Share

47

Tahimik lang si Zyline habang nagmamaneho si Hunter. Nakasimangot siya habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Ibinaba niya ang bintana kaya naman humahalik sa pisngi ni Zyline ang malamig na hangin.

Huminga siya ng malalim. Kanina pa niya sinusubukan na makiusap kay Hunter na kung pwedeng tumawag kay Cyan para alamin ang lagay ng kambal at ibilin ito para na rin sabihin na kinidnap siya ni Hunter. Pero tinawanan lang siya ni Hunter. Hindi naman daw kidnapping ang naganap dahil walang pwersahang naganap.

“Gumagawa ka ng music video?” basag ni Hunter sa katahimkan. Matalim na tinitigan ni Zyline si Hunter.

“Oh, para mas dama mo…” he pushed a button and something played on the stereo and grinned.

Lego House.

“Nang-aasar ka ba talaga?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Zyline sa lalaki. Hindi mawala-wala ang mapaglarong ngiti sa mukha ni Hunter.

“Hindi. Nanliligaw lang…” ngumisi itong muli bago siya kinindatan. Zyline rolled her eyes. Humalukipkip siya at muling ibinaling ang mata sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status