Share

Love Language (Queen and CEO)
Love Language (Queen and CEO)
Author: Ms. Sagittarius

Chapter 1

"Jack!" ilang ulit na sigaw ko pagpasok sa kwarto.

Kasalukuyang nasa photoshoot ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tita Rose. Naabutan niya si Jack na walang malay sa kwarto niya kaya agad na sinugod sa hospital. Bago ako umalis ng bahay kanina ay napansin ko na ang pamumutla niya. Sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa hospital para magpatingin pero ayaw niya. Ang sabi niya ay kailangan lang niya magpahinga. Pinagalitan ko pa siya dahil nabanggit ni Manang Sol na hindi uminom ng gamot si Jack kagabi. Ayoko sana siya iwan para mabantayan ko siya pero pinagtabuyan niya ako. Pinaalala pa niya sa akin kung gaano kahalaga ang photoshoot para sa launching kaya napilitan din ako.

"I'm here Darling," sagot niya na halatang pinipilit na ngumiti.

Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang masama. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya nakahiga sa hospital bed. Pinapakita ko na galit ako dahil ayoko ipakita sa kanya natatakot ako kapag nasa hospital siya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Sinabi ko na kasing magpatingin tayo sa hospital kaninang umaga. Bakit kasi ayaw mo makinig?" galit na sermon ko at para siyang bata na pinapagalitan.

"Queen, huwag ka ng magalit," malambing na tugon niya at huminga ako nang malalim saka umiling.

Grabe ang pag-aalala ko ng malaman kong sinugod ito sa hospital. Halos paliparin ko na ang sasakyan para lang makarating agad sa hospital. Hindi naman kasi sinabi ni Tita Rose kung okay na ba si Jack o ano na ang nangyari. Sinabi lang niya nasa hospital si Jack at nawala na sa kabilang linya kaya hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. I consider him as one of my family kahit pa nga hindi naman kami related by blood. I will never forgive myself kung may nangyaring masama sa kanya.

"Anong sabi ng Doctor?" galit na tanong ko habang nakalagay ang kamay ko sa magkabilang bewang ko.

"Okay lang naman ako kaya please huwag ka ng magalit. Promise from now on makikinig na ako sa 'yo," parang bata na sagot niya at pilit inabot ang kamay ko.

Hindi ko naman magawang magalit talaga kay Jack ng matagal. Kahit na matigas ang ulo niya kahit paano ay nakikinig din naman siya sa akin. Maraming tao ang nagtatanong sa totoong relasyon namin pero wala na akong pakialam sa mga sinasabi nila. Nakakapagod magpaliwanag sa mga tao at magsabi ng totoo pero sa bandang huli hindi pa rin naman naniniwala. Ilang beses na akong nabigyan ng label na "Mistress of the Billionaire" at marami pang iba dahil sa closeness namin. Ilan lang sa mga tao na malalapit sa amin ang nakakaunawa sa totoong relasyon namin. Malaki ang utang na loob ko kay Jack dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala ako ngayon sa kinaroroonan ko. Para ng totoong Ama ang turing ko sa kanya kaya naman ganoon na lang ang turingan namin na hindi maintindihan ng ibang tao. Napagod na akong magpaliwanag sa kanila kaya hinayaan ko na lang sila sa kung ano ang iniisip nila.

"Nasaan si Gigi?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid.

Si Gigi ang current girlfriend niya na ilang taon lang ang tanda sa akin. Kahit may edad na si Jack ay matikas pa rin ang tindigan niya kaya hindi akalaing nasa sixties na siya. Hindi nakakapagtaka na marami pa ring babae ang nahuhumaling sa kanya dahil sa good looks pati na rin sa yaman niya. Iyon din ang dahilan kung bakit sinasabi ng iba na gold digger ako. Every three months ata or depende rin sa mood niya kung magpalit siya ng girlfriend. Tutol man ako sa ginagawa niya pero wala akong karapatang pakialaman ang gusto niya. Bantayan at paalalahanan lang ang pwede kong magawa. Pero minsan hindi ko maiwasang makialam lalo na kung alam kong hindi karapat dapat ang babaeng kinakasama niya. Iyon rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko maiwan si Jack. Maraming tao ang gustong pagsamantalahan siya lalo na kapag nakakita ng pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para protektahan siya tulad ng ginagawa niya para sa akin.

"Nag-resign na," natatawa na sagot niya at natatawa napailing naman ako.

"Huwag mong sabihing nagseselos?" yamot na tanong ko.

"Slight lang," sagot niya na may kasamang pag-senyas ng kamay saka tumawa nang malakas.

"Hay naku! Sabi ko naman kasi sa 'yo doon na lang ako sa condo ko mag-stay," sabi ko pagkatapos ko nagpakawala ng nakakaloko na tawa.

"Wala namang connection 'yon Queen kaya huwag mo ng alalahanin ang bagay na 'yon. At saka alam naman nila kung ano ka sa akin sa umpisa pa lang. Problema na nila kung hindi nila maintindihan kung ano ba tayo. Kung ayaw na nila wala na akong magagawa ang mahalaga binigay ko ang lahat ng gusto nila at sa tingin ko napasaya ko naman sila," katwiran niya at napailing ako sa huling sinabi niya.

"Oo siguradong napasaya mo talaga sila dahil para kang si Santa Claus hindi pa man pasko pero umuulan ng regalo," sarkastiko na tugon ko.

"Alam mo naman na hindi ako kampanteng mag-isa ka lang mag-stay doon lalo na sa panahon ngayon," dagdag pa niya at tumango-tango na lang ako.

Kumuha ako ng sarili kong place para matigil na ang usap-usapan pero ayaw naman niya ako hayaan na umalis ng bahay. Pumayag siya na bumukod na ako pero kalaunan ay pinigilan din niya ako. May personal nurse naman siya pero hindi rin ako kampante na iwan siya lalo na lately dahil napapadalas na ang pagsama ng pakiramdam niya.

"Bakit kasi wala ka pang boyfriend?" tanong niya habang binabalatan ko ang apple.

"Ano naman kinalaman noon sa usapan natin?" kunot ang noo na tanong ko sabay abot ng apple sa kanya.

"Para naman makampante na ako na may nagproprotekta at mag-aalaga sa 'yo." nakangiti na sagot niya at umiling na lang ako.

"Kung hindi mo po napapansin malaki na po ako, kayang-kaya ko na po ang sarili ko kaya hindi ko kailangan magkaroon ng boyfriend," sagot ko.

Wala sa isip ko ang pumasok sa kahit anong relasyon ngayon. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa buhay na meron ako ngayon dahil hindi naman ito talaga ang pinapangarap ko. Sabay kaming napatingin sa pinto ng makarinig ng katok. Ilang segundo lang ay pumasok si Dr. Abuel kasama ang isang nurse.

"Hello, Dr. Abuel." nakangiti na bati ko saka nakipag-kamay dito.

"Kamusta na Queen?" nakangiti na tanong niya sa akin.

"I'm doing great Doc. Ikaw po kumusta?" nakangiti na tugon ko.

"Okay din naman," tugon niya at tumango-tango ako.

"So Doc, kamusta na ang pasyente natin?" tanong ko sa kanya saka tumingin kay Jack.

"Well you know very well we need to perform the surgery as soon as possible," sagot niya at napabuntonghininga lang ako.

Ilang beses ko na kinukumbinsi si Jack na magpa-opera mula ng malaman namin ang tungkol sa condition niya pero ayaw naman niya. Ang lagi niyang katwiran kung oras na niya ay oras na niya at saka wala naman daw nagmamahal sa kanya. Wala na rin dahilan para dugtongan pa niya ang buhay kaya mabuti pang tanggapin na lang namin.

"Kung oras ko na, oras ko na at saka para pa saan kung magpa-opera ako," sabay naming tugon ni Jack at natawa si Dr. Abuel.

Tiningnan ko ng masama si Jack dahil naiinis ako sa katigasan ng ulo niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa nag-iisang anak ni Jack. After namin malaman ang sakit ni Jack ay tinawagan agad ni Tita Rose ang anak niyang nasa ibang bansa para pauwiin pero matigas din ang loob. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi niya sa Papa niya. Paanong natitiis niya na malayo gayong alam niya ang kondisyon ni Jack. Sinubukan ko rin na tawagan siya para kumbinsihin pero sinabi niya na wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari. Galit na galit ako sa kanya dahil wala man lang siyang pakialam sa kalagayan ni Jack. Hindi man lang siya natatakot sa posibilidad na pwedeng mawala si Jack.

"All we can do right now is to prevent this from happening again. Your body is getting weak as time goes by and those medicines are what keep you alive. We don't know what will happen next time and maybe it will be worse. I need you to stay away from anything that can make you upset or stressed. Also make sure to continue taking all the prescribed medicine," payo niya at tumingin sa akin.

"I can't guarantee anything Doc. Sa sobrang tigas ng ulo ng taong 'yan malamang next week or so will be back here again," sagot ko habang nilakihan ng mga mata si Jack.

Maya-maya lang ay nagpaalam na si Dr. Abuel pagkatapos niya na ma-check si Jack. Bago siya umalis ay nagbilin ulit siya ng mga dapat hindi dapat gawin ni Jack na lagi niya sinasabi sa amin. Umupo ako sa tabi ni Jack at kinuha ko ang isang kamay niya.

"Tell me Jack. What can I do to make you go through that operation?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Kailangan ay may gawin ako dahil hindi ko pwedeng hayaan na sumuko siya ng basta na lang. Gagawin ko ang lahat para lang makumbinsi siya at gumaling. Hindi kasi ito ang tipo ng tao na basta na lang sumusuko kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya magpa-opera. Siya ang nagturo sa akin na gawin ko ang lahat ng makakaya ko para magtagumpay. Lagi rin niya sinasabi sa akin na walang bagay sa mundo ang impossible. Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti bago tumingin sa may bintana. Matagal na rin kaming nagsasama ni Jack pero hindi siya nagkukwento tungkol sa nakaraan niya. Mula ng mamatay ang Nanay ko noong nasa highschool palang ako siya na ang kumupkop sa akin. Dumating siya sa huling lamay ng nanay ko noong una ay nagtataka ako dahil noon ko lang siya nakita pero lalo akong nagtaka ng makita ko siya umiiyak sa kabaong ni Nanay. Umiiyak siya na para bang siya mismo ang nawalan. Buong akala ko pa nga siya ang totoong Ama ko pero hindi pala. Lumaki kasi ako na hindi ko nakilala ang tunay kong Ama at hindi rin naman sinabi ng Nanay ko. Malapit na kaibigan ang pakilala niya at sinabi niya na malaki raw ang kasalanan niya kaya ganun na lang paghingi niya ng kapatawaran. Dahil wala sa mga kamag-anak ko ang gustong mag-alaga sa akin kaya inalok niya na ampunin ako pero hindi ako pumayag. Inalok na lang niya ako na pag-aaralin na tinanggap ko naman. Bago namatay si Nanay ay binilin niya ako sa kapitbahay namin na laging nag-aalaga sa akin noon si Lola Sol.

"Ang bilis ng panahon parang kailan lang ay nag-aaral ka pa. Ngayon sobrang successful mo na at sikat ka na kaya sobrang saya ko. Sigurado ako na masayang-masaya siya na makita kung nasaan ka na ngayon," nakangiti na sabi niya habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"I just want to see you happy, Darling." Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Umiwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita niya ang lungkot sa mga mata ko. Ayaw ko rin makita niya ang luhang malapit ng pumatak mula sa mga mata ko. Hangga't maaari gusto kong magpakatatag sa harap niya.

"I'm happy as long as you're okay Jack." sabi ko pagkalipas ng ilang segundo na katahimikan.

"I want to see all the people I love happy. I want to see you have your own happiness and hopefully your own family," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin at tinapik ang kamay ko.

"Kung gusto mo talaga akong maging masaya pumayag ka na magpagamot. Paano mo makikita na magkapamilya ako kung hindi ka magpa-opera? Sa tingin mo ba magiging masaya kami kapag may nangyari sa iyo na hindi maganda?" tanong ko at umiling siya.

"You know that you are like a daughter to me. I can see through you Darling and I can see that your not happy," sabi niya pagkatapos haplusin ang pisngi ko.

Doon ko na hindi napigilan ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko. Yumakap ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag pero tama si Jack sa sinabi niya. Kung tutuusin ay wala na akong mahihiling sa oras na ito pero hindi ako masaya. Pakiramdam ko laging may kulang sa buhay ko na hindi ko matukoy kung ano.

"I'm okay so stop worrying about me and just follow what your heart. Stop making other people happy and find your happiness. Your life and happiness is more important than anything else," bulong niya habang hinahaplos ang likod ko.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Eloisa Pesimo Ladi
hi otor.........
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nakakaiyak naman, siguro Siya Ang totoong ama mo Ayaw lang Niya magpakilala sa iyo Queen
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Concern ka tlaga masyado Queen sa taong tumulong Sayo..Masyadong mabait si Jack Ang gusto nya lang ay maging masaya ka Queen.. Magpaopera kana Kasi Jack pra Hindi masyadong nangangamba si Queen sa kalagayan mo..thank you Author sa update..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status