Share

Chapter V

Almost one-month na si Danielle mula ng lumipat siya sa tinutuluyang apartment atbmaging janitor sa Wolverine. Natuto na rin siya sa tamang technique ng paglilinis at nagiging normal na sa kanya ang ganoong gawain. Halos kaibigan na rin niya ang lahat ng mga kasama maging ang mga guard sa tower. Napagkakamalan siyang tibo kung kayat pare, pre, bro at boss ang tawag naman ng mga ito sa kanya na hinayaan na lang din niya upang hindi na magkaroon pa kalituhan sa iba. Hidi lang naman kasi ang kanyang pananamit ang parang lalaki, pati galaw ay kuhang kuha din niya.

Pasakay na siya sa kanyang sasakyan ng tumunog ang gamit na cellphone. Iniiwan lang niya ito sa kanyang sasakyan dahil ang kanyang mommy lang naman ang tumatawag dito.

“Mom!”, bati niya sa ina ng pindutin ang received button.

“Are you not coming home? Baka makalimutan mo, it’s my birthday today!”, turan ng ina at napangiti siya.

“Of course, I remember mom! makakalimutan ko ba yun?  Paalis na nga ako dito sa trabaho”, pahayag niya at nasiyahan iyon.

“See you my princess”, turan ng ina at di niya napigilang magmaktol.

“I’m not a princess mom”, turan niya at bumuntunghininga iyon.

“Alright, see you anak. Marami tayong bisita mamaya, I gotta go”, pamamalaam ng ina.

“See you mom, I love you.”, turan niya bago tuluyang ibinaba ang cellphone.

Ibinalik sa lagayan ang hawak na cp at pagakatapos ay pinaandar na ang kanyang sasakyan. Dadaan pa siya sa flowershop, wala siyang maisip na regalo sa ina sapagkat wala siyang time tumingin sa mga stores kaya favorite flower niya na lamang ang kanyang ibigay. Nakaligo na rin siya bago lumabas sa Wolverine kanina, may shower din kasing para sa kanilanng ulitilities kung kayat malinis na silang umaalis sa trabaho. Pagkakuha niya ng bulaklak sa shop ay tuluyan na niyang binaybay ang daan papunta sa kanilang mansion. Favorite ng kanyang ina ang purple tulip kung kayat tiyak niyang matutuwa ito sa kanyang dala. Habang nasa daan ay may nakita siyang sasakyan na nakahinto sa gilid ng kalsada habang nakataas ang harapan nito. Pasado alas siete na ng gabi kung kayat madilim na ang paligid and without a doubt ay inihinto niya ang sasakyan sa harapan nito at bumaba upang mag-offer ng tulong.

“Boss, ano pong nangyari?’, turan niya sa driver habang busy sa pakalikot sa  makina ng sasakyan.

“Basta nalang tumirik boss, hindi na umandar”, pahayag ng driver ngunit ng mag angat ito ng mukha at mailawan ang mukha ng dalaga ay bigla iyong natuwa.

“Danielle, ikaw pala pare?’, saad ng driver. Nakilala din niya itong driver ng kung sino sa Wolverine.

“OO nga pare, ikaw pala yan. Patingin?”, saad niya sa driver kung kayat agad namang umalis iyon sa harap ng makina. Kilala na kasi ang dalaga na marunong magkumpuni ng sasakyan dahil ito ang tumitingin sa mga sasakyan ng kanilang mga kasamahan kung nagkakaproblema.

“Naku pare, patow nalang natin ito. Matindi ang sira sa loob, wala pa naman tayong pamalit”, saad ni Danielle matapos mainspection ang loob ng makina. Napakamot iyon sa ulo na tila nagkaproblema.

“Ganon ba pare? Andiyan pa naman si boss sa loob may dadaluhang mahalagang party”, turan ng driver na siya namang pagbukas ng nakatirik na sasakyan at lumabas ang amo nito.

“Matagal paba yan? Anong oras na?”, iritadong pahayag ng boss nito. Sa boses palang ng lalaki ay naititiyak ni Danielle na ang kanilang CEO ang nagmamay ari nito. Napangiti siya ng wala sa oras, hindi niya alam kung dahil masungit ito sa kabila ng problema sa sasakyan nito o dahil natutuwa siyang makita ito. Medyo ilang araw din niyang hindi nakikita ang kanilang CEO kahit nakaasign siya floor na kung saan naroroon ang upisina nito.

“Sorry sir, pero matindi po ang tama ng makina mukhang hindi po tayo makakaalis agad”, saad ng driver kung kayat hindi na nagtaka ang dalaga kung magalit ito.

“What? Paanong nangyari yun? Hindi bat chinecheck mo naman yan bago umalis?”, sermon niya sa driver kaya mas lalong napakamot ito sa ulo.

“Sir, ihahatid ko na lamang po kayo sa iyong pupuntahan”, bigla ay suwesiyon niya sa nag aalburutong binata, isa pa naawa din siya sa driver nito dahil hindi naman nito kagustuhang masiraan.

Agad namang napatingin si Wolverine sa dalaga, tila nagulat din ng makita siya. Iba ang itsura nito, nakalugay ang buhok at amoy na amoy niya mula sa kinatatayuan ang mabangong shampoo nito. Kahit naka loose shirt at pants ito ay mukhang pa ring babaeng babae ang aura lalo at inililipad ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok. Hindi katulad ng palagi niyang nakikita na nakabraid ito o di naman kaya ay nakatali ang buhok.

“OO sir, makikisuyo na lamang po tayo kay pareng Danielle para ihatid niya po kayo. Pasensiya na po.”, turan naman ng driver at kitang kita ng dalaga kung paano hinawakan ng binata ang kanyang sentido.

“Alright! Fix that! ayaw ko nang mangyari ulit ang ganito”, saad ng binata na walang sabi sabing nagmarcha papunta sa saskyan ng dalaga. Agad namang tinapik ni Danielle sa balikat ang driver at dali daling humakbang ng mabalis upang pagbuksan ng sasakyan ang kanilang amo. Kinuha niya ang bungkos ng bulaklak na nakapatog sa front seat at trinansfer sa back seat bago isinenyas sa binata na pwede na siyang maupo sa loob. Pagkaaupo ni Wolverine sa front seat ay dali dali naman siyang umikot papunta sa driver seat.

“Is this yours?”, tanong ng binata kay Danielle ng makaupo ang dalaga sa driver seat.

“Opo sir,” maikli namang turan niya habang nilalagay ang seatbelt.

“Makakarating ba tayo ng maayos at on time sa pupuntahan natin?”, tila nagdudang pahayag ng binate kung kayat hindi napigilan ni Danielle ang mangiti. Mukhang iniismall ng binata ang kanyang sasakyan.

“Saan ko po kayo ihahatid sir?”, sa halip ay saad niya dito.

“Sa FPark, Sandoval’s mansion”, turan ng binata at napatingin siya dito.

“Sandoval mansion?”,

“Yes! Kung pwede paandarin mo na at pakibilisan, baka malate ako ng sobra at nakakahiya naman”, pasupladong pahayag ng binata at napatango na lamang siya kasabay ng pag apak sa silinyador.

Mayamaya lamang ay halos nasa race track na sila sa bilis ng pagpatakbo ng dalaga, nagdridrift din ito sa mga palikong bahigi ng kalsada na tila normal na dito ang paghawak ng manibela at magpalit ng gear. After 15 minutes ay nasa FPark na ang mga ito, agad ding pinapasok ang sasakyan ng dalaga sa entrance na hindi man lang sinisita. Pagkadating sa harap ng Sandoval Mansion ay agad bumukas ang gate at pinapasok ang sasakyan samantalang nakaraming sasakyan na nakapark sa gilid ng mansion.

“Bakit mo pinasok ang sasakyan?”, sita ani Wolverine sa dalaga matapos ipark sa parking lot ng mga Sandoval ang sasakyan nito kahilera ng mga magagarang sasakyan na naroon. Medyo ninenerbiyos pa siya dhil sa bilis ng pagtakbo ng kanilang sasakyan.

“Di ba dito kayo pupunta sir?”, inosenteng pahayag ni Danielle sa kasama at tumaas ang kilay nito.

“Yes, pero hindi ko sinabing ipasok  mo ang old model mong sasakyan.’, turan ng binate at napakamot ang dalaga sa ulo.

“Ah, okey lang sir. Sinabi ko naman sa guard kanina na VIP ang nakalulan dito”, turan niya dito kung kayat hindi siya makapaniwalang basta nalang pinayagan itong ipasok ang sasakyan sa loob ng mansion.

“Baba na kayo sir, hintayin ko nalang po kayo dito”, pahayag niya sa binata. Tumingin pa ito sa kanya bago inayos ang suit nito.

“Where did you learn to drive like that?”, bago bumaba ay tanong nito. Napakaskilled nitong magdrive, tila nakahawak ito sa isang race car na hindi niya nakita sa kahit sinong driver nila.

“Ah, yun po? Wala sir tsumamba lang, nagmamadali kasi kayo at siyempre ayoko kayong malate.”, sagot niya habang ngumiti dito. Para namang hindi naniwala ang binata sa kanyang sinabi ngunit binuksan nito ang sasakyan, sumulyap pa ito sa kanya bago tuluyang bumaba. Gaya ng dati ay sumaludo si Danielle dito.

“Wolverine, iho! You came on time. Akala ko hindi kana makakarating”, masayang pahayag ni Eduardo Sandoval pagkakita sa binata. Bukod sa ito ang supplier nila sa mga sasakyan ay kumpadre din ito ng kanyang ama. Isa pa parang anak ang turing nito sa kanya, palagi siya nitong pinupuri sapagkat napapangatawanan niya ang kanilang Negosyo sa kabila ng kanyang kabataan. Kung siguro magpapatayo siya ng fans club ay si Eduaro Sandoval ang number one fan niya.

“Hello there, sir! Pwede ba namang hindi ako makakarating? Kahit harangan pa nila ako ng sibat”, nakatawa naman niyang pahayag habang nagiliw na tinanggap ang pagyakap nito.

‘Ikaw talagang bata ka, drop that formality. Sabi ko tawagin mo akong Uncle Eduardo”, pahayag ng matanda at tumawa siya dito.

“Okey, uncle.’ Pahayag niya at tuwang tuwa iyon.

“That’s more like it, come ipapakilala kita sa lahat. Your dad is here na rin kanina pa kasama ang mommy mo”, saad ng matanda at tumango tango siya. Maya maya ay nakihalubilo na sila sa iba’t ibang mga partners nito. Binigyan din niya ng yakap ang ama pagkakita dito. Ang kanyang ina ay hinalikan niya sa noo at ang birthday celebrant naman na si Auntie Victoria niya na napakaganda sa purple gown nito ay binigyan niya ng halik sa pisngi. Hindi nga maikakailang ito ang celebrant sapagkat ang damit nito ay nakaterno sa lahat ng bagay sa party.

“Ma’am, excuse me po. Dumating na po si ma’am Daniela”, maya maya ay narinig niyang pahayag ng isang babaeng lumapit sa birthday celebrant. Agad namang rumehistro ang labis na katauwaan sa mukha nito at agad nag excuse sa lahat.

“Please enjoy the party, tignan ko lang ang anak ko”, tila excited nitong pahayag sa mga tao at nagsipagtango naman ang mga iyon.

“Daniella, thanks God you’re here!”, excited na saad ni Victoria Sandoval sa anak  ngunit unti unti Nawala ang pagkakangiti ng makita ang anak na nakahiga sa kama habang nakabaluktot.

“Happy birthday mommy”, tila nanghihina nitong pahayag sabay abot sa purple na bungkos na bulaklak.

“Thank you, what happened to you?”, agad nag alala ang kanyang ina.

“I’m okey mom, simpleng LBM lang ito.”, turan niya sa ina dahil ayaw niyang maispoil ang party nito. NapakaOA pa man din nito lalo at sabihin niyang may sakit siya.

“Sigurado ka? Hmmm ipapakilala pa naman kita sa mga amiga ko, andito rin ang anak ng kumpadre ng daddy mo”, pahayag ng ina at malungkot niyang hinawakan ang kamay nito.

“Sorry mom, next time nalang po. Just enjoy the night, okey?” turan niya sa in ana kahit nasa mukha pa rin ang pag aalala ay tumago ito.

“Alright! Padadalhan kita ng gamot para gumaling ka kaagad. Just relax and rest, okey?”,

“Thank you, mom. I love you. Happy birthday again”, saad niya sa ina at hinalakian siya sa noo ng ina bago lumabas sa kuwarto.

“Where’s your unica iha, amiga?”, tanong ng mga amiga ni Victoria Sandoval ng makabalik ito sa kinaroroonan ng party.

“So sad mga amiga, hindi niya tayo masasamahan ngayon, biglang sumakit ang kanyang tiyan”, saad ng ginang at nagsipagtanguan naman ang mga ito na tila may pag aalala din sa anak ng amiga.

“Kawawa naman amiga, pinainom mo na sana ng gamot”, saad ng isang ginang at tumango ito kasabay ng ngiting pasasalamat.

“Where’s Daniella, panyero?”, tanong naman ni Walter De Villa sa kumpadre ng hindi makita ang anino ng anak nito.

“Haist! Alam mo naman yun, panyero. Mabuti ka pa may mabait at responsible kang anak. Siguro kung lalaki lang din ang aking anak, magiging kagaya din siya nitong si Wolverine”, saad ni Eduardo Sandoval at napailing na tumawa ang kanyang kumpadre. Si Wolverine ay sumabay ding ngumiti sa mga ito. Wondering kung anong klaseng anak mayroon ang kanyang isang Uncle Eduardo Sandoval.

“Mabait din naman si Daniella panyero, at saka talented yung bata”, pagtatanggol naman ng kanyang ama sa anak ng kumpadre nito. Sa pananalita ng kanyang ama ay tila malapit din siya sa anak ng kaibigan.

“Panyero aanhin ko ang talent talent nayan kung hindi naman niya mapapangatawanan ang aming negosyp, di tulad nitong si Wolverine kayang kaya na niyang pangalagaan ang lahat”, tila disappointed na pahayag ng kanyang uncle at napangiti na lamang siya dito. May pakiramdam siyang happy go-lucky ang anak ng kanyang uncle Eduardo at hindi niya maiwasang tubuan ng inis dito.

“Ma’am, yung isinakay niyo kanina bumalik na sainyong sasakyan”, pagbibigay alam ng isa nilang kawaksi. Binilinan niya kasi ito kanina na bantayan si Wolverine at agad ipaalam sa kanya kung babalik na ito sa kanyang sasakyan.

“Ha? Okey, manang! Salamat.”, saad niya habang nagpapalit ng damit. Naglunoy kasi siya sa kanyang bath tub kanina dahil namiss niya ang pagbabad sa tubig. Binilisan niya ang pagsuot ng damit at sinuklay ang buhok saka nagmamadaling lumabas sa kanyang kuarto at bumaba. Sa likod siya dumaan para hindi siya makakuha ng atensiyon at tamang tama sa kanilang parking area.

“Where have you been?”, tila iritadong pahayag ni Wolverine kay Danielle ng makarating ang dalaga sa kinaroroonan nito. Nakatayo ito malapit sa kanyang sasakyan at nakapamaywang dahil sa pagkainip.

“Sorry, sir. Nakiligo lang po ako sa loob”, saad niya na binuksan ang passenger seat.

“Nakiligo? Kilala mo ba ang mga tao dito?”, hindi makapaniwalang pahayag ng binata habang lumulan sa binuksang pinto ni Danielle.

“Hehehe. Nakipagkilala lang sir, nainitan kasi ako kaya nakisuyo akong makilgo”, nakangiting pahayag niya kasabay ng pag andar sa kanyang sasakyan. Hindi naman niya alam na hindi ito magtatagal, dahil siguro karamihan sa mga bisita ay puro matatanda kaya nabored ito. Tila hindi naman kumbinsido ang lalaki ngunit pasupladong umismid na lamang ito.

Pagdating nila sa may gate ay agad namang binuksan ng guard iyon, sumaludo pa sa kanya iyon na tinanguan at binusinahan na lang niya tanda ng pasasalamat.

“Saan ko po kayo ihahatid, sir?”, turan ng dalaga ng tuluyang makalabas sa Sandoval’s mansion ang kanilang sasakyan.

“Sa tower!”, maikling pahayag ng binata at naikumpas niya ang kanyang mga kamay sa hawak na manibela.

“Anong gagawin niyo doon sir, gabing gabi na ah”, hindi niya napigilang pahayag dito. Napakaworkaholic naman niya kung babalik pa sa upisina para magtrabaho.

“Tell me, what am I going to do there?”, tila iratadong pahayag ng binata at hindi niya maiwasang mangiti. Napakasuplado talaga ng taong ito.

“Napakaworkaholic niyo naman sir, oras na ng pahinga at saka may bukas pa naman”, saad niya at hindi nakaligtas ang pag irap nito sa kanya.

“As if I have a choice, hindi naman ako kagaya ng iba na happy-go-lucky at hindi marunong tumanggap ng responsibilidad”, turan ng binata at napakagat niya ang labi habang pasimpleng tumingin dito. Parang may hinuhugautan ang kanyang pasahero ah.

“hehehe, siguradong proud na proud ang tatay mo saiyo, sir”, saad niya kung kayat biglang napatingin ianfg binata sa kanya.

“Why, didn’t your father proud of you?”, balik na tanong nito.  Napatawa siya at pagkatapos ay nailing pagkaalala sa labis na pagkadisusto sa kanya ng kanyang ama.

“Suntok sa buwan na maging proud siya saakin”, saad niyang nakatawa at hindi naiwasang tumaas ang kilay ng binata.

“Bakit mo nasabi? Hindi ba’t lahat ng tatay ay proud sa kanilang mga anak?”, turan ng binata. Napangiti siya ng mapakla habang ikinumpas ang mga daliri sa hawak na manibela.

“How I wish!”, mahinang pahayag niya ngunit nakarating iyon sa pandinig ng binata.

“Baka namisinterpret mo lang ang dad mo”, saad ng binata.

“uhmmm, kung hindi ko siguro alam na lalaki ang gusto niyang maging anak”, bulalas niya kung kayat tuluyang napatingin sa kanya ang kausap. Sinulyapan din niya ito ngunit nginitian niya  lamang pagkatapos.

“Pero, okey lang naman! Immune na ako sa kanya”, maya maya ay pahayag niya.

“Where’s your dad?’, di niya inaasahang turan ng binata.

“Bakit sir, may balak ba kayong pagalitan ang tatay ko?”, nakatawa niyang pahayag at napakunot noo iyon.

“Aalugin ko lang naman ang kanyang utak upang magising sa kanyang kahibangan. Dapat proud siya sayo kasi marunong ka sa maraming bagay hindi katulad ng mga ibang kababaihan na nagpapaganda lang ang inaatupag”, pahayag ng binata. Nagulat siya sa sinabi nito ngunit nagpakawala ng isang malutong na tawa pagkatapos.

“Hahaha. Pwede ko na pala kayong kuning abogado sir, hayaan niyo sa susunod ipapakilala kita sa tatay ko”, nakangisi niyang pahayag dito.

Hindi na nakasagot si Wolverin sa dalaga sapagkat, naamuse siya sa padrift nitong pagpark sa harap ng tower.

“Perfect!”, narinig niyang pahayag ni Danielle habang tuwang tuwa sa kanyang ginawa. Tila naglalaro lamang ito at enjoy na enjoy sa lahat ng ginagawa.

“Sir, nasa harap na po tayo ng tower.”, baling nito sa kanya kung kayat natigil ang pag oobserba nito sa dalaga.

“Alright! Thank you for offering your service. Anyway, how can I repay?”, turan niya dito.

“Oh no! No, no! No problem, sir! after all, it is my pleasure to help!”, saad ng dalaga habang nakatawa.

“Are you sure?’, paningurado ng binata at nagthumbs up siya dito.

“I’m very sure, sir!”, paninigurado niya at tumango iyon.

“Okey, ingat sa pag uwi. Don’t drive too fast.”, saad niya dito bago tuluyag bumaba sa sasakyan ng dalaga. Sumaludo naman si Danielle dito tanda ng pagsang ayon bago pinaandar ang kanyang sasakyan at umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status