>iii<
"You alright?" tanong ni kuyang gwapo.
Tumango lang ako habang nakatingin sa labas. Alam kong derecho lang din ang tingin niya sa daan kahit hindi ko siya tignan. Ramdam ko ang coldness ng boses nya. Kanina pa kami nakaalis sa hotel at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Ayoko munang magtanong sa kanya. Ayoko munang makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon ina-absorb pa ng utak ko ang mga nangyari kanina. Parang nahihirapan akong tanggapin na nagkaganun si Jake. Maswerte ako at may mabuting loob na tumulong sa akin. Everything felt like a whirlwind. Nalilito na ako. Naguguluhan. Pinagkatiwalaan ko siya, ee, tapos binalak niya akong pagsamantalahan? Hindi ko alam kung trauma ba tong nararamdaman ko, parang hindi ko alam kung paano na ako makikiharap sa iba. Baka mamaya may makilala akong tulad ulit ni Jake, tapos hindi na ako makaligtas? Paano kung wala ng kuyang gwapo na tutulong sakin sa susunod? Tapos narito ako sa loob ng sasakyan ng isang taong hindi ko naman kilala at hindi ko din alam kung saan papunta.
Nagulat ako ng may kamay na humaplos sa mukha ko. Agad akong napalingon sa kasama ko sa kotse. Noon ko lang namalayan na huminto na pala ang kotse pero sa gilid lamang ng highway.
"Don't cry," nangungusap ang abuhing mga mata nito. Hindi ko pala namalayan na umiiyak na ako. Nakitaan ko siya ng concern pero agad ding nawala at napalitan ng matigas nitong anyo. Feeling ko tuloy itinatago niya ang totoong nararamdaman niya. Misteryoso.
Bakit kaya? Ako lang naman ang makakakita bakit kailangan pa niyang itago? Hindi naman masamang maging concern sa iba. Sabagay, sino ba naman ako.
Maya-maya ay kumunot ang noo nya habang nakatitig saken.
"Why are you looking at me like that?" tila naiiritang tanong nito.
Umiling lang ako bilang sagot. Pero nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. Nakakunot pa din ang noo niya, palagay ko iniisip din niya kung ano ang iniisip ko. Noon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa ginawa niya kanina. Naalala ko na naman yung pagbuhat nya saken. Ang sarap sa pakiramdam ng nasa bisig nya. Parang gusto ko nalang na nandun ako. Parang ayoko ng umalis. It felt like home. Home? Home! Muntik ko nang makalimutan, yung mga kaibigan ko? Paano ako pupunta dun? Teka, saan ba papunta dun? Nasaan na ba ako? Bigla tuloy akong napalingap-lingap sa paligid. Anong lugar na ba to?
"What's the problem?"
Nahalata yata ni kuyang gwapo na nataranta ako kaya biglang nagtanong. Oo nga pala, nakatingin pa rin sakin to. Nang lingunin ko siya lalong nangunot ang noo niya, naiinis na ang itsura nya. Hindi ko pa nga pala sinasagot ang tanong niya. Hay naku, pasalamat ka gwapo ka.
"Aa, kuyang gwapo, nasaan na ba tayo?"
"You don't know?"
"Taga-probinsya kasi ako, di ako taga dito. Saka pwede bang wag kang mag-english? Marunong akong mag-english pero nasa Pilipinas tayo no’."
Napapalatak pa ito bago ibinalik ulit sa daan ang tingin. Binuhay niya ulit ang makina at tahimik na nagmaneho ulit. Derecho lang ang tingin nito sa daan kaya malaya ko siyang napapagmasdan. Gwapo talaga ni kuya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, malalim ang mata mukha tuloy siyang may lahi. Sabagay, sa slang na pananalita saka sa kulay ng mata obvious naman. Tapos manipis at pink ang labi, parang ang sarap halikan. Ano kaya pakiramdam ng mahalikan? Masarap daw yun sabi ng iba. Hindi ko pa kasi natitikman. Nagkaboyfriend na ako dati pero hindi ko pinapayagang makascore, hindi ko naman kasi mahal talaga ee. Tulak lang ng barkada. Sabagay, dalawa pa lang naman nagiging boyfriend ko. Ayoko kasi ng papalit palit.
Ano ba yan kanina lang iniisip ko yung nangyari tapos ngayon boyfriend naman. Pambihira. Napapabuntong hininga nalang tuloy ako sa mga nangyayari. Buti nalang nandyan si kuyang gwapo kung hindi baka wala na ang bataan ko. Mariin akong napapikit nang maalala ko yung kanina. Thank you po Lord nakita ko si kuyang gwapo kung hindi po dahil sa kanya hindi ako maliligtas. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag-thank you kay kuyang gwapo.
"Kuyang gwapo", tawag-pansin ko sa kanya kaso parang deadma lang sya.
Napabuntong hininga lang sya at hindi tumingin. Parang masama sa loob nya na niligtas niya ako. Parang nagsisisi tuloy ako na sa kanya ako tumakbo pero kung hindi dahil sa kanya napahamak na ako. Utang na loob ko sa kanya ang kaligtasan ko. Nakakasama naman ng loob, parang nagsisisi siya na niligtas niya ako base sa itsura nya. Masama pa yata ugali ng savior ko.
"Kuyang gwapo-"
"It's Marione," naiiritang putol nya saken. Gwapo na mukha pati pala pangalan. Tapos ang bango pa nya, lalo ko pang naaamoy yung pabango niya dito sa loob ng kotse. Hay, ayaw pa niya yatang tinatawag na gwapo. Pambihira, yung iba nga tuwang-tuwa na tinatawag na gwapo tapos siya naman, ayaw. Hindi ba siya aware kung gaano siya kagwapo? O aware na talaga siya? Sabagay, gwapo nga, masungit naman. Hay, sungit naman ng savior ko.
"What is it?" malumanay na tanong niya. Napansin na siguro niya na nagsusungit na siya sa akin.
"Aa, gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo kanina. Tatanawin ko iyong malaking utang na loob."
Tinignan niya ako mula sa sulok ng kanyang mga mata. Saglit lang iyon at ibinalik na niya ulit ang tingin sa daan.
"Who's that guy chasing you?"
Akala ko hindi na siya magsasalita pagkalipas ng ilang minutong pananahimik. Gusto ko pa namang marinig ang boses niya bago kami maghiwalay. Tsk. Hiwalay talaga? Para kasing music sa tenga. Sarap pakinggan. Teka, kailan pa naging masarap sa pandinig yung boses ng tao? Sa kanta, oo, pero sa pagsasalita, parang hindi naman. Bakit ba parang ang weird ko?
"Dominique, right? Is he your boyfriend?" kunot-noong tanong niya sakin.
"Hindi ko sya boyfriend."
"Then why is he after you? Are you a criminal?"
“Hindi!”
“Then why?” tila nauubusan ng pasensyang tanong niya.
Parang bumalik yata lahat ng nangyari kanina. Kung anong klaseng emosyon ang nakita ko sa mata nya. Kung paano niya ako habulin. Mariin kong ipinikit ulit ang mata ko.
"Kaibigan ko siya. Matagal na. Kaso nag-cross the line siya kaya nasira ang friendship namin." Bumuntong-hininga muna ako bago ipagpatuloy ang kinukwento ko. Parang gusto kong umiyak, hindi dahil sa nasirang friendship kundi dahil sa takot. "Naging okay naman kami, ee, kaso bigla nalang niya akong gustong pagsamantalahan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit bigla nalang ganun. Nagtiwala pa man din ako sa kanya."
"Never trust anyone too much next time. If that happens again, you'll never know if there will be someone who's willing to help you."
Nang tingnan ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Ibinaling ko nalang din ang tingin ko sa daan. Nasermonan pa tuloy ako ngayon. Para namang inulit lang nya yung iniisip ko kanina. Narinig ko pa syang napabuntong hininga.
"Where to? "
Nagtataka namang napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sakin at naghihintay ng sagot. Pagkatapos nito, makikita ko pa kaya ang mga matang yan? Di ba sabi nila, beauty is in the eye of the beholder? But his eyes were beautiful already. Teka ano konek? Ano ba tong pinag-iisip ko. Gusto ko ng katukan ang sarili ko.
Something crossed his eyes but he blinked back immediately and turned his gaze back to the road.
"Where will I take you?"
Doon ko lang naintindihan ang gusto niyang itanong kanina. Agad ko namang naisip ang mga kaibigan ko.
"Pwede ba sa bus terminal sa Cubao?" alangan ang tanong ko kasi baka out of the way, ibaba na lang niya ako bigla sa isang kanto.
"Will you be safe there?" concern evident in his voice though he didn't want to show it. Napangiti tuloy ako ng palihim. Nakakatuwa na concern siya sakin kahit kakikilala niya lang sa akin. Siguro instinct nalang kasi iniligtas niya ako. Hay, ano ba pinag-iisip ko?
"Oo. Nandoon ang mga kaibigan ko, may usapan kaming duon magkikita kita."
Nangunot noo na naman sya sa sinabi ko. Oo nga pala, sinabi kong kaibigan ko si Jake baka iniisip niya na mga lalaki yung kikitain ko. Baka iniisip niya na baka mapahamak na naman ako.
"Mga babae yun. Sila ang kasama ko bago ako mahila nung Jake na yun."
Tumango lang sya at nanatili na lang na tahimik. Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa gawi ko. Nagtataka siguro kung bakit tahimik ako. Wala naman kasing pag-uusapan saka ayoko namang usisain sya.
>vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko naman yung pangyayaring yon. Paano ko nga ba naman makakalimutan na minsan akong
>v<"I see that you're an undergraduate, Ms. Tupaz." "Yes, ma'am", sagot ko sa interviewer. Kasalukuyan akong nag-aapply ng trabaho sa isang department store. At sa kamalas-malasan, pang-pito ko ng pag-aapply ito ngayong araw pero malabo pa din ang pag-asang magkatrabaho ako. Pambihira. Ang hirap maghanap ng trabaho. Kung bakit kasi hindi na umasenso ang ekonomiya ng Pilipinas. "Well, to tell you frankly, we're very much in need of a sales staff right now", sabi ni Ms. Interviewer na tila tinatancha ang reaksyon ko. "but the management requires a college graduate. Pasensya na Ms. Tupaz, pero kung papayag ang management, tatawagan kita agad." Bagsak ang balikat na lumabas ako ng building. Pambihira naman, dahil lang sa letcheng educational background na yan di ako matanggap sa
>vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko n
>vii<Kanina ko pa tinitignan ang damit na eleganteng nakalatag sa higaan na nasa harapan ko. Hindi ko matanggal ang mata ko sa damit. Napakaganda kasi nito. Isa iyong ball gown. Yes, for goodness sake. A ball gown not an evening gown.Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at napapayag ako ni Cass. Sa hinaba haba ng pagtatalo namin, dito din ako nauwi.Nasa kwarto ako ni Cassidy ngayon at nakatayo sa harap ng gown na sinabi niyang isusuot ko daw. Sa totoo lang, kumpleto na lahat. Mula sa sapatos, sa damit, at sa hair and makeup. At yes, sabi nya "she had everything well taken cared of" sa madaling salita, naplano na niya. Kaya heto ako, nilulusaw ang mamahaling damit na nasa harapan ko, baka sakaling hindi ako makasama, ang problema lang, wala akong laser vision kaya ayaw matunaw. "Kahit anong titig mo dyan, hindi yan malulusaw", nakapama
>viii<Nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkadinig sa boses ng lalaking nanggaling mula sa likod ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon. Just hearing his voice made my stomach lurch. How can I ever forget that deep soothing voice of the man who saved me years ago. The voice that can freeze hell when he's fuming mad. Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang yabag nyang papalapit saken. Hindi ako makalingon sa kaba. Bakit ba hindi ko agad naisip na may chance na magkita kami dito? Pero paano kung kaboses lang nya? Marami namang magkakaboses sa mundo di ba? Pero paano kung sya? "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" tila nanunubok na sabi nya. I've sensed the grin on his face. Why the sudden sarcasm? Parang may iba sa tono ng pananalita niya? Isa pa, tinawag niy
>ix<"Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung mukha ng Elric na yun," nanggigigil na litanya ni Cass.Ilang beses ko na bang paulit-ulit na narinig iyon mula pa kagabi pag-uwi nito. Ang Elric na tinutukoy nito ay ang lalaking humabol sa kanya nung party three months ago. Yep, three months ago na simula ng tinalikuran ko ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Three months na din akong nagtitiis ng sakit sa puso dahil sa mga nangyari ng gabing iyon. Kung bakit kahit anong pilit kong kalimutan, pilit na sumisiksik sa isip ko yung ungas na yun. Oo na, hindi ko na ide-deny na sa insidenteng yun three years ago ay na-fall agad ako sa kanya. Tsk. Totoo pala ang love at first sight yun nga lang sa maling tao. Pero ika nga nila, "love is blind". Tss.Hay, tama na nga. Lalong dumadaing si he
>x<"Thank you po, sir," pasasalamat ko sa may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Cess saka diretsong lumabas ng opisina nito para kitain ang kaibigan kong naghihintay sa labas.Pagkabihis ko kanina ay nagmadali agad akong pinapunta ni Cess dito sa restaurant dahil gusto daw akong kausapin ng amo nya. Sinabi nya daw kasi dito na kung maaari nya akong maipasok kahit waitress man lang. Pumayag naman daw agad ang amo nya kaya tinawagan niya ako agad.Matagal ko nang nahahalata na malakas si Cess sa may-ari dahil sa ilang benepisyong nakukuha nito na minsan ay higit sa karaniwan. Minsan nga naisip ko pang may namamagitan na dito at dun sa boss dahil kapag nalelate ito ng uwi ay laging inihahatid ng huli. Kung tutuusin, wala naman sigurong masama kung magkakatuluyan ang
>xi<Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko."Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto."Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko.Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No