Share

Chapter 3: The Strings Attached

ANICA

Ba't ang gwapo ni Aries?

Pakisagot ng tanong ko! Huhu, ma ang gwapo niya ma TT_TT

Nakasimpleng shirt and jeans lang siya pero litaw na litaw na yung kagwapuhan niya huhu. Yung aura pati, the gentleman yet bad bot aura is so strong na mas nafafall yata ako.

"Thanks for waiting, Anica. My sister took a bit of my time since she wanted to go somewhere and I had to drive her there." Paliwanag niya ng makalapit sa'kin na nakatayo lang sa harap ng gate ng school namin.

"H-Ha? Ahh okay. Pasok na tayo?" Tinanguan niya lang ako at pumasok na nga kami pareho. Andito palang ako kahapon eh hahaha, who knew na babalik pala 'ko agad?

"So, nakaenroll ka na?" Tanong bigla ni Aries. "Yup! Grade 12 STEM Class 2A." Sagot ko naman. STEM student kasi ako habang 'tong kasama ko ngayon HUMSS student. "Oh? Same, wala rim ako sa first section sa strand namin." Sambit niya. Nagkwentuhan lang kami pareho habang naglalakad papunta sa office ng Student Organization. Tamang greet na rin sa teachers na andun.

Nakarating na kami sa harap ng pinto at saka naman yun dahan dahang binuksan ni Aries. Bumungad sa'min yung isa naming teacher na nakatayo sa harap ng bulletin board namin.

"Mrs. Guevarra?" Paglasabi nun ni Aries, agad siyang humarap sa'ming dalawa. "Oh? Andito pala kayo, Aries, Anica. Mag aano kayo?" Tanong niya. "Pag uusapan lang po yung plans ng SO para sa coming school year." Sagot ko.

Tumango naman siya at saka ilinibot ang tingin sa SO Office. "By the way, may gagawin ba kayo pareho for the rest of the day? Mind cleaning and prettying up this office?"

"I won't mind po, Mrs. Guevarra." Sagot ni Aries. Si Mrs. Guevarra kasi yung tumatayong advisor ng SO kaya na rin siguro andito siya. Huhu, pero sabi ko kay kuya bibili na 'ko mamaya ng gamit ko eh TT_TT

Pa'no na ba 'to? Hngg. Alangan namang iwan ko yung president namin dito. Hays.

"Ako rin po. Kami na po bahala rito." Dagdag ko. Alam kong napatingin sa'kin si Aries pero hindi ko na pinansin. Ngumiti lang si Mrs. Guevarra bago nagbilin sa'min ng kung ano ano pa at saka umalis na.

"Didn't you say you had something--"

"Hindi ako nang iiwan hoy. Saka, may ibang araw pa para dun." Pagpuputol ko sa sinasabi niya at saka ngumiti. Naglakad na 'ko papunta sa mga bintana at saka iyon binuksan.

May binulong pa si Aries na kung ano pero siya lang naman ata nakaintindi kaya nagkibit balikat na lang ako.

"Let's get this discussion started, Miss Melendez." Sabi niya ng matapos akong buksa yung mga bintana at pati na yung isang electric fan.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Huhu iba kasi yung pakiramdam pag sinasabi niya yung apelyido ko eh.

"You know you don't have to be that formal right? Call me Anica or Ani or even Ica. It's fine with me." Sabi ko ng maupo ako sa upuan na kaharap ng sa kanya at kinuha yung folder na nasa mesa.

"Why does no one call you by your second name?" Tanong niya bigla. Nagkibit balikat ako bago sumagot. "Hindi ko rin alam actually. I mean, siguro kasi nung elementary umiiyak ako pag tinatawag ako gamit second name ko. Pero hindi ko alam kung bakit." Saad ko.

"But you're not comfortable with it right?"

"Yup. Truth be told I'm just waiting for someone to call me something other than Anica, Ani or Ica. But now that you mention it, wala nga talagang tumatawag sa'kin ng Lianne." Sagot ko sabay nguso.

"I'll call you Lianne then. So when you hear that, you automatically know who it is." Saad niya sabay ngiti.

Juiceko po tang na orange na matamis yung puso ko ayaw nang kumalma.

Napayuko ako para itago yung namumula ko nang pisngi. Sakto naman at may tumawag kay Aries kaya tumayo muna siya saka lumabas.

Puso kalma na huhu, si Aries kasi TT_TT

RAIN

Now I feel happy.

This is a bit off but okay.

"Hoy ulan, baka gusto mong bilisan kilos mo diba? Nasa kotse na si kuya Storm. Alam mo naman kung gaano kaikli pasensya nun." Sabi ni Cloud ng bigla na naman siyang sumulpot sa kwarto ko. "Cloud can you stop acting like a mushroom that just pops out of nowhere? With thst attitude, you're going to give me a heart attack."

"Nyenye, di mo na 'ko tinatawag na ulap." Yun lang sinabi niya at lumabas na sa kwarto ko.

Kadalasan talaga ulap tawag ko dun, pero ewan ko ba. Sarili ko di ko na maintindihan recently.

Lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba na saka dumiretso sa kotse ni kuya. Siya raw sasama sa'min ngayon na mamili ng gamit namin.

Ilanh minuto pa lumipas ng dumating na rin si Cloud kaya nagmaneho na si kuya paalis.

Ah, baka nagtataka kayo kung bakit hindi kuya tawag ko kay ulap eh isang taon tanda niya sa'kin. Siya na mismo nagsabi na wag na raw eh, kaya hindi ko na siya tinatawag na kuya.

Para lang kaming magka edad.

"Nga pala ulan, 2A ka diba?" Tanong bigla ni ulap na tinanguan ko lang. "What strand did you take again rain?" Tanong naman ni kuya Storm. "STEM kinuha niyan kuya, gusto magdoktor." Sagot ni ulap.

"I see. Mom and Dad didn't interfere with you right? Because the last thing I want to see them do is pressure you again to do something you don't want to do." Tugon bigla ni kuya.

"They didn't. Ako talaga ang may gusto nito. Alam naman nila na kapag gusto ko, yun talaga gagawin ko. Nasa kanila, pati sa inyo na yung pagkakatiwalaan niyo 'ko o hindi."

"Alam mo ulan, yan ang katangian mo na gusto ko meron rin ako. You're able to stand up for yourself." Sabi bigla ni ulap. Napatingin tuloy ako sa rearview mirror saka ko siya nakitang nakangiti.

Pero hindi yun umabot sa mga mata niya.

"I know you're still mustering up the courage, Cloud." Sambit naman ni kuya Storm. "Alam kong may gusto ka ring sabihin kila Dad. Muster up that courage first. Then speak up when you're ready. I'll be on your side."

"Ako rin ulap." Sagot ko.

Sa wakas at ngumiti na rin siya, at pagkatapos nun, wala nang nagsalita pa sa'min hanggang sa makarating kami sa mall.

"Now go. We have three hours before that lunch date with their business partners. Again." May halong inis na tugon ni kuya Storm.

Kaya lang naman si kuya Storm kasama namin ngayon kasi may meeting sila Dad. At halatang halata namang wala silang tiwala sa'min ni Ulap.

Lalo na sa'kin.

"Boys Day Out pala 'to eh." Natatawang sabi ni Ulap kaya binatukan tuloy ni kuya. "Boys Day Out mo mukha mo. Saka na yun. Bago kayo magcollege ni Ulan."

Nagkatinginan naman kami ni Ulap.

"Ayyieee si kuya di kami matiis HAHAHAHHAHAHA" Sa lakas ng tawa namin pareho ni Ulap, may mga napapatingin na sa'ming mga tao.

Kuripot kasing tao si kuya, minsan lang talaga magkaganito kaya sinusulit na namin ni Ulap HAHAHAHAHAHHAA.

"Magtigil kayo o babawasan ko allowance niyo?

Ayun lang.

Natahimik kami agad at saka na nagsimulang maglakad papunta sa escalator ng mag iba na naman pakiramdam ko.

Tang-- Kinikilig ako?

Teka hindi ko alam kung kilig ba 'to o ano pero parang oo na hindi? Huh? Teka sana gets niyo pero okay lang kung hindi kasi kahit ako di ko gets.

"Huy Ulan, napapa'no ka na naman? Saka ba't namumula ka? Huy."

Namumula ako?

Pagkarating namin sa second floor, agad na lumapit sa'kin si kuya. "What the, Rain what's happening to you? Airconditioned rito at alangan namang mainitan ka."

Hindi ko rin kuya alam.

Bakit nga ba 'ko nagkakaganito?

Nagpaalam muna 'kong mag cr at naglakad na nga palayo sa kanila habang nakayuko. Ramdam na ramdam ko yung pagtibok ng puso ko at ito nga ata yung tawag nilang kilig. Pero wala naman akong rason para kiligin o kabahan.

Literal na wala, kaya bakit ako nagkakaganito?

Pagkapasok ko sa cr, pumasok ako sa isang cubicle at pinakiramdaman ang sarili ko.

Buti na lang nawala rin yun ng hindi pa nagaapat na minuto akong nasa loob.

Ng masiguro kong kalmado na 'ko, lumabas na at naghugas ng kamay at saka hinanap ulit si kuya Storm pati si Ulap.

Hindi naman ako nahirapan dahil nasa harap lang sila ng Piercing Stall. Napansin naman nila yung presensya ko at saka kami pumasok sa isang school supplies na parte nitong mall.

Habang namimili, panay naman ang tingin sa'kin ni kuya. "Kuya naweweirdan na 'ko sayo. Okay na 'ko." Sabi ko sa kanya.

"I'm jusy worried, Rain. Sa inyo ni Cloud ikaw 'tong sakitin. Yung Ulap naman bihira namang lagnatin pero pag meron, hindi halata kasi ngiting ngiti pa."

Tinawanan ko na lang si kuya at saka bumalik sa pagpili ng gamit ko.

Pero totoo yung sinabi niya. Sakitin ako. Bata pa kami ako na yung pinakamadalas bumisita sa ospital. Kaya na rin lagi nilang tinatanong kung kamusta yung pakiramdam ko.

Kasi kahiy anong oras, pwedeng mapadpad na naman ako sa ospital.

Matapos ang isang oras, nakabili na kami ni Ulap. 1st Year Architecture Student siya habang ako Grade 12 STEM student, to take up Nursing as my Pre-Med Course before taking up Medicine.

Business People naman ang mga magulang namin at si kuya Bagyo naman ang magmamana nun. Lalo na ngayong nakapagtapos na siya ng pag aaral niya. 4 years 5 years ang age gap namin ni kuya Bagyo.

Pagkatapos mamili, linagay muna namin sa kotse yung mga binili at saka bumalik sa loob para makapaglibot.

"Plates, plates, plates." Rinig kong pagpaulit ulit ni Ulap kaya napatingin ako sa kanya. "Anong meron at parang nahilig ka sa plato?"

Nagtatanong ako ng maayos tapos babatukan niya 'ko? Tama ba yun?

"Gago. Alam mo yung mga drawing, drawing baga? Plates ang tawag dun. You'll soon see me busy with plates, Rain." Sagot niya naman na tinanguan ko lang.

Kaya pala karamihan sa binili niya eh iba't ibang ruler, panukat, lapis, pangkulay, at iba't ibang papel.

Napadpad kami sa World of Fun at dun nga nagpalipas ng oras, habang si kuya nasa bookstore para bumili ng regalo para sa girlfriend niya.

"Beat you, again." Pagmamayabang ni Ulap ng matalo na naman ako sa basketball. "I may be tall, but not that inclined with sports, so obviously, you'll win." Sagot ko. Napailing naman siya. "You can try, Rain."

Kung ano ano pang laro ang sinubukan namin dun hanggang sa maramdaman kong sumakit na naman ulo ko paglabas namin sa World of Fun at paglabas sa mall.

"C-Cloud.." Mahina kong tawag sa kapatid ko habang nakahawak sa ulo ko at ng mapapikit ako. "Rain? Uy napapa'no ka? Kuya!" Rinig kong sigaw niya ng mapaupo na 'ko dahil sa sakit.

It feels like my brain is trying to remember something that isn't there.

Or so I thought.

"Rino!"

"Rey!"

"Rale!"

"Reo!

Tangina mga sino ba yan?

Sinubukan akong patayuin nila kuya na nagawa ko naman sana kaso nakatuon talaga yung atensyon ko sa sakit sa ulo kong lumalala lang.

Bakit ba 'ko nagkakaganito bigla?

"Mom we'll be at the hospital. Rain's having amassive headache right now." Rinig kong sabi ni Cloud habang hawak yung cellphone niya.

Nakasakay na kami sa kotse at unti unting nababawasan yung sakit, hanggang sa magawa ko nang maimulat yung mga mata ko.

"Rain? Masakit pa?" Tanong agad ni Cloud. Mahina akong tumango at saka huminga ng malalim.

Inabutan ako ni Cloud ng isang bote ng tubig at saka naman ako uminom. Ng makaalis kami sa parking, dun na talaga tuluyang nawala yung sakit sa ulo ko.

"Kuya.. Tuloy na tayo sa lunch date nila Dad."

Nabigla silang dalawa sa sinabi ko. "Rain we don't know what suddenly happened to you. You were sweating so much, pain was obvious in your face. We have to get you checked on." Tugon ni kuya habang nagmamaneho.

"Tama si kuya, Ulan. Alam naman na nila Dad. Saka mas importante naman yang kalusugan mo."

Ano ba kasing nangyari sa'kin? Ba't biglang sumakit yung ulo ko?

At bakit may mga pangalan akong narinig? Mga sino yun?

Nakarating kami sa ospital at pinapunta agad ako sa ER. May doktor ngang andun at saka na 'ko kinausap habang si Cloud eh nakikingitian dun sa ibang nurse at di kuya Bagyo naman nakasunod sa'kin.

Siya na ang nagpaliwanag at saka naman tumingin sa'kin yung doktor at nagsimula nang magtanong.

Pagkatapos, nagreseta siya ng ilang gamot at saka iyon kinuha ni kuya at umalis na nga kami.

Gamot na naman. Tsk.

[A/N Lianne is pronounced as (li-yan)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status