Share

Chapter 4

"Sunduin na lang kita mamaya ng two o'clock para sa dinner meeting natin mamaya," sabi ni Joshua bago ako bumaba ng sasakyan.

"Tulungan mo muna kaya akong ibaba ang mga dala ko bago ka lumarga," nakasimangot na tugon ko at tumawa naman siya.

"Sowi naman Girl, I forgot." Natatawa na sabi nito saka bumaba ng sasakyan.

Binuksan niya ang likod ng sasakyan at isa-isa binaba ang mga box na dala namin. Tuwing Linggo ay hindi pwedeng hindi ako bibisita kay Lola Salud at sa mga bata. Si Lola Salud ang nag-aalaga sa akin kapag wala si Nanay para maghanapbuhay. Siya na rin muna ang kumupkop sa akin ng mawala si Nanay. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil hindi ko naman siya kamag-anak at kapitbahay lang namin pero tinuring niya ako na kapamilya. Hindi niya ako pinabayaan at inaalagaan niya ako katulad ng pangako niya kay Nanay. Kay Lola Salud at Jack ko utang kung nasaan man ako ngayon.

"Ikamusta mo na lang ako sa kanila," sabi ni Joshua pagkatapos namin mag-beso.

Kumaway ako ng bumusina siya at tinanaw siya papalayo. Papasok pa lang ako sa bakuran ay naririnig ko na ang boses ng mga bata. Bigla ako nakaramdam ng kakaibang saya at excitement. Gustuhin ko man na araw-araw pumunta sa lugar na ito pero ayaw naman ni Lola Salud. Hindi siya sang-ayon sa pagbisita ko dahil baka may makakita sa akin at maging isyu. Ayaw ko naman sila madamay kaya nag-iingat ako.

"Oh! Nandito ka pala Queen," gulat na sabi ni Eugene ng makita niya ako naglalakad sa pathway papunta sa likuran ng bahay.

"Nasaan si Lola?" tanong ko at kinuha niya ang plastic bag na dala ko.

"Nasa kusina si Lola nagluluto ng pang tanghalian," sagot niya.

"Alam ba niya na pupunta ka?" tanong niya at tiningnan ko siya nang masama.

Sinenyasan ko si Eugene na kunin pa ang ibang dala ko sa may gate. Naabutan ko si Lola na abala sa paghahalo kaya naman hindi niya namalayan ang pagpasok ko sa kusina. Saglit ako napapikit ng maamoy ko ang masarap na niluluto niya. Na miss ko ang mga araw na kasama ko siya sa isang bahay. Ang pag-aalaga niya, pagaasikaso at mga pangaral niya sa akin. Nakakalungkot lang kasi ayaw niya sumama sa akin at mas pinili niya na magtayo ng foundation. Mula sa perang binigay ni Jack ay naisip ni Lola Salud na magtayo ng isang foundation para sa mga bata na wala ng magulang. Ayaw niya pumayag na tumulong ako dahil sapat na raw ang binigay ni Jack na pambayad sa pag-aalaga sa akin. Lagi niya sinasabi na dapat ay tumayo na ako sa sarili kong paa at magkaroon ng sariling buhay. Sinabi rin niya na dapat ay kalimutan ko na ang nakaraan ko.

"Ay anak ka ng kabayo!" sigaw ni Lola nang maramdaman niya ang yakap ko mula sa likuran niya.

"Ito talaga ang na miss ko sa lahat," malambing na sabi ko at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.

Halatang nagulat siya dahil hindi agad siya nakapagsalita. Pagkalipas ng ilang minuto ay tinanggal niya ang nakapulupot na braso ko sa bewang niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pagbisita ko at siguradong sesermunan niya ako.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito na bata ka. Hindi ba ilang beses ko ng sinabi na huwag ka nang pumunta rito. Paano kung may makaalam ng bagay na ito? Paano kung masundan ka ng mga reporter? Sigurado na pag-uusapan ka na naman at kung ano-ano ang sasabihin nila," sermon niya sa akin at napapikit ako dahil ilang beses ko na narinig ang mga sinabi niya.

"Bakit po ba Lola mas concern ka pa sa sasabihin nila. At saka hindi mo ba alam na matagal na po akong pinag-uusapan at wala na po akong pakialam sa mga sasabihin pa nila. Sanay na rin po ako Lola kaya huwag po kayong mag-alala," sagot ko at umiling siya.

"Hindi mo po ba ako namimiss Lola?" parang bata na tanong ko sa kanya at nakita kong nakasimangot siya.

"Oo nga naman po Lola, sikat na po 'yan si Queensley kaya hindi na bago ang pag-usapan pa siya. Miss na rin po siya ng mga bata Lola kaya huwag mo na po siya pagbawalan na pumunta rito," nakangiti na singit ni Eugene pagkatapos niya ipatong ang kahon na puro grocery sa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ng masama ni Lola si Eugene kaya agad siya umiwas ng tingin. Sinenyasan ko si Eugene na tanggalin na sa box ang mga pinamili ko. Napatingin naman si Lola sa mga box at umiling bago bumaling nang tingin sa akin.

"Kahit pa! Napag-usapan na natin ito at dahil kilala ka na dapat ay iwasan mo na ang mga bagay na pwedeng iugnay sa nakaraan mo. Hindi nila dapat malaman kung saan ka nanggaling dahil siguradong ikakasama mo 'yon. Mauungkat lang ang nakaraan mo at mas lalo ka lang nila pag-uusapan. May reputasyon ka na kailangan pangalagaan," paliwanag ni Lola habang nakatingin sa akin at huminga ako nang malamin.

"So? Ano naman kung malaman po nila na isa akong bastarda at ginamit ng nanay ko ang sarili niyang katawan para lang may makain kami. May isang Jack na tumulong sa akin kaya ko po narating ang buhay ko ngayon. Dapat ko po bang itago 'yon, Lola? Reputasyon? Matagal na pong sira kaya hindi na kailangan pangalagaan pa," tugon ko.

"Oo. Dapat mong itago ang lahat ng 'yon dahil hindi makakatulong ang mga bagay na 'yon sa 'yo. Kaya mas dapat kang mag-ingat para hindi tuluyang masira ang reputasyon mo. Nasasaktan ako kapag may mga naririnig akong hindi magandang balita tungkol sa 'yo. Gusto ko lang na maging masaya ka at ayoko na masaktan ka," sabi niya at bumuntonghininga ako.

"Alam mo ba na masayang-masaya ako dahil nakikita kong nasa maayos ka ng kalagayan. Hindi na ako nag-aalala sa 'yo dahil alam kong kaya mo na ang sarili mo. Proud na proud ako sa 'yo Anak dahil nalampasan mo na ang mga masasakit na nangyari sa 'yo. Matatag kang bata, may mabuting kalooban at alam kong may malaki kang puso. Hindi mo na kailangan mag-alala pa sa akin dahil okay lang ako basta alam kong okay ka lang," emosyonal na sabi ni Lola at niyakap ko siya.

Hindi ko na napigilan ang mapa-iyak dahil sa sinabi niya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap. Bata pa lang ako nakaramdam na ako ng panghuhusga sa mga tao sa paligid ko. Pinaliwanag naman sa akin ni Nanay kung bakit kailangan niya pumasok sa ganun na trabaho. Lumaki ako na walang kinikilala na Ama at kami lang ni Nanay. Habang lumalaki ay hindi ko nakilala ang mga kamag-anak ko sa side niya. Pero kahit na ganoon ang naging buhay namin ay ginawa ni Nanay ang lahat para sa akin.

"Ano ba 'yan para akong nanonood ng teleserye puro kayo drama." naluluha na sabi ni Eugene.

Hindi ko na pigilan ang tumawa ng makita ang reaction ni Eugene na kasalukuyang nagpapahid ng luha. Tumawa na rin si Lola habang pinapahid ng hinlalaki ang luha ko.

"Mamaya mo na ayusin ang mga iyan. Tawagin mo na muna ang mga bata para maibigay ko na ang mga dala kong pasalubong para sa kanila," nakangiti na sabi ko.

Agad naman sumunod si Eugene at pagbalik nga niya ay kasama na niya ang mga bata. Nag-uunahan na yumakap at humalik sa pisngi ko ang mga ito. Hindi ko alam kung sino an tingnan ko dahil sabay-sabay nila tinatawag ang pangalan ko. Kapatid na ang turing ko sa mga ito at natutuwa akong makita na masaya ang mga ito. Umupo na ako at maayos na pumila sila. Kitang-kita sa mukha nila ang kasiyahan ng inabot ko ang mga laruan na dala ko.

"Minsan lang naman ito Lola," nakangiti na sabi ko ng mapansin kong masama ang tingin ni Lola sa akin.

"Maraming salamat po Ate Queen," sabay-sabay na sabi ng mga bata bago lumabas ng kusina.

"Salamat Queen," lampas tenga ang ngiti na sabi ni Eugene pagkaabot ko ng paper bag na may laman na t-shirts.

"At para naman sa pinakamamahal kong Lola," nakangiti na abot ko kay Lola.

"Hindi ka na dapat nag-abala pa," tugon niya.

"Nakita ko nga pala mga picture mo," seryoso na sabi ni Lola habang nagbabalat ng patatas.

Tiningnan ko agad ng masama si Eugene. Binilin ko sa kanya na hindi dapat mabasa o makita ni Lola ang kahit anong balita tungkol sa akin para hindi ito mag-alala. Kahit hindi ko tanungin kung ano ang tinutukoy niya may ideya na ako kung ano. Tumayo ako at kumuha ng peeler para tulungan si Lola.

"Wala 'yon Lola. Naimbitahan lang po ako sa isang event at nagkataong nakunan po kami ng picture sa alanganing position," paliwanag ko habang nagbabalat ng carrot.

"Wala kayong relasyon? Bakit nakasulat doon na ikaw ang dahilan ng paghihiwalay nila?" tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"Wala po kaming relasyon Lola magkakilala lang po kami dahil usually ay umaattend siya sa mga ganoong event. Hindi po totoo na ako ang dahilan kung bakit naghiwalay sila," paliwanag ko.

"Naninigurado lang ako. Alam ko naman na hindi mo gagawin ang bagay na 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi mo ipagtanggol ang side mo. Bakit hinahayaan mong husgahan ka ng ibang tao lalo na at hindi totoo ang mga sinasabi nila," sabi ni Lola at napailing lang ako.

"Ipagtanggol? As if naman po Lola naniniwala pa sila sa mga sasabihin ko. Lalo lang po lalaki ang issue kapag nagpa-interview pa ako. Sanay na rin naman po ako sa mga walang kwentang tsismis. Mag-aksaya lang po ako ng oras kung papatulan ko pa sila. Mawawala rin naman 'yan Lola kaya huwag mo na pong pansinin. Huwag ka na pong magbasa ng mga article na tungkol sa akin para po hindi ka ma-stress," sabi ko at yinakap ko siya mula sa tagiliran.

"Wala ka pa bang boyfriend?" tanong niya at nagtataka tumingin ako sa kanya.

"Saan naman galing 'yon Lola?" tanong ko saka bumalik sa pagbabalat ng carrots.

"Aba Queen, baka hindi mo napapansin nagkakaedad ka na. Wala ka bang balak magkaroon ng sariling pamilya? Huwag mong sabihin na kontento ka ng ganyan mag-isa," sabi ni Lola.

Gusto ko rin naman magkaroon ng pamilya pero gusto ko ng simpleng pamumuhay lang. Malayo sa mata ng mga taong mapanghusga. Sa katayuan at sitwasyon ko ngayon imposible makahanap ako ng matinong lalaki na seseryoso sa akin. Ayoko umasa dahil masasaktan lang ako.

"Nandyan ka naman Lola kaya hindi ako nag-iisa," malambing na tugon ko.

"Ewan ko sa 'yong bata ka. Dapat ay unahin mo ang sarili mo bago ang ibang tao. Iyong iba nga na ka-edad mo may sarili ng pamilya ngayon. Kung sakali na may boyfriend ka na siguradong mawawala na ang mga tsismis tungkol sa 'yo. Para na rin may makakasama ka, mag-aalaga at may mag-protekta sa iyo," sermon ni Lola.

"Lola kung magka-boyfriend po ako darating po iyon at hindi ko po kailangan hanapin. Sa tingin mo po ba may matinong lalaki na manliligaw sa akin na hindi pa nakakabasa ng mga isyu tungkol sa akin? Kung sakali man po na hindi na nga ako makapag-asawa pwede naman po ako mag-ampon para may kasama po ako sa pagtanda," katwiran ko at nakasimangot na umiling siya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo kaya hindi nakakapagtaka na single ka pa rin hanggang ngayon," bulong niya at nanlaki ang mga mata ko.

"Lola!" natatawa na saway ko sa kanya.

"Huwag mo na pong problemahin ang love life ko Lola ang mahalaga po ngayon ay kasama ko kayo at ang mga bata. Nagiging praktikal lang po ako at ayoko umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Pasalamat ako kung dumating siya pero kung hindi naman po okay lang," dugtong ko.

"Iba pa rin Queen kung may partner ka sa buhay na makakasama mo sa lahat ng bagay. Hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho at naniniwala ako na makahanap ka rin ng lalaki na magmahal sa iyo. Huwag mo lang isara ang puso at isip mo," sabi niya at huminga ako ng malalim saka umiwas ng tingin.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Tama si Lola Queen masarap Ang pakiramdam kapag may taong nagmamahal sa iyo
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
wag kang mag-alala Lola darating din sa tamang panahon ang magmamahal kay Queen
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
masarap kaya maging single walangg iisipin sarili mo lng at majal sa buhay , hwag atat lola darating dyan si Queen
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status