Share

03

Halos pasikat na ang araw nang umuwi si Hunter. Nagpalipas siya ng gabi sa opisina para tapusin ang mga kailangan para sa deal nila sa mga Koreano na makikisosyo sa kanila. Gustuhin man niyang sisihin si Thunder dahil ito dapat ang maghanda ng mga ito, hindi niya magawa. Alam niyang abala ang kapatid sa pamilya nito na nasa bahay pa rin nila hanggang ngayon.00

Naulingan niya ang ingay sa library ng bahay nila kaya naman naglakad patungo roon si Hunter. May ilaw sa loob na siyang ikinataka ng binata.

Sino ba ang gagamit ng library nila ng ganito kaaga? Ang daddy lang nila ang alam niyang may ganyang habit pero imposible ng mangyari iyon ngayon dahil patay na ito. Lumapit siya rito at binuksang mabuti ang pinto. Napailing siya nang mapagtanto kung sino ang nasa loob.

“Seriously, Thunder? May balak ka bang manakot? Malayo pa ang araw ng mga patay.” Pumalatak siya habang nakatingin sa kapatid. Thunder’s sitting on the couch wearing his pajamas only. May nakasabit na puting t-shirt sa balikat nito at may hawak na papel na marahil at binabasa pa nito bago pa pumasok si Hunter. 

“Hayaan mo, ipagtitirik kita sa araw na ‘yon. Makakaabot ka pa,” ani Thunder sa kanya. Naisip nitong basahin ang ilang kontratang hindi nito masyadong napag-aralan dahil abala ito sa sariling pamilya. Thunder woke up early and decided to read those documents. Ayaw naman nitong magising si Rain kaya sa library ito nagpunta para magbasa. Hindi nito akalaing makikita ito ni Hunter na mukhang kakauwi lang naman.

“Where have you been?” Thunder asked Hunter. Napailing naman si Hunter at ibinagsak ang sarili sa couch. “I’ve been busy, too, brother…” he said while looking at the ceiling.. Tinanggal ang pagkakabutones ng pangalawa at pangatlong butones sa suot na polo para makahinga ng mas maayos.

“Kailan ka ba titino, Hunter?” Tanong ulit ni Thunder sa kapatid. Nilingon niya ito at saka ngumisi. “Just because you’re married now, kailangan ko na ring magtino. Masyado akong gwapo para matali sa isang babae. Love’s not true, brother. Nasa isip mo lang ‘yan o baka init ng katawan.”

“Tangina mo.” Tumayo na si Thunder at inilagay ang hawak na papel sa ibabaw ng mesa. “Huwag ka ngang naglalalapit kay Theon lalo pa kung ganyan ang maririnig niya sa’yong gago ka,” tinitigan siya ng masama ni Thunder

“But I am right, though,” he chuckled. 

“Yeah, and you’ll be damned if the girl for you will see you like that. Karmahin ka sanang gago ka,” ani Thunder sa kanya. Lumakas naman ang tawa ni Hunter dahil sa sinabi ng kapatid niya.

“Hindi mangyayari ‘yon, Thunder.” May kasiguraduhan sa tinig niya ngunit may isang partikular na mukha ang lumitaw sa isip niya. 

Agad siyang umiling upang mawala ang imaheng ‘yon. Tinignan naman siya ni Thunder. “We'll see,” anang Thunder bago lumabas ng library.

Sumandal si Hunter at ipinikit ang mata. Wala siyang balak magpatali o magkaroon ng commitment sa kahit na sinong babae pa. Okay na siyang hanggang kama lang ang relasyon at malinaw sa mga ito ang limitasyon.

Tumayo na rin siya matapos ang ilang minuto at nagtungo sa kwarto niya. Matapos hubarin lahat ng damit ay tumapat na siya sa shower upang mapreskuhan ang katawan para na rin mas mahimbing ang tulog niya. Hindi siya papasok ngayong araw para mas maayos ang kontrata. Gagawin na lang niya iyon mamaya pag gising niya. 

Matapos isuot ang boxers niya ay ibinagsak na ni Hunter ang katawan sa kama. Nakadapa siyang matutulog habang nakatodo ang aircon sa kwarto niya. Tinignan niya ang oras sa cellphone, 5 am… tantiya niya’y tanghali na siya magigising ngunit wala namang kaso dahil hawak naman niya ang oras niya. Wala naman din siyang ibang plano. Ipinikit niya ang mata at maya-maya’y iginupo na siya ng pagod at antok. 

“Kuya, wake up!” Isang boses ang tila nanggugulo sa maidlip na tulog niya kaya naman itinakip niya ang unan sa ulo. 

“Kuya!” Niyugyog nito ang balikat niya habang pilit siyang ginigising nito. Hindi niya mapigilan mapamura sa isip. “Kuya, wake up!” Malakas na sigaw ng kapatid niya na naging dahilan ng pagbato niya ng unan sa kapatid. Hindi naman niya nilakasan iyon dahil alam niyang magagalit ito sa kanya. Sapat lang para manahimik si Mikaela. “What the fuck is your problem, Mikaela Michelle?” inis niyang tanong sa babae.

“Masakit ‘yon, ha!” Pinanlakihan siya nito ng mata bago niyakap nito ang unan at nag-indian sit pa sa ibabaw ng kama niya.

He made a mental note to lock his door and add another lock to make sure Mikaela won’t be in his room whenever she wants to. Alam niyang ang master key ang ginagamit ni Mikaela. 

“Ano bang problema mo? At anong oras na ba?” tanong niya sa kapatid. Napilitan siyang bumangon at humila ng t-shirt sa drawer para isuot iyon. Hindi nila inugali ni Thunder ihantad nang ihantad ang katawan sa harap ng kapatid na babae.

“Well, it’s already 9 am. Kuya told me not to wake you but I need you!” She dramatically said while looking at him. Humiga pa ito sa kama niya. Tinignan naman niya ito. “After maxing out my credit card, may kailangan ka pa?” He asked her and shook his head. Hindi siya galit sa ginawang paggastos ni Mikaela. Nagagalit siyang naputol ang tulog niya dahil inaantok pa rin siya0. 

“No, hindi ako manghihingi ng pera, no.” Irap nito sa kanya. Umupo siya sa kama at tinignan si Mika. “So, what is it that you need this time?”

“I need you to drive me to my new condo,” she grinned at him. Nangunot ang noo niya. “What condo? You bought another condo?” He asked her with disbelief in his eyes. 

“Look, Kuya. I bought it because it’s maganda and…”

“Nag-aadik ka ba?” tanong niya rito. Ang alam niya’y may condo na si Mikaela na malimit nitong tirahan dahil doon sa bahay nila ito nakatira. Now, she bought another condo? Nag-iisip ba talaga si Mikaela? 

Sumimangot si Mika sa kapatid. “I bought it kasi it’s besides Mikael’s condo…” naulingan ni Hunter ang lungkot sa boses ng kapatid. 

It’s one of the reason why he doesn’t want to commit. Nakikita niya kung gaano kalungkot si Mikaela sa tuwing maiisip si Kerko. 

“Anong plano mo sa isa mo pang condo?” Tanong na lang niya para iiwas ang usapin sa lalaking iyon. Ayaw niyang naririnig ang pangalan ng boyfriend ng kapatid niya.

“I’m selling it.” Mikaela shrugged. “Now, I need your help to go there. You know I still can’t use my car. Ayoko namang mag-cab. So, please?” ani Mikaela na nagpapacute pa sa kanya.

Umiling siya bilang pagtanggi. “Inaantok pa ako.”

“Kuya naman, e. Dali na,” pamimilit ni Mikaela sa kanya. Itinulak niya ito pababa ng kama niya bago muling humiga at tinakpan ang ulo. 

“Kuya, itatapon ko lahat ng condoms mo kapag ‘di mo ‘ko sinamahan,” pagbabanta ng kapatid niya. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Imposibleng magawa iyon ni Mikaela dahil ayaw nitong humawak ng condom.

“Kuya, I’ll behave na, I promise.” May pagsusumamo na sa boses ni Mika. Hindi niya pa rin pinansin. 

“Kuya…” 

Nilingon niya si Mikaela at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Napamura siya ng mahina bago bumangon. “Oo na!” Angil niya rito. Alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi siya papayag. Agad namang nagtititili si Mika at lumabas na ng kwarto niya. Agad siyang naligo at nagbihis. Pagbaba niya ay nakabihis na din si Mika at naghihintay sa living room nila.

“Pwedeng kumain muna ako, Mikaela Michelle?” Sarkastikong paalam niya sa kapatid nang tumayo ito nang makita siya. 

“Okay. Malelate naman daw ang designer, e,” she smiled at him. Bumalik ito sa sofa at naupong muli at kinalikot ang cellphone. Mabilis lang siyang kumain pagkatapos ay lumabas na din. Ang Hummer niya ang ginamit nila papunta sa bagong condo ni Mika. 

“Ba’t may designer?” He asked his sister. 

“She’s actually an interior designer, Kuya. I just felt that I need her. I mean, of course, I can design the condo naman, but maybe mas maganda if expert, diba?” ani Mikaela na puno ng saya ang mukha.

Napailing na lang siya. Ang sabi ng kapatid niya ay sa coffee shop nila kakatagpuin ang designer. 

Matapos iparada ang sasakyan, sinundan na niya si Mikaela na pumasok sa loob. 

“Oh my gosh, Ate. I’m super glad you said yes!” Ani Mikaela sa babaeng kayakap na nakatalikod sa kanya. He checked on her. Mula sa likod ay masasabi niyang maganda ito… pero paano kung hindi pagharap?

“Anyway, I’m with my brother…” nakangiting sabi ni Mikaela sa kaharap. “Kuya!” she called him and smiled at him. Lumapit naman siya sa mga ito kahit na iniisip na nga niyang magpaalam na aalis na lang muna habang nag-uusap ang mga ito. He walked towards their direction and he was surprised when he saw her face.

“Kuya, you know Ate Zyline naman, diba? She’s Kuya Blue’s sister. She’s the one I am telling you earlier.” Nakangiting pakilala ni Mika kay Zyline sa kanya. “Ate Zy, he’s my Kuya Hunter.”

“Magkakilala na kami, Mika,” ani Hunter sa malamig na tinig. He thought it’s someone else. Hindi pala. Umupo na siya at binalewala ang tingin ng babaeng kaharap.

“Kuya!” Saway ni Mika sa kanya pero hindi niya pinansin. Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata na halatang sinasaway siya.

“Sorry, Ate Zy. Ginising ko kasi siya kaya masama ang timpla niya,” paghinging paumanhin ni Mikaela kay Zyline. 

“It’s okay. It’s really hard to have a brother. I feel you, Mika,” nakangiting sagot ni Zyline bago umupo. Nagtama ang mata nila at inirapan siya nito na akala naman nito ay may pakialam siya.

He ordered black coffee while Zy ordered cappuccino. Si Mika naman ay cafe latte ang inorder. Nakamasid lang siya sa dalawa habang nag-uusap. Pinapakita ni Zyline kay Mika ang mga pictures ng mga nagawa na nito.

“So you want purple and pink and strawberries?” Zyline asked Mikaela. His sister nodded excitedly. Nang magkasundo ang mga ito, nagpunta na sila sa condo unit ni Mikaela na malapit lang din naman. Maganda naman ang napili nito. Maganda ang facilities, mukhang maayos din naman ang security dahil kinausap ni Hunter ang admin sa building.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pag dedesign. Nakita ni Hunter ang mga bagong gamit sa loob. Maybe he can help with his sister’s condo. Hindi saklaw ng kaalaman niya sa architecture ang mga ganitong bagay pero baka may matulong siya. 

Paglingon niya ay si Zyline na lang ang nakita niya. Luminga-linga siya. 

“Where’s my sister?” tanong niya kay Zyline.

“She went out. Pupunta daw sa kabilang unit,” sagot naman ni Zyline. Ni hindi siya tinapunan nito ng tingin.

Napailing siya. His sister’s being dramatic again.

“You think you can do this?” he asked Zyline. Walang ibang ibig sabihin ang tanong niya ngunit mukhang iba ang naging dating kay Zyline.

“Excuse me? Anong tingin mo sa akin, Mr. Dela Cruz? Hindi ko kaya ‘to? It’s actually a piece of cake, just so you know.” Tinaasan siya nito ng kilay. 

“Whoa. I mean no harm, Ms. De Guzman. I just asked you,” sagot niya naman sa babae. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil mukhang palaban ito.

“Whatever. Huwag mo akong itulad sa’yo na puro babae at sex lang ang laman ng isip,” she once again rolled her eyes. Kumunot naman ang noo ni Hunter sa sinabi nito sa kanya. “At paanong nasali ang mga babae ko sa usaping ito?” Hindi niya napigilan ma-amuse sa kaharap. Inirapan lang siya ulit nito at hindi na sumagot sa kanya.

“I want to be involved in here,” ani Hunter na nagpalingon muli kay Zyline. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. 

“I don’t need your help. Thank you so much. May staff ako na tutulong sa akin. Hindi na kailangan ang tulong mo,” pagtanggi nito sa kanya. Hindi alam ni Zyline pero naiinis ito sa presensya ni Hunter. He’s Hunter Dela Cruz at alam ni Zyline kung gaano ka-playboy ang binata. Hindi naman ganoon kalaki ang mundong ginagalawan nila.

“Who told you I’ll help you?” tanong naman ni Hunter sa babae. Naka-krus ang braso niya sa dibdib at nakataas ang isang kilay. “Sorry to disappoint you but I’ll do that for my sister.”

Kumunot ang noo ni Zyline dahil sa sinabi ng lalaki. Nakapag-usap na si Zyline at si Mika at alam ni Zyline na okay na ang plano. Nagtataka siya ngayon kung bakit nakikisali si Hunter sa planong ito?

“Look, Mr. Dela Cruz, okay na ang plano namin ng kapatid mo which makes you out of this plan, okay?” Hindi naitago ni Zyline ang iritasyon sa boses nang sabihin iyon “Besides, I don’t think Mika will agree on that.”

Natawa naman si Hunter sa inasal ng dalaga. “Trust me, my sister will let me meddle in.” Mas napasimangot naman si Zyline dahil sa sinabi ni Hunter.

Bumalik si Mikaela makalipas ang ilang sandali. “Ate Zy, okay na?” She asked her while looking at her. Tinanguan ni Zyline ang kapatid ni Hunter bago tumingin ng matalim sa lalaki. 

“Okay, great!” Masayang sabi ni Mikaela. “Kuya, let’s go na? I’m hungry.” Aya ni Mikaela kay Hunter. 

“I want to be involved here, Mikaela,” seryosong sabi ni Hunter sa kapatid. Napalingon si Zyline dito, at gusto nitong mainis na talagang pinagpipilitan nito ang gusto nito. Nabigla naman si Mikaela sa sinabi ni Hunter. “You? Here? Why?” kunot-noong tanong nito.

He shrugged and looked at her.

“Uhm…” Mikaela looked at Zyline, as if asking her permission. Napailing na lang si Zyline at huminga ng malalim. “Okay?” Alanganing pagpayag ni Mikaela sa gusto ng lalaki. 

“So it’s settled, Ms. De Guzman. Bring your plans on my office tomorrow.” Ngumisi si Hunter kay Zyline at inirapan naman siya ng babae bilang sagot. 

Pag-alis nila ay hindi mawari ni Hunter ang nararamdaman. He’s happy and hyped. Hindi niya alam kung ano ang dahilan at bakit ganoon ang nararamdaman niya ngayon. Nanatili lang siya sa bahay maghapon at nakipaglaro sa pamangkin dahil wala naman talaga siyang ibang planong gawin. Natapos din niya ang mga dokumentong kakailanganin sa deal nila ng magiging kasosyo nila at naibigay na niya ang mga iyon sa kapatid niya. 

Kinabukasan, tanghali na nagpunta sa office si Hunter dahil kinausap pa niya ang ina. Naabutan niya sa loob ng opisina ang isa sa mga babaeng alam niyang nakama na niya noon.

“What are you doing here, Miranda?” He asked her while looking at her. Hindi ito sumagot, sa halip ay sinunggaban siya nito ng halik. Napangisi naman siya at tinugon niya naman ang mapangahas na halik ng dalaga. Ultimo ang paglulumikot ng dila nito’y ginaya niya dahilan upang umungol ito ng malakas.

Sapo ng kamay ni Hunter ang dibdib ng dalaga nang magring ang telepono sa opisina niya. Humiwalay siya pansamantalaga sa dalaga para sagutin ang tawag ngunit patuloy naman si Miranda sa paghalik sa leeg niya.

“Hello?” sagot niya sa telepono, alam niyang sekretarya niya ang tumatawag sa kanya.

“Sir, Ms. De Guzman’s here. May usapan daw po kayo,” ani ng sekretarya niya sa kanya. Agad namang pumasok sa isip niya ang mukha ni Zyline. Napangiti siya sa naisip niya. He still can play, just play.

“I have a meeting today, Miranda…” inawat niya ang dalaga na patuloy pa rin sa paghalik sa kanya.

“But Hunter…” she pouted seductively. Napangiti siya sa inasal ng babae. “I’ll just give you a ring tomorrow.” Labag man sa loob ay umalis na sa kandungan niya ang dalaga at inayos ang suot at ipinasok ang dibdib sa loob ng damit na suot. “Tomorrow, okay?” she told him. Yumukod ito at hinalikan siyang muli.

Paglabas ni Miranda ay inayos ni Hunter ang sarili. Natanggal ang pagkakabutones ng polo niya at maging ang buhok ay nagulo. Nabigla siya nang pumasok na si Zyline sa loob nang wala pang pasabi. 

“What the…” natigilan si Zyline nang makita siya. Umiiling-iling ito at tila naiinis sa nakita nito.

“I’m sorry, Ms. De Guzman. Inaayos ko pa ang aking sarili nang pumasok ka na lang bigla sa opisina ko.” Ngumisi siya habang dahan dahan pang ibinubutones ang polo. “That girl can eat me alive! Mukha na ba akong pormal sa’yo ngayon? Hindi na ba ako bastos tignan?” Tanong niya matapos niyang maibutones lahat ng butones ng polo niya.

Hindi siya sinagot ni Zyline. Sa halip, ay inilabas nito ang sketch pad at ipinakita ang plano sa kanya. “Purple and pink ang gusto ni Mika kaya iyon ang gagawin ko. I will make some part na magmumukhang strawberry ang design since she asked for it, too. Lalo na sa kwarto niya. I am planning to buy some furnitures in France, too. Plano ko din na magpapunta ng staff ko sa Canada to buy some stuffs to make her condo beautiful. May mga nakausap na rin ako para sa iba pang kailangan. So okay na ang lahat,” ani Zyline sa pormal na tinig. 

“Okay.” Tumatango-tango si Hunter sa sinabi ni Zyline.

“See, I told you, I can do this.” May pagyayabang sa tinig nito, natawa naman si Hunter dahil doon. “Sketch pa lang ‘to. Huwag kang magyabang agad.”

Inirapan na naman siya ni Zyline. “Leave this and I’ll send it back tomorrow.” Kinuha niya ang pad at pinagmasdan ang ginawa ng dalaga. 

“Okay.” Tumayo na si Zyline. “I have to go. I’ll expect it tomorrow.” Naglakad na palabas si Zyline nang tawagin niya ito, agad naman itong lumingon sa kanya. 

“Napaisip lang ako sa mga sinabi mo…” Tumingin si Hunter sa dalaga. Hindi alam ni Zyline kung bakit pero tila nanayo lahat ng buhok niya sa katawan dahil sa pagtitig ni Hunter. 

“Ano ‘yon?” tanong ni Zyline kay Hunter, pilit na pinapatay ang atraksyong nabubuo sa loob ng dalaga.

“Saan ko ipapasok? Mukhang mahihirapan ako, e. Mukhang hindi mo ako binigyan ng papasukan.”

Pinamulahan si Zyline ng pisngi dahil sa kahihiyan. Hunter’s really rude and blunt!

“Napakabastos mo talaga!” Asik ni Zyline sa lalaki. 

“What? Nagtatanong ako kung saan ako makakapasok sa plano mo dahil wala kang nabanggit na gagawin ko,” sagot naman ni Hunter habang nakangisi. Umiling-iling ito. “Hindi bale na. Makakahanap din ako ng paaran. Makakapasok ako sa ayaw at sa gusto mo.”

“Bahala ka na nga sa buhay mo!” Nagmamadaling iniwan ni Zyline ang binata. 

Hindi naman mapigilan ni Hunter matawa. At iiling-iling na bumulong… “Ang hirap makipag-usap sa virgin.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status