Share

04

Maaga pa lang ay naipadala na ni Hunter kay Zyline ang sketches nito na inaral niya kung ano ba ang dapat na gawin sa unit ni Mika. Wala naman halos siyang binago sa ginawa nito. He just made it lighter. Ayaw niyang kapag dadalaw siya sa condo ni Mikaela ay para siyang pumasok sa bahay ni Barney. His sister loves purple to the point that it’s already annoying.

Nanatili lang siya sa bahay dahil Linggo naman at wala siyang meeting na kailangan puntahan. Tinawagan niya si Daniel para ayain ito na uminom sana pero nasa mission pala ngayon ang pinsan niya kaya wala siyang nagawa kundi mag-isa. Si Thunder at Rain naman ay maagang ring umalis kasama si Theon, ang kanyang Mommy ay nagpunta sa salon kasama si Mikaela.

Naiwan siyang mag-isa sa bahay nila.

Great. Just great.

Sa AVR niya naisipan magpalipas ng maghapon para manuod na lang ng kung ano-ano. Tinatamad siyang lumabas kaya naman nanatili na lang siya roon. Doon na rin siya nagpahatid ng tanghalian sa kasambahay nilang hindi niya alam ang pangalan. Hindi niya tuloy mawari kung bago ba ito o sadyang wala siyang pakialam sa mga ito. 

Tinignan niya ang mga movie na pwede niyang mapanuod at hindi niya mapigilang mapamura nang makitang halos lahat ng naroon ay tungkol sa romance. 

Hindi talaga dapat nila hinahayaan si Mika na mamili ng mga ganito ng ito lamang. A walk to remember? The Notebook? The last song? 

Maganda naman daw ang mga pelikulang ‘yan base sa mga babaeng nakasama niya pero… tangina naman. He’s Hunter Dela Cruz and he’s not going to watch those movies for crying out loud. 

“Wala man lang bang porn dito?” he hissed. Napailing na lang siya. Alam niyang wala dahil si Mikaela ang madalas na gumagamit ng kwartong iyon at baka mapatay silang dalawa ni Thunder ng mommy nila kung nagkataon.

He checked his phone and checked his emails. Sa susunod na linggo pa ang dating ng ka-deal niya kaya paniguradong sa susunod na linggo ay abala siya. Wala pa man ay gusto na niyang sabihin na pagod na siya. 

He’s scrolling through his emails when a message pops in. 

It was from an unknown number. Kumunot ang noo ni Hunter nang buksan ang mensahe nito sa kanya. 

Unknown number: Can we talk? I have to ask you something about my sketches. 

Hindi alam ng binata ngunit bigla siyang napangiti nang mabasa ang text. It was from Zyline, he’s sure about that.

“Yeah, sure,” he replied and waited for her response. 

“Fuck.” Tinitigan niya ng masama ang cellphone nang wala pa rin siyang matanggap na mensahe mula sa dalaga. Halos sampung minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ito nagrereply sa kanya. Iniisip ni Hunter kung natanggap ba nito ang mensahe niya o hindi.

Should he send it again?

Ibinato niya ang cellphone sa dulo ng couch at itinuon na lang ang atensyon sa pinanunuod na pelikula. Napatingin siya ng mabilis sa cellphone nang mag-ilaw ito at agad niyang kinuha at tingnan kung sino ang nagtext. 

Brat: Kuya, may nakita akong new model ng Chevy!

Lihim niyang sinakal sa isip si Mikaela. Ano bang tingin sa kanya ng bunsong kapatid? Lumalakad na bangko?

Maya-maya'y may pumasok ulit na text sa cellphone niya. Agad niya itong tinignan.

Zyline: Okay. Where are you?

Napangiti siya. He saved her number already. “House,” he replied. Ang alam niya’y alam naman nito ang bahay nila. She replied okay and a satisfied smile appeared on Hunter’s face. Tutal ay wala naman siyang magawa, mas okay na rin na naroon si Zyline. May maiinis siya. 

Kulang isang oras ang binilang bago dumating si Zyline. Nakasuot ito ng jeans na mukhang sinira ang bandang tuhod at hanging sleeveless blouse. Litaw na litaw ang magandang kurba ng bewang nito maging ang malinis na pusod. 

Hindi napigilan ni Hunter mapalunok. 

“Hi, Ms. De Guzman,” he just smiled at her. Pormal naman ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Binago mo ang design ko?” Salubong sa kanya nito nang nakataas ang isang kilay. 

Natawa naman si Hunter sa reaksyon nito. He’s expecting that, though. 

“I just made some little changes, Ms. De Guzman, and I’m sure, walang reklamo ang kapatid ko sa ginawa ko.” Nagkibit-balikat siya bago umupo sa couch. Pinagmasdan naman siya ni Zyline na matalim ang tingin sa kanya. 

“Kung ako sa’yo ay uupo ako. Pihado’y masakit na ang paa mo sa napakataas na takong ng sapatos mo.” Ngumisi si Hunter kay Zyline na hindi pa rin nawawala ang iritasyon sa mukha. She just came from a blind date her mom set up for her. Gusto na ni Zyline na umalis ang kaso ay nahihiya siya kaya naman tiniis niya pang kausapin muna ang lalaki para ito na ang tumanggi sa plano ng magulang nilang dalawa. Hindi nito lubusang maintindihan kung bakit ba pinagtutulakan na itong magpakasal ng mommy niya.

She looked at him and heaved a sigh. Wala siyang nagawa kundi sumunod kay Hunter at umupo sa upuang naroon. Inilapag niya ang bag na hawak at ipinakita sa binata ang sketch na binago nito.

“What’s wrong with that?” Hunter asked her, as if he’s innocent. Sumandal pa ito at inilagay ang magkabilang kamay sa likod ng ulo. Napatingin naman siya sa triceps ng binata at napansin niya ang pagngiti nito kaya agad niyang iniiwas ang tingin.

Focus, Zyline.

“What’s wrong? Pinakialaman mo ang sketch na hindi naman sa’yo.” Inis na sabi niya sa binata na tila balewala naman kung galit siya o hindi. 

“Iyon ba?” Kumunot ang noo ni Hunter habang ang mga mata ay nananatili sa kanya. “Mas maganda na nga, e,” nagkibit-balikat ito. “You see, Ms. De Guzman, hindi lahat ng sa tingin mong tama, tama talaga,” may lamang sabi ni Hunter sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya rito. “What exactly do you want to say, Mr. Dela Cruz?” tanong ni Zyline sa binata habang nakataas pa rin ang kilay.

Nagkibit-balikat ulit ito. Doon lang napansin ni Zyline na naka-simpleng black shirt lang si Hunter at white shorts. Napansin din niyang naka-tsinelas lang ito.

Well, at least, malinis ang paa nito. Mukhang alaga rin. 

“I hope, puro magagandang bagay ang nasa isip mo habang sinisipat mo ako, Ms. De Guzman,” ani Hunter na nagpaangat ng tingin niya sa mukha nito. Hindi niya naiwasan pamulahan ng pisngi. Huling-huli siya nito sa pagsipat dito! 

“As I was saying… try to look at those sketches. Mas naging okay siya. Huwag mong pairalin ang pride mo at—“

“Hindi ko pinapairal ang pride ko, okay?” she hissed. Tumaas naman ang kilay ni Hunter sa dalaga na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

“Hindi nga ba?” sinundan ito ni Hunter ng mahinang tawa. Gusto namang sabunutan ni Zyline ang sarili dahil sa hindi malamang dahilan, sexy ang naging dating ng tawa ni Hunter sa kanya.

“Hindi talaga,” sagot naman niya sa lalaki. Inirapan niya pa ito ng katakot-takot para itago ang naisip. Hindi niya pwedeng ipaalam sa lalaki na may ganoon siyang naisip dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na gago si Hunter.  

“Okay,” he smiled. “Then, huwag mong pairalin ang galit mo sa akin. I can see that you don’t like me and I actually don’t know why…” tinignan siya ng seryoso ni Hunter.

Napalingon siya sa sinabi ng lalaki dahil hindi niya alam kung bakit tila nahimigan niya iyon ng lungkot. Hindi naman sa hindi niya ito gusto, ayaw lang niyang i-associate ang sarili sa binata. He took Storm away from his brother before and then dumped her after, tapos ang asawa ni Thunder ngayon na si Rain ay tinangkang agawin din nito. Hindi niya alam kung sadyang inggitero ba ito o psychotic. 

“Look, Mr. Dela Cruz, I don’t—“

“Enough with that fucking formality. Call me Hunter,” he arrogantly said. Napataas ang isang kilay niya rito, kanina ay parang malungkot ito, ngayon ay tila ito isa na namang tigre. “Bata pa lang naman ay magkakilala na tayo, Zyline. We’re not friends, I know. It won’t change the fact that we have known each other since we’re kids,” he added.

Hindi siya kumibo sa sinabi ng lalaki. Totoo naman ang sinabi nito sa kanya. Magkaibigan ang mga kapatid nila kaya kilala niya rin ang binata. Nga lamang, si Mikaela, ang bunso ng mga Dela Cruz, ang nakasundo niya dahil pareho silang nag modelo. 

“And I know your story with Cupid, too. And what you did to stop their wedding and—“

“Hindi ko alam na chismoso ka pala,” mataray na sabi niya sa lalaki. Iyon ay isang parte ng buhay niyang kung maaari lang ay gusto niyang kalimutan dahil nagsisisi siyang ginawa niya iyon kay Cupid at sa asawa na nito ngayon na si Cristine. But at least, they are happy now, with their son Kiro, na inaanak pa niya ngayon. 

“Was that a secret? Hindi ko naman alam,” he chuckled and once again, gustong sabunutan ni Zyline ang sarili dahil hindi niya maikaila na may epekto ang tawa ni Hunter sa kanya. 

“Hindi naman ako nagpunta dito para pag-usapan natin ang nakaraan dahil kung may nagawa ako sa nakaraan, sigurado ako na meron ka rin. Mas malala pa kaysa sa akin,” inirapan ni Zyline ang nakangiting binata. 

“So, chismosa ka rin pala,” ngumisi si Hunter bago kinamot ang kilay at tumingin sa kanya. “The difference is, hindi ko naman nililihim iyon. I don’t mind kung tatawagin ako ng lahat na black sheep or the beast. Boring kung magiging katulad ako ng iba.” 

Napailing na lang si Zyline. How can someone be this blunt? Hindi man lang ito marunong magfilter ng mga sinasabi nito. 

“I am here to talk about Mika’s condo and my design, not about my or your past. Like what I said, hindi ko gustong pinapakialaman ang gawa ko at—“

“Napakialaman ko na,” putol ni Hunter sa sinasabi niya kaya tumingin siya rito ng masama. “Which I don’t like,” diretsong sabi niya.

“Pero nagawa ko na,” ani Hunter na nakangiti sa kanya na tila nang-aasar pa.

“You’re so annoying, alam mo ba ‘yon?” Naiinis na sabi niya sa kaharap.

“Well, I guess, annoying is my middle name. Sometimes it’s rude, but most of the time, it’s sexy,” ani Hunter matapos ay kumindat sa kanya.

Napabuga na lang ng hangin si Zyline sa ginawa nito. Mukhang wala naman siyang mapapala sa pagpunta roon. Kinuha na lang niya ang sketch niya at ang lapis. Kung tutuusin, maganda ang ginawa ng binata sa design niya, pero hindi kasi talaga niya gustong pinapakialaman ang designs niya, higit lalo, ayaw niyang mapalapit kay Hunter. Tama na ang isang playboy na naging parte ng buhay niya. 

“Huwag mong babaguhin ang ginawa ko, Zyline. You wouldn’t like what I will do next if that eraser erase it,” ani Hunter nang nakangiti pero bakas ang pagbabanta sa tinig. Napahinga na lang ng malalim si Zyline. 

Pinagmamasdan naman ni Hunter si Zyline habang abala sa pagdadagdag pa ng kung ano sa sketch nito. Hindi niya mapigilang mapatitig sa labi nitong kumikibot kapag nagkakamali ng linya at biglang kukunot kapag may maling naiguhit. 

Naka-indian sit na ito sa sofa nila at nasa sahig ang sapatos nito.

She’s pretty. 

“We’re home!”

Lihim siyang napamura nang marinig ang boses ng kapatid. “Kaninong car ang nasa—OMG! Ate Zy!” Lumapit si Mika sa babae at nakipag beso rito. “What are you doing here? May problema ba sa condo ko? Sa design?” Sunod-sunod na tanong ng kapatid niya sa bisita. 

“Wala naman, Mika. Pinakita ko lang kay Hunter ang designs,” nag-angat ng tingin sa kanya si Zyline tapos ay bumaling muli kay Mika. “Here…” iniabot niya ang designs kay Mika at mukhang natuwa naman si Mika sa resulta noon. “Ang ganda. Thanks, Ate!” Niyakap ng kapatid niya si Zyline. 

“Oh, Zyline. Narito ka pala. Saluhan mo na kami sa dinner,” aya ng mommy nila nang makita nito si Zyline. 

“Nakakahiya naman, Tita,” nahihiyang sabi nito na tumanggi pa sa alok ng ina niya. “Ay, Ate. Huwag kang mahiya. Okay lang ‘yan. Plus, Kuya Hunter will cook our dinner today…” tumingin sa kanya si Mika, “Oh, Kuya. Bawal magreklamo. Request ni Mommy!” Pigil ng kapatid sa kanya nang magsasalita na dapat siya. 

Napahalukipkip na lang siya at napailing. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng mommy niya kaya naman tumayo na siya at pinuntahan ito. Sinulyapan niyang muli ang dalawang babaeng nakaupo sa couch na iyon at nakita niyang close talaga si Mikaela at Zyline. Bigla namang lumingon si Zyline sa kanya kaya nagtama ang paningin nilang dalawa. Hindi ito nagsalita kaya naman nagtungo na siya sa kusina at siya nga ang nagluto. 

Hustong tapos na magluto ng hapunan si Hunter nang dumating sila Thunder at ang pamilya nito kaya naman sabay-sabay silang dumulog sa hapag-kainan.

“Buti nakadalaw ka, Zyline,” nakangiting sabi ni Rain habang sinusubuan si Theon.

“She’s designing my new condo kasi,” Mikaela said. 

Napasimangot si Hunter sa sinabi nito. Siya ang nagpapunta sa dalaga, gusto niyang sabihin. Pero bakit nga ba gusto niyang sabihin? Hindi na lang siya kumibo habang napapailing.

“Masarap ba ang luto ng anak ko, Zyline?” Tanong ng ina niya sa bisita nila. 

“Opo, Tita. Masarap,” magalang na sagot nito sa ina. Napangiti siya sa narinig na compliment mula sa dalaga.

Si Zyline naman ay kanina pa naiilang sa tingin ni Hunter. Natuwa ba ito sa papuri niya? Nagsasabi naman siya ng totoo. Masarap ito magluto. Nakakabilib nga, e. Magaling magluto ang kapatid niya kaya naman napabilib siya na may ibang lalaki rin pala na magaling magluto.

Nang matapos maghapunan ay nag-aya pa silang magkape dahil iyon ang nakaugalian ng ina ni Hunter. Hindi naman siya nakatanggi rito kaya halos alas-nueve na ng gabi nang magpaalam si Zyline sa ginang. Si Thunder naman ay nasa library at may inaayos na naman na kung ano at si Rain ay pinapatulog ang anak at si Mika naman ay maagang natulog. 

“Dalasan mo ang pagdalaw, hija. Para may nakakausap naman si Mika,” ani ng ina ni Hunter sa dalaga. Ngumiti naman si Zyline at tumango. “Hunter, ihatid mo na si Zyline sa sasakyan niya.” Utos ng ina ni Hunter sa lalaki, hindi naman ito nagprotesta pa. 

“About your design…” napalingon si Zyline kay Hunter nang magsalita ito mula sa likod niya habang naglalakad sila papunta sa sasakyan ng niya. 

“What about it?” tanong niya rito. 

“It’s beautiful, actually. Binago ko lang ng kaunti dahil gusto kong maging independent ulit si Mika. Sa design mo, parang nakita ko doon na pinapakita mo na she’ll never be alone again. Ayokong paasahin mo ang kapatid ko.”

Natigilan siya sa sinabi ni Hunter at sa naging feedback nito sa gawa niya. Wala siyang planong ganoon sa kapatid nito pero naiintindihan niya ito. After what happened to Mika, alam niyang nakita nila Hunter kung paanong nasaktan ito. 

“Okay, now I understand why,” tumango-tango siya. “I have to go. Thank you sa dinner, Hunter,” ngumiti siya sa binata sa kauna-unahang pagkakataon.

“Sandali…” pigil ni Hunter sa dalaga na pasakay na ng sasakyan nito.

“Bakit?” kumunot ang noo ni Zyline habang nakatingin sa lalaki.

“I’ve been wanting to taste your lips the moment you stepped in,” nanlaki ang mata ni Zyline nang biglang yumuko si Hunter at idinampi ang labi sa labi niya. 

Mabilis lang ang halik nito at agad ding lumayo sa kanya. “Ingat. Good night,” ani ng binata bago siya iniwan sa labas ng bahay nito. 

Para siyang naestatwa sa ginawa nito.

What the hell just happened?

Hunter kissed her?

And damn… ang lambot ng labi ni Hunter!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status