kilos ay may mga kasamahan pa ring binibiro siya dahil sa kanyang taglay na kagandahan.

“Haist! Hindi kami talo noh, mas mukha pa akong lalaki kesa doon”, turan niya at naghiyawan ang mga kasama.

“Bagay naman kayo ni CEO pare, basta huwag mo kaming kalimutan kung magkatuluyan kayo.” Turan ng isa pa at napailing na lamang siya sa mga kantiyaw ng mga ito. Siya na naman ang nakita ng mga kasama, siguradong hindi siya tatantanan ng mga ito kung hindi pa siya aalis.

“Hello, madam! Pinapatawag daw po ako ni bossing”, bati niya sa secretary ng CEO. Ibininaba nito ang kanyang eye glasses pagkatapos ay tila may xray vision na tinignan siya mula paa hanggang ulo.

“Pasok!”, maya maya ay supladitang turan nito. Nagbow naman ang dalaga dito bago pumasok sa upisina ng CEO.

“Good morning, sir!”, pukaw niya sa CEO habang may binabasa sa kanyang mesa. Agad naman iyong nag angat ng mukha at pagkatapos ay ngumiti pagkakita sa kanya. Himala, mukhang maganda ang bungad ng araw ng lalaking ito ah.

“Yeah, pasok ka!”, agad nitong tiniklop ang folder sa harap at iginaya siya sa upuan.

“Thank you, sir! pinapatawag niyo daw po ako?”, turan niya dito ng makaupo.

“Ah, yeah! Nagpahanda ako ng brunch sa rooftop, samahan mo akong kumain”, pahayag ng CEO at halos mapaangat siya mula sa pagkakaupo dahil sa sinabi nito.

“Ho?”, gulat na pahayag niya at ngumiti iyon.

“Parang ang tanda ko naman sa ho mo, how old are you?’, turan nito.

“Twenty-four po sir”, kiming sagot niya dito..

“Hindi lang pala tayo nagkakalayo ng edad, just call me wolverine!”, ang kaharap at mas lalong nagulat ang dalaga sa tinuran nito. Ano daw?

“Naku, hindi po pwede sir. Nakakahiya po sainyo at saka ano na lamang ang sasabihin ng mga emplayado niyo dito,”, pahayag niya at tumawa iyon.

“Alright! Call me wolverine kapag walang nakakarinig, nagmumukha kasi akong matanda kapag sinisir mo ako”, saad ng binata at tumango na lamang siya habang nagtatanong ang isip kung anong nakain ng kanilang boss at gusto siyang tawagin sa pangalan nito.

“Let’s go? Baka lumamig ang mga nakahandang pagkain”, maya maya ay tumayo si wolverine sa kinauupuan at iginaya siya sa pintuan sa likod ng office nito. Sumunod lang din naman si Danielle dito hanggang may inakyatan silang hagdan at pagkatapos lamang ng ilang minuto ay binati siya ng kakaibang hangin na nagmumula sa open space.  Ang ikinamangha niya ay may mga puno sa rooftop ng building na siyang nagsisilbing lilim. Kahit tirik ang araw ay hindi pa rin mararamdaman ang init sahil sa mga naglalakihang halaman.

“Like it?”, narainig niyang pahayag ni Wolverine mula sa kanyang likod. Nawili siya sa kagandahan ng nakikita at nakalimutan niyang kasama niya ito.

“Uhmmm, ang ganda naman po dito. Nakakarelax!”, pahayag niya at tumawa iyon.

“You can come here anytime”, saad ng binata at napatingin siya dito. Talaga ba? Bakit biglang ang bait naman ng taong ito?

“Salamat sir, pero kalabisan naman na po siguro kung iinvade ko ang privacy ninyo. Okey na po saakin na nainvite po ako dito”, nahihiyang pahayag niya dito.

“Nonsense! Once I invite someone here, it means he or she is part of my space”, turan ng binata at hindi makapaniwala ang dalaga sa narinig.

“Come, doon tayo”, saad ng binata sabay turo sa may lanai na kaharap sa kawalan. Ang wolverine tower ay isa sa pinakamataas na building sa pusod ng kamaynilaan kung kayat kitang kita ang kabuuan nito mula sa rooftop.

“Serve yourself, eat whatever you want. Don’t be shy!”, turan ni Wolverine ng makaupo sila sa harap ng table na puno ng pagkain.

“Thank you, sir”, mahiya hiya pang pahayag niya dito.

“Sabi ko saiyo huwag mo akong sinesir”, ang binata at kulang na lang mapakamot siya sa ulo. Parang napaka awkward na hindi niya tatawaging sir ito buti sana kung close sila.

“I like your driving skills, saan mo natutunan ang magpatakbo ng ganoon kabilis?”, maya maya ay turan ni Wolverine habang maganang ngumunguya ng pagakain.

“A, eh. Hehehe! Wala sir, inaral ko lang sa sarili ko”, turan niya dito. Alangan sabihin niyang sumasali siya sa car racing at ilang beses siyang naging champion?

“Uhmmm galing ah, kung hindi lang kita nakilala dito sa tower, makapagkakamalan kitang race driver.”, pamumuri ng binata. Muntik siyang mabulunan sa sinabi nito ngunit pasimple siyang tumungga ng tubig.

“How about your mechanic skills? Mukhang expert ka sa paghawak ng makina ah, yun ba ang kinuha mong course?”, tanong na naman ng kaharap at napalunok muna siya bago ngumiti.

“Hobby ko lang sir, hindi po ako nagakapagtapos”, saad niya dito habang nagcrocross finger sa ilalim ng mesa. Graduate siya ng mechanical engineering, kung saan saang bansa din siya nag apprentice para magpakadalubhasa sa mga makina. Pati nga makina ng eroplano kaya niyang kumpunihin.

“Woow! Your amazing! Ano pa ang skills mo na hindi ko alam?”, turan ng binata at natawa siyang bago umiling. Bakit parang sobrang intereasado ang lalaking ito tungkol sa kanya?

“Kaya ko pong nakapikit habang natutulog”, saad niya habang nakangiti. Ang binata naman ay napaisip, ngunit agad ding tumawa ng marealized ang kanyang sinabi.

“Lol! Muntik na ako doon ah”, saad nito habang nakatawa. Sa pagtawa nito ay lumabas naman ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Sa pakiwari niya ay mas deserving itong model ng toothpaste kesa mga model ng tooth paste.

“Anyway, gusto kitang maging personal driver. Okey lang ba saiyo?”, saad ng binata pagkatapos.

“Sir?!”, gulat niyang pahayag. Hindi siya makapaniwal sa sinambit nito.

“Don’t worry, I’ll pay you triple.”, turan ng binata at lihim siyang natawa. Talaga? Pero ang gusto ng tatay niya ay maging janitor siya? Hindi kaya madadale na naman siya sa kanyang ama?

“You will stay with me, and whatever you need will be provided for free. Yun lang, kung nasaan ako dapat ay naroon ka”, patuloy ng binata na nagbibigay na ng instruction na parang sigurado na itong papayag siya.

“Sigurado po kayo sa sinasabi niyo sir?”, turan niya dito. Pilit kinakapa sa isip ang dahilan kung bakit bigla ay gusto siya nitong maging driver.

“When I say it, I mean it! You can start as early as today”, ang binata na hindi na siya binigyan pa ng pagkakataong tumanggi.

“Sir, hindi ba alangan sainyo na babae ang driver niyo?”, alanganing pahayag niya dito at napatingin sa kanya ang binata.

“You mean, you’re a woman?”, tila excited na turan ni Wolverine at lihim siyang natawa. Ano bang tingin sa kanya ng lalaking ito, barako?

“Ah, ang ibig kong sabihin ay baka pumalpak ako dahil…”,

“I like you! Whether you’re a man or a woman, still I want you to be my driver”, pagcucut ng kaharap. Tinignan niya sa mata ang CEO ngunit hindi niya napigiling mangiti habang unti unti siyang tumango tango at pagkatapos ay parang wala sa sariling dumampot ng lettuce at isinubo.

“Is that mean, yes for my offer?”, turan ng CEo at naikiling niya ang kanyang ulo.

“I’ll think about it!”, nakatawa niyang pahayag at tila frustrated na napahawak si Wolverine sa ulo.

“Come on! If you want higher compensation, name your price!  or if you have conditions, tell me!”, turan ng boss nila at mas lalo siyang nacurious kung bakit tila desidido itong kunin siyang driver.

“Its not about the compensation, ayaw ko lang ng nakabarong araw araw”, nakatawa niyang pahayag habang iniimagine ang hitsura niyang nakabarong. Medyo napaisip naman si Wolverine ngunit tumawa rin iyon pagkatapos.

“Kung ayaw mo sa barong okey lang, you can wear whatever you want as long as you’re comfortable”, turan ng CEO at hindi siya makapaniwalang pumayag iyon to think na very particular ito sa mga uniform uniform sa loob ng kanyang tower.

“Really?”, hindi niya napigilang pahayag at tumango tango iyon.

“I am sure of that! So, you’re my driver na?”, pagsusure ni Wolverine at unti unting tumango ang dalaga habang nakangiti.

“Nakakahiya namang umayaw, pinakain mo na ako”, saad niya at tumawa iyon habang inilagay sa ere ang kamao upang makiapagbunggo ng kamao sa kanya. Agad naman niyang ililapit ang kamao at ibinunggo dito na tila matagal na silang magkakilala.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Salve Bhe Ng Bicol
Ang ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Rolando Romen
may aabangan na namn akong daily update ha..ha.
goodnovel comment avatar
Rolando Romen
.husay mo tlagang magpakilig madam A. ha..ha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status