Katatapos lang namin makipag-meeting kay Mr. Tam regarding sa darating na event ang Fashion Week. May-ari siya ng isang Mall at matagal ng client ng La Bella. Inutos ni Jack na personal kong tutukan ang preparation sa event dahil hindi pa niya kaya. Mula sa venue, sponsors at mga client ay kailangan namin tutukan. Hindi naman ganoon kahirap ang lahat dahil katulong ko naman si Felix at Joshua. "Ma'am Queensley, we still have to double check again the set-up and venue of the event," sabi ni Felix at biglang napatingin sa amin si Mr. Tan.Kasalukuyang may kausap si Mr. Tam sa phone at hinihintay lang namin siya matapos para magpaalam. Alam ko na ang ganoon klase ng tingin. Ilang beses ko ng sinasabi kay Felix na huwag akong tatawagin ng Ma'am lalo na sa harap ng ibang tao. Nabibigyan kasi ng ibang meaning kapag tinatawag ako ng ganoon lalo pa at bali-balita na isa ako sa mga babae ni Jack. Pero kahit ilang beses ko na siya sinaway ay ganun pa rin ang tawag niya sa akin. "Felix," mahina
Narinig ko na ang boses ng pilot, pinapaalam na any moment ay lalapag na ang eroplano. Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang nakatingin sa labas ng bintana dahil ngayon lang ulit ako nakauwi. It's been more than ten years mula ng umalis ako para mag-aral abroad. Mula ng umalis ako hindi na ako bumalik kahit pa nga may project kami dito sa Pilipinas. "Get this over and done." Paalala ko sa sarili ko.Ilang sandali lang ay nararamdaman na namin ang paglapag ng eroplano sa paliparan. Nagsimula ng mag-ayos ang mga ibang pasahero. Alam ni Auntie Rose na ngayon ang dating ko at siguradong sinabi na rin niya kay Papa. Ang sabi ni Auntie Rose magiging busy siya sa araw na ito kaya driver na lang ang susundo sa akin. Wala naman kaso sa akin ang mahalaga ay makita ko na si Papa. Kinuha ko na ang telepono ko para tawagan si Auntie Rose at ipaalam nandito na ako. Naka ilang beses nag-ring pero hindi siya sumasagot kaya pinatay ko na. Siguro nga ay busy siya kaya hindi sumasagot. Pagdating k
"I still can't believe that you're here now," emosyonal na sabi ni Papa."I'm here," nakangiti na sabi ko at ngumiti rin siya.Noong unang beses na sinabi ni Auntie Rose ang tungkol sa karamdaman ni Papa hindi ko lubos na mapaniwalaan. Inisip ko na gawa-gawa lang niya ang tungkol doon para mapilitang umuwi ako. Wala naman kasi siyang bisyo kaya sobrang nagtaka ako pero ng makita ko ang medical report niya doon pa lang ako nakumbinsi. Hindi naman totally nawala ang lahat ng nararamdaman ko na hinanakit at galit sa kanya pero sa oras na ito iisang tabi ko iyon. Ang tanging iniisip at gusto ko mangyari ay maka-recover siya. Makita na okay siya at kaya na niya. Panalangin ko na lang na sana ay hindi malala ang condition ni Papa at malaki ang chance na malampasan niya. Tama nga ang sabi nila nawawala rin ang sakit ng nakaraan paglipas ng panahon. Bago ako makarating dito hindi ako sigurado kung paano ko siya patutunguhan o paano ang magiging situation namin kapag nagkita na kami. Ayaw ko k
"Mukhang masaya ka ata Bakla. May nangyari ba na maganda na hindi ko alam?" puna ni Joshua habang pumipili ako nang flavor ng cakes sa display.Pagkatapos kong ihatid si Mark sa kwarto ni Jack ay nag-request si Jack ng cheesecake at pagkain para kay sa kanila. Alam ko naman ang dahilan kung bakit inutusan ako ni Jack na bumili ng pagkain at wala namang kaso sa akin. Gusto niyang makausap ng masinsinan si Mark at normal lang iyon dahil sa tagal nila hindi nagkita. Tinawagan ko si Joshua para may kasama ako dahil alam kong matatagalan sila. Gusto ko rin malaman ang kalagayan ng venue at preparation."Ikaw?" alok ko sa kanya at umiling ito."You know I hate sweets and you know you're not allowed to eat that," nakasimangot na sagot niya at nagkibit-balikat lang ako."Miss two slices of cheesecake for take out and one for dine in. Two sets of breakfast meal for take out and two cups of black coffee for dine in," sabi ko sa waiter. Inulit niya ang order ko at nakangiti na tumango ako. Hind
"Dan, where are you?" sigaw ko pagpasok ko sa condo.Napapikit ako ng maamoy ko ang masarap na niluluto ni Danica. Agad kong binaba ang bag ko at tinanggal ang heels bago tuluyang pumasok sa loob. Para akong bata na excited pumasok sa look ng bahay."This is home." nakangiti na sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina.Hindi nga ako nagkakamali dahil naabutan kong abalang nagluluto si Danica. Si Danica ang tipo ng babae na pang bahay dahil hindi lang siya masarap magluto dahil maasikaso rin. Wala bagay na hindi niya kayang gawin kaya sobrang hanga ako sa kanya. Ilang linggo na siya rito sa Manila pero dahil naging sobrang busy ako kaya ngayon lang ako nakapasyal dito sa condo. Dito na muna ako mag-stay habang nasa hospital pa si Jack. Nang nagpaalam ako sa kanya noong nakaraang buwan ay hindi siya pumayag pero ng sabihin ko na kasama ko si Danica ay saka pa lang siya pumayag. Ayokong makasama ang lalaki na 'yon sa isang lugar at iyon ang pinaka dahilan kung bakit ayaw ko mag-stay sa
This is the first day na makakatuntong ulit ako sa kumpanya after so many years. Kahapon ng bumisita ako sa hospital ay nandoon si Queensley at sinabi ni Papa na ito ang personal na magturo sa akin sa in and out operation ng company at factory. Hindi ko inaasahan na si Queensley ang makakasama ko pero naisip ko na pabor din 'yon para sa akin. Kailangan kong makahanap ng mga ebidensya tungkol sa babaeng 'yon sa lalong madaling panahon at magagawa ko lang 'yon kapag kasama ko siya. Mapapatunayan ko na kay Papa na pera lang ang habol ng babaeng 'yon at hindi totoo lahat ng pinapakita niya. Handa na ako sa lahat ng pwede niyang gawin at sisiguraduhin ko na mabibigo siya sa mga plano niya."I'll find everything soon and that will be the end for you," puno ng determinasyon na sabi ko habang nakatingin sa salamin."Good morning, Hijo!" nakangiti na bati sa akin ni Auntie Rose pagdating ko sa kusina."Good morning too, Auntie!" tugon ko saka humalik sa pisngi niya."Umupo ka na Hijo at mag-al
Bukas na ang alis nina Jack at Auntie Rose para sa nalalapit niyang operasyon. Kahit anong pigil ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Pasimple kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi niya makita. Nangako ako sa kanya at sa sarili ko na hindi ako iiyak. Hangga't maari ay ayaw kong ipakita niya na malungkot ako sa pag-alis niya dahil dapat ay maging masaya ako. Ayoko rin na mag-alala pa siya sa akin."Sinabi ko naman sa 'yo na hindi mo na kailangang gawin 'yan Queen pwede namang si Rose na lang ang gumawa ng mga iyan," sabi ni Jack sa akin habang inaayos ko ang mga gamit na dadalhin niya."Gusto mo lang ako itaboy," kunwari ay nagtatampo na sagot ko.Isa-isa ko ng nilagay at inayos sa maleta ang mga damit at mga gamit niya. Ilang buwan rin siyang mawawala dahil after ng operation ay kailangang maobserbahan ang kalagayan niya bago makabalik dito sa Pilipinas. Hindi ako makakasama sa paghatid bukas dahil may maaga akong schedule. Gusto kong sulitin ang araw na ito dahil
"Sir, these are the files you requested," sabi ni Felix saka inabot ang mga folder.Hinintay ko lang makaalis sina Papa bago ko umpisahan ang pag-iimbestiga sa mga unknown transaction. Binigyan naman ako ng permission ni Papa at sinabi niya na magpatulong ako kay Queensley. Ang hindi niya alam na mismong si Queensley ang pinaghihinalaan ko. I can't trust no one as of now dahil hindi ako sigurado sa loyalty ng mga tao sa paligid ko. Napansin ko kasi na close si Felix Kay Queensley kaya kahit siya ay hindi ko dapat pagkatiwalaan. Si Papa na rin naman ang may sabi na walang dapat makaalam sa gagawin ko at kung ano ang nangyayari sa company."Thank you Felix. By the way, where is Queensley?" tanong ko."Nasa rehearsal po siya ngayon Mr. Donovan para sa upcoming fashion week. Do you want me to call her?" tugon niya at umiling ako."That's all Felix. Thank you," sabi ko bago siya umalis.Binuksan ko na ang folder paglabas ni Felix para pag-aaralan. Kailangan kong makakuha agad ng mga ebiden