Share

Intentional Mistake
Intentional Mistake
Author: amiteousgal

Chapter 1: What's Happening

ANICA

"You're aware na huling

taon mo na 'to sa senior high diba?" Tanong sa'kin ng kapatid ko habang naglalakad kami papunta sa registrar's office.

Pasukan na naman next week kaya andito kami sa school, para magenroll.

Actually ako lang naman. My brother already graduated at hinihintay na lang niya yung results sa Licensure Examination for Teachers na tinake niya.

"I'm aware kuya. And yes, hindi pa 'ko nakakadecide sa course na itetake ko, but I'm getting there." Sagot ko. Alam ko naman kasing ang inaalala niya ay yung pagcollege ko next year. At dahil close ako sa kanya at hindi kila mama, alam niyang hindi pa ako nakakapili ng course.

Ni hindi ko pa nga alam kung ano gusto kong maging eh.

But I don't let that ruin my day. Alam kong balang araw malalaman ko rin kung ano talaga yung gusto ko. My parents actually have a plan for me and everything, but I'll be the one to attend the classes, not them.

Though, I'm taking their plan into consideration too syempre.

Nakarating na kami ni kuya sa harap ng registrar's office at saka ako humingi ng enrolment form. Kilala na ako nung personnel na andun so yeah, haha.

I took a seat while I filled out my form. And while I was doing that, yung kapatid ko naman ay napag isipang maglilibot muna siya rito sa alma mater niya. University 'to and dito rin siya nagcollege, pero iba yung College Buildings sa Senior High School and Junior High School and syempre sa Elementary Buildings, so I understand why he would miss it.

Busy akong nagsusulat habang kinakausap yung sarili ko pag may hindi ako maintindihan ng biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

It's here again. I'm feeling it again.

Teka lang, bakit ba 'ko kinabahan bigla?

May ibang estudyanteng dumating at may isang dumaan sa harap ko at umupo rin.

Wala sa sarili akong napatingin sa kanya.

What the fudge, Ani what are you doing?

Tanong ko sa sarili dahil sa hindi malamang rason ay nakatingin pa rin ako sa kanya. Nabalik lang ako sa katinuan ng mahulog ko yung ballpen ko. Agad ko yung pinulot at saka napabintong hininga na lang at binalik ang atensyon ko sa form.

Dahil sanay na 'ko sa proseso at kabisado ko na nga, hindi na 'ko nahirapan pa. Pero dahil sa mabagal ako magsulat, may mga estudyante nang nakapila kaya pumila na rin ako. Tinext pa 'ko ni kuya na pag tapos na raw ako ay abangan ko na lang siya sa waiting area.

"Uhmm.. Miss? Sayo 'to?" Rinig kong tanong ng kung sino. Napalingom ako sa kaliwa ko kaya nasampal muna yung nagtanong ng buhok ko. "Hala, sorry po!" Agad kong sambit. Okay lang." Sagot niya naman.

Napatingin ako sa hawak niyang wallet kaya nanlaki pa yung mata ko. "Wallet ko! Thank you po!" Tugon ko at saka kinuha yung wallet ko na inaabot naman niya sa'kin.

Tipid siyang ngumiti at tumango. Tumalikod na siya at hindi ko alam pero sinundan ko siya ng tingin.

His black yet messy hair catching my attention. Matangkad rin, mas matangkad sa'kin, di gaanong payat di rin gaanong mataba. Siya nga pala yung lalaking dumaan rin kanina na tinignan ko rin.

Ng marealize kong nakatitig na naman ako, agad kong binalik sa harap yung tingin ko at naramdamang uminit yung pisngi ko. Anica naman kasi! Huhu.

Tinapik tapik ko pa yung pisngi ko at buti na lang, ako na yung sumunod na inaccomodate nung registrar.

Nagbayad na 'ko ng tuition at nagpabalik balik pa sa registrar at finance. Ng makuha ko yung enrolment form ko, tinignan ko agad yung section.

Grade 12 STEM Class 2A.

Hindi ako nasa first section kagaya ng nakasanayan. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba, pero nasabi ko na sa kuya ko na curious ako kung ano feeling ng wala sa first section, sa star section.

Hindi naman sa ano ako, sa nag eexcel talaga sa studies. Tama lang. Pero ewan ko ba.

Tinext ko na yung kuya ko habang naglalakad papunta sa waiting area at ngcmakarating doon, ay umupo naman ako.

Sakto namang tumunog ulit yung cellphone ko dahil sa tawag galing sa best friend ko. Pagkasagot ko, isang malinaw na malakas na "ANICA MELENDEZ!"

"Fio alam ko kung ano pangalan ko. Bwiset ka mabibingi ako sayo." Saad ko. Tumawa naman yung nasa kabilang linya kaya napairap ako. "Naka enroll ka na?"

Tanong niya. Tumango tango naman ako at sumagot. "Yup. Kakatapos ko lang actually. And guess what, nagkatotoo yung wish ko na maranasan ang kahit isang school year na wala ako sa first section!" Masaya kong sambit. "Hindi first section? 2A ka ngayong year? Ayos! Kaklase kita!"

Pagkarinig nun, para akong napasapo sa noo sa utak ko. Pa'no ko nakalimutang 2A rin pala section ni Fio? Fudge. Mas maingay ako pag kasama siya. Naaawa ako sa future classmates namin pati na sa adviser. Joke HAHAHAHA, pero maingay kasi talaga kami pareho huhu. Prankster si Fio habang ako, ewan, pasaway na matino paminsan HAHAHAHAHA.

"Nga pala, Fio. Ano.. Kasi.." Gusto kong sabihin sa kanya na bumalik na naman yung nararamdaman ko.

Yung pagbilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan, dati pa nangyayari. Pero yung kanina, unang beses yun na ganun siya kabilis. I've already got checked on by a doctor and it was said na wala namang mali.

"Ano? Huy ayos ka lang?" Tanong niya. Kinalma ko naman yung sarili ko. " It happened again, Fio." Saad ko at napayuko. Curioud na curious na 'ko ba't ko yun nararamdaman. Hindi ko masabi kay kuya kasi paniguradong mag aalala yun ng sobra, isipin na may kung ano na sa puso ko eh wala naman.

"Bumilis na naman? Luh?" Tanong niya. "Oo. Ang nakakaano pa, mas mabilis yung kanina. Hindi naman sko nagpapapalpitate kasi hindi naman na 'ko nagkakape recently." Naisip na namin ni Fio dati na baka dahil sa kape, pero hindi rin.

Curious na curious na 'ko. Gusto kong malaman ba't nagkakaganito puso ko.

"Wala namang ibang masakit sayo? Ngayon ba?" Tanong niya ulit. Pinakiramdaman ko naman yung sarili ko at hindi naman na nga. Kalmado ako.

Sasagot na sana 'ko ng may marinig akong nagsalita. "Mhmm. Grade 12 STEM Class 2A. Says here nice and clear."

Kaklase ko? Sino yun?

Agad hinanap ng mga mata ko yung nagsasalita palang, pero hindi ko makita dahil dumami nga yung mga estudyante. Magsasalita na sana ako para sagutin yung tanong ni Fio ng bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pero ngayon may kasama nang pagsakit ng ulo ko.

Napapikit ako at napahigpit yung hawak sa cellphone ko. "Ani? Anica andyan ka pa? Ani anong nangyayari? Anica ayos ka lang?" Rinig kong sunod sunod na tanong ni Fio, pero kahit isa hindi ko masagot.

Lumala yung sakit sa ulo ko kaya hindi ko maiwasang mapa aray. Naramdaman kong may mga nakatingin na sa'kin.

"I think she needs to go to the clinic." Sabi ng kung sino. "Bukas po yun ngayon." Rinig kong sabi naman ng kung sino. Ng maramdaman kong may bumuhat sa'kin, naramdaman kong bumagal ng konti yung tibok ng puso ko. Pero yung sakit sa ulo, andito pa at hindi nababawasan.

Narinig ko rin ang pagbukas ng isang pinto at saka ko naramdaman ang malambot na kama.

Agad naman akong pinagtuonan ng atensyon nung nurse at saka niya kinuha yung cellphone ko. Nakapikit lang ako dahil sa sakit na dulot ng ulo ko, at dahil ns rin sa hanggang ngayon hindi ps kumakalma 'tong puso ko.

"Anica breathe.." Mahinahon na saad nung nurse. Sinubukan ko naman. Ginawa ko yun ng ilang beses hanggang sa nabawasan yung sakit sa ulo ko. Sa ganitong sitwasyon, nasanay ako na may nahahawakan para kuhanan ng lakas. Noong bata ako, lagi akong nakahawak sa kamay ng mama ko. Dahil sa kasanayan, naghanap yung mga kamay ko ng mahahawakan dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Pero hindi ko naman inasahan na may magkukusang hahawak doon. "Hold my hand if you need something to hold on because of the pain." Rinig ko pang sabi niya. Ang kaso, pagkahawak niya sa kamay ko ay mas bumilis yung tibok ng puso ko at mas sumakit yung ulo ko.

Para ring may kuryenteng dumaloy sa kamay niya papunta sa kamay ko. Pero dahil na rin sa yun ang nahahawakan ko, yung pagkakahawak ko dun yung humigpit at maya maya, wala na 'kong naramdamang parang kuryente at nagsimula nang kumalma yung puso ko.

Pinatuloy ko yung breathing exercise na sinabi nung nurse na gawin ko kasabay ng paglagay niya ng kung ano sa ulo ko.

Makalipas ang hindi ko alam kung ilang minuto, wala na 'kong nararamdaman sakit sa ulo ko at balik na sa normal ang tibok ng puso ko. Pinainom rin ako ng gamot at syempre, ng tubig.

Ng iwan ako nung nurse, saka ko lang napagtanto na hawak ko pa pala yung kamay niya. Hawak ko ang kamay ng isang taong hindi ko nga kilala.

Ng tumingin ako sa kanya, saka ko lang nahalata na siya rin yung lalaking umupo malapit sa'kin, nagbalik ng panyo ko at ngayon, siya pa yata yung nagdala sa'kin sa clinic at ngayo'y may-ari ng kamay na hawak ko dahil sa sakit na naramdaman ko bigla kanina lang.

Agad dumaloy sa katawan ko yung hiya.

"S-Sorry po.. Hindi ko po sinasadyang ano.. Nakasanayan ko na po kasi.." Nahihiya kong sambit at saka yumuko.

"Ayos lang. Pero wag ka munang yumuko, baka mahilo ka." Rinig kong sabi niya. Ang kalmado niya pa pakinggan. Katulad nga ng sabi niya hindi ako yumuko. Maya maya pa, dumating na si kuya na halata ang pag aalala sa mukha. Bago pa man siya magsalita, inunahan ko na. "Okay na 'ko kuya."

Nakahinga siya ng maluwag at saka kumalma at napatingin sa kasama kong sa kasalukuyan ay nakatayo lang at nakasandal sa pader.

"Did you bring my sister here?" Kailangan talaga english? Aynako kuya. Agad namang tumingin sa kanya yung lalaki. Nakatingin ako sa kanya at ramdam kong bumibilis na naman ng konti yung tibok ng puso ko. Pinakalma ko muna yun at saka binalik ang tingin ko sa kanila. Tumango siya at nagsalita ulit si kuya. "Thank you. Uhmm.."

"Rain." Sagot niya. Ay wow, pag makaclose ko 'to Ulan ang itatawag ko sa kanya. "Nice to meet you, Rain. Thank you kasi nadala mo 'tong kapatid ko dito sa clinic." Sabi naman ni kuya at saka tumingin sa gawi ko na nakaupo lang dito sa clinic bed. "It was no problem. At nakakatuwa rin pong makilala ka." Dagdag pa niya na nagpangiti kay kuya. Tumingin ulit si kuya sa'kin at saka sinenyasan ako na magsalita rin.

"Oh uhmm, Ul-- I mean, Rain. Yeah, thank you. And uhmm, I'm Anica."  Pagpalakilala ko rin. "Nice meeting you, Anica." Sagot niya. Naalala ko namang sinabi niya yung section niya kanina kaya nagsalita ako ulit.

"Oh, and uhmm, baguhan ka dito diba? Grade 12 Class 2A?" Tanong ko na ikinagulat niya pero tumango rin naman. Ngumiti muna 'ko bago nagsalita. "See you next week, classmate."

Ngumiti naman siya. Naiwan kaming dalawa ng kausapin muna ni kuya yung nurse. Di pa nga naglilimang minuto ng makaalis si kuya, nagsalita na ulit si Rain, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"I'll be going ahead." Yan lang sabi niya at tinanguan ko naman. Umayos siya ng tayo at naglakad na palayo ng mapatigil siya kaya napatingin ako sa gawi niya. Nasa may kurtina siya at liliko na lang sana pero yun nga, napatigil siya.

Nagsalita siya ulit at pagkatapos nun ay nagpatuloy na sa paglalakad ng hindi ako nililingon.

Pero sa hindi ko malamang dahilan, parang sobrang pamilyar ng sinabi niya, at naging dahilan iyon para sumakit ulit ng kaunti yung ulo ko kaya minasahe ko muna ito.

Pero nagreplay pa talaga sa utak ko yung sinabi niya.

"See you again." 

Tatlong salita lang yun pero parang napakapamilyar. Na parang ilang beses ko nang narinig pero nagkakakilala palang kami ngayon at hindi ko naman maalalang nakita ko na siya sa ibang lugar.

Nakakunot na noo ko at ang mas napakunot pa ng may sumagi bigla sa isip ko.

Isang lalaking

naglalakad palayo, suot ang uniporme ng isang sundalo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status