Share

45

“Zyline, are you sure you’re okay to leave later?” tanong sa kanya ni Bobbie habang nakaupo ito sa may sala ng bahay ni Blue. Hanggang ngayon ay doon pa rin sila tumutuloy ng mga anak niya kahit pa nga sinabi na niya kay Blue na sa bahay na lang ng mga magulang nila sila titira ng kambal. Hindi siya kinibo ni Blue nang sabihin niya iyon kaya naman hindi na lang nagpumilit pa si Zyline. Ayaw na rin naman niyang madagdagan pa ang samaan nila ng loob ng kapatid niya. Pabebe na nga si Blue, dadagdag pa siya.

Nabanggit sa kanya ni Cyan na nasabi raw ni Cupid dito na hindi nag-uusap si Blue at Thunder kahit sa trabaho. Hindi niya maiwasang maguilty tungkol sa bagay na iyon. Gusto ni Zyline na kausapin si Thunder para naman maayos nito at ng kapatid niya ang hindi nila pagkakaintindihan. Bata pa lang ay magkaibigan na ang mga ito. They’re actually brothers from different mothers. Tinginan pa lang ng mga ito’y nagkakaintindihan na ang mga ito.

“Wala namang masama, Bobbie,” nagkibit-balikat si
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status