Share

Chapter 11: Reasons

ANICA

"Anica seryoso napapa'no ka? Buong araw ka wala sa sarili."

Hanggang sa makauwi kami, hindi ko pa rin alam ang isasagot ko kay Fio. Nakaupo siya ngayon aa sahig at ako naman nakahilata sa sofa. Madalas rin naman kasi talaga siya dito, kahit andito mga magulang ko o wala.

"Kahit nga si Aries na kumausap sayo parang wala ka sa mood. Eh simpleng kita mo palang dun kulang na lang isipin ng mga tao kamatis na yang mukha mo."

Isa pa yun. Kinausap talaga 'ko ni Aries kanina pero alam ko sa sarili kong wala akong naramdamang kilig o kung ano.

Something's wrong. Pero hindi ko alam kung ano yung something na yun.

"Pahinga lang siguro kailangan nito." Mahina kong sambit at saka napakusot sa mga mata ko. Kanina ko pa nga nararamdaman na parang ang hina hina ko.

Baka kailangan kong mag milo para mabeat 'tong energy gap.

"Sige. Akyat ka na sa kwarto mo. Balik na 'ko dun sa'min. Tawag ka lang pag sumama pa pakiramdam mo ah?" Bilin ni Fio bago umalis na tinanguan ko lang. Nagpasalamat ako sa pagsama niya sa'kin at saka na tumaas sa kwarto ko.

Humilata ako agad sa kama at saka nga nakaramdam ng labis na pagod. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nag overwork o kung ano pa.

Pakiramdam ko ang hina hina ko talaga.

Makalipas ang ilan pang minuto, nakatulog na nga ako.

RAIN

"Hmm, so that's why I didn't see you at school today. Di ka pinayagan ng kuya mo?" Tanong ni Kira na andito na naman sa kwarto ko. Tahimik namang gumagawa ng kung ano si Ulap dun sa isang gilid at si Kuya Storm naman, tahimik ring nagtatype pa rin sa laptop.

"That and because I had another attack just this noon." Sagot ko. I saw a dash of worry on her face, but I didn't give a reaction.

"Alam mo pati si Anica parang may sakit rin buong araw."

At the mention of her name, I felt slight pain in my head that made me close my eyes. I took deep breaths and I opened them again, only to see my surroundings change.

Yung mga puting pader sa kwarto, napalitan bigla ng kulay kahel. Yung mga light bulb, naging lanterns na lang bigla. Yung hospital gown na suot ko naging pula at nagbago pa yung tela niya. I saw my own reflection in one of the mirrors and a beard was evident on my face.

Dahan dahan akong tumingin sa gawi ni Kira at doon na napansing nagbago rin yung suot niya. She was wearing a night gown and was staring right at me. Yung buhok niyang hanggang balikat lang biglang humaba at umabot na sa bewang niya. Her face remained the same, but her other features changed.

"What's wrong, Your Highness?" Tanong niya pa. Ha? Ano daw?

Tumingin rin ako sa direksyon ng mga kapatid ko, para lang makitang wala sila doon. Nasa isang silid ako na kahel ang kulay ng pader, lantern lang ang nagsisilbing ilaw habang nakahiga sa kama at may kumot na nakabalot sa kalahati ng katawan ko.

Where the hell am I?

"Your highness, Lady A--"

Hindi ko na narinig pa yung sinabing iba nung babae na kamukha ni Kira. Bago pa man niya masabi yung pangalan o matapos ang sasabihin niya, napapikit ako dahil sa sakit sa ulo ko.

It was like my brain was slowly being forced opened kaya hindi ko na napigilang sumigaw.

Nagtagal yung sakit. At kada minutong lumipas, mas lumalala lang yun at kulang na lang ay mamaos ako sa kakasigaw dahil sa sakit.

"Prince Rio? Prince! Your Highness! I'm here. Please, please calm down."

Ng marinig ko yun, parang may kung anong nagsabi sa'king buksan ko raw ang mga mata ko. Ng gawin ko nga, wala akong ibang nakita kundi ang itim na paligid.

At isang babaeng tumatakbo papunta sa'kin. I was no longer on a bed, I was on the ground. I saw drops of blood near me and I was still in pain.

Ng makalapit sa'kin yung babae, umupo siya upang mapantayan ako at saka ako yinakap.

I couldn't see or identify who she was, but she brought comfort.

Napapikit ulit ako at saka na unti unting nawala yung sakit sa ulo ko. Ng maramdaman kong wala na, iminulat ko na ulit yung mga mata ko.

Only to find myself back in my hospital room, Kira talking but not looking at me. I scanned the place. Wala na yung babae. Balik na sa dati lahat.

I even looked at my brothers. Andun na sila ulit sa pwesto nila.

"So Fio ended up taking her home." Rinig kong pagtatapos ni Kira sa sinasabi niya. "Oh, uhmm, I hope she gets well." Sagot ko na lang dahil iniisip ko pa kung ano yung nangyari.

That felt way too real to just be a dream. 

"Anyway, ikaw ba?" Tanong na naman niya sa'kin at napabuga na lang ako ng hangin. "I'll be able to go to school tomorrow. I didn't miss that much, did I?" tanong ko at napatingin sa kanya na nakatingin lang rin sa'kin. 

Maya maya pa, binuksan niya yung bag niya at saka may inabot sa'king mga papel. "Not much, requirements lang naman binigay nila ngayon." Kukunin ko na sana yung inaabot niyang mga papel ng si Ulap na humablot n'on at saka binigay kay Kuya Storm na agad namang may tinawagan at narinig pa naming tatlo yung pinag usapan nila. 

"Miko, we'll be buying something. Go to the hospital in 30." 

Pagkatapos n'on, napatingin ulit ako kay Kira na napahikab kaya nahawa ako at natawa naman siya. "I'm not making you uncomfortable, right?" 

Napakunot tuloy noo ko. "What's with the sudden question? If you were making me uncomfortable, then why do you think you're there, seated on a chair beside my bed and I'm talking to you?" 

"Hoy! Ang suplado neto." Sinamaan namin ni Kuya Storm ng tingin si Ulap na siyang nagtapon sa'kin ng unan at natawa lang si Kira. 

"Just making sure, Rain." Sambit naman ni Kira. May sasabihin pa sana siya ng magsalita bigla si Kuya Storm kaya napatingin kami sa kanya. 

"Kira, may I ask something?"

Tumingin sa'kin si Kira at tumango naman ako. Kahit hindi ko alam kung bakit ako tumango. Maybe that was my way of reassuring her? 

"Sure.." Napatigil siya saglit. "po."

"Do you know a girl named Meera?"

Pagkarinig sa tanong ni Kuya, napayuko si Kira bago pa man sumagot. "I.. I do. Why?" Hindi ko napigilan yung sarili kong umusog para tignan kung umiiyak ba siya o hindi. Which I found unusual. 

I'm not usually like this.

"Seeing how you're reacting, I shouldn't have asked that. My apologies, Kira." Agad na sagot ni Kuya Storm at saka naman tumango at ngumiti ng tipid si Kira. Ng humarap siya sa'kin, napansin ko yung bracelet na suot niya dahil bigla yung kuminang. Napansin niya rin na nakatingin ako doon kaya nagtanong siya. "Want to know how I got this?" Tanong niya.

Ang daldal talaga.

Hindi na lang ako kumibo. Alam ko namang kahit hindi ako kumibo, magkekwento pa rin siya. 

How I know that? I observed. 

"This was actually from someone I met 5 years ago. Just the usual thing happened." Panimula niya at nakangiti pa habang hinahawakan yung bracelet na puti yung tali at blue saka violet naman yung beads. 

Ng mapatagal yung tingin ko sa bracelet na yun, nagsimula na namang sumakit ulo ko pero hindi ko ipinahalata masyado. Dahil na rin siguro sa kaya ko pa namang tiisin yung sakit. 

But the longer I ignore it, it's getting worse. My head's throbbing. 

"We became close, I fell for him, the feelings became mutual, but I had to let go." Pagpapatuloy ni Kira habang nagpapanggap pa akong walang nararamdamang sakit sa ulo ko. 

"Because like his name, he went to somewhere I can't go see him again. He went with the clouds." Pagtatapos niya at doon na talaga sumakit ng sobra yung ulo ko kaya napahawak na naman ako rito at alam kong nataranta na naman sila. 

"R-Rain?" Boses ni Kira. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko na siya nagawa pang tignan. Kahit sino sa kanila. 

Echoes were in my mind. Different voices, different tones, accents, everything. Every second that passed the more echoes filled my head. And the last thing I heard before I fell back on the bed was something that confused me. 

"Rain.. Are you okay?" 

It wasn't Cloud's, Kuya Storm's or even Kira's or one of the nurses' voice. I recognized it right away and again, found it unusual. 

It was hers. I heard Anica's voice. But she wasn't here.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status