Share

Chapter 24

>xxiv<

Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.

Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status