Share

Chapter 3

"Queen, the board meeting will be two weeks from now and I need you to be there," sabi ni Jack habang kumakain kami.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jack dahil wala naman 'yon connection sa akin. Halos isang buwan na mula ng sabihan niya ako na maging representative. Nagre-report ako sa kanya sa bawat meeting na pinupuntahan ko. Updated din siya sa lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nakita kong natigilan si Tita Rose sa pagkain at mahigpit ang hawak niya sa kubyertos.

"Pero bakit Jack?" nagtataka na tanong ko pagkalipas ng ilang segundo.

Tumigil si Jack sa pagkain at tumingin sa akin pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin rin siya kay Tita Rose na kasalukuyang nakatingin kay Jack. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Aware naman ako kung ano ang tingin niya sa akin. Pinapakisamahan lang niya ako dahil kay Jack.

"Hindi lingid sa inyong dalawa ang kalagayan ko. Habang lumilipas ang araw ay lalo akong nanghihina at hindi nakakatulong ang mga gamot na iniinom ko. Alam kong sasabihin ninyo na magpa-opera ako pero alam na ninyo ang sagot ko. Tanggap ko naman ang kalagayan ko at ngayon pa lang dapat ay ayusin ko na ang mga kailangan na ayusin," paliwanag niya.

Bigla ako kinabahan sa mga sinasabi niya at hindi ko gusto ang naririnig ko. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya. Ramdam ko ang kawalan niya ng pag-asa na ngayon ko lang nakita sa kanya. Sobrang hinahangaan ko siya dahil sa mga pinakita niya.

"Jack!" tawag ko sa kanya at nakangiti na tumingin siya sa akin.

"I need someone to take my place in the company," sabi niya bago tumingin sa akin.

"Hindi maari Jack. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao. Isipin mo nga bakit kay Queensley mo ibibigay ang responsibilidad sa kumpanya gayong buhay pa ang anak mo," tutol ni Tita Rose at tiningnan ako ng masama.

"Tama si Tita Rose at saka wala akong karapatan sa mga ari-arian mo Jack," sang-ayon ko.

Nagkatinginan kami ni Tita Rose ng biglang mahinang tumawa si Jack. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Jack ngayon. Mahirap tanggapin ang kalagayan niya at hindi ako naniniwala na tanggap na talaga niya.

"Oo nga may anak ako pero ayaw naman niyang akuin ang responsibilidad sa kumpanya. Ayaw nga niyang makita ang Ama niya na may sakit. Ayaw niya sa mga bagay na pinundar ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga taong naka-depende sa kumpanya lalo na ngayon," malungkot na sagot niya.

"Gusto ko lang naman bago ako mawala nasa ayos ang lahat ng maiiwan ko. Alam ko naman na wala siyang ni katiting na interest sa lahat ng ito kaya hindi na ako umaasa. Hahatiin ko sa inyong dalawa ang maiiwan ko pero may iiwan pa rin naman ako para kay Mark," dugtong niya.

Bakas sa mukha ni Jack ang pangungulila at lungkot. Alam kong mabigat sa kalooban niya at pinipilit lang niya magpakatatag. Minsan nahiling ko na sana ay siya na lang ang tunay kong tatay. Alam kong galit si Mark sa ama niya pero hindi ko maiintindihan kung paano niya natitiis ang ama niya kahit pa nga alam nito na any moment pwedeng mawala si Jack. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ng isang magulang hindi naman siguro dapat maatim ng anak na mawala ito.

"Walang puso talaga ng lalaking 'yon." sabi ko sa sarili habang nakatingin kay Jack.

Narinig ko minsan si Tita Rose na kausap niya si Mark sa telepono at binanggit niya ang tungkol sa kalagayan ni Jack. Kinubinsi rin niya na umuwi at kausapin ang Papa niya pero mukhang Wala siyang balak gawin iyon. Hindi ko maiwasan ang maawa kay Jack na patuloy naghihintay sa anak niya. Napakabuting tao ni Jack at nakita ko kung paano siya tumulong sa ibang tao. At isa na ako sa mga taong tinutulungan niya hanggang ngayon. May malaki siyang puso para sa lahat at may konsiderasyon sa pangangailangan ng ibang tao.

"Kakausapin ko ulit siya. Hindi ako papayag sa mga plano mo Jack at siguradong ganoon din siya. Siya lang ang may karapatan at walang ni isang katiting na karapatan ang babaeng iyan," galit na sabi ni Tita Rose at tiningnan niya ako ng masama.

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Tita Rose at may dahilan siya para magalit. Wala naman akong interest sa kayamanan ni Jack at kahit kailan ay hindi ako naghahangad. Hindi sumagot si Jack at sinenyasan niya ako na alalayan siyang tumayo. Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya tumayo.

"Kung ayaw niya Rose hindi ko siya pipilitin. Hindi ko nga siya napilit noon na bumalik ngayon pa kaya na successful na rin siya," puno ng hinanakit na sabi niya bago humakbang at inalalayan ko siya.

Sa garden kami humantong ni Jack, dahan-dahan siyang umupo at ng maayos na ang pwesto niya saka ako umupo sa tabi niya. Bakas sa mukha niyang nahihirapan at nalulungkot ako dahil wala akong magawa.

"Sorry Queen," pilit ang ngiti na sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Para saan?" natatawa na tanong ko.

"Nadamay ka na naman sa problema ko," sagot niya at umiling ako.

"Ano ka ba Jack alam mo naman na willing akong tumulong hanggang kaya ko. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo sabihin mo lang," sabi ko habang tinatapik ang kamay niya.

"Pero hindi ako pabor sa sinabi mo kanina. Sobra-sobra na ang binigay mo sa akin at wala akong karapatan sa mga maiiwan mo. Tama si Tita Rose si Mark lang ang may karapatan sa lahat ng ito. Huwag mo sanang ipilit sa akin dahil hindi ko talaga matatanggap 'yon," sabi ko at tumingala siya sa langit.

"Ano ba ang plano mo Jack?" tanong ko sa kanya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

"Hindi ko rin alam Queen kung anong dapat kong gawin para bumalik si Mark. Alam mo ba noong nalaman ko ang tungkol sa sakit ko naisip ko na baka 'yon ang maging dahilan para makasama ko ulit siya. I was hoping na kahit paano ay may natitira pang pagpapahalaga sa puso niya para sa akin. Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin kahit pa nga ilang beses na ako humingi ng tawad sa kanya. Bago sana ako mawala gusto ko siya makasama. Mapatawad niya ako para mabawasan ang bigat na dinadala ko. Ilang taon na niya akong tinitiis Quern at masakit 'yon para sa akin. Ganoon ba ako kasama? Hindi pa ba sapat na parusa ang ilang taon na paglayo niya sa akin? Ito na ba ang karma ko?" Alam kong masama akong tao pero hindi ba niya ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon?" malungkot na sabi niya.

Umiwas ako ng tingin para mapigilan ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Lumaki ako na walang kinilalang Tatay dahil walang binabanggit ang nyanay ko. Kahit pangalan o picture ay wala akong nakuha kahit pa sa pinakahuling oras niya. Ang lagi lang niya sagot sa tuwing magtatanong ako ay hindi ko na dapat hanapin o alamin pa dahil hindi ako naging kawalan sa buhay ng Tatay ko. Dagdag pa niya na kung mahalaga ako sa Tatay ko dapat ay noon pa niya ako hinanap. Sa tuwing mapag-uusapan namin ang tungkol sa kanya ay kita ko ang lungkot sa mukha ni Nanay kaya iniwasan ko na ang magtanong pa. Clueless ako hanggang ngayon kung sino ang Tatay ko at kung ano ang nangyari sa kanila ng Nanay ko.

"Nagkamali ka noon Jack pero hindi ibig sabihin noon ay masama kang tao. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit humantong sa ganito pero kailangan lang makapag-usap kayo ng personal para magkaintindihan. Hindi pwedeng habang buhay na lang kayong ganyan dahil magkapamilya kayo. Kailangan lang natin gumawa ng paraan para umuwi siya. Naniniwala ako na kapag nakita ka niya magbabago ang lahat," sabi ko para bigyan siya ng pag-asa.

"Napakabuti mo na bata Queen kaya naman hindi ako nagsisisi na tinulungan kita. Hindi ka na ibang tao sa akin dahil halos sa akin ka na lumaki kaya anak na ang turing ko sa iyo. Nagpapasalamat ako dahil lumaki kang mabuting tao at may mabuting kalooban. Hindi mo rin ako pinabayaan at ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin na lubos akong nagpapasalamat. Hindi man tayo magkadugo pero para sa akin para na kitang anak," nakangiti na sabi niya.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Pasimple akong umiwas ng tingin saka pinahid ang mga luha ko dahil ayaw kong makita iyon ni Jack. Hanggang maari ay ayaw kong mag-alala siya o dagdagan pa ang mga iniisip niya. Hanggang kaya ko ay gagawin ko ang lahat mabawasan lang ang mga problema niya at sakit na nararamdaman.

"At lahat ng 'yon ay utang ko sa 'yo Jack. Kung hindi dahil sa tulong mo hindi ko alam kung ano ako ngayon. Ikaw ang dahilan kung ano ako ngayon dahil pinalaki mo ako. Tinuruan mo ako mabuhay, sinuportahan at hindi pinabayaan kaya utang ko ang buhay ko sa iyo," sabi ko habang pinipigilan ang luha ko.

"Pero gusto ko sanang isipin mo rin ang sarili mo for once. Lagi na lang sa kapakanan ng ibang tao ang inuuna mo. Lahat na lang ginagawa mo para sa ibang tao. I really want to see you happy," sabi niya at natawa ako.

"Masaya naman ako ngayon Jack sa mga ginagawa ko. At saka willing naman akong gawin ang lahat para sa ikaliligaya ng mga taong mahal ko. Ang makita lang sila at kayo masaya, masaya na rin ako. Wala kang dapat ipag-alala sa akin dahil okay lang ako," nakangiti na sabi ko.

Totoo naman na masaya ako kapag nakikita ang mga tao sa paligid ko na masaya at sapat na 'yon para sa akin. Nakita ko ang lahat ng 'yon sa Nanay ko noong nabubuhay pa siya. Ginawa niya ang lahat para sa akin noong nabubuhay pa siya at pagtulong niya sa ibang tao kahit na wala ng matira sa kanya. May pangarap din ako at soon ay matutupad ko na iyon. Kapag okay na si Jack pwede ko na sundin ang pangarap ko.

"Do you trust me Jack?" tanong ko sa kanya.

Nagtatanong napatingin siya sa akin at ngumiti ako. May naisip akong plano at sana lang ay magtagumpay ako. Willing akong mag-sakripisyo para kay Jack bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya. Hindi rin kaya ng konsensya ko na umupo lang at walang gawin.

"Of course I trust you." nakangiti na sagot niya.

Sinabi ko sa kanya ang buong plano ko. Umiiling siya pero pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita. Katulad ng sinabi ni Tita Rose hindi papayag si Mark na mapunta sa akin ang kumpanya. Confident ako sa iniisip kong plano at sigurado ako na hindi niya hahayaang mapunta sa akin ang dapat ay sa kanya.

"No Queen, I won't allow it. This is not your problem to solve. I'll just think of another way but not your plan," umiling na tugon niya.

"Please Jack, let me help you with this one. Whether mag-succeed ito o hindi kailangan natin subukan. Wala naman mawawala kasi matagal na naman may isyu between us at sanay na ako. Kapag nag-fail promise hindi na ako makialam at hahayaan na kita sa gusto mo. Please," pakiusap ko at tumingala siya saka saglit na pumikit.

"Okay but you promise you'll stay out of this when it fails," tugon niya at nakangiti na tumango ako.

"Hopefully mawindang ang pride niya sa gagawin ko and I can't wait kung ano ang gagawin niya," excited na sabi ko at natatawa na umiling naman siya.

"Pero I must warn you Queen hindi ko alam kung paano siya magre-react sa gagawin mo. I'm just concern na baka may gawin o sabihin siya na hindi maganda sa 'yo," nag-aalala na sabi niya.

"Para namang hindi mo ako kilala Jack ang dami ko ng napagdaanan na ganyan. Namanhid na ata ako sa tagal ng panahon kaya okay lang sa akin. Ang goal ko is mag-react siya at maapektuhan siya sa gagawin ko," nakangiti na sabi ko saka ko siya tinapik sa balikat.

"Don't worry this will be fun," excited na dagdag ko.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Anu kaya Ang Plano mo Queen para lang mapauwi Ang anak ni Jack
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
ano kaya lano no Queen para mapabalik si Jack
goodnovel comment avatar
Grace Tamon
exciting ano kaya Ang balak ni Queen ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status