Share

Chapter 7

>vii<

Kanina ko pa tinitignan ang damit na eleganteng nakalatag sa higaan na nasa harapan ko. Hindi ko matanggal ang mata ko sa damit. Napakaganda kasi nito. Isa iyong ball gown. Yes, for goodness sake. A ball gown not an evening gown.

 Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at napapayag ako ni Cass. Sa hinaba haba ng pagtatalo namin, dito din ako nauwi. 

 Nasa kwarto ako ni Cassidy ngayon at nakatayo sa harap ng gown na sinabi niyang isusuot ko daw. Sa totoo lang, kumpleto na lahat. Mula sa sapatos, sa damit, at sa hair and makeup. At yes, sabi nya "she had everything well taken cared of" sa madaling salita, naplano na niya. Kaya heto ako, nilulusaw ang mamahaling damit na nasa harapan ko, baka sakaling hindi ako makasama, ang problema lang, wala akong laser vision kaya ayaw matunaw. 

     "Kahit anong titig mo dyan, hindi yan malulusaw", nakapamaywang na bungad ni Cass pagpasok sa kwarto. Bumaba kasi sya para salubungin ang makeup artist na mag-aayos samin. 

Narinig pa yata niya ang iniisip ko. "Baka sakali lang naman", nakasimangot kong sagot sabay upo sa kama. 

     "Hay naku friend, cheer up. Everything will be fine. It'll going to be a wonderful evening, you'll see", saad ni Cass. "Anyway, eto nga pala si Elsie. Ang mag-aayos sa atin", pagpapakilala niya sa babaeng nasa likuran niya. Ngumiti ito sakin kaya nginitian ko. Mukha namang mabait. At maganda.

     "Shall we?" baling ni Cass doon sa Elsie at iginiya patungo sa vanity mirror nya malapit sa kama. 

     Nang sinimulan ng ayusan si Cass ay nanatili lang akong nakaupo sa kama katabi ang gown na suppose-to-be ay akin. Napakaganda talaga nito. Palibhasa madalang akong magsuot ng ganitong damit kaya minsan lang ako makakita gandang ganda na ako.

    Napabuntong hininga ako sa biglang sumagi sa isip ko. Kailangan ko ng paalalahanan ang sarili ko na mamayang gabi, dapat umakto ako na tila hindi bago sakin ang ganoong party, na kailangan, finesse ang kilos. Demure. Hay, hirap yata. Kailangan yata magmukha akong belong kahit hindi. Pambihira. Kaya ayokong aattend ng ganun ee. Basta, this will be the last. No more next time. 

     Ibinalik ko ang tingin sa gown "ko". Mukhang pangmayaman. Oo nga pala, pangmayaman naman talaga to. It has a touch of black and blue. Off shoulder siya, black ang upper body while royal blue naman sa lower part. Intricate sequins at the waist part. Napakaganda niya. Breathtaking. Ewan ko lang kung ganun pa rin siya kaganda pag suot ko na. 

Bago pa ako makatulog sa kinauupuan ko ay natapos ng ayusan si Cass. Agad itong tumayo at hinila ako paupo sa harap ng salamin. Hindi ko pa gaanong napapagmasdan ang naging ayos niya ay nakasisiguro akong maganda pa din sya. Sabagay, mag-ayos man o hindi ay maganda talaga si Cass. Marami ang kumukuha sa kanya para mag-muse noong nasa highschool kami, ayaw lang nya. Ayaw daw niyang inirarampa ang ganda nya, ayos na daw sa kanya na may nakaka-appreciate. Pambihira talaga ang babaeng ito, maganda na, mabait na, mayaman pa. Total package. Kung bakit walang boyfriend. 

     Tumutol man ako ngayon wala pa ring mangyayari kaya pinabayaan ko nalang sila sa gusto nilang gawin saken. Sabagay, gusto ko ding malaman kung tatalab ba sakin ang powers nitong si Elsie sa pagpapaganda. Let it go? Elsa lang? 

Ang magaling kong kaibigan naman ay prenteng nakasandal sa headboard ng kama niya at panay ang dutdot sa cellphone. Tiwalang tiwala sa makeup artist niya, sabagay sa ayos niya ngayon na nakikita ko sa repleksyon sa salamin, lalo siyang gumanda. Nagmukha siyang beauty queen kahit bahagyang makeup lang ang inilagay sa kanya. 

      Ilang sandali pa ay natapos na ni Elsie ang makeup ko kaya ang buhok ko naman ang binalingan nya. Hindi pa ako tumitingin sa salamin buhat kanina, gusto ko kasing masurprise sa magiging kalalabasan ng pag-aayos sakin. Madalang kasi akong mag-ayos hindi tulad ng mga kaibigan ko kaya curious ako sa resulta nito. 

     "Done", anunsyo ni Elsie na may halong pagmamayabang. Agad na nakuha naman nito ang atensyon ni Cass. 

     Hay salamat, natapos din. Ibinaba ko ang binabasa ko at tumingin sa salamin para lang mapatanga sa repleksyong nakatunghay sa harapan ko. 

     Pwede ko bang sabihin kahit ngayon lang na, ang ganda ko?

     Hindi kakapalang makeup ang inilagay ni Elsie sa mukha ko at ang buhok, she pulled it into a messy but elegant bun. Nag-iwan siya ng ilang loose strands at kinulot ang dulo. At dahil hindi nga ako sanay na nakapustura lagi, masyado tuloy akong namangha sa nagawa niyang milagro sa akin. Pinagpalang tunay ang mga kamay. 

     Nakita ko pang tumayo si Cass sa likod ni Elsie habang may ngiting tagumpay sa kanyang mga labi. 

     "I knew it", pagmamalaking sabi ni Cass sabay tapik sa balikat ni Elsie. "Great job."

     Magkahalong tuwa at kapilyahan ang kinang sa mga mata ni Cass habang nakatingin sa repleksyon ko. Nagmukha tuloy siyang spoiled brat na nakuha ang gusto. Parang kinabahan yata ako bigla sa ngiti nya. 

     Inip na nakatunghay ako sa mga pares na nagsasayawan sa gitna ng dance floor mula sa lamesang nakareserba para samin ni Cass. Seriously, kanina pa sila don, hindi ba sila napapagod ng kakaikot? At itong mga katabi ko, hindi kaya napapagod sa kakakwento kung gaano sila kayaman? Hay! kung bakit kasi umalis pa si Cass, mukha tuloy akong loner nito. Hindi lang pala loner, out of place pa. 

      Mahigit isang oras na mula ng dumating kami sa ball na sinasabi ni Cass. Charity ball daw, yun pala birthday party. Debut to be exact. Pambihira, ganito lang pala aattendan namin, akala ko makabuluhang charity ball. Muntik ko na tuloy batukan si Cass kung hindi ko lang kailangang magpaka-demure ngayon. Sinabi lang daw niya iyon para sumama ako, pero totoo naman daw lahat inedit nya nga lang yung iba. Tsk, ee kahit ano namang tanggi ang gawin ko, napilit pa din nya ako. 

  Heto tuloy ang ending ko, nagsusulok habang nowhere to be seen ang magaling kong best friend. Halos mag-iisang oras na mula ng magpaalam siyang kakausapin lang ang daddy nya para dun sa sinasabing gustong ipakilala sa kanya, which she reluctantly agreed to, pero hanggang ngayon wala pa. 

     Actually, masaya naman ang party. Sa magarang garden ng bahay ng celebrant ginanap ang party. Only daughter daw kaya mas pinabongga ang celebration. Malawak ang garden kaya kayang ihandle ang maraming guests. Ang sabi ni Cass, well-known businessman daw ang ama ng debutante kaya maraming kilalang businessman at personalidad na mga bisita. Sa madaling salita, business associate din ito ng daddy ni Cass kaya sila invited. May ilang artista pa nga, buti nalang hindi ako mahilig sa showbiz kaya hindi ako na-i-starstruck sa kanila. Yun nga lang, nakakaintimidate ang mga tao. Nakakapangliit ng pakiramdam na kapag pinag-uusapan ang estado sa buhay, wala ako sa kalingkinan nila. Tsk, ngayon ko mas pinagsisisihan na sumama talaga ako kay Cass. Wallflower tuloy ang peg ng ganda ko ngayon. 

Pero once in a lifetime experience din ito na makapagsuot ng gown. I felt like a princess right this very moment. Yun nga lang, wallflower princess. 

     "Can I have this dance, miss ?" approach ng isang gwapong lalaking sumulpot sa harap ko. Gwapo sana si kuya kaso ayoko makatawag ng pansin. 

     "Sorry but... I don't dance", alangang sagot ko. Buti nalang well practiced ang english ko kung hindi nagkanda-utal na ako. Salamat sa mga kaibigan kong englisera. 

     "Oh... Sad to hear that. Excuse me." Iyon lang at dire-direchong umalis ang lalaki. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. 

     Napasimangot tuloy ako out of frustration. Hindi lang sya ang nag-iisang lalaking nag-aya saken na sumayaw kaya hindi lang sya ang nag-iisang tinanggihan ko. Kung kailan napansin na ng mga earthlings na maganda pala ako saka naman hindi ko pwedeng ipangalandakan. Ayoko kasi makakuha ng atensyon na tulad ng nangyari kanina. 

Hindi naman kami nahuli ng dating ni Cass para magkaroon ng grand entrance na pwedeng kumabog sa debutante pero sa kung anong dahilan ay bigla silang naglingunan samin. Feeling Cinderella naman ako.

   They're all seem to be stunned based on the look on their faces. Parang ngayon lang sila nakakita ng tao nang mga oras nayon. Binulungan pa ako ni Cass na ako daw ang dahilan kung bakit sila nakatulala, pero inismiran ko lang sya. Pinagtitripan na naman ako ng magaling kong kaibigan. Napailing tuloy ako. Alam ko namang maganda ang kasama ko, hindi na nila kailangan mag-react ng ganun. 

Anyway, back to reality, ano kaya ang ginagawa ni Cass? Nagsabi pa syang hindi nya ako iiwan pero hayun at kung saan saan nakakarating. Hay, ayoko mang umalis sa comfort zone ko ngayon kung saan ako nagsusulok para hindi ako ganong mapansin, kailangan ko ng hanapin si Cassidy. May mangilan ngilan kasing panay ang tingin sa direksyon ko, feeling ko tuloy ako yung pinag-uusapan nila. Maganda na din siguro ito para ma-exercise ang binti ko dahil inuugat na ako dito kakaupo. Makalayo man lang sa mga mapanuri nilang tingin pati rinding rindi na din ako sa mga usapan nilang puro pasikatan. 

     Habang naglalakad sa gitna ng mga nagkakasiyahan, at dahil na din sa kakalingon kung saan-saan, hindi sinasadyang nabangga ko ang isang waiter na may tangan na tray ng alak. Hindi naman malakas ang pagkakabangga at hindi rin naman ako natapunan ng alak, yun nga lang nakatawag iyon ng pansin sa ilang bisita kaya napalingon sila sa amin. Ano ba namang katangahan to, Dominique. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. 

      "Sorry", hinging paumanhin ko sa waiter na ngayon ay nagpupulot ng ilang nabasag na kopita sa damuhan. "I'm so sorry. Hindi kasi kita nakita."

     "Ok lang ma'am, aksidente po."

     "Sorry ulit", ulit ko bago ako payukong naglakad paalis. Gusto ko sana siyang tulungan but that's not the proper way an elite should act in this kind of situation. Isa pa, those intense glare were too much to handle. Wala tuloy akong magawa. Pambihira, that was quite a scene, naku ka talaga, Dominique. 

     Nang masiguro kong nakalayo na ako ay saka ko ulit hinagilap si Cass. Lagot talaga sakin yun mamaya pag nakaalis na kami dito. 

Papunta na ako sa kabilang bahagi ng garden, kung saan hindi gaanong naiilawan at walang katao-tao, nang may matanawan akong dalawang pigura. Hindi ko maaninag ang mukha nila dahil bukod sa hindi gaanong abot ng liwanag galing sa party ay may kadiliman din sa lugar. Pero mula sa kinatatayuan ko ay nasisiguro kong lalaki at babae iyon na tila nagtatalo. Malakas ang kutob kong si Cassidy iyon. 

     "Seems like the wallflower has decided to step out of her comfort zone."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status